You are on page 1of 6

Franciscan College of the Immaculate Conception

Baybay, Leyte Incorporated


Baybay City, Leyte
BASIC EDUCATION (JUNIOR HIGH SCHOOL)
A.Y. 2020-2021

LEARNING PLAN
in
Filipino

Inihanda ni : Rowena S. Martinito


Iniharap kay : G. Rey Adrian Algo
Petsa : January 26, 2021
Oras : 9:00- 10:00am
Taon at Seksyon : Grade 9 –A
Bilang ng Sesyon : 1 oras

I. Mahalagang Pang-unawa
Mauunawaan ng mga mag-aaral na…
Ang ponemang suprasegmnetal ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng
tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip
sinisimbulo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng
pagbigkas.

II. Mahalagang Katanungan


Laging isaalang-alang ng mga mag-aaral ang mga tanong na…
Bakit mahalagang gumamit ng tamang diin, tono, o intonasyon at hinto o antala sa
pagsasalita?

III. Layunin
Sa pamamagitan ng interaktibong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naisa-isa ang mga uri ng mga ponemang suprasegmental;
b. naipapaliwanag ang kahalagahan ng tamang paggamit ng mga ponemang
suprasegmental; at
c. nabibigkas at napipili nang tama ang mga salita batay sa tono, diin/haba, at antala.

IV. Nilalaman
a. Paksa : Ponemang Suprasegmental
b. Sanggunian: Ailene G. Baisa-Julian, Mary Grace G. Del Rosario, Alma M.
Dayag (Awtor –koordineytor). Pinagyamang Pluma. 927 Quezon Ave.,
Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc
c. Kagamitan: Power Point Presentation

V. Karanasang Pagkatuto
1. Pangunahing Gawain
a. Panalangin: Ama namin!
b. Pagbati: Magandang Umaga! Peace and All-Good
c. Pagtala ng Liban at di-liban
d. Paalala:
 Magsalita gamit ang wikang Filipino
 Igalang ang bawat isa
 Panatilihing nakamute ang microphone. I-unmute lang kung may
gustong sabihin o tatawagin ng guro
 Iwasang makipag-usap sa chatbox na hindi kaugnay sa talakayan; at
 Panatilihing naka-on ang camera.

2. Introduksyon
a. Pagbabalik-aral:
 Magtatanong sa mga mag-aaral kung ano ang tinalakay noong
nakaraang talakayan.
b. Pagganyak
Babasahin ng mga mag-aaral ang mga pahayag batay sa bantas na
ginamit.
 Totoo? Maganda siya?
Totoo! Maganda siya.

 Mahal ka niya?
Mahal ka niya.

 Ano ang pagkakaiba ng mga pahayag.


 Ipaliwanag ang kahulugan o saloobin ng bawat pahayag.

c. Introduksyon ng Mahalagang Katanungan


Bakit mahalagang gumamit ng tamang diin, tono, o intonasyon at hinto o
antala sa pagsasalita?

3. Interaksyon
a. Gawain 2:
Ipapanood ang isang bidyu at Ipabasa ang isang akda na pinamagatang
ang “Isang Hapon sa Bansang Hapon”.
b. Proseso
1. Bakit nais pumunta ng may-akda sa bansang Hapon?
2. Ano ang natuklasan niya sa bansang ito?
3. Ano ang inyong napansin sa binasang akda?
4. Ano-anu ang mga salitang magkapareho ang baybay?
c. Talakayan
Ponemang Suprasegmental

Ang mga ponemang suprasegmental ay nakatuon sa diin (stress), tono o


intonasyon (pitch), at hinto o antala (juncture).

1. Diin
- Ito ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba sa
kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.

Halimbawa:
HaPON- bigkas mabilis atn may diin sa ikalawang pantig (Japanese)
HApon- bigkas malumay at may diin sa unang pantig (afternoon)
BUhay – bigkas malumay at may diin sa unang pantig (life)
buHAY – bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig (alive)

2. TONO o INTONASYON
- Ito ay tumutukoy sa pagtaas o pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig
ng isang salita, parirala o pangungusap upang higit na maging malinaw ang
pagsasalita at nang magkaunawaan ang nag-uusap. Ang pagbigkas ng salita ay
maihahalintulad sa musika, may tono o intonasyon- may bahaging mababa,
katamtaman, at mataas. Maaaring makapagpahayag ng iba’t-ibang damdamin o
makapgbigay ng bagong kahulugan ang pagbabago ng tono o intonasyon.
Subukin mong magsalita nang hindi nababago ang tono o intonasyon at hindi mo
maipaparating nang tama ang iyong mensahe.
Halimbawa:
✓ Nagpapahayag: Madali lang ito.
✓ Nagtatanong: Madali lang ito?
✓ Nagbubunyi: Madali lang ito!

3. HINTO O ANTALA
- ito ay tumutukoy sa saglit ng pagsasalita upang higit n maging malinaw
ang mensaheng ipinahahayag. May hinto, bago nagsimula ang isang pangungusap
at may hinto rin pagkatapos nito. May hinto rin sa loob ng pangungusap kung
may kailangang ihiwalay na mga ideya upang higit na maunawaan ang nais
ipahayag. Kuwit (,) ang ginagamit sa hinto.
Halimbawa:
✓ Hindi siya si Kessa.
Nasa dulo ang hinto at nagsasaad na hindi si Kessa ang pinag-uusapan.
✓ Hindi, siya si Kessa.
Ipinahahayag ng hinto pagkatapos ng “hindi” na si Kessa ang pinag-uusapan.

✓ Hindi siya, si Kessa.


Ipinahihiwatig ng hinto pagkatapos ng “siya” na hindi ibang tao ang nasa isip
kundi si Kessa.

d. Paglalahat
Panuto: Bigkasin at piliin ang tamang salitang binibigyang –kahulugan ng
pahayag. (Madali Lang ‘Yan) pp. 183-184

4. Integrasyon
a. Pagpapahalaga
Ipaliliwanag ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng paggamit ng
ponemang suprasegmental.

1. Sa inyong palagay, ano kaya ang kahalagahan ng paggamit ng tamang


diin, tono, at antala sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan?
2. Ano-ano ang maaring mangyari kung hindi ito magagamit nang
maayos.

b. Integrasyong Pahalang
Maiuugnay ito sa asignaturang Ingles kung saan pinag-aralang mabuti ang
mga ponemang suprasegmental (suprasegmental phonemes) upang matukoy
ang paraan ng pagbigkas.

c. Integrasyong Bertikal
Ang araling ito ay nagpapalawak sa kaalaman ng mga mag-aaral para mas
mapag-aralang mabuti at mapahalagahan ng mga mag-aaral ang mga
panitikang at wikang naipamana sa atin.

d. Pagbubuo

Bakit mahalagang gumamit ng tamang diin, tono o intonasyon, at hinto o antala sa


pagsasalita?

Mahalagang gumamit ng tamang diin, tono, o intonasyon, at hinto o antala


sa pagsasalita upang mas malinaw na maipahayag ang damdamin , saloobin
at kaisipang nais ipahayag. At matutukoy rin ang kahulugan, layunin o
intensyon, ng nagsasalita sa pamamagitan ng tamang pagbigkas ng salita o
pahayag.

You might also like