You are on page 1of 7

Sekondarya

Baitang 7

Filipino

SANAYAN SA FILIPINO
Ikaapat na Kwarter - Linggo 4 - Aralin 6

Pag-uugnay ng Napanood na Bahagi


ng Telenobela o Serye sa Akdang
Tinalakay Tungo sa Paglalahad
ng Sariling Saloobin, Damdamin
at Karanasan

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi: Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela o serye na may
pagkakatulad sa akdang tinalakay (F7PD-IVc-d-18)
Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasan na nabanggit sa binasa (F7PB-IVc-d-22)
Filipino - Baitang 7
Sanayan sa Filipino
Pag-uugnay ng Napanood na Bahagi ng Telenobela o Serye sa Akdang Tinalakay
Tungo sa Paglalahad ng Sariling Saloobin, Damdamin at Karanasan
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Sanayan sa Filipino anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng


mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Sanayan sa Filipino

Writers: Jemma P. Palaguayan, Mechaela Joy C. Calico


Bienvenida S. Tabuada, Abraham Edgar T. Vargas
Jonathan C. Gustilo, Marisa S. Canales & Ramel B. Garcia

Illustrator: Roel S. Palmaira, Mel June G. Flores, Althea C. Montebon


Mary Clarence G. Madero

Layout Artist: Jemma P. Palaguayan, Armand Glenn S. Lapor


Lilibeth E. Larupay, Eladio J. Jovero & Jonathan C. Gustilo

Division Quality Jemma P. Palaguayan, Jonathan C. Gustilo


Assurance Team: Abraham Edgar T. Vargas, Nelson S. Cabaluna
Rene B. Cordon, Lilibeth E. Larupay
Armand Glenn S. Lapor & Dr. Marites C. Capilitan

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Novelyn M. Vilchez


Dr. Ferdinand S. Sy, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan
Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino, Baitang 7.

Ang Sanayan sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at


sinuri ng mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral, at ang mga gurong
tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Sanayan sa Filipino na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan sila upang malinang at makamit ang
panghabambuhay na mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang


pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking
maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o
sasagutan ang mga gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon ka ng kalayaan na pag-aralan
ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at unawain
upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa mga gawain ay isulat sa hiwalay na papel.


Magandang araw sa iyo!

Sa buhay ng tao, hindi maiiwasan na makaranas tayo ng mga pangyayaring hindi


natin maunawaan kung bakit at paano ito naganap. Sa kabila nito, paatuloy pa rin tayo sa
pagharap at pagtanggap ng mga pagsubok. Sa araling ito ibabahagi mo ang iyong sariling
saloobin at iuugnay ang iyong sariling karanasan sa nabasang konsepto.
Sa iyong pagsagot ng mga gawain, inaasahang matutuhan mo ang mga layuning:
nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela o
serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay (F7PD-IVc-d-18); naiuugnay sa
sariling karanasan ang mga karanasan na nabanggit sa binasa (F7PB-IVc-d-22).

Simulan mo na!

TUKLASIN NATIN

GAWAIN 1
Panuto: Magtala ng tatlong pangyayari na iyong ginawa sa panahon ng pandemya at kung
paano ito nakaapekto sa iyo bilang isang teenager. Isulat ang iyong sagot sa
hiwalay na papel.

Tatlong Gawaing Kinaaabalahan

Paano ito nakaapekto sa iyo bilang isang kabataan?

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi: Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela o serye na may
pagkakatulad sa akdang tinalakay (F7PD-IVc-d-18); Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasan na
nabanggit sa binasa (F7PB-IVc-d-22)
1
ALAMIN NATIN

Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Opinyon

May mga pahayag na ginagamit sa pagsasabi ng mga bagay na walang katiyakan o


walang sapat na basehan. Ang mga ito ay opinyon lamang ng isa o iilang tao o pangkat.
Ang ganitong pahayag ay karaniwang hindi su.portado ng datos o siyentipikong basehan.
Ilan sa mga ganitong uri ng pahayag ay ang mga sari-sariling kuro-kuro o palagay ng tao.
Pamahiin, opinion page sa pahayagan, at iba pang katulad. Ilan sa mga ekspresyong
ginagamit sa ganitong pahayag ay ang sumusunod:
 Naniniwala ako…
 Sa aking palagay…
 Ang opinyon ko sa bagay na ito…
 Palagay ko…
 Baka ang mga pangyayaring…
 Marahil ang bagay na ito ay…
 Puwedeng ang mga pangyayari…
 Sa ganang sarili…
 Sa tingin ko…

GAWAIN 1
Panuto: Manood ng bahagi ng telenobela o serye na may paksang kaugnay sa pag-
ibig na naangkop sa iyong edad. Alamin ang namamayaning damdamin sa
napanood na palabas at sagutin ang mga katanungan sa GAWAIN 2. Sa
ibaba ang mga mungkahing palabas.

Maalaala Mo Kaya Love of My Life Prinsesa ng Basura


Kapamilya Channel GMA TV 5

GAWAIN 2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong napiling gawain
sa itaas. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

1. Ano-anong damdamin ang namayani sa mga tauhan sa napanoood na telenobela o


serye?
2. Ano-anong aral tungkol sa buhay o pag-ibig ang natutuhan mo sa palabas?
3. Batay sa mga sitwasyong iyong natunghayan hinggil sa iba’t ibang mukha at
damdamin kaugnay sa pagmamahal, gugustuhin mo pa bang magmahal? Bakit?
4. Paano mo maipadarama ang iyong wagas na pag-ibig sa mga taong iyong
minamahal?

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi: Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela o serye na may
pagkakatulad sa akdang tinalakay (F7PD-IVc-d-18); Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasan na
nabanggit sa binasa (F7PB-IVc-d-22)
2
PAGYAMANIN NATIN

Niyakap ang Ibong Adarna ng marami dahil naangkop sa kultura at pagpapahalaga


ng bansa ang takbo ng kuwento nito, kabilang ang pagmamahal sa pamilya, pagpapahalaga
sa magandang ugnayan ng bawat miyembro, at ang pagiging mabuting anak. Kabilang din
sa aral na makukuha sa korido ay ang pananampalataya.
GAWAIN 1
Panuto: Baon ang kaisipan sa itaas, mag-isip ng mga personal na karanasan (sa
iyong pamilya, sa mga kakilala, nabasa, napanood o narinig) na maaari
mong iugnay sa mga nakalahad na pangyayari sa akda.

Mga Pangyayari sa Ibong Adarna Personal na Karanasan


0

Si Haring Fernando ay isang


makatarungan at mahusay na
pinunong iginagalang at sinusunod ng
kanyang nasasakupan.

Ang hari ay dinapuan ng


karamdamang nagdulot ng labis na
kalungkutan sa kanyang pamilya at
buong kaharian

Sina Don Pedro ay naakit sa kinang at


ganda ng puno ng Piedras Platas kung
kaya siya nabiktima ng taglay nitong
ganda.

Nagdasal at humingi ng gabay si Don


Juan bago siya sumuong sa kanyang
misyon.

PAGNILAYAN NATIN

Panuto: Pagnilayan at sagutin ang tanong sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa
hiwalay na papel.

Hanggang saan ang kaya mong maitulog sa iyong kapwa?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Baitang 7 - Filipino
_______________________________________________________________
Kompetensi: Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela o serye na may
_______________________________________________________________
pagkakatulad sa akdang tinalakay (F7PD-IVc-d-18); Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasan na
nabanggit sa binasa (F7PB-IVc-d-22)
_______________________________________________________________
3
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
TAYAHIN NATIN

GAWAIN 1
Panuto: Ihayag ang iyong sariling saloobin sa mga personal na pangyayari o kaganapan
sa ating lipunan sa tulong ng mga ekspresyong nagpapahayag ng opinyon. Isulat
ang iyon sagot sa hiwalay na papel.

1. Madalas na pag-aaway ng magkakapatid.

Sariling saloobin:___________________________________________________

2. Ang hindi pagkakasundo ng mga namumuno sa pambansang pagdedesisyon.

Sariling saloobin:___________________________________________________

3. Tahasang pagsunod ng mga anak sa utos ng mga magulang.

Sariling saloobin:___________________________________________________

4. Paraan ng pakikipaglaban ng Kagawaran ng Kalusugan sa pagsugpo ng COVID-19


sa ating bansa.

Sariling saloobin:___________________________________________________

5. Ang kabayanihang iniambag ng frontliners sa gitna ng kinahaharap na pandemya.

Sariling saloobin:___________________________________________________

Paalala: Lahat ng mga gawain ay may subhektibong sagot.


SUSING SAGOT SA PAGWAWASTO

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi: Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela o serye na may
pagkakatulad sa akdang tinalakay (F7PD-IVc-d-18); Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasan na
nabanggit sa binasa (F7PB-IVc-d-22)
4

You might also like