You are on page 1of 2

Mga Kritikong Pilipino sa Panitikang Banyaga

Virgilio S. Almario

- Maituturing na isa sa pinakatanyag na kritiko ng panitikang Filipino


- Kilala sa sagisag na Rio Alma na lagging kasangkot sa pagbibigay-kulay sa panulaang Filipino.
- Nagsimula makilala bilang haligi ng kilusang Modernista ng mga kabataang makata noong
kanyang panahon, sumibol ang kanyang mga aklat sa tula, Makinasyon Ilang Tula (1968) at
Peregrinasyon at iba pang Tula (1970).
- Kinilala rin ang kanyang Ang Makata sa Panahon ng Makina (1972), Doktrinang Anakpawis
(1979), Walong Dekadang Makabayang Tulang Pilipino (1981), Balagtasismo Versus
Modernismo (1984), at iba pa.
- Kasalukuyang tagapamuno ng komisyon ng Wikang Pambansa.

Lamberto E. Antonio

- Itinuturing na isa sa mga tungkong bato ng mga makatang UE, kasama sina Virgilio Almario
at Rogelio Mangahas, si Antonio ay makailang ulit ng nagwagi ng gantimpala sa Carlos
Palanca Memorial Awards for Literature, hindi lamang sa larangan ng maikling kwento kundi
sa tula at panunuring pampanitikan.

Isagani R. Cruz

- Isinilang sa Maynila at kasalukuyang nagtuturo sa De La Salle Univesrity, si Cruz ay kilalang


mananalayasay at manunulat ng mga dula, at higit sa lahat, isang mapagkakatiwalaang
kritiko ng panitikang Filipino.
- Nagtapos ng Bachelor’s Degree in Physics sa UP, Master’s Degree in English sa ADMU at
Doctorate in English sa University of Marylang, USA.
- Dating kolumnista ng mahigit sa 20 pahayagan, sa kasalukuyan ay linnguhang sumusulat ng
pitak si Cruz sa Philippine Star at Philippine Starweek.
- Ang karamihan sa mga akdang napanalunan niya sa Carlos Palanca Memorial Awards for
Literature ay mga dula at mga sanaysay sa panunuring pampanitikan sa Filipino at English.

Lope K. Santos

- Makata, manunulat, mananalaysay at nobelista, tinaguriang Makata ng Puso at Ama ng


Balarilang Tagalog si Santos na nagtapos sa Escuela de Derecho de Manila, Escuela Normal
Superior de Maestros at sa Colegio Filipino.
- Naging director ng Surian ng Wikang Pambansa, 1941-1945, gobernadora ng Rizal 1910-1913;
gobernadora ng Nueva Viscaya 1918-1920; at senador, 1921-1922.
- Naisulat niya ang Balarila ng Wikang Pambansa na naging opisyal na batayang aklat sa
Filipino. Ang karamihan sa kanyang mga akdang pamapnitikan ay naipalathala sa Ang
Kaliwangan, Ang Kalapati ng Bayan, Muling Pagsilang, Ang Mithi, Watawat, Pagkakaisa,
Mabuhay, atbp.
Federico Licsi, Jr.

- Nagwagi ng makailang ulit sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa pagsulat ng
mga tulang gigising sa kamalayang Pilipino, itinanghal na Makata ng Taon ng 1996 si Licsi.
Siya’y may akda ng pitong antolohya ng mga tulang sa Filipino, Ingles at Kastila.

Rogelio G. Mangahas

- Kasalukuyang editor sa Filipino ng SIBS Publishing Company, dating propesor sa Filipino si


Mangahas sa pamantasang kanyang pinagtapusan ang UE. Itinanghal sa “Makata ng Taong
1969” sa Talaang Ginto ng Surian ng Wikang Pambansa. Kinilala ng mga kritiko ang kanyang
tulang “Dulang Plakard”.

Fernando B. Monleon

- Kilala sa sagisag na batubalani, si Monleon ay tinaguriang makatang laureado noong 1968.


Nahirang na Mambabalagtas ng Taon noong 1967. Siya’y nagging pangalawang patnugot ng
Surian ng Wikang Pambansa.

Clodualdo del Mundo

- Dating patnugot ng mga magasin Filipino at editorial director ng Liwayway Publishing, si Del
Mundo ay may pitak ng Parolang Ginto ay pumili si Del Mundo ng pinakamahusay ma katha
buwan-buwan- at taun-taon.

Ponciano B P Pineda

- Nanungkulang punong Komisyoner sa Wikang Filipino bago nagretiro, tubong Nueva Ecija
ang mananaggol, makata, manunulat, propesor sa wika at linggwista si Pineda.
- Nagtapos ng Bachelor of Laws s MLQU, Associate in Arts Degree sa UST, Master of Arts in
Linguistics sa University of British Columbia, Vancouver, Canada at Doctorate degree sa UST.
Nagturo ng ilang taon sa Paaralang Gradwado ng MLQU at sa kasalukuyan ay aktibong
lupon ng patnugot ng KAPFIL at PSLF.

You might also like