You are on page 1of 2

MAURA N.

SIBULO NATIONAL HIGH SCHOOL


San Isidro, Pamplona, Camarines Sur

PAKITANG TURO
Mala Masusing Banghay-Aralin sa Filipino

I. Layunin:
Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kwentong bayan batay sa pangyayari at usapan ng mga tauhan.
-Deped-

II. Paksa: Naging Sultan si Pilandok


Sanggunian: Internet (https://teksbok.blogspot.com)
Kagamitan: Multimedia Projector, laptop, larawan
Pagpapahalagang moral: Walang mabuting maidudulot sa kahit kanino man na ang
paghahangad ay labis.

III. Pamamaraan:

A. Paghahanda
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng mga liban

B. Panimulang Gawain
a. Pagbabalik-aral
-Ano ang paksang aralin noong nakaraang talakayan?

b. Pagganyak
Tingnan ang ilalim na bahagi ng inyong upuan, may makukuha ang bawat isa ng
maliit na piraso ng papel, ang makakuha ng papel na may larawan ay magbibigay
ng kahulugan at isang pangungusap hinggil sa salitang nakapaloob ditto.

C. Paglinang na Gawain
a. Paglalahad ng aralin
Ang aralin na ating tatalakayin ngayon ay tungkol sa kwentong bayan na
pinamagatang “Naging Sultan si Pilandok”

b. Talakayan
1. Sino ang ikinulog at ihinulog sa dagat?
2. Sino ang binalikan ni pilandok noong nakaligtas siya sa pagkakakulong?
3. Kung ikaw ang sultan, maniniwala ka ba kay Pilandok?
4. Para sa iyo, bakit kaya naniwala ang sultan sa mga sinasabi ni Pilandok?
5. Ano ang naikintal sa iyong isipan matapos mo itong mapanood?

c. Pangkatang Gawain
Panuto: Papangkatin sa dalawa ang klase. Mula sa pangkat na kanilang
kinabibilangan. Sa Unang pangkat ibigay ang mga katangian ni Pilandok. Sa
ikalawang pangkat, ibigay ang mga katangian ng sultan. Ipaliwanag ito.

Pamantayan:

Nilalaman --------------------------------------- 20%


Kooperasyon --------------------------------------- 15%
Presentasyon --------------------------------------- 15%
Kabuuan --------------------------------------- 50 %
d. Paglalahat
1. Ano ang nais iparating ng kwento?
2. Ano ang kauganayan ng kwento sa totoong buhay?

IV. Pagtataya/Ebalwasyon

1. Ano ang pamagat ng Kwentong bayan?


2. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
3. Anong katangian mayroon ang sultan? bakit?
4. Anong katangian ang taglay ni Pilandok? Bakit?
5. Anong mensahe ang makukuha sa kwento?

V. Takdang-Aralin
Panuto: Magsaliksik sa kahilugan ng maikling kwento at magbigay ng isang halimbawa
hinggil dito.

Ipinasa ni;

MA. CARMINA V. ADRIANO


Guro

You might also like