You are on page 1of 2

IRENE C.

GABOR
MAED-FILIPINO
MaFil 102- Kayarian ng Pilipino at Kontemporaryong Literatura ng Pilipinas

GAWAIN #3. Pagsusuri sa tulang “Putol” ni Michael Coroza

PUTOL
Michael Coroza

May kanang paang


Putol
sa tambakan ng basura.
Naka-Nike.

Dinampot
ng basurero.
Kumatas ang dugo.

Umiling-iling
ang basurero't
bumulong, "Sayang,
wala na namang kapares.

Kabuuan ng Tula

Sang-ayon ako sa tulang “Putol ni Michael Coroza” dahil ito’y makatotohanan,na


maraming mamamayan ang naghihirap sa ating bansa. Namumuhay sa
pagbubungkal ng basura habang umuusad ang panahon kung saan kinikilala ang
nike. Para sa akin ito ay sumisimbolo sa estado ng buhay ng tao dahil ang
pamantayan kasi natin ng pagiging mayaman ay makabili ng may tatak na mga gamit.
Hindi naman na tayo sinasakop ng dayuhang bansa pero yung impluwensiya nila sa
atin ay nakatatak na sa ating mentalidad bilang mga Pilipino, impluwensiyado pa rin
tayo sa kung paano sila namumuhay. Dapat rin itong pagtuunan ng pansin ng
gobyerno dahil mas tinatangkilik natin ang mga dayuhang produkto kaysa sa sariling
atin. Dapat ring pagtuunan ng pansin ang mga mahihirap. Para sa akin, ang tulang
ito ay panggising, na dapat mulat tayo sa mga isyung panlipunan na kinakaharap
natin, ng ating bansa. Napakasaklap isipin na karamihan sa mga nasa puwesto ng
gobyerno ngayon nagnanakawpa rin sa kaban ng bayan. Imbis na makatulong, sila pa
mismo ang nagnanakaw, Sana, imbis na pairalin nila ang pagiging makasarili ay
maglunsad na lang sana sila ng mga proyekto na makakatulong sa mga mahihirap na
na nagtitiis pa rin hanggang sa ngayon dahil sa kanila. Hindi na ito napapansin
dahilan sa pagtangkilik ng mga tao sa mga ganitong produkto na para bang ang
estado ng kanilang pamumuhay ay nakadepende sa mga may tatak/branded na
gamit. Kung walang korapsyon, ang bansa natin ay pwedeng makabuo ng industriya
na maaring makagawa ng sarili nating produkto at makakapagbigay rin ito ng trabaho
sa mahihirap. Makikilala na ang sariling atin, makakatulong pa ito sa mahihirap
kaya’t sang-ayon ako sa tulang ito na sumisimbolo ng kahirapan sa maraming
Pilipino.

Sukat at Tugma: ito ay malayang taludturan sapagkat ito'y walang sinusunod


na Partikular na sukat at tugma.

Talinghaga: Kumatas ang dugo. Nangangahulugang Labis na Kahirapan.


Simbolismo:

Sapatos na Nike- sumisimbolo ng estado ng tao dahil ang pamantayan kasi natin ng
pagiging mayaman ay makabili ng branded o may tatak na gamit. kung saan imbis na
ang paa ang sumusuot sa sapatos, pinapakita sa tula na ang sapatos na Nike ang
sumusuot sa paa.

Bisang Pampanitikan

Bisa sa Isip- Tunay ngang ang buhay ay tulad ng isang gulong, minsan ay nasa
ibabaw at minsan ay nasa ilalim naman. Kapag nakakaranas ng hirap sa buhay, ikaw
ay nasa ilalim ngunit kung napagtatagumpayan mo naman itong harapin, ikaw ay
nasa ibabaw.

Bisa sa Damdamin- masarap sa pakiramdam na nakayanan mo ang mga problema


dahil bago mo ito nalampasan ay talaga namang dumaan ka muna sa butas ng
karayom. Isipin mo lang na sa bawat pagsubok na iyong nalalampasan ay mas
nagiging matatag ka. Gayunpaman, sa tulong ng iyong tapat na pananampalataya sa
Diyos ay magtatagumpay ka sa mga hamon ng buhay. Wika nga nila, “pagkatapos ng
ulan ay masisilayan mo ang isang napakagandang bahaghari” na magpapangiti sa iyo
at masasabi mo sa iyong sarili na ito na ang bagong simula sa iyong buhay ngunit
napakasakit isipin din na mayroon paring mga tao ang nalulugmok sa kahirapan.
Maraming mga kabataan ngayon na mas pinapahalagahan ang imported kaysa sa
gawang Pilipino.

Bisa sa Kaasalan- Kahit ano pa mang problema, matutong harapin ito, maging
matatag, matibay at iwaksi ang nadaramang takot na baka hindi mo ito kayanin. Lagi
mong isipin na magtatagumpay ka. Kung hindi mo aalisin ang takot, hindi ka talaga
magwawagi at tatalunin ka lamang ng problema. Huwag mong hayaang sirain ng
takot mo ang mga pangarap mo.

Dulog

Realismo Ang paniniwala sa katotohanan na mayroon sa mundong ito.


Pinahahalagahan ng realismo na ang kahulugan ng isang bagay ay hindi lamang
sapat sa mga kahulugan nito, ngunit mayroon ding mas malaking kahulugan. Apat sa
mga ito ay nabanggit pa sa kahulugan ng pagiging totoo, dahil pinapakita nito ang
iba’t ibang dimensiyon mayroon ang lipunang ating kinasasadlakan. Ipinapahayag ng
teoryang ito ang katotohanan sa buhay ng tao tungkol sa realidad sa buhay ng mga
tao. Ang kahirapan at patuloy na pagkalugmok ng mga tao ay patuloy pa ring
tinatamasa ng mga tao mula noon hanggang sa ngayon.

You might also like