You are on page 1of 2

Instructional Planning

Detailed Lesson Plan (DLP)

DLP Blg: 2 Asignatura: FILIPINO Baitang: 7 Markahan: IKATLO Oras:60 minuto


Kasanayan: Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng supregmental (tono, diin, Code:
antala) at mga di-berbal na palatandaan (kumpas, galaw ng mata / katawan F7PN-IIIa-c-13
at iba pa) sa tekstong napakinggan.

Susi sa Pag-unawa na Ang ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa diin, haba, paghinto at intonasyon na ginagamit sa
Lilinangin paraan ng pagbigkas ng mga ponemang suprasegmental na tumutukoy naman sa
makabuluhang tunog. Sa tulong ng mga ponemang suprasegmental, nagkakaroon ng buhay
ang pagbabasa at nagiging mabisa ang pagpapahiwatig ng damdamin sa ating kapwa.

1. Mga Layunin

Kaalaman Natutukoy ang mga ponemang suprasegmental.


Kasanayan Nagagamit ng wasto ang mga ponemang suprasegmental sa pagbabasa.
Kaasalan Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng supregmental (tono, diin, antala) at mga di-berbal
na palatandaan (kumpas, galaw ng mata / katwan at iba pa) sa tekstong napakinggan.
Kahalagahan Nailalahad ang kahalagahan ng mga ponemang suprsegmental sa pakikipagkomunikasyon.
2. Nilalaman Mga Ponemang Suprasegmental
3. Mga Kagamitang CG, TG, Gantimpala 7, LED TV/ Kagamitang Biswal/ Powerpoint Presentation
Ginamit sa
Pagtuturo
4. Pamamaraan
4.1. Panimulang Pagtsek sa takdang aralin.
Gawain (10 minuto)
Bigkasin nang wasto ang mga sailta mula sa piling saknong ng tulang “Pakiusap Ina” ni Jason Alva
Cruz. Pagkatapos ay sagutin ang tanong na nasa ibaba.

Mahabaging ina! Kalian s’ya lalaya?


Kailan lalagutin sansiglong tanikala?
Kayhirap bang amining dahil sa kanya,
Kayraming kalul’wa ang nakalaya?

Bakit di siya kayang tanggapi’t lingapin


Gaya ng paglingap sa wikang umalipin?
Gayong laganap na wika sa daigdig?

Paano binasa ang tula?


Ano ang iyong naramdaman habang binabasa moa ng tula?

4.2. Pagtatalakay Short Lecture:


(10 minuto) Ang ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa diin, haba, paghinto at intonasyon na ginagamit sa
paraan ng pagbigkas ng mga ponemang suprasegmental na tumutukoy naman sa
makabuluhang tunog. Sa tulong ng mga ponemang suprasegmental, nagkakaroon ng buhay
ang pagbabasa at nagiging mabisa ang pagpapahiwatig ng damdamin sa ating kapwa.
 Tono - ito ay makikilalasa pamamagiran sa pagtaas at pagbaba ng tinig ng nagsasalita.
Malalaman din kung ang nagsasalita ay nagsasalaysay, nagdududa, nag-aalinlangan o
nagtatanong.
Mga Halimbawa:
1. Sasama kaya siya? (nag-aalinlangan)
2. Kailan siya aalis? (nagtatanong)
3. Mga taong tumatakbo. (nagsasalaysay)
4. Siya ba? (nagdududa)
 Haba at Diin – ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig ng pantig ng salita
samantala ang diin ay tumutukoy naman sa lakas ng bigkas ng pantig sa salita. Maaring
magkakasama ang mga tono, haba ar diin dahilmararamdaman na ang salita ay tumataas,
lumalakasang tinigsa pagbigkas ng pantig.
Halimbawa:
Diin daing (pinatuyong isda)
galling (pinagmulan)
pasa (marka mula sa pagkakabunggo)
Instructional Planning
Detailed Lesson Plan (DLP)
Haba manggaga.mot (doctor)
mang.ga.ga.mot (nagpapagaling sa pasyente)
mang.gagamot ( titingnan pa lang ang pasyente)
 Antala – ang saglit na patigil sa isang pantig o salita sa pangungusap. Ginangamitan it ng
kuwit, tuldok, tuldok-kuwit, tutulodok sa pagbibigay ng mensahe sa paraan ng
pagsulatgayundin angbar (/) sa saglit na paghinto sa antala ng pangungusap na naiibaang
kahulugan.
Halimbawa:
Ang tatay ko ay manggagamot//.
(Sinasabi niya na ang tatay niya ay isang doctor)

Manggamot / ang tatay ko//.


(Gagamutin ang pasyente)

4.3. Aplikasyon Pangkatang Gawain:


(10 minuto) Bawat grupo ay magbiay ng halimbawa ng karunungang bayan batay sa:

Unang Pangkat: Mga Tulang Panudyo


Ikalawang Pangkat: Tugmang de-gulong
Ikatlong Pangkat: Bugtong o Palaisipan.

Mula sa ibinigay na halimbawa, pumili ng 5 salita at suriin ito ayon sa ponemang suprasegmental.
Ibahagi sa klase ang awput.

4.5 Pagpapahalaga Ano ang kahalagahan ng mga ponemang supssegmental?


(5 minuto)
5.Pagtataya Sagutin ang sumusunod na katanungan:
(10 minuto) 1. Ano sa palagay mi ang mangyayari kung hindi nabigyan ng saglit na pagtigil sa pagsasaslita
ng isang tao?
2. Bukod sa mga ponemang suprasegmental, ano pa ang ibang nakakatulong din sa mabisang
pagpapahayag?

6.Takdang-Aralin Bumuo ng isang tulang may sukat, tugma at talinghaga. Suriin ito gamit ang tono, diin at antala
(2 minuto) (suprasegmental)
7. Paglalagum/ Sa larangan ng komunikasyon ano ang pale ng mga ponemang suprasegmental?
Panapos
na Gawain (8min)

Inihanda ni:
Pangalan: THESSA MAE CAPUL PASAY Paaralan: EDUARDO GORRE MIS
Posisyon/Designasyon:Teacher I Sangay: DANAO CITY DIVISION
Contact Number: 09334375203 Email address: tezzamipasay01@gmail.com

You might also like