You are on page 1of 33

Magandang

Buhay!
Pagkuha ng Pangunahin
at tiyak na detalye
Pagkuha ng Pangunahing ideya
1. Paksang Pangungusap
-sentro o pangunahing tema/pokus sa
pagpapalawak ng ideya
-ito ang batayan ng mga detalyeng
inilalahad sa isang teksto

2 uri paksang pangungusap:


a. Lantad
b. Di-lantad
Pagkuha ng Pangunahin at Tiyak
na Detalye
2. Suportang Ideya
-mga mahahalagang
kaisipan o mga susing
salita na may
kaugnayan sa paksang
pangungusap
-tumutulong,
nagpapalawak,
nagbibigay-linaw sa
paksang pangungusap
-ito ang batayan ng
paksang pangungusap
batay sa kung ano ang
layunin ng teksto
Sa Kabataan
ni Onofre Pagsanghan
(1)Isa sa mga salitang napag-aralan
natin sa wikang Filipino ay ang salitang
“nabansot.” Kapag ang isang bagay raw
ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil
na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay
nabansot. Marami raw uri ng
pagkabansot, ngunit ang
pinakamalungkot na uri raw ay ang
pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng
diwa.
(2) Ang panahon ng kabataan ay
panahon ng paglaki, ngunit ang ating
paglaki ay kailangang paglaki at pag-
unlad ng ating buong katauhan, hindi
lamang ng ating sukat at timbang.
Kung ga-poste man ang ating taas at
ga-pison man ang ating bigat, ngunit
kung ang pag-iisip naman nati’y ga-
kulisap lamang, kay pangit na
kabansutan.
Kung tumangkad man tayong
tangkad-kawayan, at bumilog man
tayong bilog-tapayan, ngunit kung
tayo nama’y tulad ni “Bondying” ay di
mapagkatiwalaan-anong laking
kakulangan. Kung magkaroon tayo ng
katawang “Tarzan” at mapatalas ang
ating isipang sintalas ng kay Rizal,
ngunit kung ang ating kalooban
nama’y itim na duwende ng
kasamaan-anong kapinsalaan para sa
kinabukasan
(3)Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng
Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid
sa kanya sa langit ng kasaganaan at
karangalan, o hihila sa kanya sa putik
ng kahirapan at kahihiyan. Ang
panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi
bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw
ay tumutuwid tayong palangit o
bumabaluktot tayong paputik.
Tamang-tama ang sabi ng ating mga
ninunong kung ano raw ang
kamihasnan ay siyang
pagkakatandaan. Huwag nating
akalaing makapagpapabaya tayo ng
ating pag-aaral ngayon at sa araw ng
bukas ay bigla tayong magiging mga
dalubhasang magpapaunlad
Huwag nating akalaing
makapandaraya tayo ngayon sa
ating mga pagsusulit, makakakupit
sa ating mga magulang at sa
mahiwagang araw ng bukas
makakaya nating balikatin ang
mabibigat na suliranin ng ating
bansa
Huwag nating akalaing
makapaglulublob tayo ngayon sa
kalaswaan at kahalayan, at sa
mahiwagang araw ng bukas bigla
tayong magiging ulirang mga
magulang
3) Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa
bayan, ang tunay na nasyonalismo,
ay wala sa tamis ng pangarap, wala
rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na
pag-ibig ay nasa pawis ng gawa.
Pagsasanay sa pagtukoy sa paksang
pangungusap
E-mail ang sagot sa lumalalang
problema sa pagkaubos ng puno sa
gubat. Dahil hindi na
nangangailangan ng papel upang
makapagpadala ng e-mail,malaking
kabawasan ito sa konsumo ng papel
ng mundo. Nangangahulugan din ng
malaking kabawasan sa paggamit ng
punongkahoy
Sa proseso ng aborsyon tulad ng
pagpasok ng catheter at iba pang
gamit, lalo na pag isinasagawa sa
bahay o sa labas ng ospital ay
posibleng maging dahilan ng
pagkamatay. Walang aborsyon ang
may kasiguruhan sa kaligtasan at
kalusugan ng ina.
Ang pagputol ng malaking punongkahoy ay
may chain reaction sa kapaligiran. Kapag
pinutol ang mga malalaking puno ay
kasama rin nitong pinutol ang ibang
maliliit na halamang umaasa sa lilim o
lamig na ibinibigay ng isang malaking
puno. Ang mga ito ay mamamatay. Dahil
umiinit o nawawalan ng lilim ang lugar sa
tag-araw ay mabilis na matuyo ang lupa
at lalong mamamatay ang iba pang maliliit
na puno na umaasa sa lamig na ibinibigay
ng nawalang punungkahoy
Pagtukoy sa Layunin ng Teksto
Pagtukoy sa Layunin ng
Teksto
Tumutukoy ang layunin ng teksto sa kung
ano ang nais mangyari ng isang awtor sa
kanyang mambabasa.
Makikita ito sa mga salitang ginamit sa
teksto at sa paraan ng pagkakaorganisa
nito.
Pagtukoy sa Layunin ng
Teksto
Ito ay maaaring manlibang, manghikayat,
magpaliwanag, magbigay ng impormasyon,
magbigay ng kuro-kuro, magturo ng isang
paraan, magtanggol sa isang paniniwala,
magbigay ng katotohanan, magpakilala ng
kaugalian, kultura at iba pa
Tukuyin ang layunin ng awtor sa pagsulat
ng mga sumusunod na pahayag:“
Nalaman kong hindi pala exam na may
passing rate ang buhay. Hindi ito multiple
choice, identification, true or false,
enumeration o fill-in-the-blanks na
sinasagutan, kundi essay na isinusulat
araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa
kung tama o mali ang sagot, kundi base
sa kung may kabuluhan ang mga naisulat
o wala. Allowed ang erasures.” – Bob Ong
“Sa mata ng isang guro, may isang
dosenang klase lang ng high school
students. Clowns-Ang official kenkoy
ng klase. May mga one-liner na
gumigising sa lahat pag nakakatulog
na. Sabi ng ilang teacher, eto raw
‘yung mga KSP sa klase na dahil hindi
naman matalino e idinadaan na lang sa
patawa ang pagpapapansin. Pero
aaminin ko, walang klaseng walang
ganito, at kung meron man, magiging
matinding sakripisyo ang pagpasok sa
eskwela araw-araw.”-Bob Ong
“Panahon pa lang ng mga disipulo ni
Kristo uso na ang panununog ng
libro. Hanggang sa mga sandaling ‘to
paborito pa ring libangan ng ilang
makapangyarihan sa mundo ang
pagsunog sa mga sulating
sumasalungat sa paniniwala nila,
pulitikal man o panrelihiyon. Pero
para sa akin, napakasagradong
bagay ng mga libro para sirain.”-
Bob Ong
“Sa pambansang pagsusuri ng National
Book Development Board sa mga
Pilipinong may edad 18 taong gulang
pataas noong 2003, lumalabas na 94% sa
atin ang may kakayahang magbasa ng
mga simpleng salita, 90% ang
nakapagbasa na ng libro, at 68% ang
nakapagbasa na ng mga librong walang
kinalaman sa eskwelahan.”-Bob Ong
Pagtiyak sa Damdamin,
Tono at Pananaw ng
Teksto
Pagtiyak sa Damdamin, Tono
at Pananaw ng Teksto
Damdamin ng Teksto – tumutukoy sa kung
ano ang naging saloobin ng mambabasa sa
binasang teksto, maaaring saya/tuwa,
lungkot, takot, galit, pagkabahala at iba
pa
Tono ng Teksto – tumutukoy sa saloobin
ng awtor sa paksang kanyang
tinatalakay, maaaring masaya,
malungkot, seryoso, mapagbiro,
mapangutya at iba pa
Pagtiyak sa Damdamin, Tono
at Pananaw ng Teksto
Pananaw ng Teksto – tumutukoy sa punto
de bista na ginamit ng awtor sa teksto,
1. unang panauhan – ako, ko, akin, kita,
tayo, natin, atin, kami, namin at amin
2. ikalawang panauhan – ikaw, ka, mo, iyo,
kayo, ninyo at inyo
3. ikatlong panauhan – siya, niya, kanya,
sila, nila at kanila
Doon Po Sa Amin
(Teo Antonio)
Doon po sa amin, bayan ng Panique,
Mga mamamayan ay lubhang mas’werte.
Ang pulis ay pilay, ang meyor ay pipi,
Gobernor ay bulag, ang hukom ay bingi.
At may isang mutyang ginahasa noon,
Ginahasang mutya’y sa pulis nagsumbong.
Ang pulis na pilay, nagbulong sa meyor,
Na ang sinangguni’y bulag na gobernor.
Sa hukom na bingi, ang kaso’y dinala
Kaya katibaya’y tinakwil ng tenga
Doon po sa amin, sa Paniqueng sinta,
Bingi, bulag, pipi’t pilay ang hustisya
Pagkilala sa pagkakaiba ng
opinyon at katotohanan
OPINYON ay pahayag ng isang tao
hinggil sa isang paksa batay sa kanyang
paniniwala at prinsipyo.

KATOTOHANAN ay mga paktwal na


kaisipan o pahayag na hindi na mapa-
susubalian at samakatwid ay tinatanggap
na ng lahat
Pagsusuri kung valid o
hindi ang ideya o pananaw
Batayan upang masuri ang validity ng
ideya o pananaw:

1. Sino ang nagsabi ng ideya o pananaw


2. Masasabi bang siya ay awtoridad sa
kanyang paksang tinatalakay?
3. Ano ang kanyang naging batayan sa
pagsasabi ng ideya o pananaw ?
4. Gaano katotoo ang ginamit niyang
batayan? Mapananaligan ba iyon ?
HUWAG PO ........ ITAY !

IMPENG NEGRO
PAGHIHINUHA AT
PAGHULA

Paghihinuha ay tinatawag ding


inferencing. Ito ay tumutukoy sa
kakayahang tukuyin ang isang bagay
na hindi pa alam batay sa ilang clues.

Paghuhula ay tinatawag din namang


prediksyon. Hinuhulaan ang susunod
na mangyayari o magiging kalabasan
o wakas.
PAGBUO NG LAGOM AT
KONKLUSYON

LAGOM ay tumutukoy sa pinakapayak


at pinakmaikling anyo ng diskurso na
batay sa isang binasang teksto.Taglay
nito ang pinakadiwa at mahahalagang
kaisipan ng teksto.

KONKLUSYON ay tumutukoy sa mga


implikasyong mahahango sa isang
binasang teksto.
SALAMAT!

You might also like