You are on page 1of 5

Halimbawa ng Kwento

Lihim ng tatlong Buwan

Ni Ivy Joy V. Fondevilla

Pagkamulat pa lamang ng aking mga mata at hanggang magkamuwang at


magkaisip naririnig ko na sa mga tao ang papuri at paghanga sa aking taglay na
kariktan. Mula elementarya ay ako na lagi ang laman ng beauty contest. Nang mag
grade six nga ako ay marami na ang tumutol na ilaban akong muli sa paligsahan sa
aming paaralan. Galit na galit ang aking mama sa mga humahadlang sa aking
paglaban.
            “Bakit ba ayaw ka nilang isali? Kasalanan mo bang maganda ka at laging
nananalo? Wika ng mama ko. “Dapat kasi pumipili sila ng magaganda at matatalino na
itatapat sayo, hindi yung laging mga bopols at hindi kagandahan” dagdag pa niya.

            May katwiran naman ang mama ko, kaya lang masyado siyang talakera na
walang pinipiling lugar. Ako na tuloy ang nahihiya lalo na kung sa eskwelahan niya
dinadala ang ganitong ugali. Ngunit sa kabila nito ay mabait ang mama ko. Masipag,
maalaga at mapagmahal na ina. Palibhasa lumaki kaming tatlong magkakapatid na siya
lamang ang kasama. Make-up artist ang nanay ko, iyan ang gusto niyang itawag sa
kanyang propesyon, hindi lang basta mag-aayos ngunit mga artista ang kaniyang
minemakeupan. Kaming magkakapatid ang kanyang pangunahing kostumer. Kaya nga 
kapag lumalaban ako ng ng beauty pageant ay talagang magarang magara ako. Si
Trina,an gaming bunso na pitong taong gulang ay laging muse  sa kanilang eskwelahan
. Si Veronica naman na nasa 2nd year high school ay madalas na ring ilaban sa mga
pagandahan.

            Hindi kami mayaman, pero nakatira kami sa isang subdibisyon sa Cavite. Ang
totoo ay hindi ito sa amin, ang kapatid ng mama ko ang naghuhulog ng bahay na ito.
Siya ay nagtatrabaho sa abroad bilang domestic helper. Siya din ang tumutulong sa
amin upang makaraos kami. Dalawa lamang silang magkapatid at si mama ang bunso.
Ulila na sila sa magulang kaya naman mahal na mahal nila ang isa’t isa. Hindi na
nakapag asawa ang tita Verna siguro ay dahil sa sumpa niya sa lolo’t lola ko na hindi
niya pababayaan si Mama. Marahil kaya lumaki ang ulo ni mama, alalaon baga’y hindi
siya matitiis ni tita. Tunay ngang napakabait ni tita. Kami ang dahilan ng kanyang
pangingibang bansa. Nang magkaanak ulit si mama, si Trina ang bunso namin ay
nagpasya si tita na magtrabaho na nga sa ibang bansa.

            Hindi na sapat ang kita ko dito, naggagatas at diaper si Trina kundangan ba
nama’y nagpaanak ka uli sa kung sinong lalaking may asawa “ wika ni tita” “kasalanan
ko bang habulin ng mga me-asawa” pagmamayabang pa ni mama. “ Bakit hindi ka
pumili ng lalaking kaya kang  panagutan at ang magiging anak mo. Huwang mong
ikatwiran sa akin na nagkaton lang dahil pangatlong beses na iyan. Ito ang usapan nina
mama at tita Verna dalawang buwan bago lumipad patungong Dubai si tita. Oo tama
tatlo kaming magkakapatid na magkakaiba ang ng ama at sa kasamaang palad pa nga 
ay ang aming mga tatay ay pamilyadong tao. Noong una ay wala sa akin ang mga
bagay na iyon, ngunit habang nagkakaisip ako ay nagkakaroon ako ng mga katanungan
sa buhay. Bakit iba-iba ang aming tatay, bakit walang kasama si mama bilang kabiyak,
Bakit ganoon si Mama? Masasabi bang minalas lamang siya? ngunit sa tatlong beses
masasabi pa bang malas iyon? Sabi ni mama marahil ay iyon talaga ang tadhana niya.
Kaya isinumpa ko sa aking sarili na hinding hindi ako matutulad kay mama sa aspetong
iyon.
            Sa edad kong labimpito, ay litaw na ang aking kagandahan. Sa kolehiyong aking
pinapasukan ay nadadala ko ang mga mata ng mga nakakakita lalong lao na ang
kalalakihan. Maraming nagtatangkang manligaw ngunit ayaw ko, nais kong maging
huwaran sa mga kapatid kong sina Veronica at Trina. Isa pa ay pihikan ako sa mga
lalaki at marahil ay hindi ko pa nakakatagpo ang lalaking magpapalundag at
magpapatibok ng aking puso.

“Aba    kelan ka ba magpapakilala sa akin ng iyong nobyo ha Cris?”. Sa ganda


mong iyan ay hindi ako maniniwala na walang nanliligaw sa iyo. Sabi ni mama ng
minsang magkaharap kami sa sala. Hindi ako umimik at nginusuan ko si mama. Ayaw
na ayaw kong kinukulit niya ako sa bagay na iyon. Sabi niya ay nais pa daw niyang
makapag – alaga ng apo bago siya mamatay. Mamamatay agad? Nasasabi ko sa aking
sarili. Sa edad na tatlumput apat at malakas pa sa kalabaw ay sinasabi ito. Hindi
konserbatibo si mama, halata naman. Kulang na lang ay siya ang pumili ng magiging
nobyo ko at ipakasal agad ako. Kahit ganoon ang kinahinatnan ni Mama pagdating sa
kanyang pag-ibig ay ibang-iba ang nais niya sa aming magkakapatid. Nais niyang ikasal
kami sa simbahan at magsasama habang buhay. Bagay na hindi niya naranasan.

            “Kayo kasi kung sa una pa lang ay pumili na kayo ng lalaking malaya ay
naranasan nyo sana ang maikasal at may makasama habang buhay” ito ang mga
salitang lumabas sa aking bibig na hindi ko napigilan.

 “Eh di sanay wala kayong tatlo kung iyon ang hinangad ko.” Malungkot na wika ni
Mama. Natigilan ako bigla at napaisip. Oo nga naman, ngunit may waring naguudyok sa
akin na ibulalas ang aking saloobin.

            “Bakit kasi may mga asawa pa mama? Hindi mo ba alam ang pakiramdam ng
mga batang walang ama habang sila’y lumalaki. Napakalaking kakulangan na hindi mo
alam kung nasaan ang tatay mo. Palibahasa hindi mo naramdaman iyon dahil kumpleto
ang magulang mo. At hindi ka pa nakuntento na isang anak mo lang ang makaramdam
ng kakulangang iyon. Nilahat mo pa kami. At tuluyan na akong napahagulhol. Lahat ng
naipong sama ng loob ay inalabas ko na. Sa wakas sa tagal ng panahon ay kumawala
din ang sakit na aking kinikimkim. Si mama ay hindi makaimik at maya maya’y tumayo
at tinungo ang kanyang silid. Wala noon ang dalawa kong kapatid at kami lamang ang
tanging saksi sa sagutang naganap.’

            Napaupo na lamang ako sa sofa at napahilamos sa aking mukha. Nais kong
magsisi sa aking mga nasabi kay mama. Alam kong nasaktan siya dahil iyon ang unang
beses na nagkasagutan kami tungkol sa bagay na iyon. Nag-aaway kami ni mama
ngunit iba ang pag-aaway na ito.

            Kinaumagahan ay parang walang nangyari ng nagdaang araw. Si mama ay


pakanta-kanta habang naghahanda ng almusal. Ang dalawa kong kapatid ay parang
nagpapatintero sa paghahanda ng kanilang gamit sa eskwela. Nang makita ako ni
Mama ay ngumiti siya “ kain na anak, nagluto ako ng paborito mo” masayang wika niya,
tortang talong, sinangag at tuyo, paborito niyang ulam sa umaga.

            “Veronica,Trina, halina kayo at makakain na” At sabay na dumulog ang dalawa.
Bigla tuloy akong naguilty sa aking ginawa. Hindi ko pa magawang magsorry kay Mama
dahil nahihiya pa ako sa kanya. “Bukas na lang” bulong ko. Mabilis na lumipas ang oras
sa eskwelahan. Aral dito, recitation doon, at maya maya pay uwian na. Gawain ko na
ang pagdaan sa fishball stand at magmeryenda at pagkatapos ay sasakay ng tricycle
patungo sa aming subdibisyon. Pagdating sa bahay ay naroon na ang aking mga
kapatid, hinanap ng mata ko si Mama, wala siya, marahil ay nasa silid siya. Ito na ang
pagkakataon ko. Pumasok ako sa silid niya at nakita ko na nakahiga siya, waring
humihikbi. Nilapitan ko siya at niyakap. “ Mama sorry po!, hinarap ako ni Mama at
niyakap. “wala kang kasalanan anak, tama ka, patawad! At muli kaming nagyakap.

            Mula noon ay bumalik kami sa normal ni Mama. Lumipas ang mga araw, linggo
at buwan. Hanggang sa buwan na pagbabalik ni tita Verna sa Pilipinas.  Bahagya ko
nang nalilimot ang mukha niya dahil sa telepono lamang kaming madalas magkausap.
Nang araw na iyon ay umarkila kami ng van upang sumundo sa airport. Sinabi ni tita na
umarkila daw kami sapagkat marami siyang dala. Anim na taon ang inilagi ni tita sa
Dubai, at mayroon na siyang naipundar na bahay at lupa at magagandang gamit.
Nakikinita ko na balang araw ay magiging amin na din sapagkat wala namang
tagapagmana si tita.

            Alas dos pasado na nang mag-ultawan ang mga ulong palabas ng NAIA.
Iwinawagayway namin ang ginawa naming placard na nakasulat ang “welcome home
tita Verna” Maya maya pa’y nagkakaway na si Mama na tila natatanaw na si tita Verna.
At sinundan naming ang tingin ni Mama at natanaw na din namin si tita. Malaki ang
ikinabata ni tita, sa edad na tatlumput anim ay mukhang mas bata pa siya kay Mama.
Agad nagyakap si Mama at Tita Verna, mangiyak-ngiyak pa nga si Mama. Kami nama’y
isa isang nilapitan ni tita at hinagkan. “ Naku ang lalaki na ng mga pamangkin ko.”
Masayang wika ni tita. Ito na ba si Cris? Naku dalagang dalaga na eh, baka naman may
boypren ka na ha? nakangiting tanong sa akin ni tita. “ “Wala pa po tita, nahihiya kong
sagot. At bumaling naman siya kina Veronica at Trina “ naku at ang dalawang ito
naman, mga dalaga narin, lalo ka na Trina, nang umalis ako’y mag iisang taon ka pa
lamang at tingnan mo  naman ngayon, pitong taon ka na,” napakabilis nga naman ng
panahon ano Magda? Tanong ni tita kay Mama.

            “Ay oo ate maya maya pa’y mag-aasawa na ang mga iyan at iiwan ako! Kunway
malungkot na sabi ni Mama. Pero bigla itong bumawi. “Sa bahay na natin ituloy ang
kwentuhan at siguradong gutom na si Ate Verna! wika ni Mama. Ngunit pinigil siya ni
Tita. “ Sandali lang may hinihintay pa tayo. Sabi ni tita. At nagtaka kaming lahat kung
sino pa ang hinihintay. Maya maya pa’y  may kinakawayan si tita Verna sa di kalayuan.
Isang lalaki ang papalapit sa aming kinaroroonan. Matangkad at matipuno ang
pangangatawan at lalaking lalaki ang dating. Natunganga ako sa tanawing bumubusog
sa aking mga mata. Ang dahilan kung bakit wala akong nagugustuhan sa aking mga
manliligaw. Ito ang lalaking pinapangarap niya. Ngayon lamang siya nakaramdam ng
ganito. Nanlambot ang kaniyang tuhod at waring mabubuwal sa kinatatayunan. Nasa
ganito siyang sitwasyon ng tapikin siya ng kanyang mama. “ Uy ano ka ba?, kanina pa
nakalahad ang kamay sa iyo ay hindi ka natitinag! Sabi ni mama sa akin. At bigla akong
nabalik sa aking ulirat naipakilala na pala siya sa amin ay wala akong kaalam alam, at
dagling inabot ang kamay ng lalaking nagpawala sa akin sa katinuan kani-kanina lang.
Pinilit kong maging kaswal at paniwalain ang lahat na walang kakaibang nangyari sa
kaibuturan ng aking isip at puso.
            “Cris,Veronica, Trina, ang tito Matt nyo,nobyo sya ng Tita Verna nyo. Hindi ko
na siya naikuwento sa inyo hindi ko rin kasi alam na kasama sya pag-uwi”, wika ni
Mama.
            “Hello po Tito Matt”, halos sabay na bati nina Veronica at Trina. At ako ay
ngumiti lang sa kanya.
            “O, bweno,halika na, sa bahay na natin ituloy ang kwentuhan at siguradong
naiinip na ang ating tsuper”. wika ni Mama. At kaming lahat ay nagtungo na sa
direksyon ng kinaroroonan ng sasakyan. Habang nasa sasakyan ay iniisip ko kung ano
ang aking  nararamdaman kanina. Marahil katulad ito ng ikinukwento sa akin ng aking
kaibigan na si Andi nang una niyang Makita ang kanyang nobyong si Mark. Sabi niya
love at first sight daw ang tawag doon. Yung tipong para kang na “stock” sa
kinatatayuan mo at unti-unting nanghihina. Sa pagtatapat ng inyong mga mata ay para
kang natutunaw sa mga titig niya. “ Tama,sa isip ko na lang, love at first sight nga ang
naramdaman ko ng makita ko ang nobyo ng tita ko na malayo ang agwat sa edad ko.
Kung tutuusin ay parang tatay ko na siya. Bigla kong binura ang kung ano mang
tumatakbo sa aking isipan. Kaya siguro tinawag na love at first sight ay dahil sa unang
pagkikita lamang mararamdaman ang pagmamahal.

            Nang makarating kami sa bahay ay sabay sabay naming pinagsaluhan ang mga
pagkaing nakahain. Nagpaluto si Mama sa isang restawran ng ilang putahe ng ulam na
paborito ni Tita Verna,  afritada, adobo, kare-kare at sari-saring panghimagas. Halatang
ganado ang lahat sa pagkain maliban sa akin. Narinig ko kanina nang nag-uusap sina
mama at tita na tatlong buwan ang ibinigay na bakasyon sa kanila. Driver pala si tito  
Matt ng amo ni tita at doon nabuo ang kanilang pagsisintahan. Binata si tito Matt ngunit
may isang anak sa dating nobya. Nang mag abroad daw ay naghanap ng iba ang
nobya nito na naging sanhi ng kanilang paghihiwalay. Sa mga panahon na malungkot si
tito Matt ay naroon si tita, naging magkaibigan sila na humantong sa pag-iibigan ito ang
kwento sa akin ni mama ng tanungin ko siya kung paano nagkakilala sila ni tita.

              Maingay sa bahay ng gabing iyon, nagkakantahan, nagsasayawan, at umiinom


ng alak sina mama si tita at si tito Matt. Kaming magkakapatid naman ay tagatawa
habang pinapanood sila. Pasado alas dose na ng magdesisyon ang lahat na
magpahinga, kanya kanya kaming nagtungo sa aming mga silid. Sina tita Verna at tito
Matt ay sa guest room tumuloy. Hindi agad ako makatulog ng gabing iyon, ang katawan
ko ay nais ng magpahinga, ngunit ang isip ko ay buhay na buhay pa. Para sa akin ay
napakatagal ng tatlong buwan na mamamalagi dito sina tita. Tatlong buwan na araw-
araw kong makikita ang kaakit-akit na mukha ni tito Matt. Makakaya ko bang pigilan ang
aking sarili? Sana bukas sa pagmulat ng aking mga mata ay mawala na ang
pakiramdam kong ito. Sana……. Sana……………

            Mataas na ang sikat ng araw ng ako’y bumangon, masarap ang aking
pakiramdam sapagkat nakapagpahinga ako ng maayos. Paglabas ko sa aking silid ay
napatuon ang aking mga mata sa kusina, palibhasa nasa second floor ako kaya kitang
kita ko ang tanawin, si tita Verna ay nagluluto habang si tito Matt ay nakapulupot ang
dalawang kamay sa bewang ni tita na animo’y sumasayaw-sayaw pa habang
nagkukulitan. Maganda si tita magkamukha nga sila ni mama eh, sa itsura at hubog ng
katawan ay magtataka ka kung bakit ngayon lang nakatagpo ng pag-ibig. Marahil dahil
nga sa mga bagahe niya, at kami iyon. Nasa ganoon ako ng pag-iisip ng bigla akong
tinawag ni mama. “ Anak gising kana pala, halika na kakain na tayo nagluto ang tita
mo”. At sabay na napalingon si tita Verna at tito Matt sa direksyon ko at sumenyas si
tita na bumaba na ako.

            Lumipas ang mga araw linggo at buwan kaswal ang pakikitungo ko kay tito Matt
ewan ko pero hindi ko magawang makipag close sa kanya. Marahil  dahil may iba
akong pagtingin sa kanya. Waring isang taon ang paglipas ng isang buwan. Sa bawat
araw na nakikita ko siya ay lalong tumitindi ang pagnanasa ko sa kanya. Ang dating
simpleng paghanga ay tumuloy na sa pagnanasa hanggang isang araw ay tadhana na
ang gumawa ng paraan, nagkataon na wala kaming pasok at kami lamang dalawa ang
naiwan sa bahay sapagkat sina mama ay may nilakad na dokumento ni tita. Ang
dalawa ko namang kapatid ay nasa eskwelahan.

            “Cris, halika at sabayan mo ako sa pagkain”.alok ni tito Matt nang maabutan ko
siyang kumakain sa  komedor. Ngumiti lamang ako at tumuloy sa ref upang kumuha ng
malamig na tubig. May kung anong nag-udyok sa akin upang sabayan siya sa pagkain.
Masayang masaya ako sa aming kalagayan noon. Animo’y magkasintahan kami na
nagkukulitan at nagtatawanan. Hindi ko alam kung paanong kami’y nagkapalagayang
loob. Basta alam ko, masaya ako sa mga nangyayari. Mula noon ay inaalam ko na kung
may lakad sina mama. At sa tuwing nag-iisa si tito Matt ay kunwaring nagkakataon na
naroon lang din ako sa bahay.

            Isang buwan bago bumalik sina tita sa Dubai ay nakamtam ko ang produkto ng
aking pagnanasa marahil kahit hindi kami magsalita ay puso na namin ang nagdesisyon
sa isang bagay. Marahil dininig ng diyos ang aking mga panalangin. Isang araw na kami
lamang dalawa ang nasa bahay ay bigla niyang nabanggit na kamukha daw ako ni tita
Verna, parehas daw kaming maganda. Hindi ko man nakita ang aking sarili ngunit alam
kong namula ako kasabay ng paglundag ng aking puso. Parang gumagana ang
simpleng pagpapapansin ko sa kanya. Hindi ako malandi ngunit tama nga ang sabi ng
iba na lahat daw ng tao ay may tintatagong kalandian sa kanilang katawan. Magaling
lang talagang magpigil ang iba.

            Sa pagkakatitig sa akin ni tito Matt habang sinasabi niyang maganda ako ay
parang natutunaw ako, gustong gusto ko siyang lapitan at hagkan sa kanyang mga labi.
Gusto ko siyang makatabi sa pagtulog, makayakap buong magdamag. Sa
pagkakataong iyon ay nais ko nang pakawalan ang nagpupumiglas kong damdamin.
Ngunit bago ko pa nagawa ito ay naunahan na ako ni tito Matt. Mariin niya akong
hinalikan na halos kapusin ako ng hininga. At ang mga sumunod na pangyayari ay
tanging ang silid ko na lamang ang naging saksi. Ang kalinisan ko ay naangkin ng taong
pinakamamahal ng tita ko. “ Ang tita ko”. Bigla akong napabalikwas at agad nagbihis. Si
tito Matt naman ay nagbihis narin at tahimik na lumabas sa aking silid.

            Buong araw akong nagkulong sa kwarto, kahit nang dumating sina mama ay
hindi ko na magawang lumabas. Hindi ko alam kung paano ko haharapin sina mama at
tita, Bagaman hindi nila alam ang nangyari sa pagitan namiin ni tito Matt ay
binabagabag ako ng aking konsensya. Anong mararamdaman ng tita ko kung
malalaman niyang inakit ko ang nobyo niya? Hindi ko mapapatawd ang aking sarili sa
aking ginawa.Kung may dapat mang sisihin dito ay ako iyon at hindi si tito Matt.
  Makalipas ang ilang araw ay nagkasakit ako. Hindi ako nakapasok sa
eskwelahan ng ilang araw. Tarantang-taranta si mama sa pag aasikaso sa akin bakas
sa mukha niya ang labis na pag aalala. Hiyang –hiya ako sa aking nagawa. Wala akong
ipinagkaiba kay Mama na pumatol sa isang taong may panangutan na, mas masahol pa
nga ang sa akin sapagkat kasintahan ng tita ko ang aking inakit.

            Inip na inip ako sa mga natitirang araw na pamamalagi nina tita dito sa Pilipinas.
Gusto ko na silang umalis at mabura na ang lahat ng mga nagawa kong kasalanan.
Ibabaon ko na sa limo tang lahat. Mula ng mangyari ang bagay na iyon sa pagitan
namin ni tito Matt ay biglang nagbago ang lahat. Siya ay halos hindi na makatingin sa
akin ng diretso,marahil nararamdaman na din niya ang katulad ng aking
nararamdaman.

            Dumating ang araw ng pag-alis nina tita, inihatid namin sila sa airport. Ayaw ko
sanang sumama ngunit pinilit ako ni mama, sa katunayan kasi ay masama ang aking
pakiramdam. Nagpaalamanan na kaming lahat kay tita Verna at kay tito Matt. Ako ay
hindi makatingin ng diretso sa kanya at ganun din siya sa akin. Sa pagtalikod nina tita
ay bigla akong naduwal, sabay na napalingon sina tita Verna at tito Matt. Sa pagtatama
ng aming mga paningin ay nagkaunawaan kami na walang magsasalita ano’t anoman
ang mangyari sa ikabubuti ng buhay naming lahat. Ang mga naganap sa loob ng tatlong
buwan na iyon ay mananatiling Lihim.

You might also like