Professional Documents
Culture Documents
Nina:
Krissia Candelario
Rochelle Donato
Ako si Jasmin nag-iisang anak, grade 6 palang ako nang iwan kami ng aming namang namayapa
na. kaya ako at si mama na lang ang magkasama. Mananahi si mama at grade 6 lang ang natapos kaya
naman limitado lang ang alam niyang trabaho. Engineer si papa noong siya ay nabubuhay. Masasabi
kong maayos ang buhay naming noon dahil kay papa at dahil nag-iisa akong ankak lahat ng luho at hiling
ay naibibigay niya. Ngunit nagbago ang lahat dahil sa biglaang pagkawala ni papa. Nahulog siya sa huling
palapag ng gusaling ginagawa nila. Sabay ng pagkawala ni papa ay siya ring pagkawala ng lahat ng ari-
arian, luho at kagihawaan.
Ina ni Jasmin :Jasmin tanghali na gumising kana, may pasok kapa. Jasmin, Jasmin gising na
Jasmin: Siya nga pala ma may babayaran pala ako sa school bigyan mo ako ng 500 pesos para sa project
namin.
Jasmin:Mama diba sabi mo ikaw ang bahala at mag-aaral ako gawan mo ng paraan.
Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko kasalanan ng aking ina ang nangyayari sa buhay
ko ngayon at mga kamalasang nararanasan ko.
Jasmin: ano ba naman iyan araw-araw nalang na sardinas ang ulam . wala ka na maipapakain sa akin
puro nalang sardinas
Ina ni jasmin: pasensya kana talaga anak, hayaan mo maghahanap pa ako ng ibang trabaho ng
matustusan ko ang mga pangngailangan mo.
Jasmin: Bakit kasi hindi na lang ikaw ang namatay, bakit si papa pa?
Ina ni Jasmin: Anak huwag ka naman ganyan lahat naman ginagawa ko diba?
Jasmin: ginagawa mo ang lahat? E bakit ganito kulang nalang makisalo ako sa mga baboy dahil sa mga
pagkaing pinapakain mo sakin!
Ina ni Jasmin: Pasensya kana talaga anak hayaan mo mag dodoble kayod ako.
Ina ni Jasmin: Anak kumusta ka na riyan? Kumusta ang pag-aaral mo? Kailan ka ba uuwi?
Jasmin: Ma andami kong ginagawa hindi ako makakauwi, siya nga pala kailangan ko ng pera pambili ng
bagong cellphone. Nakakahiya na kasing gamitin itong bulok na cellphone ko huling huli na ako sa uso.
Ina ni Jasmin: hayaan mo anak sa susunod na buwan pupunta na akong Quatar para maibigay ko na
lahat ng gusto mo.
Dahil sa kagustuhang maibigay ng aking ina ang mga pangangailangan ko natuloy siya ibang
bansa . sagana ako sa mga Kahon kahong mga padala at buwan-buwan sustento ang aking natatanggap .
Maraming pera ang inilalaan ko sa mga luho ko. Wala akong pake sa kalagayan ng aking ina sa ibang
bansa.
Ina ni Jasmin: o anak hindi kita makontak noong isang araw mangangamusta sana ako anak.
Ina ni jasmin: Bakit ba tuwing kausap kita eh palagi kang galit masama na bang mngamusta?
Jasmin: Gawin mo nalang ang trabaho mo nang makapagpadala ka ulit ng Pera sa akin. Siya nga pala na
saan na iyong sapatos na pinapabili ko!
Ina ni Jasmin: Bigla kasing ipinatigil ang pagpapadala ng mga package anak kaya nadelay ung sapatos
mo.
Binaba ko na ang tawag kahit alam kong may sasabihin pa ang aking ina. Ilang araw narin ang
lumipas nang hindi na muling tumawag pa ang aking ina. Lumipas pa nga ang ilang linggo wala man lang
balita sa kanya subalit hinayaan ko lang baka marami nga silang ginagawa sa trabaho at isang rason rin
kung bakit hindi ako nag-aalala dahil ang importante lang saakin ay ang perang ipapadala niya. Nang
isang araw nakaupo ako at nanunuod ng telebisyon. Na may pinatay na isang OFW sa Quatar hindi
naman kasi pinakita ang mukaha at sinabi ang pangalan ng naturang OFW.
Reporter:
Dali dali ko namang binuksan ang pinto baka iyon na ang padala ni mama. Ngunit isang babae ang
bumungad sakin
Kumare: Ako ang kasamahan ng iyong ina sa Quatar kinakailangan mong pumunta sa airport at
paparating na ang iyong ina.
Sumama nga ako sa kumare ni mama at pagdating namin sa airport pinapasok ako sa office ng
mga OFW at may kumasusap sakin na babae.
Officer: Nariyan na lahat ng gamit ng iyong ina at parang may isang mahalagang papel na nakalagay sa
ibabaw ng kahon ng sapatos.
Ilang minuto lamang ay lumapag na ang eroplanong sinakyan ng aking ina ngunit laking gulat ko noong
may mga media sa labas at panay ang pagkuha ng litrato sa ibinababa nilang pahabang kahon.
Kumare: lakasan mo ang loob mo ang laman ng kahon nayan ay ang iyong ina.
Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko at doon ko lang napagtanto ang lahat para
akong binagsakan ng isang malaking bato . inuwi nga naming si mama sa bahay at ibinurol ng siyam na
araw sa huling araw ni nanay at araw na ng kanyang libing. Magpapalit n asana ako nang Nakita ko ang
sapatos na bigay ni mama na may nakadikit na papel. Ito pala ang sulat ni mama bago siya mawalan ng
buhay. Akin itong binasa
Una sa lahat patawad dahil naranasan mong maghirap at hindi ko maibigay ng tama ang mga
pangngailangan mo. Binububog ako ng mga mao ko dito sa quatar mas masahol pa sa pagkain ng hayop
ang mga kinakain ko. Wlang araw na hindi kita inisip anak bawat hampas sa akin ay ikaw ang iniisip ko na
kakayanin ko ang lkaw ang kalakasan ko anak. Nabili ko na pala ang gusting gusto mong sapatos sana
maging masaya ka anak. Mahal na mahal kita mag-iingat ka palagi.
Nagmamahal Mama.
Pagsisi ang tanging nararamdaman ko habang binabasa ang liham ng aking ina. Sana sindi nalang
ako nagging suwail naanak. Sana pinahalagahan ko ang mga sakripisyo ni mama sana kasama ko pa siya
ngayon (hawak hawak ang litrato ng Ina)
Aking liham sa nakakabasa ng liham kong ito hindi ko na kaya ang puot na nararamdaman ko itinali ko
ang leeg ko at sabay sipa sa pinagtutungan ng aking paa at doon na nagtapos ang aking buhay.