You are on page 1of 16

7

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pag-unawa at Pagpapakahulugan
sa mga Kaisipan sa Akda
Ikaapat na Markahan - Ikapitong Linggo
(Aralin 1)
FILIPINO – Ikapitong Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pag-unawa at Pagpapakahulugan sa mga Kaisipan sa Akda
Ikaapat na Markahan - Ikapitong Linggo (Aralin 1)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Mark A. Aragones


Marylynn A. Ragadio
Editor: Milagros A. Hipolito
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD
Andrew B. Valentino
Bryan Balintec
Tagaguhit at Taga-anyo: Janmar A. Molina
Tagapamahala: Ma. Editha R. Caparas EdD
Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle A. Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pag-unawa at Pagpapakahulugan
sa mga Kaisipan sa Akda

Panimula

Kumusta? Mahilig ka bang maglakbay at tumuklas ng iba’t ibang kaalaman


at kakaibang karanasan sa iyong buhay? Kung oo ang iyong sagot, sa paanong
paraan mo natutuklasan ang mga ito?
Sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman sa buhay ay kailangan ang karanasan
upang mapalawak ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng mga taong
nakasasalamuha at nakikilala sa mga lugar na iyong pinupuntahan. Isa dito ang
kanilang gawi ng pamumuhay, kaugalian, at kultura.
Kaya nababagay sa iyo ang susunod na aralin dahil dito mo magagamit ang
mga dati mong kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga
kaisipan sa akda.
Kaya, ano pa ang hinihintay mo? Halika na at simulan ang pag-aaral!

Kasanayang Pampagkatuto

Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at


pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda. (F7PS-IVc-d-21)

1|Pahina
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto


na ito, ikaw ay inaasahang:
1. natutukoy ang mahahalagang kaisipan na nakalahad sa binasang akda;
2. naiuugnay ang mga kaisipan sa akdang binasa batay sa dating kaalaman
at karanasan; at
3. nagagamit ang karanasan at kaalaman sa pag-uugnay ng kaisipan mula
sa nakalahad na sitwasyon.

Balik-Aral

Napag-aralan mo sa nakalipas na aralin ang tungkol sa pagsusuri ng


damdaming namamayani sa mga tauhan sa iyong napanood na dulang
pantelebisyon o pampelikula.
Bilang pagbabalik-aral ay basahin ang ilan sa mahahalagang pangyayari at
diyalogo ng mga tauhan sa unang bahagi ng dulang pampelikula Ibong Adarna mula
sa https://www.youtube.com/watch?v=_ad-4luXh5I.

Ibong Adarna

Reyna Valeriana: Ang hari ay matagal nang may sakit at maraming


manggagamot na ang tumingin ngunit hanggang ngayo’y
wala pang makapagpagaling sa kaniya. Sa akala kaya
ninyo’y ano ang makapagpapagaling sa sakit niya?

Manggagamot: Mahal na reyna, ang sakit po ng hari ay likha po ng isang


mahiwagang panaginip. Iisa lamang ang nalalaman kong
kagamutan. May isang ibong maganda na ang pangalan ay
Adarna. Kawiwili-wili ho kung humuni at kung marinig
ninyong umawit ay gagaling kayong parang nagdahilan
lamang.

Reyna Valeriana: Hindi ba mapanganib sa Bundok ng Tabor?

Manggagamot: Opo mahal na reyna, ngunit ang lalong mapanganib ay ang


paghuli sa Adarna, sapagkat iyon ay engkantada.

2|Pahina
Haring Fernando: Bagamat mahirap sa kalooban kong kayo’y mawalay sa
aking mga mata, ay nais kong kayong tatlong mga anak ko
ang siyang pumunta sa bundok ng Tabor.

Panuto: Suriin ang damdaming namayani sa mga tauhan gamit ang talahanayan.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Tauhan Pahayag Damdaming Namayani

1. “Maraming
Reyna manggagamot na ang
Valeriana tumingin ngunit
hanggang ngayo’y wala
pang makapagpagaling
sa kaniya.”
Reyna 2. “Hindi ba mapanganib
Valeriana sa Bundok ng Tabor?”
3. “ngunit ang lalong
Manggagamot
mapanganib ay ang
paghuli sa Adarna,
sapagkat iyon ay
engkantada.”
4. “Bagamat mahirap sa
Haring
kalooban kong kayo’y
Fernando mawalay sa aking mga
mata.”
5. “Nais kong kayong
Haring
tatlong mga anak ko
Fernando ang siyang pumunta sa
bundok ng Tabor.”

Mahusay! Lubusan mo na ngang naunawaan ang nakalipas na aralin. Ngayon


naman ay dumako ka na sa ikapitong linggo ng ikaapat na markahan, ang paggamit
ng iyong dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga
kaisipan sa akda.
Halika! Magsimula na at matuto.

3|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Basahin at unawain ang muling pagsasalaysay sa Kabanata 8 ng Ibong


Adarna.

Ang Bunga ng Inggit


Isinalaysay muli ni Marylynn A. Ragadio

Sa pagkakahuli ni Don Juan sa Ibong Adarna sa tulong ng matandang


ermitanyo ay maligayang naglakbay pauwi ang tatlong prinsipe. Bago tuluyang
umuwi ang tatlong prinsipe ay nanghingi muna ng bendisyon si Don Juan sa
matandang ermitanyo.

Habang naglalakbay pauwi ng Berbanya ang magkakapatid may naisip si


Don Pedro na masamang plano kay Don Juan sapagkat hindi niya matanggap na
ang bunsong kapatid ang makapag-uuwi ng Ibong Adarna na siyang lunas sa
karamdaman ng kanilang ama. Binalak niyang patayin si Don Juan at saka kuhanin
ang Adarna upang sila ang mag-uwi nito sa kaharian.

Sinabi ni Don Pedro ang plano niya kay Don Diego. Halos hindi
makapagpasiya si Don Diego sa narinig na plano ni Don Pedro para kay Don Juan.
Kaya katulad ni Don Diego ang isang tauhan sa isang awit na naiipit sa nag-
uumpugang mga bato.

4|Pahina
Hindi naglaon ay
nakaramdam ng pagkatakot
si Don Diego kaya sinabi
niya na bugbogin na lamang
nila si Don Juan at huwag na
lang patayin. Kagaya ng
naging plano ng dalawa
binugbog nga nila si Don
Juan at kinuha ang Ibong
Adarna.

Pagdating sa palasyo ng dalawang prinsipe ay agad silang nagtungo sa


kanilang amang hari at ipinakita nila ang Ibong Adarna na kanilang dala. Sa laking
pagtataka ng Hari sa itsura ng ibon naitanong niya sa kanyang dalawang anak na
prinsipe, Ito ba ang Ibong Adarna? “Kung ito ang Adarna bakit ang pangit niya?”
Sumagot naman ang manggagamot na ito nga ang Ibong Adarna ngunit naitanong
niya sa sarili na bakit naging ganito ang itsura at mistulang malungkot ang Adarna.

Naging malungkot ang Ibong Adarna sa pagkawala ni Don Juan na tunay na


nakahuli rito kaya pumangit ang mga balahibo at ayaw umawit.

Mga Gabay na Tanong:


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno.

1. Anong pag-uugali ang ipinakita ni Don Juan nang hingin ang basbas ng
ermitanyo?
2. Paano nakumbinsi ni Don Pedro si Don Diego na pumayag sa kaniyang
mungkahi na patayin si Don Juan?
3. Ano ang ibinunga ng ginawang plano nina Don Diego at Don Pedro sa
kanilang bunsong kapatid?
4. Bakit hindi umawit ang Ibong Adarna nang madala na ito sa kaharian ng
Berbanya?
5. Paano mo maiuugnay ang karanasan mo sa iyong mga kapatid sa samahan
ng tatlong prisipe sa Ibong Adarna?

Ang bahagi ng akdang binasa ay nagpapakita ng karanasan ni Don Juan sa


kaniyang mga kapatid. Ipinakita rito ang inggitan na maiuugnay pa rin sa
kasalukuyan.

5|Pahina
Tandaan:
Makatutulong ang dating karanasan at kaalaman sa pag-unawa at
pagpapakahulugan sa isang akda sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong sarili
bilang tauhan o isa sa mga nakaranas sa mga pangyayari na naganap sa akdang
binasa. Maaaring ang mga karanasang nabanggit sa binasang akda ay nangyari ,
nangyayari sa iyong buhay sa kasalukuyan upang makapagbigay ng kaisipan sa
kinakailangang paksa na maaaring gamitin sa tunay na buhay bilang paraan ng
pagpapasiya at pakikitungo sa kapuwa tao.

Halimbawa:

1. Nag-iisip si Don Pedro ng plano kay Don Juan sapagkat hindi niya matanggap
na ang bunsong kapatid ang nakahuli sa Ibong Adarna.

Ang kaisipang nabuo ay:


Laging nakatanim sa isip ni Don Pedro na walang makahihigit sa
kaniyang kakayahan kaya’t hindi niya matanggap na si Don Juan ang
nakahuli sa Ibong Adarna.

2. Hindi naglaon ay nakaramdam ng pagkatakot si Don Diego kaya sinabi niya


na bugbugin na lamang nila si Don Juan at huwag na lang patayin.

Ang kaisipang nabuo ay:


May natitira pang kabutihan si Don Diego sa kanyang kapatid ngunit
mas nanaig ang kagustuhan na huwag mapahiya ang sarili na hindi maiuwi ang
Adarna.

Ngayon ay alam mo na kung paano ang madaling paraan upang maunawaan at


mabigyan ng kahulugan ang mga kaisipan sa akda at ito ay sa pamamagitan ng
paggamit at pag-uugnay ng iyong dating kaalaman at karanasan upang lubos na
maunawaan at mabigyan ng kahulugan ang mga kaisipan sa akda. Marahil ay
handa ka na sa iyong mga gawain.

6|Pahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

A. Panuto: Tukuyin ang mga kaisipan mula sa binasang akda na Bunga ng Inggit.
Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung mahalaga ang ipinapahayag na
kaisipan at MALI kung hindi.

_______ 1. Sa pagkakahuli ni Don Juan sa Ibong Adarna sa tulong ng


matandang ermitanyo ay maligayang naglakbay pauwi ang tatlong
prinsipe.
_______ 2. Natuwa si Don Diego sa pagkakahuli ni Don Juan sa Ibong Adarna.
_______ 3. Habang naglalakbay pauwi ng Berbanya ang magkakapatid, naisip si
Don Pedro na patayin si Don Juan.
_______ 4. Hindi matanggap ni Don Pedro na ang bunsong kapatid ang makapag-
uuwi ng Ibong Adarna na siyang lunas sa karamdaman ng kanilang
ama.
_______ 5. Nanumbalik agad ang lakas ng hari nang makita ang Ibong Adarna.
_______ 6. Halos hindi makapagpasya si Don Diego sa narinig na plano ni Don
Pedro para kay Don Juan.
_______ 7. Naging malungkot ang Ibong Adarna sa pagkawala ni Don Juan.
_______ 8. Humingi muna ng bendisyon sa ermitanyo si Don Juan.
_______ 9. Nagdalawang-isip si Don Diego sa plano ni Don Pedro.
_______ 10. Ang pagseselos ay isang negatibong pag-uugali na dapat iwasan ng
lahat.

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Gawain 1
Panuto: Gamiting gabay ang dayagram sa pagbibigay ng sariling karanasan at
kalalaman na maihahalintulad sa mga kaisipan sa akda. Isulat sa sagutang papel.

Mga Kaisipan mula sa Kabanata 8 sa Ibong Adarna

1. May kabutihan bang nagagawa ang awit sa taong may sakit?


2. Ang obligasyon ng anak sa magulang kaya pinilit na hulihin
ang ibon.
3. Hindi agad nakumbinsi si Don Pedro sa balak ni Don Diego.

7|Pahina
Halimbawang Halimbawang
Karanasan (1) Karanasan (2)

_____________ ________________
_____ __

Halimbawang
Karanasan (3)

__________________

Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Sumulat ng isang talata batay sa sitwasyon. Gamitin ang pamantayan sa
pagbuo ng talata. Isulat sa sagutang papel.

Sitwasyon
Nagkayayaan kayo ng iyong mga kaibigan na magbisikleta, ngunit wala ka
naman bisikletang gagamitin kaya hiniram mo muna sa iyong panganay na kapatid
ang kaniyang bisikleta. Habang kayo ay namamasyal, biglang natanggal ang
padyakan ng bisikleta at ibinalik mo lang ito sa kaniya na mayroon sira. Nang
makita ng iyong kapatid ang sirang bisikleta, nagalit siya sa iyo dahil sira na ito
nang binalik mo. Sa paanong paraan mo papawiin ang galit ng iyong kapatid ng
makita niyang nasira ang kaniyang bisikleta?

8|Pahina
Mga Pamantayan sa Pagbuo ng Talata

Pamantayan Puntos
May mabisang pamagat. 5
Maayos na pagkakalahad ng mga
5
kaisipan.
Wasto ang gamit ng mga bantas, salita,
5
at pagbaybay.
May maayos na pagkakaugnay-ugnay
5
na pangungusap.
Mahusay na naiuugnay ang pangyayari
sa tauhan sa akdang binasa sa sariling 5
karanasan.
KABUOAN 25

5 - Napakahusay 4 - Mahusay 3 – Katamtamang Husay

2 – Kailangan ng Pagpapahusay 1 – Ibayong Pagpapahusay

Pagsusulit

Panuto: Bumuo ng isang usapan batay sa sitwasyon inilahad. Gamitin ang


pamantayan sa pagbuo ng usapan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Sitwasyon
Ang baon na pananghalian ni Mak Mak ay pritong isda. Nakita niya ang
laman ng baunan ng kaniyang kaibigan na si Liam ay fried chicken. Itinago niya ang
baunan nito at nagpanggap na hindi niya nakita nang siya ay tanungin ni Liam.
Lingid sa kaniyang kaalaman, alam ni Liam na si Mak Mak ang kumuha ng kaniyang
baon. Ipinaliwanag ang dahilan kung bakit nagawa ni Mak Mak kay Juan ang kunin
ang baon ni Liam. Humingi ng tawad si Mak Mak kay Liam sa nagawang kasalanan.
Ikaw na si Liam, Paano mo ipakikita sa kaniya ang iyong pagpapatawad?

9|Pahina
___________________________________________________________________
Pamagat

Panimula: ______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Liam: ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Mak Mak: ____________________________________________________________________


____________________________________________________________________

Liam: ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Mak Mak: ____________________________________________________________________


____________________________________________________________________

Liam: ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Mak Mak: ____________________________________________________________________


____________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagbuo ng Usapan

Pamantayan Puntos
May malinaw na usapan ng mga
5
tauhan.
May kaangkupan ang pagkakagamit ng
5
mga salita.
May wastong gamit ng mga bantas,
5
salita, at pagbaybay.
May orihinalidad ang usapang nabuo. 5
KABUOAN 25

5 - Napakahusay 4 - Mahusay 3 – Katamtamang Husay

2 – Kailangan ng Pagpapahusay 1 – Ibayong Pagpapahusay

10 | P a h i n a
Pangwakas

Panuto: Kompletuhin mo ang bawat pangungusap na nasa ibaba. Isulat ang iyong
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang natutuhan ko sa araling ito ay __________________________________________


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________.

2. Mapagyayaman ko ang aking natutuhan sa pamamagitan ng _________________


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________________________________.

Mga Sanggunian

Dayag, Alma M., Ailene G. Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, and Carmela H.


Esguerra. 2014. Phoenix Publishing House, 2015.

Citizen Jake. 2020. Youtube. August 20. Accessed 2020.


https://www.youtube.com/watch?v=_ad-4luXh5I.

1941. Ibong Adarna. Directed by Vicente Salumbides. Performed by Mila Del Sol,
Fred Cortes, Ester Magalona, Ben Rubio and Vicente Oliver.

Muego, Avelina D., Badua, Zenaida S... Vibal Publishing House, Inc 2001

11 | P a h i n a
12 | P a h i n a
Balik-Aral: Pinatnubayang Pagsasanay 1:
A.
Tauhan Pahayag Damdami
ng 1.Tama 6. Tama
Namayani 2.Tama 7.Tama
3.Mali 8.Tama
1. “Maraming Pag-aalala
Reyna manggagamot na
4.Mali .) 9.Tama
Valeriana ang tumingin 5.Tama 10. Tama
ngunit hanggang
ngayo’y wala
B.(Ang pagpupuntos sa paliwanag ng mag-
pang
makapagpagalin aaral ay nakasalalay sa gurong magwawasto
g sa kaniya.” nito
Reyna 2. “Hindi ba Pag-aalala
Valeriana mapanganib sa
Pinatnubayang Pagsasanay 2:
Bundok ng
Tabor?” Ang sagot ng mag-aaral ay iba-iba ayon sa
3. “ngunit ang
Manggagamot lalong takot kanilang sariling karanasan.
mapanganib ay
ang paghuli sa
Adarna,
sapagkat iyon ay Pang-isahang Pagsasanay:
engkantada.”
4. “Bagamat
Haring mahirap sa Pangamba Ang Pagmamarka ay naayon sa rubrik na
Fernando kalooban kong ibinigay ng guro.
kayo’y mawalay
sa aking mga
mata.” Pagsusulit:
5. “Nais kong
Haring kayong tatlong pagtitiwala
Fernando mga anak ko Ang Pagmamarka ay naayon sa rubrik na
ang siyang
pumunta sa ibinigay ng guro.
bundok ng
Tabor.”
Mga Gabay na Tanong:
1. Ang naisipang gawin ni Don Pedro upang
Pangwakas:
makaligtas sa kahihiyang daranasin kung
maiuuwi ni Don Juan ang Adarna sa Ang sagot ng mag-aaral ay magkakaiba batay
Berbanya ay patayin si Don Juan. sa kanilang naunawaan at naintindihan.
2. Nakumbinsi ni Don Pedro si Don Diego na
pumayag sa kaniyang mungkahing
pagpatay kay Don Juan nang
mapagkasunduan nilang bugbugin na lang
ito at iwan sa kapatagan.
3. Ang ibinunga ng pagkainggit nina Don
Diego at Don Pedro sa kanilang bunsong
kapatid ay pagtaksilan si Don Juan.
4. Hindi umawit ang ibong Adarna pagdating
sa Berbanya dahil wala pa ang totoong
nakahuli sa kanya.
5. Ang magkakapatid ay mananatiling
magkakapatid anumang ang mangyari.
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikaapat na Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa
lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:

Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like