You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPIN0 7

IKATATLONG MARKAHAN

I. Layunin
a. Naipapaliwanag ang ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental na
intonasyon o tono.
b. Natutukoy ang layunin ng mga salita batay sa wastong intonasyon o tono
c. Naisasadula nang may wastong tono ang mga pahayag.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Ponemang Suprasegmental na Intonasyon o Tono
b. Sanggunian: Panitikang Rehiyonal 7 pp. 200- 201
c. Kagamitan: Powerpoint Presentation
d. Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang paggamit ng intonasyon o tono.

III. Pamamaraan
A. Balik Aral
1. Ano-ano ang kaalamang bayan na itinalakay? Magbigay ng halimbawa.
 Tulang panudyo
 Tugmang de gulong
 Bugtong
 Palaisipan

B. Pangganyak
Magpapakita ng larawan

1. Ano ang tawag sa kanila?


2. Ano ang kanilang mga gawain?
3. Gaano kahalaga ang kanilang mga trabaho sa mga tao?
4. Anong mangyayari kung mali ang impormasyon na kanilang maibigay?
C. Paglalahad
Intonasyon o Tono
-Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na inuukol sa pagbigkas ng pantig ng salita na
maaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita upang higit na maging mabisa ang
ating pakikipag-usap maging ang mga ito ay man ay magkapareho ang baybay.
-Ang pagsasalita ay tulad din ng musika na may tono- may bahaging mababa,
katamtaman mataas o mataas na mataas.
- Sa tono nagkakaroon ito ng dagdag na diwang ibig ipabatid ng bumigkas: nagtatanong
o nagdududa.

Halimbawa:

Ang ganda ng dalaga? ( nagtatanong)


Ang ganda ng dalaga. (naglalarawan)
Ang ganda ng dalaga! (nagpapahayag ng kaligayahan)

Kahapon? ( nagtatanong)
Kahapon. (naglalarawan)
Kahapon! (nagpapahayag ng kaligayahan)

D. Talakayan
1. Ano ang ponemang suprasegmental na intonasyon o tono?
2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng wastong tono sa pakikipag-usap?
3. Magbigay ng halimbawa ng mga salitang may wastong intonasyon o tono.

E. Gawain
Pangkatang Gawain
Panuto: Isadula ang tatlong pahayag sa loob ng kahon, batay sa layunin nito
Umalis sina tatay at nanay
Nanalo kayo sa basketball
Naghiwalay na sila

Unang pangkat: Nagpapahayag ng kasiyahan


Ikalawang pangkat: Naglalarawan
Ikatatkong na pangkat: Nagtatanong

F. Paglalahat
1. Ano ang intonasyon o tono?
2. Mahalaga ba ang intonasyon at tono?
3. Ano ang nagiging epekto nito sa pag-uusap ng mga tao?

G. Paglalapat
1. Bilang mag-aaral mahalaga ba ang pagkakaroon nga maayos at wastong
paggamit ng intonasyon o tono?

IV. Ebalwasyon.
Panuto: Tukuyin ang layunin ng mga salita batay sa wastong tono.
1. Kanina?
a. nagpapahayag b. nagtatanong c. naglalarawan
2. Mayaman!
a. naglalarawan b. napapakita ng kaligayahan c. nagtatanong
3. Kumusta?
a.nagtatanong b. naglalarawan c.nagpapahayag
4. Ayaw mo.
a. nagpapahayag b. nagpapakita ng kaligayahan c. nagtatanong
5. Bukas!
a. nagpapahayag ng kaligayahan b. naglalarawan c. nagtatanong

V. Takdang Aralin
Paano nakatutulong ang tamang intonasyon o tono sa pakikipag-usap sa kapwa upang
mapahayag ng damdamin at saloobin?

You might also like