You are on page 1of 30

Mga Konseptong

Pangwika
WIKA
MGA MAHAHALAGANG TANONG:

a. Ano-ano ang kahalagahan ng wika sa buhay ng tao? Ano


kaya ang mangyayari kung mawawala ang wikang binibigkas
at nauunawaan ng mga tao sa isang pamayanan o kultura?
b. Ano ang kahalagahan ng pag-alam sa antas ng wika sa
larangan ng propesyon na nais niyo?
MGA MAHAHALAGANG TANONG:
c. Ano ang kahalagahan ng pag-alam sa iba’t ibang antas ng
wika sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang
indibidwal?
d. Bakit mahalaga ang wika? sa paanong paraan ito nagiging
instrumento ng mabisang pakikipagtalastasan, kapayapaan,
at mabuting pakikipagkapwa-tao?
MGA PAMANTAYAN

• Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga


konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika
sa lipunang pilipino.
• Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, ganit,
mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng wikang
pambansa ng pilipinas.
• Kasanayang Pampagkatuto:
a. natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong
pangwika.
b. naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman,
pananaw at mga karanasan.
c. nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook,
google, at iba pa) sa pag-unawa sa konseptong pangwika.
• Performance Task: nakapagtatanghal ng isang patalastas
gamit ang produktong ibinigay ng guro sa pamamagitan ng
mabubunot na antas ng wika ng mag-aaral.
Paglalaro ng Kantaririt (hahatiin ang mga
mag-aaral sa tatlong pangkat)

• Bubunot ang bawat pangkat ng tunog ng hayop na gagamitin


sa pagpapahula. Bawat mang-aawit ay kukuha ng isang
awitin na kanyang aawitin gamit ang tunog ng hayop na
nabunot. bibigyan ang bawat pangkat ng isang minuto para
magpahula at hulaan ang pamagat ng awitin.
SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA GABAY
NA TANONG:
• Naging madali ba ang paghuhula niyo sa awitin na isinagawa ng
inyong kamag-aral? Pangatuwiranan.
• Ano kaya ang naging balakid kung bakit hindi naging madali ang
paghula niyo sa tamang kasagutan?
• Sa tingin niyo, kung ganito ang klase ng wika na ating gagamitin
sa pang-araw-araw ay magiging produktibo at epektibo ba ang
ating pakikipagtalastasan sa bawat indibidwal? ipaliwanag ang
inyong sagot.
KAHULUGAN NG WIKA
ANTAS NG WIKA
WIKA

ISANG NAPAKAHALAGANG INSTRUMENTO NG KOMUNIKASYON


KAHULUGAN NG WIKA

• Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra (2003), ang wika


ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang
anumang minimithi o pangangailangan natin. ito ay behikulo
ng ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong
nagagamit. Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pag-iisip,
sa kanyang pakikipag-ugnayan, at pakikipag-usap sa ibang
tao; at maging sa pakikipag-usap sa sarili.
KAHULUGAN NG WIKA

• Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr., ang wika ay


masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos
sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
nabibilang sa isang kultura.
KAHULUGAN NG WIKA

• Ayon sa Cambridge Dictionary, ang wika ay isang sistema


ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at
gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga
mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain.
KAHULUGAN NG WIKA

• Ayon kay Bernales et. al. (2002), ang wika ay proseso ng


pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.
MGA ANTAS NG WIKA
Pormal – ito ay mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap
at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng nakapag-aral ng wika.
• Pambansa – mga salitang karaniwang ginagamit sa mga
aklat/pambalarila sa lahat ng paaralan.
• Pampanitikan – mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang mga akdang pampanitikan, mga salitang karaniwang
matatayog, malalim, makulay at masining.
Pambansa Pampanitikan
Ina Ilaw ng tahanan
Baliw Nasiraan ng bait
Magnanakaw Malikot ang kamay
Katulong Katuwang
Kapatid kapusod
Impormal – ito ay mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-
araw na madalas natin gamitin sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at
kakilala.
• lalawiganin – mga bokabularyong pandayalekto na ginagamit sa
mga partikular na pook o lalawigan na kadalasa’y makikita rin ito
sa pagkakaroon ng kakaibang tono.
Hal.
Pinakbet
Vakkul
• kolokyal – mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa
pagkakataong impormal at maaaring may kagaspangan nang
kaunti ang mga salita ito ngunit maaari rin itong maging
repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito. Ang
pagpapaikli ng isa, dalawa o mahigit pang salita ay mauuri
rin sa antas na ito. halimbawa: pa’no (paano), sa’kin (sa
akin)
• balbal – tinatawag sa ingles na slang, sa mga pangkat-
pangkat nagmumula ang mga ito upang ang mga pangkat ay
magkaroon ng sariling codes.
PANUTO: GAMIT ANG ANTAS NG WIKA SA LARONG
“ANTAS MO!, IKUWENTO MO!, ILARAWAN ANG
PINAKAMASAYANG KARANASAN SA IYONG BUHAY SA
PAMAMAGITAN NG 2-3 PANGUNGUSAP SA PAMAGITAN
NG ANTAS NG WIKA NA INYONG NABUNOT.
PANUTO: Ang mga mag-aaral sa limang pangkat.
Bawat pangkat ay bibigyan ng produkto na ipapakilala
sa madla sa pamamagitan ng video. Ipapakilala ang
produkto gamit ang antas ng wika na nabunot.
PAMANTAYAN
Krayterya Lubhang Kahika-hikayat Kahika-hikayat Di-Gaanong kahika-
hikayat
Tinig Angkop ang paghina at paglakas ng Pabago-bago ang lakas at Di-gaanong naiparinig ang
tinig ayon sa diwa at damdamin na paghina ng boses at pagbabago ng lakas at hina
nakapaloob sa binasa. katamtaman lamang ang ng tinig gayundin ang
pagpapadama ng damdamin damdaming nakapaloob sa
binasa.
Tindig Akma ang bawat kilos at galaw Ang galaw at kilos ay di- Kulang ang kilos na
gaanong angkop ipinakita.
Bigkas Malinaw ang bigkas. Napalutang Malinaw ang bigkas ngunit Di-gaanong malinaw ang
nito ang damdaming namamayani may ilang bahagi na di- pagbigkas sa mga salita.
rito gaanong nabigkas.
Panghikayat sa Taglay nito ang panghikayat sa Katamtaman lamang ang Hindi gaanong nahikayat
Madla madla at nakikinig dahil sa nagging reaksiyon ng madla ang mga nakikinig dahil
reaksiyon ng tagapakinig walang gaanong reaksiyong
makikita sa kanila.
Kaangkupan ng Angkop na angkop ang mga Di-gaanong angkop ang Hindi angkop ang napiling
Paksa napiling salita sa paksa napiling salita sa paksang salita sa paksa.
tinalakay
PAGSASANAY

PANUTO: TUKUYIN KUNG ANO ANG GINAMIT NA


ANTAS NG WIKA ANG IPINAPAKITA SA SITWASYON
NG BAWAT PANGUNGUSAP.
_____ 1. ANG MGA MAG-AARAL SA GRADE 11-HUMSS D AY
MAGAGANDA.
_____ 2. WALA NAMANG MABABAGO SA PAGTINGIN KO SA IYO PERO
KAIBIGAN LANG ANG PUWEDE KONG IALAY SA IYO AT KUNG HIGIT PA
RO’N, PASENSIYA NA, ‘DI KO MAKAKAYA, PARE KAIBIGAN LANG KITA.
_____ 3. TARUSH NA TARUSH TALAGA ANG MGA SAGOT NI JULIANA
PARICOVA SEGOVIA KAYA’T GANENCHING NA LAMANG ANG
PAGKAWINDABELS NIYA SA MS. Q & A.
_____ 4. SA PAGBAKASYON KO SA ISABELA, NATIKMAN KO ANG
IPINAGMAMALAKI NILANG PINAKBET.
_____ 5. NALAMAN NI MERCURY NA KAUPO NIYA ANG AMERIKANONG
SI LACHICA AT LAKING TUWA NIYA NANG ITO AY MAGSALITA NG
PAGPAPAYAMAN

PANUTO: Magpapakita ang guro ng larawan ng mga sikat na


personalidad sa telebisyon at tutukuyin ng mga mag-aaral
kung anong antas ng wika na madalas na ginagamit sa
pasalitang paraan. Magbibigay rin ang mga mag-aaral ng
halimbawa sa bawat personalidad.
PAGTATAYA

PANUTO: GAMIT ANG BIDYO NA INYONG BINUO, LAPATAN ITO NG MUSIKA AT IBA
PANG EPEKTO AT I-UPLOAD SA MGA SOCIAL MEDIA SITES UPANG MAGKAROON NG
KAMALAYAN ANG MGA MAMAMAYANG PILIPINO SA IBA’T IBANG ANTAS NG WIKA.
ANG MAY PINAKAMARAMING REAKSIYON SA SOCIAL MEDIA ANG SIYANG
MAGKAKAROON NG KARAGDAGANG PUNTOS.
MAHALAGANG TANONG

• Bakit mahalaga ang wika? Sa paanong paraan ito


nagiging instrumento ng mabisang
pakikipagtalastasan, kapayapaan, at mabuting
pakikipagkapwa-tao?

You might also like