You are on page 1of 24

Mga Batayang

Kaalaman ng Wika
Ano ang wika para sayo ?

Wika

Midyum ng Tulay upang makapag-usap at


komunikasyon. magkaunawaan.

Proseso ng pagdadala at pagtanggap


ng mensahe.
Ayon kay Henry Gleason , ang WIKA ay isang
masistemang balangkas na sinasalitang tunog
na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang o kasapi
sa isang kultura o lipunan.

Ayon kay Archibald A. Hill ang wika raw ang


pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng
simbolikong gawaing pantao. Sining ng
pakikipagtalastasan
Kahalagahan ng Wika
• Instrumento sa Komunikasyon ( kasangkapan)

ANG WIKA , pasalita man o pasulat ay pangunahing


kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at
kaisipan. ( ANG DALAWANG TAO AY NAGKAKAUNAWAAN
SA PAMAMAGITAN NG EPEKTIBONG PAGGAMIT NG WIKA )
Kahalagahan ng Wika
Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap
ng mga karunungan at kaalaman.
(Mahalaga sa pagpapanatili, pagpapayabong at
pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao. )

• Naipakikilala ang kultura dahil sa wika.

• Ginagampanan ng wika ang tagapagpanatili ng


pambansang kamulatan at pagkakakilanlan.
• Mahalaga ang wika bilang tulay para makausap at
magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kani-
kaniyang wikang ginagamit.
Katangian ang wika
Ang wika ay :

1. MASISTEMANG BALANGKAS – Lahat ng wika sa daigdig


ay sistematikong nakasaayos sa isang tiyak na balangkas.
Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog.

- binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang


wika na makalika ng mga yunit ng salita na kapag
pinagsama-sama sa isang maayos at makabuluhang
pagkasunod-sunod ay nakabubuo ng mga pararila
pangungusap at talata.
Balangkas ng Wika

Ponema Makabuluhang tunog

Morpema Pinakamaliit na yunit ng salita

Sintaks Lipon ng mga salita na may iisang ideya.


( pangungusap )

Diskurso Makahulugang palitan ng mga


pangungusap ng dalawa o higit pang katao.
2. Sinasalitang tunog
• Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat
ng tunog ay may kahulugan,
• Makahulugan ang isang tunog sa isang wika
kapag ito ay may kakayahang makapagbago ng
kahulugan ng isang morpema o salita.
Hal.
• Pala – Bala
• Bagay – bahay
2. Sinasalitang Tunog

Ito ang tunog nanalilikha


ng ating mga aparato sa
pagsasalita.
Hal.
Babagtingag tinig
Artikulador
Kumakatal na bagay
3. Pinipili at isinasaayos
• Pinipili ang wikang ating gagamitin upang tayo’y
maunawaan ng ating kausap.

• Samantala upang maging epektibo ang


komunikasyon, kailangag isaayos natin ang
paggamit ng wika.
4. Arbitraryo ( walang isang salita na iisa lang ang
kahulugan)
• Ang isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay
hindi matutong magsalita kung paanong ang mga
naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita
sapagkat ESENSYA NG WIKA AY PANLIPUNAN.

• Bawat indibidwal ay nakakadebelop din ng sariling


pagkakakilanlan sa pagsasalita na ikinaiiba niya sa iba pa.
5. Ginagamit
• Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng
iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong
ginagamit.

• Kapag HINDI na ginagamit , ito’y nawawalan ng saysay,


unti-unting mawawala at tuluyang mamamatay.
6. Nakabatay sa Kultura
• Nagkakaiba-iba ang mga wika sa daigdig dahil ng mga
kultura ng mga bansa at mga pangkat.
Hal.

Ice formation ( Ingles) = yelo o nyebe (Filipino)


7. Nagbabago
• Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago.

• Ang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong


bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao,
maaaring sila ay nakakalikha ng mga bagong salita.
• May mga salitang nawawala at nagkakaroon ng bagong
kahulugan.

( hindi na ginagamit ang mga salita ngunit may bagong bigkas


ang paraan nito at may bagong paraan ng pagbabaybay)
T
e
o Ng wika
r
y
a
Teorya ng Wika
1. Teoryang bow-wow (KALIKASAN)
Ayon sa teoryang ito ang wika raw ng tao ay mula sa
PANGGAGAYA SA MGA TUNOG NG KALIKASAN.

2. Teoryang Pooh-pooh ( DAMDAMIN )


Unang natutong magsalita ang tao, ayon sa teoryang ito,
nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga
masisidhing damdamin tulad ng SAKIT, TUWA, SARAP,
KALUNGKUTAN, TAKOT, PAGKABIGLA at iba pa.
(pansinin nga naman ang isang Pilipinong
napapabulalas sa sakit.)
3. Teoryang Yoheho
- Pinaniniwalaan na ang tao ay natutong magsalita
bunga ng diumano ng kanyang pwersang pisikal.

4. Teoryang tarara-boom-de-ay
- Ayon sa teoryang ito nagmula ang wika sa mga tunog
na nalilikha ng ating mga ninuno sa mga ritwal na
kalauna’y nagpapabago-bago at nilapatan ng iba’t
ibang kahulugan.
5. Teoryang tata
- Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng
tao na kanyang ginagawa sa bawat particular na okasyon ay
ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumilikha
ng tunog at kalauna’y nagsalita.

6. Teoryang dingdong
- Kahawig sa teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika ang
tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na
nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid.
- Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan
lamang kundi maging sa mga bagay na nalikha ng tao.
7. Teoryang coo coo
-ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa wika ng
sanggol.

8. Teoryang hocus pocus


- Ayon sa teoryang ito, ang wika ay tulad ng pinanggalingan
ng mga mahikal o relihiyosong aspeto sa pamumuhay ng
ating mga ni ninuno.
9. Teoryang hey you!
-ayon sa teoryang ito nagmula ang wika sa mga tunog na
nagpapakilala ng pagkakakilanlan at pagkakabilang.

10. Teoryang babble lucky


-ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga
walang kahulugang bulalas ng tao.

You might also like