You are on page 1of 14

SCHOOL OF LIBERAL ARTS

FILIPINO 1
(WEEK 1)

• INTRODUKSYON
TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO?
Isang metalinggwistik na pag-aaral sa gamit ng akademikong Filipino sa iba’t ibang sitwasyon at larangan. Sa
paraang interdisiplinado at interaktibo, inaasahang malilinang sa mga estudyante ang mga kailangang kaalaman at
kasanayang komunikatibo: sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.

TUNGKOL SAAN ANG UNIT NA ITO?


Unang Bahagi: Introduksyon ng Wika at Komunikasyon

• Aralin 1: Ang Kahulugan ng Wika


• Aralin 2: Ang Pagkakaugnay ng Wika sa Lipunan
• Aralin 3: Kasaysayan ng Wikang Pambansa

• INAASAHANG BUNGA SA UNIT NA ITO


Sa pagtatapos ng pag-aaral sa Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang magtatamo ng mga sumusunod:

Kognitibo Nabibigyang linaw ang kahulugan at pinagmulan ng wika bilang gamit sa pakikipagkomunikasyon.

Naibabahagi ang sariling damdamin tungkol sa kahalagahan ng wika sa kasalukuyan hanggang sa


Apektibo
panghinaharap.

Nakasusulat ng isang awtput o mga pamamaraan na nagpapakita ng wastong gamit ng wika sa pang-
Psychomotor
araw-araw na pamumuhay.

• PANIMULANG GAWAIN
Ano ba ang alam mo?
Bago magsimula ang talakayan, alamin muna natin ang iyong kaisipan tungkol sa paksa.
Panuto: Isulat ang mga kaisipan na iyong nalalaman tungkol sa Wika.
WIKA

Ano ang kahalagahan ng Wika?

• MGA ARALIN SA PAGKATUTO


Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika
Ano ang Wika?
“Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang
simbulo.”
-Webster
“Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.”
-Archibald A. Hill
“Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa iisang kultura."
-Henry Gleason

❑ ANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS


Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas.
❖ Ponema-tawag sa makahulugang tunog ng isang wika.
❖ Ponolohiya-tawag sa makaagham na pag-aaral ng ponema.
❖ Morpema-maliit na yunit ng mga salita.
❖ Morpolohiya-makaagham na pag-aaral ng mga morpema.
❖ Pangungusap-maaaring mabuo kapag ang mga salita ay pinag-ugnay.
❖ Sintaksis-makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap.

❑ ANG WIKA AY SINASALITANG TUNOG


❖ Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. May dalawang Konsepto
ang wika kung tunog ang pag-uusapan
❖ Tonal –Language, Tunog

❑ ANG WIKA AY PINIPILI AT ISINASAAYOS


❖ Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin. Madalas, ang pagpili ay nagaganap sa
ating subconscious at magkaminsan ay sa ating conscious na pag-iisip.

❑ ANG WIKA AY ARBITRARYO


❖ Ito ay nangangahulugang bawat wika ay may kani-kaniyang mga katawagang ginagamit na idinidikta ng
isang lipunan o uniqueness ng bawat salita bagaman magkakasingkahulugan.
* Aso(Filipino)Dog sa (English)Perro (Spanish)Anjing(Bahasa Malaysia)
* Bigas(Tagalog)Begas sa (Tiruray)Bagas(Ilokano)Bugas ( Bisaya)

❑ ANG WIKA AY GINAGAMIT


❖ Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong
ginagamit.

❑ ANG WIKA AY NAKABATAY SA KULTURA


❖ Ang wika sa daigdig ay nagkakaiba-iba dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga
pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang
wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng isang wika.

❑ ANG WIKA AY NAGBABAGO


❖ Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago.

Paano nagbabago ang wika?


➢ Maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo
➢ May mga salitang nawawala na sapagkat hindi na nagagamit
➢ May mga salita namang nagkakaroon ng bagong kahulugan
Ilan pang kaalaman hinggil sa wika
• 5000, wika sa buong mundo, Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang biniyayaan ng maraming wika na di
kukulangin sa 180 ang wikang sinasalita sa Pilipinas
• Heteregenous- ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas dahil maraming umiiral dito at may mga diyalekto at
varayti ang mga wikang ito
• Homogenous ang sitwasyon pangwika sa ibang bansa kung iisa ang wikang sinasalita ng mga
mamamayan dito
• Gayunman hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng mga diyalektong sa isang wika lamang ang ginagamit ng
isang bansa dahil likas lamang sa mga tagapagsalita ng isang wika na magkaroon ng pagbabago sa
bigkas ng mga salita, at pagbuo ng iba’t ibang diyalekto ng isang wika.

Wika

Diyalekto Bernakular

Bilingguwalismo at
Unang Wika Pangalawang wika
Multilingguwalismo

 Diyalekto
-kapag nagkakaintindihan dalawang nag-uusap na na gumagamit ng dalawang magkaibang wika.
 Bernakular
-Tawag sa wikang katutubo ng isang pook(Varayti-Diyalekto). Ito ay wikang ginagamit ng isang pook na
hindi sentro ng gobyerno o kalakal
 Unang wika
-“Wikang sinuso sa ina”
 Ikalawang wika
-Wikang iyong natutuhan matapos mong matutuhan ang unang wika
 Bilingguwalismo
-Tumutukoy sa paggamit ng dalawang wika
 Multilingguwalismo
-Patakarang edukasyong pinaiiral sa Pilipinas kung saan ginagamit natin ang mother Tongue based
TUKLASIN NATIN!
Nais mo pa bang magkaroon ng dagdag kaalaman sa iba’t ibang paniniwala tungkol sa wika? May ilang mga
teorya na maaaring nalathala o nagpalipat-lipat sa pamamagitan ng bibig na maaaring gawing batayan ng
pinagmulan ng wika sa daigdig. Halina’t ating tuklasin! ☺

Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika


❖ Bow-wow
Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga
bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga
ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing
insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya ng
mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba
ang tawag sa aso halimbawa sa iba’t ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa Amerika man o sa
Tsina ay pareho lamang?

❖ Ding-dong
Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng
mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan
lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog
na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y
nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog.

❖ Pooh-pooh
Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila
bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray! Samantalang ang
mga Amerikano ay napapa-ouch! Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng
takot?

❖ Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga
diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng
pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag
tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?

❖ Ta-ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat
partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y
nagsalita. Tinatawag itong ta-tana sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag
ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba
at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.

❖ Ta-ra-ra-boom-de-ay
Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa
pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging
sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw atincantation o mga bulong.
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na
kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

❖ Tore ng Babel
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang suliranin sa
pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at
nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga
tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang
kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at
naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kabanata 11:1-8)

Ano-ano ba ang mga Antas ng Wika?


1. Pabalbal /Balbal
May katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika. Mga salitang
Pangkalye o Panlansangan. Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may
nabubuong mga salita. Pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan.
Karaniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda nila sa kanilang
pakikipag-usap.
Mga Halimbawa:
• PARAK  ESKAPO  ISTOKWA  JUDING  TIBOLI  BALBONIK 
• pulis  takas sa bilangguan  Naglayas  bakla  Tomboy  taong maraming balahibo sa katawan 
• Gurang-Matanda, sikyo-Security guard, Tipar-Party, Isputing-Nakaputi, Yosi-Sigarilyo, waswas-Asawa

2. Kolokyal
Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita. Nagtataglay ng
kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin namang maging repinado batay sa kung sino ang
nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap. Ginagamit sa okasyong impormal at isaalang- alang dito
ang salitang madaling maintindihan.
Mga Halimbawa:
• alala  lika  naron  kanya-kanya  antay  lugal
• Sanaron-Saan naroon, Kamo-Wika mo, Ewan-Aywan, Teyka/teke-Hintay ka, Tena-Tara na, Kako-
Wika ko
3. Lalawiganin/Panlalawigan
Karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng mga Cebuano, Batangeno,
Bicolano, at iba pa na may tatak-lalawiganin sa kanilang pagsasalita. Isang palatandaan ng lalawiganing
tatak ay ang punto o accent. Salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook. Mga salitang
ginagamit sa isang lalawigan at hindi pamilyar na gamitin sa ibang lugar.

Mga Halimbawa
• KAIBIGAN  Kaibigan-Tagalog  Gayyem-Ilokano  Higala-Cebuano  Amiga-Bikolano
• HALIK  Halik-Tagalog  Ungngo-Ilokano  Halok-Cebuano  Hadok-Bikolano

4. Pambansa/Lingua Franca
Ginagamit sa mga aklat, babasahin, at sirkulasyong pangmadla. Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa
pamahalaan. Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilasyon at kalakalan.

Mga Halimbawa:
• aklat ina ama dalaga masaya

5. Pampanitikan
Pinakamayamang uri. Kadalasa’y ginagamit ang salita sa ibang kahulugan. Gumagamit ng idyoma,
tayutay, at iba’t ibang tono, tema, at punto. Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang panitikan ay ang
“kapatid na babae ng kasaysayan,” ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan ay makasaysayan dahil sa
kanyang kakayahang lumikha ng piksyunal o kathang isip. Ito ay nagaganap sa tuwing ang wikang
pampanitikan ay malayang nagagamit sa pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang
pampanitikan.

Mga Halimbawa:
• Mababaw ang luha - Madaling umiyak
• Magbanat ng buto - Magtrabaho
• Bukas palad - Handang tumulong
• Magmamahabang dulang - Mag-aasawa
• Kapit-tuko - Mahigpit ang kapit
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
❖ Panahon ng Kastila
1. Espanyol – ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo

❖ Panahon ng Amerikano
2. Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga bagong mananakop
sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol. Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang
opisyal.

3. Dumami na ang natutong magbasa at Magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging wikang panturo batay
sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899. Noong 1935 halos lahat ng kautusan,
proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles na. (Boras-Vega 2010)
4. Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga katipunero ang wikang Tagalog sa
mga opisyal na kasulatan. Sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na- Bato noong 1897, itinadhanang Tagalog ang
opisyal na wika.
5. Noong Marso 24, 1934, pinagtibay Ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings-
McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng
Pamahalaang Komonwelt.
6. Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 Sa Saligang-Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang
pambansa: “…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” (Pebrero 8, 1935)
7. Katutubong wika/ pangunahing wika sa Pilipinas: Cebuano Pangasinan Hiligaynon Kapampangan Samar Leyte
Tagalog Bikol Ilokano
8. Oktubre 27, 1936 Itinagubilin ng Pangulong Manuel Louis M. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal
ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa
Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.
9. Nobyembre 13, 1936 Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian
ng Wikang Pambansa, at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.
10. Tungkulin ng SWP: 1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man
lamang; 2. Paggawa ng paghahambing at pag- aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto; 3. Pagsusuri at
pagtiyak sa fonetika at ortograpiyang Pilipino;
11. Tungkulin ng SWP: 4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat
umaayon sa (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, at (b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng
pinakamaraming Pilipino.
12. Enero 12, 1937 Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang
Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg.
333
13. Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga sumusunod: Jaime C. Veyra (Visayang Samar) – Tagapangulo Cecilio
Lopez (Tagalog) – Kalihim at Punong Tagapagpaganap Santiago A. Fonacier (Ilokano) - Kagawad Filemon Sotto –
(Visayang Cebu) - Kagawad Felix S. Rodriquez (Visayang Hiligaynon) – Kagawad Casamiro F. Perfecto (Bikol) –
Kagawad Hadji Butu (Muslim), Kagawad Mga Kagawad Lope k. Santos (Tagalog) Jose I. Zulueta (Pangasinan) Zoilo
Hilario (Kapampangan) Isidro Abad ( Visayang Cebu)
14. Nobyembre 9, 1937 Bunga ng ginawang pag-aaral, at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184, ang
Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang Tagalog ang “siyang
halos na lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184”, kaya’t itinagubilin niyon sa Pangulo ng
Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa.
15. Disyembre 30, 1937 Inilabas ng Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog. Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang
ito’y nahahawig sa maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita’y hindi magiging mahirap ang Tagalog sa mga di-
Tagalog dahil kahawig ito ng lahat ng wika ng Pilipino sa ganitong ayos:
16. 59.6% sa Kapampangan 48.2% sa Cebuano 46.6% sa Hiligaynon 49.5% sa Bikol 31.3% sa Ilokano 9 to 10 libong
salitang magkakatulad at magkakahawig sa bigkas, baybay at kahulugan sa pangunahing wika natin
17. Noong Abril 1, 1940 Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito ang: 1. pagpapalimbag ng
A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa; at
2. pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.
❖ Panahon ng Pananakop ng mga Hapon
18. “Gintong Panahon ng Tagalog”
19. Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na
“purista”. Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang.
Malaking tulong ang nagawa ng pananakop ng mga Hapon sa kilusang nabanggit.
20. Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa konstitusyon
at gawing Tagalog ang Pambansang Wika. Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anomang
kaisipang pang-Amerikano at mawala ang impluwensya ng mga ito, Tagalog ang kanilang itinaguyod.
21. Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika. Pinasigla ng pamahalaang Hapon ang
Panitikang nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat sa wikang ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang mga tula,
maikling kuwento, nobela, at iba pa.
❖ Sa Panahon ng Pagsasarili
23. Hunyo 7, 1940 Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang
wika (Tagalog) simula Hulyo 4, 1940. Nang matapos ang digmaan, ilang taon ding hindi Napagtuunan ng panahon ang
pagpapalaganap sa Wikang Pambansa hanggang sa mailuklok bilang pangulo ng bansa si Ramon Magsaysay. Marso
26, 1954, Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklama blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng
Wikang Pambansa. Napapaloob sa panahong saklaw ng pagdiriwang ang Araw ni Balagtas (Abril 2).
24. Setyembre 23, 1955 Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 nagsususog sa Proklama
Blg. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa
taon-taon simula Agosto 13 hanggang 19. (bilang paggunita sa kaarawan ni Manuel Quezon (Agosto 19) na kinikilala
bilang “Ama ng Wikang Pambansa”. Agosto 13, 1959 Inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon
ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na “kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang
Pilipino ay siyang gagamitin.
25. Oktubre 24, 1967 Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na
nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan na sa Pilipino. Marso
27, 1968 Inilabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172 na nag-aatas na ang
lahat ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran at sangay ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino kalakip
ang kaukulang teksto sa Ingles. Iniutos din ng sirkular na ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at
empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.
26. Hulyo 21, 1978 Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22
na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang Antas/kolehiyo. Magkakaroon ng anim na
yunit ng Pilipino sa lahat ng kurso, maliban sa kursong pang-edukasyon na dapat Kumuha ng labindalawang (12) yunit.
❖ Sa Kasalukuyang Panahon
28. Pebrero 2, 1987 Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-7 nasasaad ang mga
sumusunod: Seksiyon 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Seksyon 7 Ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas,
Ingles.
29. 1987 Pinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang
Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan
kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong bilinggwal.
30. 1996 Pinalabas ng Commision on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam (9)
na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng
mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at
Filipino 3 (Retorika).
31. Hulyo, 1997 Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na ang
buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan
ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
32. Tagalog – katutubong Wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935) Pilipino – unang tawag sa
pambansang wika ng Pilipinas Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga
Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)
• GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sasagutan ang mga sumusunod na gawain upang mas mapalalim ang kaalaman tungkol
sa paksang tinalakay.

Pagnilayan at Unawain
Gawain 1. IBAHAGI ANG KAALAMAN.
a. Muling balikan at bigyang paliwanag kung bakit sinasabing ang wika ay sistematikong
nakaayos. (Ang mga kasagutan ay binubuo ng tatlo hanggang limang pangungusap.)

______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______________.

b. Bakit sinasabing ang wika ay bahagi ng lipunan?


______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______________.

c. Bumuo ng timeline tungkol sa pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas gamit ang iyong
sariling pangungusap at pang-unawa.
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______________.
• PAGBUBUOD/PAGLALAHAT
a. Buod
1. Ang kahulugan ng Wika.
“Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa iisang kultura."
2. Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika
➢ Bow-wow
➢ Ding-dong
➢ Pooh-pooh
➢ Yo-he-ho
➢ Ta-ta
➢ Ta-ra-ra-boom-de-ay
➢ Tore ng Babel

3. Antas ng Wika?
o Pabalbal /Balbal
o Kolokyal
o Lalawiganin/Panlalawigan
o Pambansa/Lingua Franca
o Pampanitikan

4. Kasaysayan ng Wikang Pambansa


• Panahon ng Kastila
• Panahon ng Americano
• Panahon ng Pananakop ng mga Hapon
• Sa Panahon ng Pagsasarili
• Sa Kasalukuyang Panahon

b. Konklusyon at Repleksyon

ISIP, DAMDAMIN at ASAL


Batay sa paksang tinalakay, sagutan ang mga sumusunod:

Ano ang Ano ang iyong Ano ang aral na


natutunan? naramdaman? napulot?
• PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Panuto: Mag-isip ng limang salitang katutubo at bakasin ang pagkakaiba ng
katawagan o kahulugan sa pagdaan ng panahon.

1. Salapi kwarta pera bread datung


2. ________ ________ _______ ________ ________
3. ________ ________ _______ ________ ________
4. ________ ________ _______ ________ ________
5. ________ ________ _______ ________ ________
6. ________ ________ _______ ________ ________

II. Maglista ng sampung salita na pareho ang bigkas sa Filipino ngunit nag-iiba ang
kahulugan batay sa lokasyon o heograpiya. I-tsart ang mga ito.

SALITA KAHULUGAN NG SALITA LUGAR KAHULUGAN NG SALITA

maglandi mapang-akit bicol maglaro

III. Magtala sa kasunod na talahanayan ng mga salitang mababanghay sa iba’t ibang


antas.

PORMAL IMPORMAL
Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Kolokyal Balbal
1. baliw nasisiraan ng bait muret sira-ulo praning
2.
3.
4.
5.
6.
• TAKDANG ARALIN / MGA BABASAHIN:
Magsaliksik at basahin ang mga makaagham na pag-aaral ng wika.

SANGGUNIAN:

❖ Arrognte, J., 2007. Retorika (Masining na Pagpapahayag). Mandaluyong City: National Bookstore

❖ Belvez, Paz M. et al. Sining ng Komunisyon, Pangkolehiyo Maynila: Rex Bookstore, 2003.

❖ Bernales, Rolando et al. 2009. Akademikong Filipino para sa Kompetetibong Pilipino: Mutya Publishing House, Inc.
Malabon City.

❖ https://www.slideshare.net/thaddeussoria/aralin-2-g-ang-wika-at-lipunan

You might also like