You are on page 1of 31

Pagbasa at

Pagsusuri ng
Iba’t ibang
Teksto Tungo sa
Pananaliksik
Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto

Aralin I
Sa katapusan ng Aralin ang mga Mag-
aaral ay inaasahang…
1. Nasusuri ang binasang teksto batay sa uri nito
2. Nailalapat ang mga tiyak na karanasan at kaalaman
kaugnay sa paksa
3. Nalilinang ang kahusayan sa pagsusuri ng tekstong
binabasa
4. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang
tekstong binasa
5. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng
mahahalagang salitang ginamit iba’t ibang uri ng
tekstong binasa
Tekstong Impormatib
•Ang tekstong impormatib ay naglalahad ng mga
bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at
mga impormasyon.
•Ang mga kaalaman ay sistematikong nakaayos at
inilalahad nang buong linaw upang lubos na
maunawaan.
•Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang
tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.
Tekstong Impormatib
• Layunin nito na maging daluyan ng makatotohanang
impormasyon para sa mga mambabasa, sapagkat marami
ang nagtitiwala na may katiyakan ang mga impormasyon sa
mga ganitong uri ng teksto. Naniniwala ang mga
mambabasa na ang tekstong kanilang binabasa ay
nakapagbibigay liwanag sa mga katanungan sa kanilang
isipan. Naglalahad ito ng mga pangyayari at karanasan ng
mga tao. Nakapagpapaliwanag din ito ng mga konseptong
nakabatay sa mga tunay na pangyayari at
kapakipakinabang ang mga impormasyong inilalahad nito.
Tekstong Impormatib
•Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong
nagbibigay ng impormasyon sapagkat
napauunlad nito ang iba pang kasanayang
pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala,
pagtukoy ng mga mahahalagang detalye, at
pagpapakahulugan ng impormasyon.
•Halimbawa nito ay pagbabasa ng peryodiko,
pakikinig at panonood ng balita, mga
kasaysayan, adbertismo atbp.
Halimbawa:
Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos siyang
manutok ng baril at holdapin ng isang mag-asawang
nasiraan ng e-bike sa Navotas City. Ang dahilan ng suspek,
pinapaaral niya ang dalawa niyang anak.
Sa ulat ng GMA News Feed, mapapanood sa CCTV ang
panunutok ng baril ng suspek at pagkuha sa bag sa bag ng
ginang na sakay ng nasirang e-bike sa gilid ng kalsada.
Tekstong Deskriptib
• Ang tekstong Deskriptib ay isang uri ng paglalahad at
naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na paglalarawan. Ang
uri ng sulating ito ay naglalayon na makapagpinta ng imahe sa
hiraya ng mambabasa gamit ang limang pandama: paningin,
pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama.
• Dito maipapamalas ng manunulat ang kaniyang husay at
kakayahan sa paglikha ng isang masining na paglalarawan.
Mainam kung mapukaw nito ang atensiyon at maikintal sa isipan
ng mga mambabasa ang paglalarawan ng isang pangyayari,
karanasan, bagay, lugar, tao atbp.
• Halimbawa nito ay mga lathalain at mga akdang pampanitikan.
Tekstong Deskriptib
Uri ng tekstong Deskriptib
1. Deskriptib Impresyunistik ay uri ng tekstong
naglalarawan na nagpapakita lamang ng pansariling
pananaw o opinyon at personal na pakiramdam ng
sumulat.
2. Deskriptib Teknikal ay uri ng tekstong naglalarawan
na nagpapakita ng obhetibong pananaw sa tulong ng
mga tiyak na datos, mga ilustrasyon, at dayagram.
Halimbawa:
Maganda si Eva, Hugis mamon ang kanyang
mukha at may mamula-mulang pisngi at labi. Siya
rin ay may biloy at may matangos na Ilong. Ang
kanyang mga kilay ay makapal at ang kulay ng
mata niya’y berde. Mahaba ang kanyang buhok
na abot hanggang balikat na kinulayan niya ng
asul. Siya ay matangkad at may balingkinitang
katawan.
Tekstong Persuweysib
• Ang tekstong nanghihikayat o tekstong persuweysib ay naglalahad ng
mga mga payahag upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa
mga tagapakinig o mambabasa.
• Ito ay may layunin na maglahad ng opinyon upang ang manunulat o
tagapagsalita ay makahihikayat ng mga mambabasa o tagapakinig na
maniwala sa kanyang posisyon o punto de vista hinggil sa isang paksa.
• Kailangang sapat ang katibayan o patunay upang suportahan ang
isang isyu, paksa, o kaisipan nang sa gayon ito ay maging
kapanipaniwala.
• Ang mga halimbawa nito ay ang mga patalastas, talumpati, editoryal,
at sanaysay.
Tekstong Persuweysib
• Ito ay nahahati sa tatlong elemento ayon kay Aristotle:
1. Ethos hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika. Ito
ay tumutukoy sa kredibilidad o personalidad ng manunulat o
nagsasalita. Ang mga mambabasa ang magpapasya kung kapani-
paniwala o karapat-dapat na panigan ang tagapanghikayat.
2. Logos salitang Griyego na Logos ay tumutukoy sa pangangatwiran o
lohika na pagmamatuwid ng manunulat o tagapagsalita.
3. Pathos tumutukoy sa emosyon o nararamdaman o saloobin ng
mambabasa o tagapakinig.
Halimbawa
• Magandang gabi po sa inyo, ako po si Peter Piper,
tumatakbong chairman ng barangay 143. Simula’t sapol ay
hindi po ako umalis sa barangay natin. Habang lumalaki ay
nasaksihan ko ang bawat hinagpis ninyong aking mga
kabaranggay na hindi nabigyang tugon ng mga nagdaang
liderato. Kapag ako ang nanalo ngayong darating na
eleksiyon, sisiguraduhin kong bukas ang aking opisina para
sa lahat ng mga isyung gusto niyong bigyan solusyon. Ang
patubig na laging ibinubulong sa tabi tabi ay bibigyan ko ng
kasagutang ayon sa inyong nais. Ang kalsada nating lubak-
lubak ay gagawan ko ng proposal upang mabigyan ng
badyet. Kaya ngayong eleksiyon mga kaibigan, huwag
ninyong kalimutang ilagay ang aking pangalan, Peter
Piper po bilang inyong chariman. Iboto po ninyo ako bilang
bagong kapitan ng barangay na ito. Sinisigurado ko po, ako
na ang sagot ng inyong mga hinaing. Magtutulong po
tayong lahat. Maraming salamat.
Tekstong Naratib
•Ang pagsulat nito ay maaaring batay sa
obserbasyon o nakita ng may akda, maaari rin
namang ito ay nanggaling mula sa sarili niyang
karanasan.
•Ito ay maaaring hinango sa totoong pangyayari
sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa
kathang-isip ng manunulat (piksyon).
Tekstong Naratib
•Ang tekstong naratib ay isang uri ng
tekstong naglalayong magkuwento o
magsalaysay.
•Layunin nito ay makapagbigay–aliw o
manlibang sa mga mambabasa.
•Ang halimbawa ng tekstong naratib ay ang
maikling kuwento, alamat, at nobela.
Tekstong Naratib
Mga bahagi ng Tekstong Naratib:
1. Ekposisyon o impormasyon tungkol sa pangunahing
tauhan at tagpuan.
2. Mga komplikasyon o kadena ng kaganapan, dito nakikita
ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento,
ang papataas na aksiyon, rurok, at pababang aksiyon.
3. Resolusyon o denouement ay ang katapusan o huling
bahagi ng kuwento, rito nabibigyang solusyon ang
tunggalian o suliranin.
Halimbawa:
Nasa katamtamang estado ng pamumuhay ang pamilya ng
batang si Nicholas Cruz. Mas kilala siya sa Kalye Sampaguita
bilang si Kulas, sampung taong gulang na anak nina Julio at
Vina Cruz. Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga
kasangkapan sa bahay ang ama ni Kulas samantalang kahera
naman isang tindahan ang kanyang ina. Isang araw, habang
tinatali ni Vina ang sintas ng sapatos ng anak ay nagtaka
ito. “Nak, ba’t ang lumang rubber shoes mo ang suot mo? Di ba
binilhan ka namin ng papa mo ng bago?” tanong ng ina sa
bata. Hindi sumagot si Kulas at nagkataon naman na bumusina
na ang sasakyan na maghahatid sa kanya sa paaralan. Humalik
ito sa mama niya at dali-daling tumakbo palabas ng bahay.
“Leon, bilisan mo nariyan na iyong school bus,” sabi ni Kulas sa
nakababatang kapatid habang tumatakbo siya palabas.
Tekstong Prosidyural
• Ang tekstong prosidyural ay nagpapaliwanag kung paano
ginagawa o binubuo ang isang bagay. Naglalahad ito ng
wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin, proseso
o paraan sa paggawa. Layunin nito na makapagbigay ng
malinaw na instruksiyon o direksiyon upang
maisakatuparan nang maayos at mapagtagumpayan ang
isang makabuluhang gawain. Ang halimbawa nito ay mga
paraan sa pag-aasemble ng bagay o kagamitan, resipi sa
pagluluto atbp.
Tekstong Prosidyural
Una, kumuha ng dalwang bowl na pwede pag lagyan
ng itlog. Pangalawa, kumuha ng dalawang itlog. Ika
tatlo, paghiwalayin ang yellow at puti ng mga itlog.
Ang puti ay i lagay sa isang bowl, at ang yellow ay
ilagay sa isa pa. Lagyan ng isang kutsarang kalamay
ang puti ng itlog at haluin hanggang magging -
“whipped cream” like ang mukha nito. Lagyan ng asin
ang yellow ng itlog at haluin rin. Ihalo ang yellow na
timpla sa puti ng itlog. Lagyan ng butter ang mainit
na frying pan. Ilagay ang hinalong itlog sa low-
medium heat. Hintaying maluto.
Tekstong Argumentatib
•Tekstong argumentatib ay naglalayong
manghikayat, naglalahad ito ng mga
oposisyong umiiral na kaugnayan ng mga
proposisyon na nangangailangang
pagtalunan o pagpapaliwanagan. Ang
ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa
tanong na bakit.
Halimbawa
Ako ay sang-ayon sa pag babawal ng
paninigarilyo sa publiko bilang estudyante at
mamamayan ng Pilipinas. Ako ay sumasang
ayon dahil ang una ay napaka sama nito sa
pang sariling kalusgan. Pangalawa ay isa ito
sa sanhi ng pagapapalaki ng rate ng basura
sa buong mundo.
Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga
Teksto
•Mahalaga ang pagsusuri sa anumang babasahin
upang makilala ang uri ng tekstong ating
babasahin. Mainam na magamit natin ang ating
kaalaman sa pagsusuri ng teksto ayon sa
kabuuan nito. Maaari nating gamitin ang mga
pamamaraan sa pagbasa na ating natutuhan
gaya ng iskiming, iskaning, kaswal,
komprehensibo, atbp.
Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga
Teksto
• Karaniwan na sa isang mambabasa na sinusubukang
paraanan o iiskan ang kabuuan ng isang akda upang tayo
ay makakuha ng idea bago natin ito tuluyang basahin.
Kumokonsulta rin tayo sa mga talaan ng nilalaman
upang mabatid kung ang akdang ating babahasin ay may
kaugnayan sa mga katanungang hinahanapan natin ng
kasagutan, Mainam din na mabatid muna kung ang
nilalaman ng isang teksto ay angkop o akma sa uri o
antas ng mambabasa nito. Mahalaga din na mabatid ang
layunin, nilalaman, at maging kung sino ang sumulat ng
teksto upang matukoy ang kapakinabangang hatid nito
Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga
Teksto
• Sa pagbabasa o pakikinig mainam na masuri ng
mambabasa o tagapakinig kung ano at paano isinulat o
iniulat ang isang teksto. Kung ang isang teksto ay
kakikitaan ng mahalagang impormasyon mainam na ito
ay hanapan ng katibayan ng konsepto sa paglalahad ng
akda. Gayundin ang pag-unawa o pagpapakahulugan ng
mga salitang ginamit, ang pagsasaalang-alang sa paraan
ng pagkakasulat ng akda, at pag-unawa sa nilalaman ng
teksto, maging ang katuturan ng akda sa disiplinang
kinabibilangan nito.
GAWAIN 1.1
1. Ano-ano ang mga layunin ng mga uri ng teksto?
2. Bakit mahalagang mabatid ng isang
mambabasa ang uri ng tekstong binabasa?
3. Sa iyong palagay makatutulong ba sa iyo ang
pagtukoy sa uri ng binabasang teksto? Bakit?
Pangatwiranan.
GAWAIN 1.2
1. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng teksto ang mga sumusunod na
pahayag. Isulat sa kuwarderno ang sagot.
____________ 1. Dahil sa pagpapatupad ng gobyerno ng Enhance
Community Quarantine (ECQ) sa bansa inerekomenda ng Energy Regulatory
Commission (ERC) na baguhin ng mga power distributors ang singilin sa
kuryente.
____________ 2. Pagkailangan ng gamot, ‘wag mahihiyang magtanong. Kung
may Right Med ba nito?
____________ 3. Puno ng sapot at agiw, puno ng alikabok ang mga
muwebles na natatakpan ng puting kumot.
____________ 4. “O pagsinang labis ng kapangyarihan sampung mag-
aama’y iyong nasasaklaw! Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, hahamaking
lahat masunod ka lamang.”
GAWAIN 1.2
____________ 5. Adobong manok at baboy
A. Hiwain ang manok at baboy ayon sa nais na laki nito.
B. Ihanda ang mantika, bawang, at sibuyas
C. Gisahin ang bawang hanggang sa lumabas ang lasa at amoy nito.
D. Ihalo ang manok at baboy at hayaan muna itong magisa ng mga hanggang
tatlong minuto.
E. Maaari mo nang ilagay ang mga natitirang sangkap: suka, toyo, dahon ng laurel,
paminta, asin, at tubig para makatulong sa pagpapalambot ng mga karne.
F. Maaari ninyong tikman ang adobo para malaman kung sakto na ang alat at
asim nito. Maaari rin maglagay ng asukal para sa mga nais na manamis-namis
ang kanilang adobo.
G. Ang iba ay naglalagay ng patatas o pinya sa kanilang adobo, depende rin ito sa
inyong panlasa.
Gawain 1.3
Panuto: Tukuyin kung saan nabibilang ang mga pahayag. Isulat sa kuwaderno ang letra ng
tamang sagot.
A. Apelang Emosyonal (pathos)
B. Apelang Etikal (ethos)
C. Apelang Lohikal (logos)
D. Wala sa nabanggit
1. Gumagamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.
2. Gumagamit ng damdamin upang mahikayat ang mga mambabasa.
3. Tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat upang makumbinsi ang mga
mambabasa.
4. Gumagamit ng mga impormasyon at datos na kaniyang inilalatag upang paniwalaan
ang kaniyang pananaw o punto.
5. Pagsasalaysay ng mga kuwentong nakaaantig ng galit o awa upang mangumbinsi.
Takdang-aralin 1.2
Panuto: Basahin at unawain. Tukuyin kung tama o mali ang mga pahayag.
Isulat ang TIK kung tama at TOK kung mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Ang tekstong impormatib ay paglalahad ng mga pangyayari at karanasan
ng mga tao.
2. Mahalaga ang pagsusuri sa anomang babasahin upang makilala ang uri
ng teksto hindi na mahalagang isaalang–alang pa ang pinagkunan nito.
3. Ang tekstong persuweysib ay may layunin na maglahad ng opinyon
upang makunbinsi ang mga mambabasa.
4. Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang
nagbibigay ng instruksiyon kung paano isasagawa ang isang tiyak na
bagay.
5. Isa sa katangian ng tekstong impormatib ay ang pagtataglay nito ng iisa
lamang na estraktura.
Takdang-aralin 1.2
6. Laganap sa bansa ang karamdaman o sakit na COVID-19. Tinatayang
umaabot na sa 15,588 katao ang nagkaroon nito, 3,598 ang tala ng gumaling,
921 ang nasawi at 11,069 ang aktibo. Ang pahayag ay halimbawa ng tekstong
argumentatib.
7. Halimbawa ng tekstong prosidyural. Paano mag-apply sa balik probinsiya?
Una, magtungo sa website http://balikprobinsya.ph at i-click ang apply
button. Pangalawa, kumpletuhin ang enrolment form at i-submit. At hintayin
ang verification at tawag sa iyo.
8. Isa sa mahalagang konteksto upang maging epektibo ang pangungumbinsi
ay ang mahusay na paggamit ng wika sa pagpapahayag.
9. Ang tekstong naratib ay paglalahad ng mga pangyayari na pawang
katotohanan lamang.
10.Mahalaga ang malinaw na pagbibigay ng intruksiyon sa paggawa ng
tekstong prosidyural
Paalam at Maraming
Salamat sa Pakikinig
Grade 11 ☺

You might also like