Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO
INTRODUKSYON
TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO?
Ang modyul na ito ay sumasaklaw sa pagsasanay ng paggamit ng estruktura at gamit ng Wikang Filipino sa
pagtuturo sa elementarya. Sumasaklaw sa deskriptibong pag-aaral ng wikang Filipino sa lebel ng ponolohiya,
morpolohiya, semantics at sintaks.
Kognitibo Nabibigyang linaw ang kahulugan at pinagmulan ng wika bilang gamit sa pakikipagkomunikasyon.
Apektibo Naibabahagi ang sariling damdamin tungkol sa kahalagahan ng wika sa kasalukuyan hanggang sa
panghinaharap.
Psychomotor Nakasusulat ng isang awtput o mga pamamaraan na nagpapakita ng wastong gamit ng wika sa pang-
araw-araw na pamumuhay.
PANIMULANG GAWAIN
Ano ba ang alam mo?
Bago magsimula ang talakayan, alamin muna natin ang iyong kaisipan tungkol sa paksa.
Panuto: Isulat ang mga kaisipan na iyong nalalaman tungkol sa Panitikan.
Ponema-tawag sa
makahulugang tunog
ng isang wika.
Ponolohiya-tawag sa makaagham na pag-aaral ng ponema.
Morpema-maliit na yunit ng mga salita.
Morpolohiya-makaagham na pag-aaral ng mga morpema.
Pangungusap-maaaring mabuo kapag ang mga salita ay pinag-ugnay.
Sintaksis-makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap.
Wika
Diyalekto Bernakular
Bilingguwalismo at
Unang Wika Pangalawang wika
Multilingguwalismo
Diyalekto
-kapag nagkakaintindihan dalawang nag-uusap na na gumagamit ng dalawang magkaibang wika.
Bernakular
-Tawag sa wikang katutubo ng isang pook(Varayti-Diyalekto). Ito ay wikang ginagamit ng isang pook na
hindi sentro ng gobyerno o kalakal
Unang wika
-“Wikang sinuso sa ina”
Ikalawang wika
-Wikang iyong natutuhan matapos mong matutuhan ang unang wika
Bilingguwalismo
-Tumutukoy sa paggamit ng dalawang wika
Multilingguwalismo
-Patakarang edukasyong pinaiiral sa Pilipinas kung saan ginagamit natin ang mother Tongue based
TUKLASIN NATIN!
Nais mo pa bang magkaroon ng dagdag kaalaman sa iba’t ibang paniniwala tungkol sa wika ? May ilang
mga teorya na maaaring nalathala o nagpalipat-lipat sa pamamagitan ng bibig na maaaring gawing
batayan ng pinagmulan ng wika sa daigdig. Halina’t ating tuklasin!
Ding-dong
Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng
mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan
lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog
na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y
nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog.
Pooh-pooh
Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila
bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa- Aray! Samantalang ang
mga Amerikano ay napapa-ouch! Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng
takot?
Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga
diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng
pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag
tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?
Ta-ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat
partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y
nagsalita. Tinatawag itong ta-tana sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag
ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba
at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.
Ta-ra-ra-boom-de-ay
Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa
pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging
sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong.
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na
kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Tore ng Babel
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang suliranin sa
pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at
nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga
tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang
kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at
naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kabanata 11:1-8)
Mga Halimbawa:
PARAK ESKAPO ISTOKWA JUDING TIBOLI BALBONIK
pulis takas sa bilangguan Naglayas bakla Tomboy taong maraming balahibo sa katawan
Gurang-Matanda, sikyo-Security guard, Tipar-Party, Isputing-Nakaputi, Yosi-Sigarilyo, waswas-Asawa
2. Kolokyal
Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita. Nagtataglay ng
kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin namang maging repinado batay sa kung sino ang
nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap. Ginagamit sa okasyong impormal at isaalang- alang dito
ang salitang madaling maintindihan.
Mga Halimbawa:
alala lika naron kanya-kanya antay lugal
Sanaron-Saan naroon, Kamo-Wika mo, Ewan-Aywan, Teyka/teke-Hintay ka, Tena-Tara na, Kako-
Wika ko
3. Lalawiganin/Panlalawigan
Karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng mga Cebuano, Batangeno,
Bicolano, at iba pa na may tatak-lalawiganin sa kanilang pagsasalita. Isang palatandaan ng lalawiganing
tatak ay ang punto o accent. Salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook. Mga salitang
ginagamit sa isang lalawigan at hindi pamilyar na gamitin sa ibang lugar.
Mga Halimbawa
KAIBIGAN Kaibigan-Tagalog Gayyem-Ilokano Higala-Cebuano Amiga-Bikolano
HALIK Halik-Tagalog Ungngo-Ilokano Halok-Cebuano Hadok-Bikolano
4. Pambansa/Lingua Franca
Ginagamit sa mga aklat, babasahin, at sirkulasyong pangmadla. Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa
pamahalaan. Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilasyon at kalakalan.
Mga Halimbawa:
aklat ina ama dalaga masaya
5. Pampanitikan
Pinakamayamang uri. Kadalasa’y ginagamit ang salita sa ibang kahulugan. Gumagamit ng idyoma,
tayutay, at iba’t ibang tono, tema, at punto. Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang panitikan ay ang
“kapatid na babae ng kasaysayan,” ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan ay makasaysayan dahil sa
kanyang kakayahang lumikha ng piksyunal o kathang isip. Ito ay nagaganap sa tuwing ang wikang
pampanitikan ay malayang nagagamit sa pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang
pampanitikan.
Mga Halimbawa:
Mababaw ang luha - Madaling umiyak
Magbanat ng buto - Magtrabaho
Bukas palad - Handang tumulong
Magmamahabang dulang - Mag-aasawa
Kapit-tuko - Mahigpit ang kapit
GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sagutan ang mga sumusunod na Gawain upang mas mapalalim ang kaalaman tungkol sa
paksang tinalakay.
Pagnilayan at Unawain
Gawain 1. IBAHAGI ANG KAALAMAN.
a. Muling balikan at bigyang paliwanag kung bakit sinasabing ang wika ay
sistematikong nakaayos.
1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon
ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan.
2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin
ang dyalekto ng Toskong Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga
katutubong wikang Awstronesyo.
PAGBUBUOD/PAGLALAHAT
a. Buod
1. Ang kahulugan ng Wika.
“Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa iisang kultura."
3. Antas ng Wika?
o Pabalbal /Balbal
o Kolokyal
o Lalawiganin/Panlalawigan
o Pambansa/Lingua Franca
o Pampanitikan
b. Konklusyon at Repleksyon
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Panuto: Mag-isip ng limang salitang katutubo at bakasin ang pagkakaiba ng katawagan o kahulugan sa
pagdaan ng panahon.
1. Salapi kwarta pera bread datung
2. Aksidente Trahedya Sakuna Kapahamakan Kamalian
3. Alaala gunita pagtatala Ideya Repasuhin
4. Angal reklamo kahangalan daing kahilingan
5. Giba wasak hindi buo sira gulo
6. ________ ________ _______ ________ ________
II. Maglista ng sampung salita na pareho ang bigkas sa Filipino ngunit nag-iiba ang kahulugan batay sa lokasyon o
heograpiya. I-tsart ang mga ito.
III. Magtala sa kasunod na talahanayan ng mga salitang mababanghay sa iba’t ibang antas.
PORMAL IMPORMAL
3.
4.
5.
6.
TAKDANG ARALIN / MGA BABASAHIN:
Magsaliksik at basahin ang mga makaagham na pag-aaral ng wika.
SANGGUNIAN:
Arrognte, J., 2007. Retorika (Masining na Pagpapahayag). Mandaluyong City: National Bookstore
Belvez, Paz M. et al. Sining ng Komunisyon, Pangkolehiyo Maynila: Rex Bookstore, 2003.
Bernales, Rolando et al. 2009. Akademikong Filipino para sa Kompetetibong Pilipino: Mutya Publishing House, Inc.
Malabon City.
https://www.slideshare.net/thaddeussoria/aralin-2-g-ang-wika-at-lipunan