You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Ikatatlong Markahan

I. Layunin
a. Nasusuri ang mga elemento ng mito(F7PB-IIId-e-16)
b. Napapahalagahan ang paggamit ng elemento ng mito sa paggawa ng kwento.
c. Maibubuod ang hukuman ni Sinukuan.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Elemento ng Mito
b. Sanggunian: Pinagyamang Pluma Pp. 329
c. Kagamitan: Powerpoint Presentation
d. Pagpapahalaga:Napapahalagahan ang paggamit ng elemento ng mito sa paggawa ng kwento

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
1. Sino-sino ang mga tauhan sa ang Hukuman ni Mariang Sinukuan?
2. Saan naganap ang kwento?
3. Sino ang diwata sa kwento?

B. Pagganyak
Panuto: ayusin ang mga nagkagulong salita.
1. ABNGYAH
2. UPANGTA
3. HUANTA
4. MTEA
5. AARL

C. Paglalahad
Mito- anyong panitikan na kung saan tumatalakay sa mga diyos o diyos na mayroong kakaibang
kapangyarihan.
Elemento ng Mito
A. Tagpuan- salamin ng sinaunang lugar at kalagayan ng bansa kung saan ito umusbong.
B. Tauhan- mga tao o tagaganap sa kwento, kadalasan ay ang mga diyos o diyosa na mayroong
kakaibang kapangyarihan.
C. Banghay- ito ay ang pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan at pangyayari sa kwento.
Limang bahagi ng Banghay
1. Panimulang Pangyayari- Dito nagaganap ang pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at suliraning
kahaharapin.
2. Papataas na Pangyayari- Sa bahaging ito nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang suliraning
magpapasidhi sa interes o kapanabikan.
3. Kasukdulan- Pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang kaniyang
suliranin.
4. Pababang Pangyayari- Sa bahaging ito nalulutas ang suliranin at natatamo ang pangunahing tauhan
ng layunin.
5. Resolusyon- Sa bahaging naman ito nagkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang wakas.

D. Aral- mga payo, turo, at mga leksyon na natutuhan sa isang kwento.


D. Pagtatalakay
1. Ano ang mito?
2. Magbigay ng mga halimbawa ng mito.
3. Ano ang elemento ng mito?
4. Ano ang limang bahagi ng banghay?

E. Gawain
Pangkatang Gawain
I. Ibuod ang” Hukuman ni Sinukuan”
II. Isa-isahin ang mga tauan sa mito, at ipaliwanag ag tema o aral.
III. Iguhit ang tagpuan ng “Hukuman ni Sinukuan”

F. Paglalahat
1. Ano ang mga elemento ng mito?
2. Magbigay ng halimbawa ng mga elemento ng mito
3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon g mga elemento sa paggawa ng isang kwento?

G. Paglalapat
1. Bilang mag-aaral paano ka nakaggagawa ng isang maayos at magandang kwento?

IV. Ebalwasyon
Panuto: Suriin ang pahayag at alamin kung anong elemento ng mito ito.
1. Sila ang mga gumaganap sa kwento.
2. Ito ay ang ating makukuhang mga payo, o leksyon.
3. Ito ay bahagi na banghay kung saan napapakilala ang mga tauhan o tagpuan.
4. Ang elemento ng mito na kung saan nakapagsunod-sunod ng mga pangyayari.
5. Sa elementong ito nagaganap ang pangyayari sa kwento.
6.
V. Takdang Aralin
Panuto: Basahin ang Hukuman ni Sinukuan at tukuyin ang elemento ng mito.

You might also like