You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Aklan State University


College of Teacher Education
LABORATORY HIGH SCHOOL
Banga, Aklan

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino Baitang 7

I. LAYUNIN

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakapagiisa-isa ng mga mahahalagang pangyayari;

2. Nakapagpahahayag ng sariling damdamin at pananaw ukol sa naging pasya ni Mariang Sinukuan


sa naging suliranin ng mga hayop; at

3. Nakapaguguhit ng isang larawang may kaugnayan sa salitang hukuman.

II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa:
Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan (Mito mula sa Pampanga)
b. Sanggunian:
Baisa, A. et. al. Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc., 2014.
p. 219 - 221
c. Mga Kagamitan:
Multimedia Presentation, Speaker, Laptop at Projector.

III. PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain

Magandang umaga klase!


Magandang umaga po, Bb. Arador!

Bago tayo
magsimula sa
ating Sa ngalan ng Ama ng Anak ng Diyos Espiritu
Santo.
Panginoon, salamat po nang marami dahil ligtas

makabuluhang
po kaming nakarating sa loob ng silid-aralang ito
upang kami’y makapag-aral. Patawarin Mo po
kami sa aming mga kasalanan. Ihanda Mo ang
aming pag-iisip at puso sa pagtanggap ng mga
kaalaman ibabahagi sa umagang ito ng aming
butihing guro. Tulungan Mo Kami lubusang

talakayan ay maunawaan ang mahahalagang impormasyong


matutuhan namin. Sa inyo po lahat ng kapurihan.
Hinihingi po namin ang lahat ng ito, sa pangalan

manalangin ni Hesus na aming Dakilang Tagapagligtas. Amen.

muna tayo sa
ating (Ang mga mag-aaral ay magpupulot ng mga
kalat.)

Panginoon, (Sasabihin ni Edgar ang liban sa klase.)

hingin
natin ang
Opo Ma’am!

kanyang
presensiya, at
paggabay sa
pag-aaral natin Ang mga salita po na aming nakita ay diyos,

ngayong
diyosa at bathala po ma’am.

araw, magsitayo
tayong lahat at
yumuko.
Bago tayo Ang mga ponemang suprasegmental na ating

magsimula sa tinalakay ay ang haba at diin, tono o intonasyon


at hinto o antala.
ating Opo ma’am!

makabuluhang
talakayan ay
manalangin
muna tayo sa (Panonoorin nang mabuti ng mga mag-aaral ang

ating bidyo.)

Opo ma’am!

Panginoon,
hingin Si Mariang Sinukuan po ay isang mabait at
makatwirang diwata.

natin ang Ang suliranin po ni Martines ay nasira ang


kanyang pugad na naging sanhi ng pagkabasag ng

kanyang kanyang mga itlog.

Ang pinagmulan po ng suliranin ni Martines ay

presensiya, at
nang aksidenteng matapakan ni kabayo ang
kanyang pugad.

paggabay sa Ang payo ni Mariang Sinukuan kay Martines ay


wag na gumawa ng pugad sa lupa.

pag-aaral natin Kaya patuloy pa ring may dalang itak at

ngayong bumubulong-bulong si Lamok dahil gusto niya pa


ring maghiganti sa nagawang kasalanan sa kanya
ni Alimango.

araw, magsitayo
Opo, dahil binigyan niya po ng parusa si Lamok.

tayong lahat at Makatarungan po ito dahil nasolusyunan po ang


kanilang problema.

yumuko. Para po sa akin ma’am ay hindi, dahil sa Martines


lamang po ang sumunod sa payo ni Mariang
Sinukuan na sa taas na lamang ng puno gumawa
ng pugad at ang ibang mga hayop naman ay

Bago tayo patuloy pa ring ginagawa ang kanilang mga


nakasanayan tulad na lamang ni Lamok na kahit
pinarusahan na at pinagbawalan na magdala ng

magsimula sa itak ay patuloy at palihim pa rin siyang nagdadala


ng itak at hinahanap si Alimango.

ating
makabuluhang
talakayan ay
manalangin
muna tayo sa
ating
Panginoon,
hingin
natin ang
kanyang Walang mabuting naidudulot ang pagtatanim ng
galit sa kapwa. Lahat ng suliranin ay madadala sa

presensiya, at mabuting usapan upang hindi na lumaki ang gulo


at wala ng madamay na iba pang tao.

paggabay sa
pag-aaral natin
ngayong
araw, magsitayo
tayong lahat at
yumuko.
Bago tayo magsimula sa ating makabuluhang
talakayan ay manalangin muna tayo sa ating
Panginoon, hingin natin ang kanyang presensiya at
paggabay sa pag-aaral natin ngayong araw na ito.
Magsitayo ang lahat at yumuko. Pangunahan mo ang
panalangin, Almaecah.
(Spiritual Intelligence)

Maraming Salamat, Almaecah. Bago kayo umupo ay


pulutin muna ang mga kalat sa ilalim ng inyong mga
upuan at ilagay ito sa basurahan.
(Naturalist Intelligence)

Edgar, maaari mo bang sabihin kung sino ang mga


liban sa klase?

Maraming Salamat! Ngayon, tayo ay magsimula na sa


ating aralin.

B. Pagganyak

Handa na ba kayo sa ating talakayan ngayong umaga?

Ngayon bago tayo dumako sa ating pormal na


talakayan ay mayroon akong inihandang panimulang
gawain. Ito ay tinatawag na Word Hunt. Kung saan
hahanapin ninyo ang mga salitang may kaugnayan sa
salitang Mito. (Logical & Visual-Spatial Intelligence)

d i y o s a e
e f g r j l k
l d i y o s q
c w t h m n v
n q z x v u p
b a t h a l a

Ano ang mga salitang inyong nakita?


Tama! Ang mito ay galing sa salitang Latin na mythos
na ang kahulugan ay kwento. Karaniwang tinatalakay
sa mito ang mga diyos, diyosa at bathala. Hindi man
kapani-paniwala ang mga kwento patungkol sa diyos
at diyosa, itinuturing itong sagrado at
pinaniniwalaang totoong naganap.

C. Pagtatalakay sa Aralin

(Verbal-Lingistic Intelligence)
Bago natin umpisahan ang talakayan ay magbalik-
tanaw muna tayo. Noong nakaraang linggo ay pinag-
aralan natin ang mga Ponemang Suprasegmental.
Maaari mo bang ibigay Mheiljess ang mga Ponemang
Suprasegmental na ating tinalakay?

Mahusay! Ngayon ay dumako na tayo sa paksang


ating tatalakayin. Ang ating tatalakayin ay Ang
Hukuman ni Mariang Sinukuan.
Gusto niyo ba malaman ang kwento patungkol sa Ang
Hukuman ni Mariang Sinukuan?

Para malaman ninyo ang kwento tungkol sa Ang


Hukuman ni Mariang Sinukuan ay may inihanda
akong bidyo ukol dito. Maupo nang maayos, panoorin
at unawaing mabuti and bidyo.

Naunawaan ba klase ang bidyo?

Kung gayon ay may inihanda akong mga katanungan.

1. Ilarawan si Mariang Sinukuan. Ano ang kanyang


mga katangian?

2. Ano ang suliranin ni Martines? Ipaliwanag.

3. Ilahad ang pinagmulan ng suliranin ni Martines?


4. Ano ang naging payo ni Mariang Sinukuan kay
Martines upang maproteksyunan ang kanyang mga
itlog?

5. Bakit patuloy pa ring may dalang itak at


bumubulong-bulong si Lamok?

6. Naging makatarungan ba ang naging pasya ni


Mariang Sinukuan sa naging suliranin ng mga hayop?
Bakit?

Magaling. May iba pang magbabahagi?

May iba pa?

Mahusay klase! Nasagot ninyo ang aking mga


katanungan. Patunay lamang ito na naintindihan
ninyo ang ating tinalakay.

Kung gayon, dumako naman tayo sa isang gawaing


lalong magpalalalim ng inyong kaalaman at
kasanayan kaugnay ng aralin.

D. Paglalapat

Narito ang gawain. Kayo ay guguhit ng isang larawan


na nabubuo sa inyong isipan kapag naririnig o
nababasa ninyo ang salitang “Hukuman”. Sa ilalim ng
inyong ginuhit na larawan ay bibigyan ninyo ng
paliwanag kung bakit ito ang inyong iginuhit.

Bago magsimula, ibibigay ko muna sa inyo ang


pamantayan sa pagmamarka.

Pamantayan sa Pagmamarka
Pagkamalikhain – 30
Organisasyon ng mga ideya – 30
Kalinisan – 20
Kaangkupan sa konsepto – 20

Kabuuan: 100%

F. Paglalahat

Sa pangkalahatang pagtatalakayan, anong aral o


mensaheng inyong napulot mula sa araling ating
tinalakay?

Kahanga-hanga! Talaga nga namang naintindihan


ninyo ang paksang ating tinalakay klase.

IV. PAGTATAYA

Pakitago ang gamit na nakapatong sa inyong upuan


maliban sa bolpen at kumuha kayo ng kalahating
bahagi ng papel para sa pagsusulit. Inaasahan kong
masusunod ang mga panuntunan sa ganitong
gawain. Basahin ang panuto Ayanna.
(Babasahin ni Ayanna ang panuto.)
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag.
Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat bilang.
1. Siya ay isang mabuti at makatwirang
diwata.
a. Mariang Sinukuan
b. Maria Makiling
c. Maganda
d. Diyosa ng kagubatan
2. Ito ay salitang Latin na
nangangahulugang kuwento.
a. Alamat
b. Kaalamang Bayan
c. Maikling Kuwento
d. Mito
3. Ang mga sumusunod ay ang mga
mahahalagang pangyayaring nabanggit
sa kuwento maliban sa isa.
a. Umiiyak na nagpunta si Martines kay
Mariang Sinukuan upang sabihin ang
kanyang suliranin.
b. Inilahad ni Martines ang kanyang
suliranin at pinatawag isa-isa ang
mga hayop.
c. Hindi nabasag ang mga itlog ni
Martines sapagkat sa itaas siya ng
puno gumawa ng pugad.
d. Pinarusahan ni Mariang Sinukuan si
Lamok ngunit palihim pa rin itong
nagdadala ng itak at patuloy pa ring
hinahanap si Alimango.
4. Aling damdamin ang mahihiwatigan sa
kuwentong tinalakay?
a. pagkatuwa
b. pagkalungkot
c. pagkainis
d. wala sa nabanggit.
5. Ang lahat ng suliranin ay masosolusyunan
kung ito ay idadaan sa mabuting usapan.
Mahihinuhang ang pahayag ay isang _____.
a. opinyon
b. katotohanan
c. kasinungalingan
d. biruan

Isa-isa nating iwawasto ang pagsusulit klase.


Susi sa Pagwawasto
1. a
2. d
3. c
4. c
Klase, sino ang nakakuha ng iskor na 5, 4, 3, 2, 1 5. b

Natutuwa ako klase sapagkat lahat ay nakapasa,


nangangahulugan lamang na lubusa ninyong
nauunawaan ang topikong ating tinalakay.
Pakipasa sa harapan ang naiwastong mga papel at
ibigay sa akin. Pakikolekta, Andrea.

V. TAKDANG-ARALIN

Sa puntong ito, kunin ang kwaderno klase at isulat


ang takdang aralin para sa araling pag-uusapan
natin sa susunod na pagkikita.

A. Magsaliksik at pag-aralan ang Mga Salitang


Hudyat ng Simula, Gitna at Wakas.

May di malinaw ba klase sa takdang -aralin?


Wala po Ma’am.
Kung maliwanag na ang lahat ay iligpit na ang mga
gamit. Ayusin ang mga upuan, pulutin ang mga
kalat, at bunutin ang anumang bagay na nakasaksak.
Maaari na kayong lumabas ng silid.
Maraming salamat at paalam na po, Binibining
Arador!
Maraming salamat at mag-ingat kayo sa pag-uwi!

Hinanda ni:

DANNIELZ C. ARADOR

Nagsasanay na guro

You might also like