You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

Isabela State University


Roxas Kampus
Rang-ayan, Roxas, Isabela

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA


WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Agosto 15, 2022

MELC’s
Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon kay
M.A.K Halliday).

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. natutukoy ang mga pito na gamit ng wika ayon kay M.A.K Halliday,
b. naibabahagi ang kaalaman at karanasan ukol sa kahalagan ng mga gamit ng wika sa
pang-araw-araw na buhay,
c. nakagaganap ng isang maikling dula na nagpapakita sa mga gamit at tungkulin ng
wika.

II. PAKSANG – ARALIN:


a. Paksa : Gamit at Tungkulin ng Wika ayon kay M.A.K Halliday
b. Sanggunian : http://wika-sa-lipunan.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-
lipunan.html?m=1
c. Kagamitang Pampagtuturo : Powerpoint presentation, kartong lagayan, papel, kartolina
musika, atbp.
d. Metodolohiya : Tuon sa mag-aaral at kolaboratibong pag-aaral.

III. PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Tayong lahat ay tumayo. Edmalyn,


pangunahan ang ating panalangin. -Panginoon po na aming Diyos. Banal ka po
at makapangyarihan sa lahat. Sa mga oras
na ito po ay kami ay tumatawag at
humihingi ng paggabay sa aming
isasagawang pag-aaral. Nawa’y bihisan mo
po kami ng nararapat na katalinuhan lalo na
po ang aming kapatid na magtuturo ngayon.
Salamat po sa lahat-lahat at patawad po sa
aming pagkakasala. Ang lahat ng ito po’y
2. Pagbati magalang naming hinihiling sa pangalan ni
Kristo. Amen!
Isang mapagpalang umaga klas!

3. Pagpuna sa Kaayusan ng Klasrum


-Mapagpalang umaga din po sir!
Bago umupo ang lahat pakiayos muna ang
inyong mga upuan at pakipulot din ang
kalat na makikita sa inyong mga sakop.

Kung tapos na maaari ng umupo ang lahat. -Tapos na po sir.


4. Pagtsek ng Atendans

Grace, pakitala ang mga pangalan ng iyong


mga ka klase na dumalo ngayon. Gayundin,
ang mga mahuhuling papasok sa loob ng
limang minuto ay markahan mo ang
kanilang pangalan ng late.

Maraming salamat Grace!


-Opo sir.
B. Pagganyak

Napakaaliwalas ng umaga isang


magandang hudyat para magsimula. Subalit
pansin ko na bumaba ang inyong enerhiya.
Nang dahil diyan may inihanda akong
mumunting palarong pangkaisipan na alam
kong ito ang gigising sa inyong natutulog
na diwa. Ang larong ito ay tatawagin nating
ANG AKO!

Para sa panuto. Krissia pakibasa. -Panuto: Ang kabuuang klase ay mahahati sa


dalawang pangkat. Bawat pangkat ay
magkakaroon ng tigtatlong representante na
siyang bubunot ng mga papel sa
mahiwagang lalagyan. Ang gagawin ng mga
representanteng ito ay sasabihin ang salitang
ANG AKO at paglalarawan sa salitang
nabunot na siya namang huhulaan ng mga
iba pa nilang kapangkat. Bawat pangkat ay
mabibigyan lamang ng isang minuto. Ang
pangkat na may pinakamaraming makuhang
tamang sagot ay siyang mananalo.
Samantala ang pangkat na matatalo naman
ay sasayawin nila ang Jumbo Hotdog.

Maraming salamat Krissia! Naintindihan ba


ang panuto? -Opo sir!
Mabuti naman kung gayon. Tara -(Masayang naglaro ang dalawang pangkat
umpisahan na natin ang laro! at sa loob ng dalawang minuto ay nanalo
ang unang pangkat.)

Napakahusay, pagbati sa unang pangkat na


siyang nagwagi sa laro. Gayunpaman, kahit
hindi nanalo ang pangalawang pangkat ay
binabati ko pa rin kayo sa ipinakita ninyong
kagalingan sa ating laro. Subalit tulad ng
napagkasunduan kailangan ninyong
sayawin ang Jumbo hotdog dito sa harap
bilang parusa.

C. Paglalahad

Batay sa ating nilaro. Ano ang inyong -Napansin ko po sir na pawang ang mga
napansin rito? Olivia? hinulaan naming salita na nasa laro parang
may kinalaman po sa wika sir.

Mahusay Olivia! Ngayon batay rito.


Desiree, sa tingin mo ano kaya ang -Para sa akin po sir ay patungkol sa wika po.
magiging paksang pag-aaralan natin
ngayon?

Maaari, ngunit iyon nga ba ang ating paksa


ngayon? Jenelou, pumaharap ka nga at
-Opo sir. (Pumaharap si Jenelou at hinugot
hugotin ang nakatagong papel sa loob ng
ang kartolina at idinikit ito.)
bibig sa pisara.

Salamat Jenelou! Klas, sabay-sabay na


basahin ang mga salitang nakikita sa
-“GAMIT AT TUNGKULIN NG WIKA”.
kartolina.

Salamat klas. Tama ang hula ni Desiree.


Ang ating paksa sa araw na ito ay
patungkol sa wika at ito ang mga gamit at
tungkulin nito . Kaya kung mapapansin
pawang ang mga salita na lumabas sa laro
niyo ay may kaugnayan sa ating wika at
wika rin ang inyong ginamit para masagot
ang mga ito.

D. Pagtatalakay

Umpisahan na natin ang ating pag-aaral. -Layunin;


Ngunit bago ang lahat Mhabien, basahin
ang layunin ng ating pag-aaral sa araw na a. naiisa-isa ang mga gamit at tungkulin ng
ito. wika na ibinigay ni M.A.K Halliday

b. naibabahagi ang mga sariling karanasan at


kahalagahan ng mga gamit ng wika sa
pakikipagtalastasan.

c. nakatatanghal ng isang maiksing dula na


nagpapakita ng gamit ng wika na tinukoy ni
Halliday.

Salamat Mhabien!
-Para sa akin po sir, ang pumapasok po agad
Gamit ng wika sa Lipunan. Kapag naririnig sa akin kaisipan kapag naririnig ko po ito ay
niyo ito klas ano ang pumapasok sa inyong tumtukoy po ito sa kung ano ang gamit ng
isipan, Jenelou? wika sa ating lipunan. Maaari po na ito ay
tumukoy sa pakikipag-usap at iba pa sir.

-Tulad nga po ng sinambit ni Jenelou ay ito


po ang mga gamit ng wika sa pang-araw-
araw nating buhay o pakikipagtalasatasan.
Tama! Sapagkat hindi po natin mapasusubalian na
napakaraming gamit o tungkulin ng ating
May iba pa bang kaalaman klas? Razey? wika sa ating buhay at maging lipunan na
kinabibilangan.

Mahusay!

Sadyang napakalaki nga ng papel ng wika -Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan.


sa ating buhay klas, sa katotohanang wika Marami ang mga gamit o tungkulin ang
ang ating ginagamit sa araw-araw para wika sa lipunan. Ang wika din ay isang
ipahayag ang ating nararamdaman, nais sistema ng pakikipag-ugnayan na
sabihin at iba pa. ngunit ano nga ba ang nagbubuklod sa mga tao. Hindi matatawaran
wika klas? ang mahalagang gamit nito sa lipunan.

Rona, pakibasa.

-Tulad ng itinuro po sa amin ng kami pa ay


elementarya at maging sekundarya, gayun
na rin sa ibinigay na kahulugan. Sir ang
wika po ay siyang instrumento ng tao sa
Salamat Rona!
pakikipagtalastasan. Dagdag pa rito ay ito
Batay sa binasa ni Rona, Antoneth ano ang ang nagiging tulay sa tao upang
nabatid mo ukol sa wika? magkaunawaan.

-Bilang karagdagan po sa sinabi ni Antoneth


sir, binibigyang diin din po sa ibinigay na
kahulugan na napakarami ng gamit at
tugkulin ng wika na siya ko namang
sinasang-ayunan sapagkat kahit nasaan ay
Mahusay! kinakailangan ng wika.
Olivia, para sa iyo naman?
Tumpak!

Mukhang napakarami ng inyong nalalaman


sa ating paksa sa araw na ito. Ngunit ano
-Instrumental - Ito ang tungkulin ng wikang
nga ba ang mga gamit o tungkulin ng wika
tumutugon sa mga pangangailangan ng tao
ayon kay M.A.K Halliday na isang
gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
lingwstang Briton at nagpanukala ng
kilalang Systematic Functional grammar. Halimbawa: Liham at Patalastas

Jolly pakibasa ang una.

-Isa po na gamit ng wika ay instrumental


ayon kay Halliday sir sa kadahilanang ang
ating wika po ay siyang instrumento natin sa
Salamat Jolly! ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Halimbawa po hindi tayo makabibili ng
Bakit kaya sinabi ni M.A.K Halliday na ang pagkain kung hindi tayo gagamit ng wika.
wika ay instrumental klas, sige nga Rose?

-Mayroon sir, binanggit po rin kasi sa


halimbawa ang liham at patalastas. Kaya sa
mga halimbawa palang na naibigay
malalaman na nating nagiging instrumental
Magaling na pagpapaliwanag! ang wika dahil tulad ng liham ngagagawa
nitong magpabatid ng mensahe sa iba.
May idaragdag ka pa Gian?
Gayundin nakatutulong ang wika sa
patalastas. Nagiging instrumento rin ang
wika rito para magpabatid at manghikayat
ng tao kung ano nga ba ang produkto ito.

Isa pang magaling na pagpapaliwanag!


-Regulatoryo - Ito ang tungkulin ng wikang
Tunay nga na instrumental ang wika batay tumutukoy sa pagkontrol o sa paggabay ng
sa inyong mga pagpapaliwanag klas. Pero ugali ng iba.
kadalasan din ang gamit ng wika ay
maaaring Regulatoryo. Halimbawa: Mga Babala

Paano naman ito, Abegail?

-Kapag sinabi po kasi nating regulatoryo sir


ay nangangahulugang nagbibigay ng panuto
Salamat Abegail! o paalala. Kaya sa madaling sabi po sir,
nagagamit po ang wika rito upang magturo,
Papaano nagiging regulatoryo ang wika magbigay ng panuto at babala sa mga tao
klas, Jona? po.

-Mayroon po sir, gusto ko ring bigyang diin


Tama! sir na ang gamit ng wika bilang regulatoryo
ay isa sa pinakamahalagang tungkulin ng
Joel, may gusto ka pa bang sabihin ukol sa wika po sapagkat ito ang nagsasaayos sa
nagagamit ang wika bilang regulatoryo? mga tao sa ating lipunan. Sa pamamaraan ng
wika ay nagagawang mapasunod ang mga
tao sa anumang mga nararapat na gawin.

Magaling Joel! Patunay nga ang inyong


sinabi na regulatoryo ang wika. Interaksiyonal - Ang tungkuling ito ay
nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng
Bakit kaya naman sinabi ni Halliday na ang tao sa kaniyang kapwa.
isa sa tungkulin ng wika ay ang
interaksiyonal. Jercel? -Dito po ipinaliwanag ni Halliday na isa sa
tungkulin ng wika ay ang interaksiyonal
dahil po ang wika ang ginagamit natin sa
pakikipag-usap po sa ating kapwa o ang
Salamat Jercel, subalit bago umupo ano ang
tinatawag nating komunikasyon, kung saan
iyong naunawaan sa iyong binasa?
nakagagawa tayo ng isang proseso ng
paghahatid at pagtanggap ng mensahe gamit
ang wika na nakalilikha naman ito ng
ugnayan sa dalawa o higit pang tao. Sa
madaling sabi, ng dahil sa wika
nagkakaroon ng interaksiyon sa mga tao sir.

Napakahusay Jercel!
Personal - Nakakapagpahayag ng sariling
Iyan, tunay nga na isa sa tungkulin ng wika damdamin, emosyon o opinyon.
ay lumikha ng interaksiyon sa mga pagitan
Halimbawa: Liham
ng tao. Sa sarili o personal naman kaya,
Marghie?

-Nagiging pampersonal rin ang wika sir,


sapagkat minsan may mga pagkakataon sa
ating buhay na tila ba nais nating magsabi
Ano ang iyong masasabi, sa binasa mo? ng ating mga hinanakit o nararamdaman
subalit wala tayong masabihan. Kaya
minsan gamit ang tinta ng ballpen, papel at
mga salita ay naipapahayag na natin ito.
Hindi man tayo aktuwal na nagsalita o
nangusap sa iba sa pamamagitan ng wika
nailabas na natin ang ating nais sabihin.
Kadalasan ito ang nagpapalubag loob sa
atin.

Nakabibilib na pagpapaliwag, Marghie! -Opo sir!


Ganyan ka ba kung minsan?

Ganuon talaga kung minsan ang wika sa


atin klas. Ano naman kaya itong heuristiko
na tinukoy ni MAK na isang tungkulin ng -Heuristiko - Ang tungkuling ito ay ang
wika, Florie pakibasa. pagkuha o ang paghahanap ng impormasyon
o datos.

Halimbawa: Pananaliksik at Panonood ng


balita sa telebisyon.
-Ng dahil po sa wika sir ay nabibigyan tayo
ng mga sapat na impormasyon kung ano po
Batay rito, paano naging heuristiko ang
ang mga nangyayari sa ating mga lugar o
wika Florie?
kapaligiran. Halimbawa nga po nito
nauupdate po tayo kung may mga bagyo o
krimen na nagaganap sa panonood po ng
telebisyon na hindi lingid sa ating kaalaman
mayroon ang mga ito dahil sa ating wika.

Tama!

Kung tungkulin ng wika na magbigay ng


impormasyon gayundin ang maglahad nito, Representatibo/Impormatibo - Ito ang
at ito ay tinukoy ni Halliday na kabaligtaran ng heuristiko. Ito ang
representatibo o impormatibo, April pagbibigay ng impormasyon o datos sa
pakibasa. paraang pasulat at pasalita.

Halimbawa: Mga Simbolo at Pagtuturo

-Ang impormatibo o representatibo po sir,


Salamat April, pero pakibahagi ang iyong ay paraan kung saan nagagamit ang ating
nalalaman ukol rito. wika sa paraang ng dahil sa wika
nakapagbibigay po tayo ng mga
impormasyon. Kungbaga, ang layunin nito
ay para bigyan ng mga nauukol na
impormasyon at datos ang mga tao ukol sa
kung anong paksa o isyu ang tinatalakay at
binibigyang diin rito. Bagkus sinabi itong
kabaligtaran ng heuristiko dahil nagagamit
rito ang wika upang makapagbahagi tayo
samanatala sa heuristiko ay tayo ang
binahagian.
Napakahusay April!

Ngunit sa kabila ng mga anim na tinukoy ni


Halliday na tungkulin o gamit ng wika ay
sinabi niya rin na ang wika ay imahinatibo.
Bakit kaya? Rochelle pakibasa. Imahinatibo –paggamit ng wika sa
malikhaing paraan. Maaaring nakapaloob
dito ang paggamit ng mga tayutay, idyoma
at matatalinghagang pahayag.

Halimbawa; Pagsulat ng panitikan at Pagtula

Batay sa binasa mo Rochelle, paano ang


gamit ng wikang ito?
-Sir, sa imahinatibo naman ay nagagamit po
ang wika bunga ng ating malikhaing isip
kung saan dito nakagagawa po tayo ng tula,
kuwento at mga panitikan sir.
Tama! Sa Imahinatibo klas, dito lumalabas
ang pagkasining at malikhain ng tao sa
paggamit ng wika dulot ng kaniyang
malikot na kaisipan.

Iyan atin ng natukoy ang anim na tungkulin


at gamit ng wika ayon kay Halliday.

E. Paglalagom

Kung tunay niyo nang naintindihan ang


ating naging leksyon. Gellie, anu-ano na
naman ang pito na tungkulin at gamit ng
-Sir ito po ay ang interaksiyonal, personal,
wika ayon kay M.A.K Halliday? regulatoryo, heuristiko, intstrumental,
representatibo o impormatibo at
imahinatibo.

Mahusay Gellie! Sadyang ikaw ay nakinig


ng mabuti sa ating talakayan.

F. Paglalapat

Upang tayain ang inyong mga natutunan ay


klas maglabas ng kalahating papel at
sagutin ang inyong unang gawain.
Panuto: Isulat ang tama kung ang pahayag
ay tama samantala kung mali naman ay
isulat ang salitang nagpamali rito at ilagay
ang tamang salita.

1. Ang liham at patalastas ay


halimbawa ng regulatoryo.
2. Ang instrumental na gamit ng wika
ay tumutugon sa mga
pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag-ugnayan sa iba.
3. Sa gamit ng wika na interaksiyonal
nagagawa ng taong makapagpahayag
ng kaniyang damdamin sa kaniyang
sarili lamang.
4. Ang pananaliksik ay isang
Napakahusay! Ang lahat ay nakukuha ng halimbawa ng heuristiko.
mataas na iskor. Patunay na naunawaan 5. Ang impormatibo ay kabaligtaran ng
niyo ng maiigi ang ating paksa. heuristiko.
G. Pagpapahalaga

Klas, bilang mga mag-aaral sa kasalukuyan.


Ano sa tingin niyo ang kahalagahan nitong
mga tungkulin at gamit ng wika na ating
pinag-aralan ngayon sa pang-araw-araw
ninyong pamumuhay pangunahin na sa
pakikipagtalastasan? Julius?

-Sir, bilang mag-aaral po sa kaslukuyan at


magiging guro sa hinaharap ang
kahalagahan po nito ay nagkaroon po ako ng
sapat na kaalaman na maaari ko na namang
maibahagi sa aking mga mag-aaral sa
hinaharap. Gayundin, ng dahil sa mga aral
na ito ay nalaman ko kung ano nga ba ang
mga gamit at tungkulin ng wika na
nakakatulong po sa aking pang-araw-araw
Nakamamanghang kasagutan Julius! na pamumuhay lalong-lolo na sa aking
pakikipagtalastasan. Nabatid ko rin po na
Batid ko ng naunawaan ninyo ng lubos ang tunay ngang napakalaki ng papel ng wika sa
ating naging paksa sa araw na ito. ating buhay.

IV. Ebalwasyon

GANAPIN MO AKO!

Panuto: Mahahati ang buong klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay kinakailangan
gumawa o magganap ng isang maiksing dula na nagpapakita ng mga gamit at tungkulin ng
wika sa pang-araw-araw na buhay. Bibigyan lamang ang bawat pangkat ng tatlong minutong
paghahanda at tatlong minuto rin na pagtatanghal.

Kriterya sa Pagpupuntos

Kriterya Bahagdan/Porsyento

Matagumpay na ipinakita sa dula ang mga 30%


gamit at tungkulin ng wika ni MAK
Halliday

Kaayusan ng pagtatanghal 10%

Kooperasyon 10%

Kabuuan 50%

V. Kasunduan

Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na dagdagan ang mga anim na tungkulin at


gamit ng wika ni MAK Halliday, ano ito at bakit? Sagutin sa kalahating papel.

Inihanda ni: Iwinasto ni:


G. RICO B. BASSIG GNG. NANCY A. ATCHUELA
Nagpakitang Turo Guro sa Filipino

You might also like