You are on page 1of 2

NAGA COLLEGE FOUNDATION INC.

Mt. Villanueva Ave. Naga City 4400, Philippines

GRADUATE STUDIES
Master of Arts in Education Program
PACUCOA Accredited Level

Putol
Michael M. Coroza

May kanang paang putol


sa tambakan
ng basura.
Naka-Nike.
Dinamput ng basurero.
Kumatas ang dugo.

Umiling-iling
Ang basurero’t
bumulong
“sayang wala
nanamang kapares”

Sa akdang “Putol ni Michael Coroza” sinasabing ang kahirapan ay isa sa mga


pangunahing problema ng ating bansa at nabibilang sa isang maralitang pamilya.
Maraming naghihirap na mamayan sa ating bansa na namumuhay sa pagbubungkal ng
basura habang umuusbong ang panahon na nauuso ang mga produktong may tatak.
Para saakin ito ay sumisimbolo ng estado ng tao dahil ang standard kasi natin ng
pagiging presentable ay makabili ng branded na gamit. Hindi naman tayo sakop ng
ibang bansa sa kasalukuyan pero ang mentalidad na meron tayong mga Pilipino,
halatang apektado pa rin ng pagsunod natin sa kung paano mamumahay ang mga
amerikano. Dapat rin itong pagtuunan ng pansin ng gobyerno dahil mas kinikilalala
natin ang mga dayuhang produkto kaysa sa sariling atin.
Para saakin ang tulang ito ay pang mulat sa isyung panlipunan na talagang
kinakaharap ng ating bansa. Labis akong naiinis dahil karamihan pa sa nakaupo ay
ibinubulsa ang kaban ng bayan. Sana ay imbis na maging makasarili ay dapat silang
gumawa ng mga proyekto para sa mga mahihirap na patuloy na naghihirap dahil
sakanila. Hindi ito napapansin dahilan ng pagusbong ng mga ganitong produkto na ang
estado ng tao ay nakadepende sa gobyerno. Kung walang korupsyon, ang bansa natin
ay pwedeng makabuo ng industriya na maaring makagawa ng sarili nating produkto at
makakapagbigay rin ito ng trabaho sa mahihirap. Makikilala na ang sariling atin,
makakatulong pa ito sa mahihirap kaya’t sangayon ako sa tulang ito na sumisimbolo ng
kahirapan sa maraming Pilipino.
Maraming pamilya sa lipunan natin ang napariwara na dahil ang mga magulang mismo
ang nagtuturo sa kanilang mga anak ng hindi maganda. Karaniwan nang naririnig sa
mga magulang ang ganito: “Anak, dalawang klase lang ang tao sa mundo, ang mga
manloloko at ang mga nagpapaloko, kaya maging wais ka para hindi ka maloko”. O
kaya, “Mas mabuti pang ikaw na ang manloko huwag ka lang maloko”.Sa murang isipan
ang mga bata’y nahuhubog na kaagad sa pandaraya at kurapsiyon.

Kaya kailangang magbago ng pananaw sa buhay ang mga tao. Hindi swerte-swerte
lamang ang buhay. Kailangang maunawaan natin na may mga balangkas o istruktura
sa lipunan na siyang dahilan ng patuloy na pagkakalugmok ng mga tao sa kahirapan.
Kung tataas ang antas ng ating kamalayan, bubuwagin natin ang oligarchy at patronage
politics ng mga trapo at mga political dynasty, hindi aasa na lamang sa kanila kundi
magsusumikap na makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagbabanat ng buto.
Kung nabuwag na ang oligarchy maaari tayong magsama-sama upang magtayo ng
bagong uri ng pamahalaan na tunay na para sa tao na tutugon sa kanilang mga
karapatan at pangangailangan bilang mga mamamayan ng bansa, at hindi pamahalaan
para sa interes ng iilan lang na naghaharing uri.

Teoryang Realismo

 Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa


 Hango sa totoong buhay
 Ang mga paksa ay nakapokus sa sosyo- political, kalayaan, at katapangan para
sa mga naaapi.

 Nauukol sa kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian,


kawalan ng katarungan, at prostitusyon.

 Patuloy at walang hanggang pagbabago ang nais pairalin ng realism kung kayat
ang katotohanan ang una’t huling hantungan ng ninuman.

You might also like