You are on page 1of 16

Elemento ng Tula

Elemento ng Tula

•Sukat
•Saknong
•Tugma
•Kariktan
•Talinghaga
Sukat
• ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat
taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig
ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

• halimbawa :
• isda (is da) - ito ay may dalawang pantig
• is da ko sa Ma ri ve les - 8pantig
Mga Uri ng Sukat
• halimbawa
• 1. Wawaluhin

• halimbawa
• Isda ko sa Mariveles ,
• Nasa loob ang kaliskis
2. Lalabindalawahin
hal.
Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat.
3. Lalabing-animin
hal
Sari-saring bungangkahoy, hinog na
matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa
paligid.
4. Lalabingwaluhin
hal.
Tumutubong mga palay, gulay at maraming
mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang
kahoy na malalabay
Ang mga tulang may lalabingdalawa at labingwalo ay may
SESURA o hati na nangangahulugang saglit na paghinto ng
pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim na pantig.
Halimbawa : Sesura

Ang taong magawi / sa ligaya't aliw.


Mahina ang puso't / lubhang maramdamin
Tinanong ko siya / ng tungkol sa aking mga panaginip
pagdaka'y tumugon/ ang panaginip ko'y / Pag-ibig, pagibig.
Trivia :
Noong panahon ng Hapon, may
tulang dinala rito ang mga Hapones.
Ito ang tinatawag na Haiku, na may
limang pantig lamang sa loob ng isang
saknong at Tanaga naman na may
pitong pantig sa loob ng isang
saknong.
Tugma
ito ang katangian ng tula na hindi angkin ng
mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma
ang tula kapag ang huling pantig ng huling
salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog.
Lubha itong nakagaganda sa pagbigkas ng tula.
Ito ang nagbigay sa tula ng angkin nitong himig
o indayog.
Mga Uri ng Tugma
1. Tugma sa Patinig ( Ganap)
tugmaan sa patinig
hal. Mahirap sumaya
Ang taong may sala

Kapagka ang tao sa saya'y nagawi


Minsa'y nalilimot ang wastong ugali
Para masabing may tugma sa patinig, dapat
pare-pareho ang patinig o katinig sa loob ng
isang saknong o dalawang magkasunod o
salitaan.

hal.
a a a
a a b
a b a
a b b
2. Tugma sa Katinig (Di-Ganap)
a. unang lipon - b,k,d,g,s,t
hal. Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

b. ikalawang lipon - l, m , n, ng, r, w, y


hal. Sapupu ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
KARIKTAN
Kailangang magtaglay ang tula ng marikit na salita
upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang
damdamin at kawilihan

Halimbawa :

maganda - marikit

mahirap - dukha o maralita


Talinghaga
Magandang basahin ang tulang di-tiyakang
tumutukoy sa bagay na binabanggit. Ito'y
isang sangkap ng tula na may kinalaman sa
natatagong kahulugan ng tula.

Hal.
nag-agaw buhay
naniningalang-pugad
nagsunog ng kilay
Pagsasanay A.
Sagutin ang mga tanong sa kuwaderno.
1. Anu-ano ang mga elemento ng tula?
2. Anu ano ang mga tawag sa tugma ng tula?
3. Anu-ano ang mga uri ng sukat ng tula?
4. Sino ang nagdala ng tulang Haiku at Tanaga sa Pilipinas?
5. Bakit mahalaga pa ang tula sa panitikang Pilipino?

Pagsasanay B. (5puntos)
Gumawa ng maikling tula gamit ang Wawaluhin na sukat
na nasa anyong ganap.

You might also like