You are on page 1of 33

Magandang

Araw! 
“Musikantahan

Mayroon akong ipapakitang
video at huhulaan ninyo kung
ano ang pamagat ng Awiting ito.
LAYUNIN
a.natutukoy ang mga halimbawa ng awiting
bayan;
b.nabibigyang halaga ang mensaheng nais
iparating ng awiting bayan;at
c. nakabubuo ng sariling liriko gamit ang
kantang “Leron, Leron Sinta”
Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat
Unang Pangkat:Tukuyin ang mga halimbawa ng Awiting
bayan at isulat sa Manila Paper.
Ikalawang Pangkat: Suriin ang Sukat at tugma ng
awiting bayang “Leron, Leron, Sinta
Ikatlong Pangkat: Ano ang mensaheng nais iparating ng
kantang “Leron, Leron Sinta”.
PAMANTAYAN
Kraytirya Napakahusay (4pts) Mahusay (3pts) Nalilinang (2pts) Nagsisimula(1pts)

Nilalaman Kompleto at Kompleto ang May ilang Maraming


komprehensibo ang nilalaman.wasto ang kakulangan sa kakulangan sa
nilalaman.Wasto ang impormasyon nilalaman. nilalaman
impormasyon

Presentasyon Malikhaing nailahad, Maayos na nailahad. Hindi gaanong  Hindi gaanong


maayos ang daloy at nauunawaan ng maayos ang maayos ang
nauunawaan ng lahat. lahat. presentasyon at presentasyon at
may ibang bahagi maraming bahagi
na hindi gaanong na hindi gaanong
malinaw malinaw.

Oras at disiplina Mabilis na natapos at Hindi maingay at Maingay at hindi Hindi natapos sa
hindi maingay hindi tapos tapos oras na ginugol.
Kabuuan        
Awiting-
bayan 
o kantahing-
• mga awit ng mga Pilipinong ninuno at
hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa
rin.
• Halimbawa ng mga awiting ito ay Leron,
Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay
Kubo, Atin Cu Pung Singsing, Manang
Biday at Paruparong Bukid.
• Nanatiling paksa ng mga awiting-bayan ang katutubong
kultura.
• Pinaksa ng mga awiting-bayan ang tungkol sa
• Damdamin ng tao, paglalarawan at pakikitungo sa
kapaligiran, kahalagahan ng paggawa, kagandahan ng
buhay, pananalig, pag-asa, pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, at paglalahad ng iba-ibang ugali at
kaugalian.
MGA AWITING
BAYAN SA
BIKOL
-Sarong Banggi
-Lagatik
-Si nanay, si tatay
-Bulkan Bulusan, Mayon, Isarog
KUMBENSIYON
Nakasanayang ginagamit.
SUKAT
 Bilang ito ng pantig sa bawat
taludtod.
• Maaaring magtaglay ito ng
wawaluhing pantig,
lalabindalawahing pantig, lalabing-
animing pantig at lalabingwaluhing
pantig.
a. WAWALUHING PANTIG NA TALUDTOD:
I pa a a gos ko na lang,
Sa u lan ang ka lung ku tan.
Ka hit na a lam ko na man,
Hin di ki ta ma pi gi lan.
(Sa Pagbuhos ng Ulan ni John Mark C. Sinoy)
B. LALABINDALAWAHING PANTIG NA
TALUDTOD:
Kung pag sa u lan kong / bas a hin sa i sip
ang na nga ka ra ang / a raw ng pag- i big
may ma ha ha gi lap / ka yang na ti ti tik li
ban na kay Sel yang / na mugad sa dib dib?
(Kay Selya ni Balagtas)
C. LALABING-ANIMING PANTIG:
Si ka pin mong lu mi ga ya’t tu ma hi mik ang ta ha nan,
ma ging pu gad ang ma ri lag at ma pu ring ka pa la ran;
ang li ga lig sa bu hay mo ay da pat na pag la ba nan
kung na is man sa pa na ta ay di ba gay na ta wa ran

(Ang Aklat ng Buhay ni Iñigo Ed Regalado)


TUGM
 Ang pagkakatulad o pagkakapare-
pareho ng huling tunog sa hulihan
ng bawat taludtod.
• Ang tugma sa Filipino ay
sumasaklaw sa tugmaang ganap at
di-ganap.
TUGMAANG GANAP
Nangangahulugang nagtatapos
ang mga taludtod sa patinig at
magkakasintunog ang huling
salita sa bawat taludtod.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa –
Panakip sa aking namumutlang mukha –
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
Ni ibon ni taoý hindi na matuwa!

(Isang Punong Kahoy ni J.C. de Jesus)


TUGMAANG DI-GANAP
• Nangangahulugang nagtatapos ang
mga taludtod sa katinig,
• kung magkakatulad lamang ang
tunog ng dulong salita ng taludtod
ngunit hindi pareho ang diin.
Akoý isang kimpal sa pisngi ng langit,
Waring itinampal sa laki ng ngitngit;
Kung misaý makapal at lipos ng lupit
Maitim ang kulay sa bigat ng tubig.

(Ang Ulap ni G.V. Panganiban)


Avena, Lorenza P..et al. Gintong Pamana III, Pahina 103.
TALINGHAG
A
 Sa paggamit ng mga tayutay at may natatagong o
hindi lantad na kahulugan ng pananalita upang
pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.

 Naiiba rin ang kahulugan ng ipinapahayag

 Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at


pagkamalikhain ng Wikang Filipino.
TAYUTAY
• Isang sinadyang paglayo sa karaniwang
paggamit ng mga salita upang madaling
maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang
pagpapahayag.
• Nakadaragdag ito sa kalinawan, kabigatan at
kagandahan ng isang katha, pasalita man o
pasulat.
Panuto; Gumawa ng sariling liriko ng awiting bayan gamit ang
kantang “Leron, Leron Sinta” na sumasalamin sa kasalukyuang
nangyayari sa lipunan. Maaaring lagyan ng sukat, tugma, tayutay
at talinghaga.
Pamantayan
Pagkamalikhain 4 puntos
Presentasyon 4 puntos
Oras at Disiplina 2 puntos
Kabuuan 10 puntos
Ano ang awiting bayan?

Ano-ano ang Kumbensiyon na


ginagamit sa Pagsulat?
Ano-ano ang mensaheng nais
iparating ng awiting bayan?

Bakit mahalagang pag-aralan


natin ang mga awiting bayan?
Bilang isang malayang bansa, isa sa mga
pribilehiyo na ating nakuha ay ang
karapatang ipagmalaki ang ating awiting
bayan.

Ito’y dahil ang mga awiting bayan ay


naging parte ng ating kasaysayan at
kultura.
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod:

1-3 Tukuyin ang mga halimbawa ng


Awiting bayan.

4-5. Ano ang mensaheng nais iparating


ng Awiting bayan na Bahay kubo?
Kasunduan
1. Kantahin ang Awiting bayan na “Doon
po saamin”. Ano ang mensaheng nais
iparating ng awiting ito?

2. Ano-ano ang tayutay?

You might also like