You are on page 1of 10

St.

Agnes Academy
JUNIOR HIGH SCHOOL
Legazpi City

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7
T.P. 2017–2018

TALA PETSA: SETYEMBRE 11, 2017


I. PAKSA
MO.CLODESINDIS
Petsa: Ponemang Suprasegmental
Araw: Pinagyamang Pluma 7, mga pahina 290–291
Oras:
II. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
C 1. napipili ang salitang pupuno sa diwa ng pangungusap;
SR. ALEXIA C 2. natutukoy ang diin sa salita batay sa kahulugang nakatala sa
Petsa: panaklong;
Araw: A 3. napaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng ponemang
Oras: suprasegmental at di berbal na palatandaan;
P 4. naibibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng tula/
awiting panudyo, tugmang de-gulong at palaisipan sa pmamagitan
ng paglalapat ng ponemang suprasegmental. (LC 6)
SR. EDILBURGIS
Petsa: III. MGA ESTRATEHIYA
Araw: Maikling Pagsusulit Graphic Organizer
Oras: Malayang Pagpapahayag

MGA KAGAMITAN
PowerPoint Presentation
SR. JOHANNA
Petsa: IV. PAMAMARAAN
Araw: A. Panimula/ Pagganyak
Oras: Babasahin ng mga mag-aaral ang mga pahayag batay sa
bantas na ginamit.

Ikaw ang may-sala sa


SR. PUDENTIANA Totoo? Maganda siya? nangyari?
Petsa:
Araw: Totoo! Maganda siya. Ikaw ang may-sala sa
Oras: nangyari!

 Babasahin naman ng mga mag-aaral ang mga pahayag


nang walang damdamin o buhay ang mga pahayag at
sasagutin ang tanong:
 Anong napansin ninyo habang binibigkas ang mga pahayag
nang walang anumang damdamin?
 Ipaliwanag ang kahulugan o saloobin ng mga pahayag.
B. Pagtalakay
PONEMANG SUPRASEGMENTAL

 Ang Ponolohiya ay tumutukoy sa pag-aaral sa


mahahalagang tunog na nagbibigay kahulugan sa pagsambit
ng salita na nagpapabago sa kahulugan ng mga salitang
halos magkakatulad ang kaligirang baybay.
 Sa Ponolohiya o palatunugan, lahat ng pamamaraan ay
ginagamit sa pagsusuri at pag-aanalisa ng mga tunog sa
maagham na paraan.
 Ang ponema ay tumutukoy sa anumang yunit ng mga tunog
o pagbigkas na taglay ang kahulugan samantalang
graphemes naman ang tawag sa pagsulat ng salita ayon sa
tuntunin ng asimilasyon.
 Ponema ang tawag sa yunit ng tunog o pinakamaliit na
bahagi ng wika na may kahulugang tunog. Makahulugang
yunit ng tunog na nagpapabago sa kahulugan ng isang salita.
Ito ay kaiba sa morpema na kung saan ay tumutukoy sa
pinagsama-samang tunog upang makabuo ng salita. Ang
morpema ay tinatawag na pinakamaliit na yunit ng salita.
 Ang salitang “Ponema” ay mula sa salitang Griyego na
“Phoneme” na nangangahulugang makatuturang tunog at ng
“Phone”na nangangahulugang salitang tinig (boses) na
naaasimila sa wikang Filipino bilang Ponema.
 Ang segmental ay tinatawag na makahulugang tunog
samantalang ang suprasegmental ay tinatawag na
pantulong sa ponemang segmental na ang tinutukoy na
ginagamit bilang pantulong ay ang tono (Pitch), haba
(Length), diin (Stress), at antala (Juncture)

Ponemang Suprasegmental - Ito ay makahulugang tunog. Sa


paggamit ng suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang
damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng
nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang
kahulugan, layunin o intension ng pahayag o ng nagsasalita
sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o hinto
sa pagbibigkas at pagsasalita.
1. Intonasyon, Tono, at Punto –

Ang intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na


iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salita na maaaring
makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga
ito man ay magkapareho ng baybay.

Ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng


damdamin samantalang ang punto ay ang rehiyonal na
tunog o accent.
Intonasyon at makabuluhang pattern sa pagsasalita
(Gonzales, 1992)

Mataas

3
Normal
2
Mababa
1

Karaniwang nagsisimula sa lebel 2 ang intonasyon ng mga


pangungusap, aabot ito sa lebel 3 kapag ang pahayag ay
nagtatanong at lebel 1 kapag karaniwang pagpapahayag
lamang.

Halimbawa:
a.) kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag

b.) Talaga = 213, pag-aalinlangan


Talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag

2. Diin at Haba – Ang haba (length) ay tumutukoy sa haba


ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig
ng salita. Ang diin (stress) naman ay tumutukoy sa lakas
ng bigkas sa pantig na salita.
Halimbawa:
a) /ba.lah/ = (bullet)
/bala/ = (threat)
b) /tu.boh/ = (pipe)
/tuboh/ = (sugar cane)

3. Antala/ Hinto (Juncture) - Bahagyang pagtigil sa


pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng
simbolong kuwit (,), dalawang guhit na pahilis (//), o gitling
( - ).
Halimbawa:

a) Hindi/ ako si Daniel.

(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI.


Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay
nagsasabing siya si Daniel na maaaring siya’y
napagkamalan lamang na si JC.)

b) Hindi ako, si Daniel.

(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig


ito na ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang
bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang
gumawa kundi si Daniel.)

c) Hindi ako si Daniel.

(Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag


ito na ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Daniel.)

a) Hindi maganda.

(Sinasabing hindi maganda ang isang bagay)

b) Hindi, maganda.

(Pinasusubalian ang isang bagay at sinasabing maganda ito)

C. Pagpapalalim
Sasagutan ng mga mag-aaral ang “Madali lang ‘yan”, ph.
291–292.

Panuto: Piliin sa kahon at isulat sa linya ang tamang salitang


pupuno sa diwa ng mga pangungusap.

/bu.kas/, /bukas/

1. _________ na tayo pumunta sa silid-aklatan upang magbasa ng


mga bagong tula.
2. _________ pa kaya ang silid aklatan hanggang mamayang hapon.

/bu.hay/, /buhay/

3. Ang wika ay _________ kaya’t nagbabago sa pagdaan ng


panahon.
4. Ang _________ ng tao ay naisasalaysay nang maayos gamit ang
angkop na salita o wika.
/sa.yah/, /sayah/

5. Bihira na sa kababaihan ang nagsusuot ng __________ sa


panahong ito.
6. Hindi niya mapigilan ang kanyang __________ nang makabalik
siya sa Pilipinas at makasama ang kanyang pamilya.

V. PAGPAPAHALAGA
Ipaliliwanag ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng paggamit
ng ponemang suprasegmental at di berbal na palatandaan.

 Sa inyong palagay, ano kaya ang kahalagahan ng paggamit


ng tamang diin, tono at antala sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan?
 Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi tayo gumamit
ng tamang diin, tono, at antala sa pagsasalita? Magdudulot
ba ito ng kaguluhan sa ating pamayanan at dahilan ng hindi
pagkakaisa ng isang bansa? Bakit?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

VI. PAGLALAHAT
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod tanong:
 “Ano kaya ang maaaring mangyari kung sakaling mali
ang pagkakagamit sa mga ponemang ito?”

 Magbigay ng sariling buod ng inyong natutuhan ngayong


araw sa pamamagitan ng graphic organizer.

Diin at
Haba
Intonasyon,
Hinto o
Tono, at
Antala
Punto

PONEMANG
SUPRASEGMENTAL
VII. PAGTATAYANG FORMATIVE (LC 6)
Ang mga mag-aaral ay pipili ng kanilang tula na bibigkasin na
iaangkop nila ang wastong tono o intonasyon sa pagbigkas nito.

Panuto: Bigkasin nang malakas ang mga halimbawa ng tula na


inyong pinili at bigyan ito ng angkop o wastong tono, intonasyon,
antala, pagkumpas ng kamay, at galaw ng mata at katawan sa
pagbigkas. Gamitin ang rubrik bilang gabay sa pagmamarka sa
gawaing ito.

Wasto ang pagkakabigkas ng mga salita. 5

Akma ang damdamin at lakas ng boses sa pagbigkas. 5


Naisasaalang-alang sa pagbigkas ang di berbal na
5
palatandaan sa pagpapahayag.
Kabuoang Presentasyon 15

VIII. TAKDANG ARALIN


Gawin ang mga sumusunod.
1. Basahin ang akda “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao”,
ph.
2. Sagutan ang mga tanong sa “Sagutin Natin” titik A, ph.306. Isulat
ang sagot sa inyong kuwarderno.

SEKSIYON IBA PANG TALA


MO.CLODESINDIS
SR. ALEXIA
SR. EDILBURGIS
SR. JOHANNA
SR. PUDENTIANA

Nabatid:

REY CLIFFORD A. MAROLLANO GNG. JOAN C. ALEJO


Coordinator, Filipino Area Assistant Principal, JHS

GNG. JENNIFFER B. BORJA


School Principal
St. Agnes Academy
JUNIOR HIGH SCHOOL
Legazpi City

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7
T.P. 2017–2018

TALA PETSA: SETYEMBRE 9, 2017


I. PAKSA
MO.CLODESINDIS
Petsa: Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao
Araw: Pinagyamang Pluma 7, mga pahina 290–291
Oras:
II. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
C 1. natutukoy ang magkakasunod at magkakaugnay na pangyayari sa
SR. ALEXIA tekstong napakinggan/nabasa sa pamamagitan ng pagtukoy sa una
Petsa: hanggang sa huling bahagi ng kuwento (LC 10);
Araw: A 3. nabibigyan ng halaga ang binasang akda sa pamamagitan ng
Oras: pagsul; at
P 2. nakapagbibigay solusyon sa mga problemang kaugnay ng akdang
binasa sa pamamagitan pagpuno sa problem-solution chart.

SR. EDILBURGIS III. MGA ESTRATEHIYA


Petsa: Maikling Pagsusulit Charade
Araw: Malayang Pagpapahayag Ladder Organizer
Oras: Problem-Solution Chart

MGA KAGAMITAN
PowerPoint Presentation Visual Aid
SR. JOHANNA Maliit na kahon
Petsa:
Araw: IV. PAMAMARAAN
Oras: A. Panimula/ Pagganyak
Ang mga mag-aaral ay maglalaro ng larong Charade.
 Sino ang maaaring magkusang-loob na pumunta sa unahan
upang gawin ang ilan sa mga mabubunot sa kahon?
SR. PUDENTIANA  Ipahuhula ninyo ang mga nakuha ninyo sa kahon sa
Petsa: pamamagitan ng kilos o galaw lamang. Hindi maaaring
Araw: magsalita o sabihin ang inyong nabunot sa inyong mga
Oras: kamag-aral kundi kailangang hulaan nila ito.
1. matandang kuba
2. mananayaw
3. baboy
4. pagdiriwang ng pista
5. pag-aalay ng mga handog

Ang mga salitang nahulaan ng mga mag-aaral ay isusulat


sa board at sasabihin kung ano ang kaugnayan nito sa magiging
paksa o tatalakayin ngayong araw
B. Salitalaarawan
Sasagutan ng mga mag-aaral ang “Payabungin Natin” titik B,
ph. 299.

Panuto: Iayos ang mga salita ayon sa intensidad ng kahulugan


nito. Lagyan ng bilang 1 para sa pinakamababaw na kahulugan
hanggang bilang 3 para sa pinakamasidhing kahulugan.

Humahagugol Naglagablab
Umiiyak Nag-aapoy
Humihikbi Nagbabaga

Nagalak

Napangiti

Natuwa

Kinabahan Sigaw
Nangamba Bulong
Natakot Sabi

C. Pagtalakay
Sasagutan ng mga mag-aaral ang mga tanong tungkol sa
binasang akda, “Sagutin Natin”, titik A, ph. 306.

1. Sino si Lifu-o? Ano-ano ang kanyang katangiang taglay?


2. Bakit nais ni Lifu-o at ng kanyang pamilya na magdaos ng cañao?
3. Paano nila pinaghandaan ang nasabing pagdiriwang? Isalaysay
kung paano ipinagdiriwang ng pamilya ni Lifu-o ang cañao.
4. Ano ang naging gantimpala sa kanila ni Bathala sa isinagawa
nilang pagdiriwang? Ano ang kinahinatnan ng gantimpalang ito?
5. Kung kayo ang nasa kalagayan ni Lifu-o o isa sa kanilang mga
kasama, ano ang gagawin ninyo upang maiwasan ang nangyari
sa gantimpalang kanila sanang natanggap?
6. Ano kaya ang ibig sabihin na simula sa araw na iyon ay
paghihirapan muna ng tao ang pagkuha sa isang ginto?
Nangyayari ba ito sa kasalukuyan?

D. Pagpapalalim (LC10)
Sasagutan ng mga mag-aaral ang “Buoin Natin”, ph. 308–
309.

Panuto: Gamit ang ladder organizer ay isulat ang ang magkakasunod


at magkakaugnay na pangyayaring naganap sa akda.
_____________________________________________
_____________________________________________

at sa wakas

_____________________________________________
_____________________________________________

susunod 2
_____________________________________________
_____________________________________________

susunod 1

_____________________________________________
_____________________________________________

simula

V. PAGPAPAHALAGA
 Anong pangunahing aral ang naging hatid ng maikling
kuwento sa inyong buhay?

VII. PAGTATAYANG FORMATIVE


Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng posibleng solusyon kung
paano malulutas ang mga problemang nakatala na nasa “Magagawa
Natin” ph. 309-310.

Panuto: Magbigay ng posibleng solusyon kung paano malulutas


ang mga problemang nakatala sa Problem-Solution Chart.
Pagkatapos sagutin ang tanong sa huling kahon.

Problema Solusyon

Mga lingkod ng ______________________


______________________
pamahalaang hindi tapat
______________________
o nasasangkot sa
______________________
korupsyon. ______________________
Mga kabataang hindi ______________________
seryoso sa pag-aaral at ______________________
ang nais lamang ay mag- ______________________
ubos ng oras at salapi sa ______________________
______________________
piling ng barkada.

______________________
Mga anak na nagrebelde ______________________
kapag hindi nakuha o ______________________
naibigay ang gusto. ______________________
______________________

Paano maiiwasang maghari ang kasakiman at kasamaan sa puso ng


isang tao?

VIII. TAKDANG ARALIN


Gawin ang mga sumusunod.
1. Basahin ang tungkol sa mga katangian at elemento ng mito,
alamat, at kuwentong bayan, ph. 310-311 at 329-30
2. Alamin ang mga kahulugan ng mga sumusunod:
a. Panimulang Pangyayari
b. Papataas na Pangyayari
c. Kasukdulan
d. Pababang Pangyayari
e. Resolusyon

SEKSIYON IBA PANG TALA


MO.CLODESINDIS
SR. ALEXIA
SR. EDILBURGIS
SR. JOHANNA
SR. PUDENTIANA

Nabatid:

REY CLIFFORD A. MAROLLANO GNG. JOAN C. ALEJO


Coordinator, Filipino Area Assistant Principal, JHS

GNG. JENNIFFER B. BORJA


School Principal

You might also like