Professional Documents
Culture Documents
: 00
VISION MISSION
A center of human development committed to the pursuit of wisdom, truth, Establish and maintain an academic environment promoting the pursuit of
justice, pride, dignity, and local/global competitiveness via a quality but excellence and the total development of its students as human beings,
affordable education for all qualified clients. with fear of God and love of country and fellowmen.
GOALS
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa aims to:
1. foster the spiritual, intellectual, social, moral, and creative life of its client via affordable but quality tertiary education;
2. provide the clients with reach and substantial, relevant, wide range of academic disciplines, expose them to varied curricular and co-curricular
experiences which nurture and enhance their personal dedications and commitments to social, moral, cultural, and economic transformations.
3. work with the government and the community and the pursuit of achieving national developmental goals; and
4. develop deserving and qualified clients with different skills of life existence and prepare them for local and global competitiveness
MODYUL 1
PAGBASA
4.Integrasyon
Teoryang Interaktib
Kombinasyon ng teoryang top-down at bottom -up.
Teoryang Iskema
Bawat bagong impormasyong nakukuha ng pagbabasa ay naidaragdag sa dati
nang iskima.Bago pa man basahin ng mambabasa ang teksto ay may taglay na siyang
ideya sa nilalaman ng teksto.
DECODING
ENCODING
Inuunawa, inaayos at binibigyang-anyo ang tekstong binasa.
2 DIMENSYON NG METAKOGNISYON
1. Ang kaalaman ukol sa sariling kaugnayan sa mga kailangan sa pagsasagawa
ng gawaing pagbabasa.
2. Pagmomonitor sa sarili.
Ang mga tekstong ito ay may sariling rejister ng wika na kailangang maunawaan ng
mga mambabasa. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit gumagawa ng paraan ang ilang
manunulat na maintindihan ng mambabasa ang kanilang teksto.
KASAYSAYAN
Isang disiplina ang kasaysayan. Ito ay mga tala ng lumipas, ng mga pagbabagong naganap sa
bawat panahon ng isang bansa. Nagsisilbing tulay ang kasaysayan sapagkat nagagawa nitong pag-
ugnayin ang nakaraan sa kasalukuyan patungo sa hinaharap.
Sa pag-aaral ng kasaysayan ng isang bansa, dapat na may alam sa heograpiya nito. Ang
tungkol sa Klima, mga likas na yaman, katubigan, kalupaan, ay may malaking epekto sa
pamumuhay, mga kaugalian at kaasalan ng mga tao.
PAGBASA NG TEKSONG PANG-MATEMATIKA AT PANG-AGHAM
Lahat ng kurso sa agham at matematika ay nakasalalay sa mga pangunahing tesbuk gaya ng
teksbuk sa agham na produkto ng ilang taong pagsasagawa ng eksperimento at paghahanap ng
kasagutan.
Tekstong Propesyonal
Ang tekstong propesyonal ay yaong mga teksto na nagdaan sa mabalasik na pareresirts at ito
ay para sa mga taong ang gustong pag aralan ay yaong mga bagay na makakatulong upang maging
malawak ang kanilang kaalaman gaya ng mga abogasya at medisina dahil ito ay nakakatulong upang
kanilang malaman ang mga bagay na mga patunay o pinatutunayan ng mga akda.
Halimbawa ng mga disiplinang nasa ilalim ng tekstong Propesyonal
1. Medisina – Ito ang pag-aaral sa panggagamot. Mapag-aaralan sa medisina ang iba’t ibang uri ng
sakit, sari-saring mga gamut, o pamamaraang medikal na maaaring gamitin o gawin upang gumaling
ang isang taong maysakit.
2. Inhinyeriya – tumutukoy ito sa paggamit ng agham sa desinyo, paggawa at pagpapatakbo ng mga
makina.
3. Arkitektura – nakatuon ang pag-aaral ng arketiktura sa pagpaplano, pagdidisenyo, at
pagpapatayo ng mga gusali at iba pang pisikal na estruktura.
4. Pisika- sap ag-aaral ng pisika, matututuhan ng mga estudyante kung ano ang gamit ng mga payak
na makina na pinatatakbo sa mga pabrika. Ang pisika ay ang agham hinggil sa bagay at enerhiya sa
kalagayan ng musyon sa force, motion, gravity, at iba pang siyentipikong konsepto upang mas
maunawaan kung paano gumagalaw ang mga bagay na likas o gawang -tao na nakikita sa ating
paligid.
5. Kimika- sa pag-aaral na ito, matututuhan ng mga mag-aaral ang iba’t ibang elemento at ang mga
sangkap na bumubuo sa mga kemikal.
6. Biyolohiya – Galing sa salitang BIO(buhay) at LOGOS(pag-aaral)ang biyolohiya (biology). Sa
disiplinang ito, pinag-aaralan ang mga bagay na may buhay tulad ng mga halaman, hayop, at tao.
7. Arkeolohiya (Archeology ) -hango sa salitang arkhaios (sinauna) at logos (pag-aaral) ang
arkeolohiya. Matututuhan ng mga mag-aaral ang mga pinagmulan ng mga sinaunang kabihasnan
Tekstong Ekspositori
Deskriptibong Teksto
- ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng informasyong may kinalaman sa pisikal na
katangian ng isang tao, lugar, bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong
na ano.
Halimbawa: mga lathalain, mga akdang pangpanitikan.
Persuweysib na Teksto
- Tekstong nangungumbinse o nanghihikayat. Halimbawa: mga nakasulat na
propaganda sa eleksyon, mga advertisement.
Naratibong Teksto
- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalayasay
Halimbawa: mga akdang pampanitikan.
Argumentatibong Teksto
- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na kaugnayan ng mga
proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.Ang ganitong uri ng teksto
ay tumutugon sa tanong na bakit.
Depinisyon
Isang paraang eksposisyon na tumatalakay o nagbibigay kahulugan sa isang salita.
Sa pagbibigay ng definisyon, tinatalakay din ang isang bagay o paksa, kasama ang mga
pagkakatulad o pagkakaiba nito sa ibang bagay.
Maaaring ito ay pormal o di-pormal.
Denotasyon
Karaniwang kahulugang dala ng diksyunaryo o salitang ginagamit sa
pinakakaraniwan at simpleng pahayag.
Hal: Berde ang kanyang damit.
Konotasyon
Di-tuwiran ang kahulugan. Nagkakaroon ng ikalawang kahulugan ang salita o
pahayag. Sinasabi rin na ito ay pansariling kahulugan ng isang tao.
Hal. Berde ang utak niya.
Pag-iisa-isa
Pagtatalakay sa pangunahing paksa at pagbabanggit ng mga kaugnay at mahahalagang salita.
Isa sa halimbawa nito ay ang ibinibigay na pagsusulit sa klase lalo na kung ito ay objective,
Pagsusunod-sunod
Masasabing ito ang pinakasimpleng paraan ng pagsasaayos ng teksto. Ang mga ideya nito ay isa-
isang inilalahad o tinatalakay sa teksto.
Sekwensyal
Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, nobela,talambuhay,dula, balita
atbp. na hahantong sa isang konklusyon. Karaniwang ginagamitan ito ng mga salitang una,
pangalawa, pangatlo, susunod at iba pa. Ito ay karaniwang ginagamit kung ang mga pangyayari
ang pinagsusunud-sunod, tulad ng mga kwento, balita at iba pa.
Kronolohikal
Pagsusunud-sunod ng mga impormasyon at mahalagang pangyayari ayon sa kung kailan
nangyari ito.
Payak na halimbawa nito au ang kasaysayan ng isang bansa o mahalagang pangyayari ng
mundo.
Karaniwang ito ay may petsa gaya ng tiyak na araw at taon upang malaman kung kailan
nangyari ang kasaysayan.
Prosejural
Ang pagsusunud-sunod ay prosejural kung may hakbang o prosesong isasagawa.
Maaaring ito ay kung paano gawin ang isang bagay gaya ng pagluluto at pagsunod sa
direksyon.
Pagsusuri
Sa paraang ito ay kailangan ng paglilista ngunit ang naitalang detalye ay susuriin pa. Ang
mga sangkap na sinusuri ay pinaghihiwalay at ipinaliliwanag.
Paghahambing at pagkokontrast
Sa paraang ito, may dalawang bagay, kaisipan o pangyayariang pinaghahambing. Iba-
ibang anyo ang nagagamit sa pamamaraang ito.
Ginagamit sa pagpapahayag, mga kahigitan o kalamangan ng isang bagay sa iba ang
hulwarang ito.
Kinakailanagn nito ang maingat na pagbasa ng mag-aaral sateksto upang maunawaan niya ang
nilalaman. Hindi dapat na isaulo ang nilalaman ng binasang teksto sapagkat maaaring bigyan ng
paghahambing at contrast ang tungkol sa dalawang paksang maaaring ibig tukuyin ng awtor sa
Sanhi at Bunga
May mga akda na ginagamitan ng sanhi at pinagmulan para mabuo ito. May mga paksang
naipaliliwanag o matatalakay kung babanggitin ang pinanggalingan o sanhing pinagmulan.
Tandaan na hindi lahat ng pagkakatao’y nauuna ang sanhi kaysa bunga. Isiping lagi ang ganito:
“Anong ideya o pangyayari ang unang naganap (sanhi)? Ano ang kinalabasan (bunga)?
May mga palatandaang salita na dapat alamin sa mga pangungusap/pahayag ang sanhi at bunga.
Ang mga salitang ito ay ang kaya, dahil sa, nang, buhat at iba pa.
Suliranin at Solusyon
Sa mga salitang katulad nito, problema ang unang inilalatag. Matapos malaman ng
pangkalahatang suliranin ay magkakaroon nang paglalahad sa mga paraan o solusyon na resulta
sa pag-aaral.
1. Paksang Pangungusap
sentro o pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya
2. Suportang Detalye
tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay-linaw sa paksang pangungusap.
Pangunahing Ideya
Kung ano ang nais mangyari ng awtor sa kanyang mambabasa. Mahihinuha ito sa mga
salitang ginamit sa teksto at sa paraan ng pagkakaorganisa nito.
1.Damdamin- Kung ano ang naging saloobin ng mambabasa sa binasang teksto (saya/tuwa,
lungkot, takot, galit, pagkabahala at iba pa.)
a. Unang Panauhan – ako, ko, akin, kita, tayo, natin, atin, kami, naming at amin
b. Ikalawang Panauhan- ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo, at inyo
c. Ikatlong Panauhan- siya, niya, kanya, sila, nila at kanila
Katotohanan Opinyon
Ayon sa mga mananaliksik, lahat ng mga pananaw ng isang tao ay tama, hindi dapat
sabihing mali sapagkat ito ay batay sa kanyang nararamdaman, obserbasyon o sabohin na
nating maaaring naranasan na niya ang isang pangyayari na nagging batayan upang
makabuo ng isang ideya. Ang mga ideyang ito habang lumalaon ay lumilikha ng isang
reaksyon, opinion o paniniwala.
Malaki ang kaugnayan ng mga bagay na ito upang masuri kung valid o hindi ang
ideya mula sa tekstong binasa.
Paano nga ba gagawin ang pagsusuri?
Una, tingnan kaagad kung ano ang kaugnayan ng pamagat sa mga bahagi ng
binasang teksto. May kaugnayan bai to sa panimula, gitna o pangwakas na bahagi ng
teksto?
Ikalawa, upang mabago ang istilo ng paglalahad, may isiningit bang mga pahayag na
makapagpapalito sa pag-unawa ng mambabasa/
Ikatlo, bagama’t ang mga ideya o pananaw ay itinituring na walang mali, may mga
batayan ba na nagging daan upang ipahayag ang ideya o pananaw. Halimbawa, sinong tao
ang nagsabi? Saan kinuha ang istadistika? Ibig lamang sabihin, gaano katotoo ang mga
ginamit na batayan.
Ayon kay Rufino Alejandro, may ilang paraan upang matrukoy ang dapat na nilalaman
ng isang teksto. Pinaniniwalaan ko na makatutulong ang mga paraang ito upang masuri kung
valid o hindi ang ideya o paniniwala sa tekstong binasa.
Paghahamlimbawa. Ito’y parang pagkukwento. Dalawa ang uri nito, ang halimbawwang
palagay lamang at hallimbawang hango sa tunay na pangyayari. Mangyari pa, itong huli
ang higit na mabisa.
Pagbanggit sa mga tunay na pangyayari. Ang mga ito ay hindi na ikukwento, sapat
na ang banggitin na lamang.
Paghihinuha (Inferencing)
Tumutukoy sa kakayahang tukuyin ang isang bagay na hindi pa alam batay sa ilang clues.
Clues: Pamaagat ng Teksto, mga larawan sa binasang teksto.
Paghula (prediksyon)
Ang isang matalinong mambabasa ay nakakagawa ng halos akyureyt na hula kung ano ang susunod
na mangyayari o maging ang kalabasan o wakas.
Lagom o Buod
Tumutukoy sa pinakapayak at pinakamaikling anyo ng diskurso na batay sa isang binasang teksto.
Taglay nito ang pinakadiwa at mahalagang kaisipan ng teksto.
Konklusyon
Tumutukoy sa mga implikasyong mahahango sa isang binasang teksto.
Ang mapa, tsart, graph at talahanayan ay mga presentasyong biswal na kadalasang ginagamit bilang
pantulong sa isang tekstong. Sa tulong ng mga ito, nagagawang payak at mas madaling unawain ang
mga datos na inilalahad sa isang teksto.
Tsart – Ang tsart ay nagpapakita ng dami o estruktura ng isang sistema sa pamamagitan ng hanay
batay sa hinihingi o ibibigay na impormasyon.
Guhit na Grap o Layn Grap – Binubuo ng iba’t-ibang anyo ng linya. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng
pagbabago o pag-unlad. Ang patayo at ibabang linya ay may kaukulang pagtutumbas. Gamit ang
linya at tuldok tinutukoy ang interbal, bilis, bagal o tagal ng mga bagay (salik) na nakatala sa bawat
gilid.
Bilog na Graph o Pie Graph – Itoý sumusukat at naghahambing ng mga datos o impormasyon sa
pamamagitan ng paghahati-hati nito.
Mental na aktibiti, sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang
tiyak na metodo ng debelopment at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng gramar na
naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit.
Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao. (William
Strunk, E.B White)
Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay
hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. (Kellogg)
Proseso ng Pagsulat
Ang proseso ng pagsulat ay mahahati sa iba’t- ibang yugto. Ang mga yugtong ito ay ang mga
sumusunod: Prewriting Writing Revising Editing
Ang mga yugtong ito ay sunod-sunod ayon sa pagkakalahad, ngunit importanteng mabatid na
ang mga propesyunal na manunulat ay hindi nagtratrabaho nang hakbang–bawat-hakbang.
Makabubuti, kung gayon , na ipalagay na ang pagsulat ay isang prosesong rekarsib at
ispayraling, kayat ang mga manunulat ay bumabalik-balik sa mga yugtong sa mga yugtong ito
ng paulit-ulit sa loob ng proseso ng pagsulat ng isang teksto.
Halimbawa, matapos ang ikalawang yugto o paglikha ng burador, ang isang manunulat ay
maaaring bumalik sa unang yugto, ang prewriting at magsagawa ng karagdagang
pananaliksik. Matapos ang editing, ang ikaapat na yugto, ang manunulat ay maaring bumalik
sa yugto ng rebisyon at reorganays ang materyal.
Proseso ng Pagsulat
Prewriting
Sa pagsulat ng unang burador, importanteng hindi mawala ang momentum sa pagsulat. Kung
gayon, mas mabilis mong maisasalin sa papel ang mga salita ng mas mabuti. Dahil nais mong
makasulat nang mabilis sa yugtong ito, huwag mo muna alalahanin ang pagpili ng mga salita,
istraktura ng pangungusap, ispeling at pagbabantas. Pagtuunan na lamang ito ng pansin
matapos maisulat ang buong unang burador.
Maaaring akalain na matapos maisulat ang unang burador ay tapos na ang proseso ng
pagsulat. Ngunit maging mga batikang manunulat ay nangagkakaisa sa pagsasabing maging
sila’y nagkakamali rin sa pagpili ng mga salita, pag-oorganisa ng pangungusap, pagbabaybay
o pagbabantas kahit paminsan minsan. Paulit-ulit pa rin nilang binabasa ang kanilang unang
burador, ineebalweyt ang kanilang akda at hinahamon ang kanilang sarili na mapabuti pa ang
presentasyon ng kanilang mga ideya. Dito pumapasok ang yugtong rebisyon at editing.
Revising
Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning
pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento. Maaaring sinusuri ng isang manunulat dito ang
istraktura ng mga pangungusap at lohika ng presentasyon. Maaaring ang isang manunulat ay
nagbabawas o nagdaragdag dito ng ideya. Maaari ring may pinapalitan siyang pahayag na sa
palagay niya’ y kailangan para sa pagpapabuti ng dokumento.
Editing
Ito ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling,
gramar, gamit at pagbabantas. Ang editing ang pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat
bago maiprodyus ang pinal na dokumento.
Sa pang-araw-araw nating pagharap sa buhay, hindi maitatanggi na may ilang ginagawa tayo
na mas mabisang maipapahayag ang sa paraang pagsulat ang higit sa pagsasalita. Katulad
sa mga gawaing pagpapautang, pakikipag ugnayan sa mga taong nasa malayong lugar,
pagpapatibay sa mga kasunduan, at pagtatapat ng pag-ibig sa taong minamahal na hindi
magawang sabihin ay madaling naisasagawa bilang patunay sa pamamagitan ng pagsulat.
Mula sa ating pagsulat… mula sa sinusulat ng iba, tayo’y natututo. Nagagawa nating sumabay
sa takbo ng mundong ito. Nabibigyan tayo ng pagkakataong mapunan ang puwang sa ating
pagkatao upang makadama ng kaligayahan.
Pansariling Pagpapahayag
Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, nabasa o naranasan. Sa
layuning ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y mapapakinabangan. Ilan pa
sa mga halimbawa nito ang pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at iba pa.
Impormasyunal na Pagsulat
Kung sa unang layunin ang makikinabang ang nagsusulat, dito ang makikinabang ay
ang tao. Ginagawa ang pagsulat upang mapaabot ng mensahe sa mga kaparaanang
nangangatwiran, nagpapayo, nagpapaliwanag at iba pa. Ilan sa mga halimbawa nito ay
memorandum, rebyu at riserts.
Malikhaing Pagsulat
Ang makikinabang dito ay ang sarili at ibang tao. Sa tulong ng imahinasyon at
kapangyarihan ng rehistradong wika, nagagawa ng manunulat na ilarawan ang uri ng lipunan
na kanyang ginagalawan. May kakaibang lakas ang mga salitang ginagamit dito upang
ipadama sa mambabasa ang panoramikong larawan ng buhay.Ilan sa halimbawa nito ang
alamat, dula, at iba pa. (ESG)
Pagtatalata
Upang maging epetibo ang isang talataan, kailangang taglayin nito ang mga sumusunod na
katangian:
Kaisahan
Kohirens
Empasis
Kaisahan
Nangangahulugang pagkakaroon ng isang ideya sa loob ng talata. Upang makamit ito:
a) Tukuyin ang ideyang nais mong idebelop;
b) Ipahayag ang ideyang ito sa isang pamaksang pangungusap na maaari pang idebelop ayon
sa iyong layunin; at
c) Suportahan ang pamaksang pangungusap ng mga pangungusap na makadebelop sa
ideya.
Kohirens
Ito ay tumutukoy sa pagkakauganay-ugnay ng mga bahagi sa loob ng isang talataan. Sa lebel
ng pangungusap, tumutukoy ito sa pagkakasundo ng paksa at panaguri; sa lebel ng talata,
tumutukoy ito sa kohisebnes ng daloy ng mga pangungusap sa talataan.
Empasis
Ito naman ay tumutukoy sa pagbibigay ng angkop at sapat na diin sa bahagi ng
komposisyong nangangailangan niyon. Makakamit ito sa pamamagitan ng:
a) pagtukoy ng mga ideya o bahagi ng talataang dapat bigyan ng diin
b) epektibong pagpili ng metodo ng pagbibigay-diin (sa pamamagitan ng posisyon o
proporsyon); at
c) Epektibong paggamit sa napiling metodo ng pagbibigay-diin.
2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba't ibang uri ng teksto na
magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.
Ang mag-aaral ay nararapat na nagtataglay ng tatlong antas ng pag-unawa sa pagbasa. Una, ang
pagkakaroon ng literal na pagpapakahulugan kung saan ang mambabasa ay nakauunawa ng mga
salita ng wikang ginamit. Pangalawa, pagbasa nang may pag-unawa. Ang mag-aaral ay
nakapagbibigay ng pagpapakahulugan gamit ang paghihinuha at komprehensiyon sa ipinapahayag
na mensahe ng awtor. Pangatlo, pagbasa nang may aplikasyon. Matapos ang pagbasa, dapat ay
naisasagawa sa isang pagkilos.ang mensahe ng teksto na maaaring pasulat o pag-uulat.
5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba't ibang anyo ng
akademikong sulatin.
Inaasahang mapahuhusay pa ang kasanayan ng mag-aaral upang makasusulat ng iba’t ibang
sulatin sa larangan ng akademikong pagsulat.