You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

IKATATLONG MARKAHAN
I. Layunin
a. Niahahambing ang mga katangian ng bugtong at palaisipan.(F7PB-IIIa-c-13)
b. Nalalaman ang kahulugan ng bugtong st palaisipan.
c. Nakakalikha ng isang kakaibang bugtong at palaisipan.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Bugtong at Palaisipan
b. Sanggunian: Pinagyamang Pluma pp. 285-286
c. Kagamitan: kagamitang panturo
d. Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang bugtong at palaisipan.

III. Pamamaraan
A. Balik-Aral
1. Ano ang dalawang kaalamang bayan na itinalakay noong nakaraan?
2. Ano ang tulang panudyo?
3. Ano ang tugmang de gulong?
4. Magbigay ng halimbawa ng tulang panudyo at tugmang de gulong

B. Pangganyak
Pagpapakita ng halimbawa
1. Nagtago si Pilo
Nakalitaw ang ulo
Sagot: Pako
2. May balbas ngunit walang mukha
Sagot: Mais
3. Ate mo, ate ko.
Ate ng lahat ng tao.
Sagot: Atis
4. Nang munti pa ay paru- paro,
Nang lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw
Gabay na tanong
1. Ano ang napansin niyo sa mga nakasulat?

C. Paglalahad
Bugtong- ito ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan, binibigkas ito nang
patula at kalimitang maiksi lamang. Karaniwang itong nilalaro noon sa mga lamay
upang magbigay aliw sa mga namatayan. Ngunit ito ay kinagigiliwan narin laruin
kapag may handaan o pista.
Halimbawa:
Tumingin ka saakin,
Ang makita mo’y
Ikaw din.
Sagot: Salamin
May paa’y walang
Baywang, may likod
Walang tiyan
Sagot: Upuan
Malambot na parang ulap,
Kasama ko sa pangarap.
Sagot: Unan
Ang anak ay nakaupo na,
Ang ina ay gumagapang pa.
Sagot: Kalabasa
Palaisipan- ito ay nasa anyong tuluyan, launin nitong palawakin at pasiglahin ang
kasipan ng mga taong nagkakatipon sa isang lugar.
- ito ay pampalipas oras ng ating mga ninuno.
Halimbawa:
Maliit pa si kumare, marunong ng humuni
Sagot: Kuliglig
Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: Anino
Nang aking bilhin ito ay parisukat, nang aking buksan ito ay naging pabilog. At
nang aking kainin ito ay naging tatsulok.
Sagot: Pizza Pie
Kung sa isda ito ay dagat, kung sa ibon ito ay pugad, lungga naman kung sa
ahas,kung sa tao, ano ang tawag?
Sagot: Tahanan
Nang isang karera ka, ikaw ay nasa ikaapat na puwesto nahabol mo ngayon ang
nasa ikatlong puwesto. Anong puwesto mo na ngayon?
Sagot: Ikatlo

D. Talakayan
1. Ano ang kahulugan ng bugtong?
2. Ano ang kahulugan ng palaisipan?
3. Ano ang pagkakaiba ng dalawang kaalamang bayan?
4. Magbigay ng halimbawa ng palaisipan.

E. Gawain
Pangkatang Gawain
Panuto: Gawin lamang ito sa loob nang 10 minuto.

I. Lumikha ng sampung halimbawa ng bugtong.


II. Lumikha ng limang halimbawa ng palaisipan.
III. Sasagutin ang mga bugtong na ginawa ng unang pangkat.
IV. Sasagutin ang mga palaisipan na ginawa ng ikalawang pangkat.
F. Paglalahat
1. Ano ang bugtong?
2. Ano ang palaisipan?
3. Ano ang pagkakaiba ng bugtong at palaisipan?
4. Magbigay ng halimbawa ng bugtong at palaisipan?

G. Paglalapat
1. Bilang mag-aaral, ano ang magandang naidudulot ng bugtong at palaisipan sa
inyong pag-aaral?

IV.Ebalwasyon
Panuto: Ihambig ang katangian ng bugtong at palaisipan, gamit ang Venn Diagram.

Bugtong Palaisipan

Pagkakatulad

V.Takdang Aralin
Panuto: Magbigay ng tiglilimang halimbawa ng bugtong at palaisipan. Isulat ito sa
inyong kwaderno.

You might also like