You are on page 1of 21

COURSE OUTLINE

FIL. 20: PANUNURING PAMPANITIKAN


PAGLALARAWAN NG KURSO: Tumataiakay sa mga teorya, simulain at pamamaraan ng pagbasa,
interpretasyon at pagsusuri ng panitikan mula sa bagong kritisimo hanggang sa post modernismo.

LAYUNIN:

LO1. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng panitikan at panunuring pampanitikan.


LO2 Nababatid ang mga Saligan sa Panunuring Pampanitikan
LO3. Natatalakay ang mga teoryang pampanitikan at mga paraan ng pagtalakay sa mga akdang
pampanitikan.
LO4. Nailalapat ang mga teoryang pampanitikan sa iba’t ibang akda.
LO5. Nag-aangkin ng maunlad na pagkalinang sa pagsusuri sa tula, maikling kwento, nobela, pelikula at
iba pang uri ng akda..
LO6. Nakagagawa ng suring-basa at panunuring pampelikula.
NILALAMAN
A. Panimula
1. Panitikan: Kahulugan, Kahalagahan at mga uri

2. Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan


Panunuring Pampanitikan
Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat
ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.
Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng
panitikan. Ito ay may dalawang sangay. Ang unang sangay ay ang Pagdulog. Ang mga uri nito ay
pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang moralistiko. Ang pangatlo ay ang sikolohikal. at ang
huling uri ay sosyolohikal-panlipunan.
Ang pangalawang sangay ay ang Pananalig. Binubuo ito ng maraming uri. Ang mga uri nito ay
klasisismo, romantisismo, realismo, naturalismo, impresyunalismo, ekspresyunalismo,simbolismo,
eksistensiyalismo, at peminismo. Panunuring Pampanitikan

Bakit mahalaga ang panunuring pampanitikan?


Mapahahalagahan lamang natin nang lubos ang isang akda kung tayo’y may kinalaman sa
pagsusuri nito.
Critique o Criticism (Panunuri o Kritisismo)
• Naghahanap ng mali – Kritisismo
• Naghahanap ng estruktura – Panunuri
• Naghahanap ng kung ano ang pwede – Panunuri
• Naghahanap ng kulang – Kritisismo
• Nagtatanong upang maliwanagan – Panunuri
• Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya maunawaan – Kritisismo
• Nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig – Kritisismo
• Nakalahad sa mabuti, matapat, at obhetibong tinig – Panunuri
• Positibo – Panunuri
• Negatibo – Kritisismo
• Malabo at malawak – Kritisismo
• Kongkreto at tiyak – Panunuri
• Seryoso at hindi marunong magpatawa – Kritisismo
• Nagpapatawa rin – Panunuri
• Naghahanap ng pagkukulang sa manunulat at sa akda – Kritisismo
• Tumitingin lamang sa kung ano ang nasa pahina – Panunuri

3. Ang Konteksto ng Paglikha ng Panunuring Pampanitikan


Hindi nakapagtataka na maging isang teatro ng tunggalian para sa isip at damdamin ng
mga mag-aaral ang mga paaralan sa Pilipinas. Sa isang panig, ang kulturang halaw at nag-ugat sa
Estados Unidos at sa kabilang dako ay ang kulturang ninanais ng mga higit na nakatatandang
Pilipino na maunawaan at mahalin ng mga Pilipino.
Ang ganitong di magkapantay na tagisan ng lakas ay matatagpuan sa mga sanaysay at
aklat na sa kawalan ng higit na tiyak na mga salita ay maituturing na panunuring-pampanitikan na
may kasamang kasaysayang pampanitikan at kaunting teorya.

4. Mga Katangian ng isang Mahusay na Kritiko


4.1. Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang
isang sining.
4.2. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi
manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.
4.3. Ang kritiko ay lagging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.
4.4. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang
disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.
4.5. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo
o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
4.6. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan
upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala ng
mga pangyayari nang mga unang taon ng kanyang pamimili.

5. Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan sa Panunuri


5.1. Liwanaging Mabuti kung anong uri ng katha ang sinusuri kung ito’y nobela, maikling kwento,
tula dula, pelikula, programang pantelebisyon, o iba pa.
5.2. Basahin at panoorin ito nang masinsin at igawa iyon ng lagom.
Lagom - maiikli lamang ngunit taglay nito ang pinakamensahe ng kwento o akda.
5.3. Bigyang-halaga hindi lamang ang nilalaman kundi pati ang estilo o paraan ng pagkakasulat ng
katha.
5.4 Bukod sa pagbanggit ng kahusayan at kahinaan ng katha, mag-ukol din ng karampatang
pagpapakahulugan.
5.5. Lakipan ng ilang siping (quotations) makapagbibigay-kabuluhan sa ginagawang panunuri.

5.6. Iwasan ang pagbibigay ng ano mang kapasyahan nang walang lakip na batayan o patunay

5.7. Kailangang nababatay din ang ano mang pagpapasya sa mga takdang pamantayan, bagamat
maaring isama rin ang sariling pagkakilala ng sumusulat ayon sa matapat niyang paniniwala.

5.8. Gamitin ang pananalitang makatutulong sa mambabasa.

5.9. Iwasang makulayan ang rebyu ng palagay at kuro ng mga propesyonal na mamumuna.

5.10. Pag-ukulan ng pansin ang estilo ng pagkakasulat bukod sa nilalaman.

6. Ilang Panukala sa Panunuring Pampanitikan

B. Ang Panunuring Pampanitikan


1. Pangangailangan ng Panunuri
Ang Isang kritiko/mambabasa ay nararapat magsuri upang makatulong sa lalong ikaliliwanat at ikauunlad
ng mambabasa gayundin ng manunulat ng anumang likhang-ibng krimen, pagtulad ng maikling kwento,
dula ,tula, nobela
1. Magkaroon ng likas na kuru-kuro. Hindi nagpapadala sa kabantugan ngmay-akda. Kailangan
din na bukod sa pagiging matatag ay maging tiyak dinsa ginagawang pagpapahalaga o pamumuna.
2. Ang pinagdadaanan at kasalukuyang buhay ng may-akda ay kailangangmaliwanag sa manunuri
upang lubos niyang maabot ang mensahe,pangyayari at mga damdaming taglay ng katha.
3. Ang manunuri ay kailangan maging tapat, nagtataglay siya ng obhetibong pananaw-walang
kinakatigan.

2. Kahalagahan ng Panunuri
Kahalagahan ng Pagsusuri
Ang gawang pagsusuri ay hindi madali ngunit mahalaga. Madalas na ang manunuri ay
nagtitimbang-timbang muna ng kanyang sasabihin o isusulat tungkol sa anumang tekstong nais bigyan
pansin. Alam ng matalinong manunuri na nakasalalay ang kinabukasan, kaunlaran ng akda at maging ng
manunulat sa gagawing pagpapasiya.
Samakatwid, lubhang mahalaga ang pagsusuri dahil sa mga kadahilanang sumusunod:
1. Ang bunga ng pagsusuri ay ang pantay na paghuhusga sa akda na kung saan ang mambabasa ay
nakalikom ng higit na kaalaman tungkol sa likhaing sining.
2. NAipaliliwanag ang mga mensahe at layuning napapaloob sa akda
3. Ang makatarungang pagsusuri ay magiging sandigan ng higt pang pagpapalawak at pagsulong ng
manunulat at ng panitikan.
4. Maging ang istio ng manunulat ay natutuklasan sa pamamagitan ng pagsusuri

3. Mapanuring Pagbasa
Kahulugan ng Mapanuring Pagbabasa ayon sa ilang mga manunulat
– Lapp at Flood (1978)- paraan ng pagkilala ng nakalimbag na sagisag atpagbibigay-kahulugan
nito.–
Dr. Lydia P. Lalunio (1985)- isang proseso na nangangailangan ng pag-iisip,pagpapahalaga,
pagpapasya, pagwawangis at paglutas ng suliranin.–
Lorenzana, et. Al (1997)- tiyak at madaliang pagkilala ng ayos atpagkasunud-sunod ng mga
salita, pagsasama-sama ng mga salita paramakabuo ng ideya at kahulugan.–
Dr. Paquito B. Badayos (1999)- isang proseso ng pag-iisip at ito’yprosesong interaktibo
Samakatwid, habang nagbabasa ang isang tao, sia’y nag-iisp, nagsusuri, nagpapahalaga, nagiging
kritikal na palatandaang siya’y gumagawa ng mapanuring pagbabasa.
Ang mapanuring pagbabasa ay ang pagbabasa ng isang artikulo, pahina ng babasahin, akdang
pampanitikan na maaaring maikling kwento, nobela, dula at iba pa na kung saan ay pinagliliming mabuti
ang binabasa. Pinag-iisipan ang nilalaman at mensahe na nais ipaabot ng manunulat. Tinitingnan ang
bawat detalye o bahagi ng isang akda at ang ibubunga nito sa mga mambabasa-kung ang mga
impormasyon, kaisipang nakapaloob sa akda ay magiging gabay o daan tungo sa paglawak ng pang-
unawa at pagtatagumpay.

5. Matalinong PAmumuna

Hindi natin maiiwasan ang pamumuna kung tayo’y magbabasa. Ito’y nararapat na matalinong
pamumuna. Ang matalinong pamumuna ay isang magandang hakbang tungo sa ikaliliwanag ng mga
akdang pampanitikan.
Ang susunod ay paliwanag/ideya tungkol sa kung ano ang tinaguriang matalinong pamumuna.

 Ito ay pagbibigay ng mahusay na komento, opinion o reaksyon sa nabasa at ginagamitan ng


talas ng pag-iisip.
 Pagsusuri o pag-aaral ng bawat detalyeng binabasa.
 Pagbibigay ng balance at makatwirang pamumuna s pammagitan ng pagbanggit ng mga
positibo at negatibong punto sas binasa.
 Walang kinikilingan; kung nararapat na sumang-ayon ay ipinapahayag ang pagsang-ayon at
kung nararapat tumutuol ay ipinahihiwatig ang pagtutol,
 Pagtutuon ng pansin sa nais ipabatid ng manunulat.
 Pagpapahalaga sa kalakasan ng isang akda,
 Pagtukoy sa kahinaan ng isang akda at pagbibigay mungkahi para s ikaliliwanag at
ikagaganda nito tungkol sa paghabi ng mahahalagang bayus.
 Sining sa paggawa ng mga pagpapasya o paghatol at pagtuturo o pagsasabi ng mga kanais-
nais na katangian, kapintasan, kamalian o pagkukulang(Disiyunari ng Wikang Filipino 1998)

6. BAtayan ng PAgsusuri
 Liwanaging mabuti kung anong uri ng katha ang sinusuri kungito ay nobela, maikling
kwento tula o dula.
 Basahin ito nang masinsinan at igawa ng lagom. Ito ay buodng nilalaman, kung ganoon
maikli lamang ang lagom.
 Bigyan-halaga hindi laman ang nilalaman kundi pati ang istilo o paraan ng pagkkasulat
ng katha;
 Bukod sa pagbangit ng kahusayan at kahinaan ng katha mag-ukol din ng karampatang
pagpapakahulugan;
 Lakipan ng ilang siping makapagbibigay-kahulugan sa ginagawang panunuri at smahan
ng maikling pagbibigay-katuturan;
 Iwasan ang pagbibigay ng anumang kapasiyahan nang walang lakip na batayan p
patunay; at
 Kailangan nababatay din ang anumang pagpapasya sa takdang pamantayan, bagamat
maaring isama rin ang sariling pagkilala ng sumusulat ayon sa matapat niyang [aniniwala
(Nena Papa)
7. Balangkas ng PAgsusuri
Narito ang ilang balangkas (pormat) na maaaring gamitin sa mga pagsusuri/pagpuna sa mga akdang
pampanitikan.

Mga Dapat Isaalang-alang sa PAGSUSURI

Ito ang paraan upang masanay ang kaalaman ng sa mga estudyante sa malawak na balangkas, pamagat
ng kabanata, simula, paksa, at buod. Kailangan malaman ng mga estudyante kung anong uri ng teksto ang
binabasa bago makapili ng estratehiyang gagamitin.
Mga Hakbang:
A. Pagtingin muna sa pamagat
B. Pagbasa sa paunang salita (Introduksiyon) ng may-akda sa aklat
C. Pagbasa sa simula at lagom sa kabanata
D. Pahaphay na pagbasa

Balangkas A
Pamagat ng Akda:May-Akda: (Ilahad ang talambuhay kung mayroong nalimbag)
Mga Tauhan: (Bigyang Paglalarawan)
Buod/Lagom ng Katha: (maikli lamang)
Pagsusuri:
1. Panahong kinabibilangan
2. Sariling Puna
3. Gintong Kaisipan/Balyus na Nakapaloob sa Katha
4. Mga Mungkahi (upang lalong mapaganda at mapaunlad ang katha)

Balangkas B Ayon kay Prop. Nenita Papa

I. .A. Pamagat ng Katha May-akda


B. Sanggunian o aklat na Pinagkuhanan

II.Buod

III. Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan-
Pagbigay ng uri at paliwang tungkol ditto (uri ng tula, uri ng maikling kwento, uri ng dula, uri ng
nobela atbp)
B. Istilo ng Paglalahad Paraan ng paglalahad ng mga kaisipan o pangyayari (patumbalik-isip, daloy
ng kaisipan, in media res etc.)
C. Mga Tayutay
1. Mga halimbawa ng tayutay na natagpuan sa kathang sinuri.
2. Maikling paliwanag tungkol sa bawat tayutay na hinalaw.
D. Sariling Reaksyon
1. Pananalig Pampanitikan/Teorya
2. Mga Pansin at Puna
a. Mga tauhan
b. Galaw ng Pangyayari
3. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
b. Bisa sa Damdamin
c. Bisa sa Kaasalan
d. Bisa sa Lipunan
Balangkas C- Ayon kay Pro. Nenita Papa

I. Sanligan
II. Buod (maikli lamang)
III. Kahulugan ng Pamagat
IV. Pagpapahalaga ayon sa nilalaman
1. Kalagayang sosyal at pangkabuhayan
2. Kulturang Pilipino
3. Pilosopiyang Pilipino
4. Simbolismong Pilipino
V. Teorya/Pananalig pampanitikang Nakapaloob sa Akda
VI. Implikasyon
1. Kalagayan Panlipunan/Pambansa
2. Kalagayang Pangkabuhayan
3. Kalagayang Pansarili
HALIMBAWA:

I. Pamagat

Hindi Umiiyak ang Lalaki


Ni Liwayway A. Arceo

II. Buod

Noong bata pa si Nardy ay madalas siyang umiiyak, ngunit lagi siyang sinasabihan
ng kanyang ama na “hindi umiiyak ang lalaki:ang lalaki ay malakas at matapang” kaya tumanim
na ito sa kanyang isipan hanggang sa kanyang paglaki. Isang araw ay manganganak na ang
kanyang nanay, kaya hinatid ito ng kanyang tatay sa ospital. Napag-usapan naman ni Nardy at ng
kanilang kasambahay na si Ana ang tungkol sa pagkakaroon ng kapatid habang hinihintay nila
ang balita tungkol sa panganganak ng kanyang nanay at sa kanyang magiging kapatid.

Pumasok siya sa isang kwarto kung saan matatagpuan ang kagamitan ng kanyang
magiging kapatid,tinawag niya si Ana ngunit hindi ito sumagot, may naulinagan siyang tinig at
maya-maya’y narinig niya na umiiyak si Ana at sinabing ”Pati…bata, Pati ang…ate”,na ang
tinutukoy ay ang kanyang nanay at kapatid. Nakilala niya ang tinig na kausap ni Ana, ito ay ang
kanyang Ama, maya-maya’y nakita niya ang kanyang ama na umiiyak. Pinalapit siya nito’t
niyakap at nagwika na ”kung minsan…hindi maaaring hindi iiyak...kahit lalaki”, ‘di niya alam
kung bakit siya umiiyak, nadarama niya lang ang lungkot ni Ana at ng kanyang Ama at kanina pa
niyang gusto umiyak. Nang sandaling iyon nawala kabuluhan ng parating sinasabi ng kanyang
Ama na “Ang lalaki ay hindi umiiyak;ang lalaki ay malakas at matapang”.

III. Pagsusuri
a. Uri ng Panitikan

~Ang akdang “Hindi Umiiyak ang Lalaki” na likha ni Liwayway A. Arceo ay isang
maikling kwentong tuluyan o prosa dahil maluwag ang pagsasalaysay, ito rin ay di-kathang isip
dahil base ito sa realidad.

b. Paglalahad
~ Ang paglalahad ng kwento ay sa paraang Linear o Kumbensyunal dahil and daloy ng
kwento ay simula-gitna-wakas.

c. Tayutay
~ Ang ginamit na tayutay sa akda ay maaaring Metonomiya o Pagpapalit-tawag dahil sa
akda sinasabing ang lalaki ay simbolo ng pagiging matapang at malakas.

IV. Sariling reaksyon

a. Teorya
~ Ang teroryang mapapansin sa akdang ito ay maaaring Teoryang Realismo dahil may mga
bahaging nagpapakita ng mga makatotohanang paglalarawan sa tao , lipunan at kapaligiran.

b. Mga Pansin at Puna

b.1. Tauhan

• Nardy
~ isang masunuring bata
• Ana
~katulong nila nardy / kasambahay
• Ama
~nag-impluwensya kay Nardy na maging matapang at ‘wag iiyak.

V. Bisang Pampanitikan

a. Bisa sa Isip
~ ” Walang sumisira sa bakal kundi ang sariling kalawang” dahil kahit gaano man tayo
kalakas at katibay na parang isang bakal, meron pa rin tatong sariling kahinaan na nagpapalambot
sa ating loob lalo na kung pagdating sa mga minamahal natin sa buhay

b. Bisa sa Kaasalan
~ Lahat tayo ay merong sariling kahinaan na hindi natin pwedeng itanggi. Mga kahinaan na
nagpapalambot ng ating matigas na kalooban. Hindi natin pwedeng ipagpilitan na maging
matapang dahil ikaw ay lalaki, sabi nga sa akda na may mga situwasyong kahit lalaki ay hindi
maaaring umiyak.

c. Bisa ng Panlipunan
~ Hindi natin kelangan pigilan ang tunay nating nararamdaman para lang magmukhang
matapang sa harap ng ibang tao. May mga bagay na hindi mo pwedeng ipilit sa mga sitwasyong
tulad ng nangyari sa akda, kelangan din ng tao na makaramdam kahit ng lungkot upang ‘di
maging kasing tigas ng bato ang kanyang puso sa hinaharap na magbibigay sa kanya ng mas
masakit at malaking kahinaan.

C. Mga Teoryang Pampanitikan


Teorya Pampanitikan- Isang sistematikong pag-aaral ng panitikan na naglalarawan sa tungkulin
ng panitikan kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat.

1. KLASISMO
Ang klasisismo o klasismo ay isa sa teoryang pampanitikan na nagmula sa Gresya. Mas higit na
pinapahalagahan ang kaisipan kay sa damdamin.

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng


estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at
piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
Ipinahahayag ng klasismo na ang isang akda ay hindi naluluma o nalalaos, sa kabilang
dako ay nangyayari o nagaganap parin sa kasalukuyan.
Nakasaad rin dito na nakatuon ang panitikan sa pinakamataas patungo sa
pinakamabababang uri. Ibig sabihin, sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan at kagandahan.
2. HUMANISMO
Ito ay sumibol sa panahon ng Muling Pagsibol o Renacimiento (Renaissance). Ito ay nagmula sa
salitang ingles na “human” o tao sa Filipino.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo. Binibigyang- tuon ang
kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento at iba pa. Ayon kay PROTAGORAS
(Villafuerte, 1988) “Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at panginoon ng
kanyang kapalaran.”
Humanismo:Dignidad, Pagpapahalaga sa Sarili at Kapwa Ang teoryang humanismo ay pananaw na
nakasentro sa tao sa halip na sa Diyos. Sa pilisopiya, ito ay atityud na nagbibigay diin sa DIGNIDAD at
KAHALAGAHAN ng tao. Pinaniniwalaang ang tao ay nilikhang RASYUNAL.
Karaniwang ginagamit ang humanismo para ilarawan ang kilusang panitikan at kultura sa
kanlurang Europa noong ika-14 hanggang ika-15 siglo. Nagbigay ng bagong sigla ang humanismo ang
pagkakatuklas ng paglilimbag noong ika-15 siglo sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga klasikong
edisyon.
Sa pagsusuri ng panitikan ayon sa pananaw na humanistiko, mainam na tingnan ang sumusunod:
 Pagkatao
 Tema ng kwento
 Mga pagpapahalagang pantao: moral at etikal ba?
 Mga bagay na nakaiinfluwensya sa pagkatao ng tauhan; at
 Pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa problema.
3. IMAHISMO
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin,
kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa
gumamit lamang ng karaniwang salita.
Isang pamamalagay na kinakailangang gumamit ng matipid at maingat na paggamit ng mga salita
upang makabuo ng konkretong imahen.
Ito ay umusbong noong 1900 at sa unang dalawang dekada ng ika-20 siglo lumalaganap ang
imahismo bilang isang kilusang panulaan sa Estados Unidos at Inglatera. Nagbibigay-pansin sa hanay ng
mga salita at simbolismo ang nasabing kilusan. Ilan sa mga prominenteng pangalan sa kilusang ito ay ang
mga makatang Amerikanong sina Ezra Pound, Amy Loswell, John Gould Fletcher at Hilda Doolittle.
Samantala, sa Ingletera naman ay nakilala ang mga manunulat na sina D.H. Lawrence at Richard
Aldington. Kasabay ng kanilang paglikha ng mga obra sa ganitong lapit, nagpalaganap din ang kanilang
hanay ng mga manifesto at sanaysay na kumakatawan sa kanilang teorya.
Halimbawa: PANAMBITAN ni Myrna Prad

Bakit kaya rito sa mundong ibabaw


Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.

Mga mahirap lalong nasasadlak


Mga mayayaman lalong umuunlad
Maykapangyarihan, hindi sumusulyap
Mga utang na loob mula sa mahirap.

Kung may mga taong sadyang nadarapa


Sa halip tulungan, tinutulak pa nga;
Buong lakas silang dinudusta-dusta
Upang itong hapdi’y lalong managana.

Nasaan, Diyos ko, ang sinasabi Mo


Tao’y pantay-pantay sa bala ng mundo?
Kaming mga api ngayo’y naririto
Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito.

4. REALISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may- akda sa
kanyang lipunan SA MAKATOTOHANANG PAMAMARAAN. Samakatuwid, ang panitikan ay
hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may- akda ang
kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.

REALISMO Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.


Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan
Halimbawa:
AMBO
• Isang maikling kuwentong isinulat ni Wilfredo Virtusio.
• Ito ay tumatalakay sa katiwalian na siyang dahilan ng paghihirap ng maraming
mamamayan.
• Sinasalamin nito ang kawalang pakialam ng mga opisyales na walang ibang inatupag kung
hindi ang magkamal ng salaping nagmumula sa paghihirap ng mga taong ang nais lamang ay
maibigay ang pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.

Halimbawa:
Bangkang Papel
• Isinulat ni Genoveva Edroza- Matute. Ito ay unang nailathala noong 1946.
• Ang isyung tinalakay sa kwento ay ang pagkawasak ng pamilya dahil sa gera.
• Unang nailathala noong 1946, ang taon kung saan nagkamit ng Pilipinas ang tunay na
kalayaan at unang taon kung saan maaring maglathala ng mga kwento ang awtor.
• Bakas sa kwento ang kinimkim na saluobin ng awtor tungkol sa digmaan noong pinlanong
sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas.
• Ang kwentong ito ay tungkol sa pagbabalik-tanaw ng tagapagsalaysay sa tuwing nakakakita
siya ng mga batang nag papalutang ng bangkang papel.
5. FEMENISMO
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at
iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan
ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang
mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
6. PORMALISMO O PORMALISTIKO
Ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuring
formalistiko. Hindi binibigyang-diin sa teoryang ito ang buhay ng may-akda, hindi nakapaloob
ang kasaysayan, at lalong walang mababanaag na implikasyong sosyolohikal, politikal,
sikolohikal, at ekonomikal. Samakatuwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng
pagdulog na ito.
7. SIKOLOHIKAL
Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa porma ng isang teksto at hindi sa
nilalaman nito. Binibigyan nito ng markadong atensyon ang kaayusan, istilo, o paraang artistiko
ng teksto. Iniiwasan nito ang pagtatalakay ng mga elementong labas sa teksto mismo tulad ng
histori, politika, at talambuhay.

Halimbawa: SUYUAN SA TUBIGAN


Ang pagpapaligsahan ng dalawang tao para sa isang pag-ibig at ang pagpili ng isang tao para sa
ikasasaya ng kanyang puso.
Tinatalakay sa akda ang mga damdaming namamayani sa mga tauhan gaya ng
pagmamahal, paghanga, pagkadakila, gayon din ang mga negatibong damdamin ng
pangamba, takot, galit, pagkabigo, at iba pa. Mahalagang masuri ang emosyon at makilala
ang tunay na katauhan ng indibidwal.

Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salik


(factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa
isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng
panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

8. EKSISTENSYALISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon
para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human
existence).
Sa utak at isip nakasentro ang teoryang pampanitikang ito [dahil] utak ang nagpapagana
sa tao. Tao ang pangunahing nilikha sa mundo; siya lamang ang may kakayahang mag-isip at
magdesisyon, hindi gaya ng hayop at ibang nilalang.
9. ROMANTISISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa
tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa
akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang
pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
Binibigyang halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas. Pagtakas mula
sa realidad o katotohanan.
10. MARKISMO/MARXISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang- ekonomiyang kahirapan at
suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka
ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Pinakikita ang pagtutunggali o paglalaban ng dalawang magkasalungat ng puwersa.


Inuunawa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Sumasagisag sa tao na may sariling
kakayahan na umangat sa buhay.
11. SOSYOLOHIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang
kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa
suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga
katulad na suliranin.
Sa pagsusuri ng mga akda ay natatalakay ang mga kalagayang sosyal, ang kapamuhayan,
ang mga sitwasyong nag-uudyok ng karahasan, nagtutulak sa tao sa ganoon at ganitong buhay,
mga pagkakataong nagiging sanhi o bunga kaya ng mga pang-aapi at pagkaapi, pagkaduhagi,
kaimbihan o dili kaya’y ng kadakilaan, kagitingan, kabayanihan ng isang tao o pangkat ng tao.
12. MORALISTIKO
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad
ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o
proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang
itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa
kaantasan nito.
Sa pag-aaral ng akda ay naroroon ang moralistikong pananaw at binibigyang-diin ang
layuning dakilain at pahalagahan ang kabutihan at itakwil ang kasamaan. Ngunit huwag
ipagkakamali na sa pag-aaral ng akda [na ginamitan nito] ay sapat nang itanong kung anong aral
ng akda dapat matutong timbangin ang lakas at kahinaan ng tao sa harap ng pagsubok.
13. BAYOGRAPIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-
akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya
niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang
magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
Ang sabi nga nina Ramos at Mendiola (1994): “Sa paggamit ng pantalambuhay na
kritisismo, matutuklasan pa rin ang iba pang impluwensiyang makakatulong sa sining ng
manunulat – ang mga pilosopiyang kaakbay sa kanyang panahon, ang mga aklat o ang mga akda
na kanyang binasa, ang iba pang tao na nagsilbing gabay o nagmulat sa kanyang magsulat.”
Sa paggamit ng dulog bayograpikal, kinakailangang bigyang- pansin ng mga mag-aaral o
manananaliksik ang ilang kondisyong ito: 1. Ang binabasa at sinusuri ay ang akda at ito’y hindi
dapat ipagpalit sa pagtalakay sa buhay ng makata o manunulat. 2. Sa teoryang bayograpikal, ang
pagpapasiya sa binasang akda ay hindi kapintasan o kahinaan ng may-akda.
14. QUEER
Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga
homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer.
15. HISTORIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang
kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

16. KULTURAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam.
Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyong minana at ipasa sa mga
sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
17. FEMINISMO – MARKISMO
Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa
suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang
tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.

18. DEKONSTRUKSYON
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-
udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay
ang kabuuan ng pagtao at mundo.

19. NATURALISMO
Ito’y teoryang pampanitikan na naniniwalang malayang kagustuhan ang isang tao dahil ang
kanyang buhay ay hinuhubog lamang ng kanyang heredity at kapaligiran. Sa panitikan, layon
nito na ipakita nang walang panghuhusga ang isang bahagi ng buhay. Nabibigyang pansin dito
ang mga saloobin, damdamin, kilos at gawi ng mga tauhan.

NATURALISMO PANGKALAHATANG PANANAW “Huwag niyong husgahan ang


tao sa panlabas niyang anyo bagkus alamin muna ang pinagmulan ng katangian niyang ito”
sapagkat “kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa, iyon din ang iyong matatanggap.”
20. SIKO-ANALITIKO
Tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. “Nasa paghahanapbuhay ang
tugon upang lasapin ang sarap ng buhay.” Nagkakaroon lamang ng maturidad ang isang tao
bunga ng kanyang kamalayan sa kahirapan.
21. ARKETIPAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda.
Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga
simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay
naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.
Kumukuha karaniwan ng mga simbolismo o imahe sa mga kwentong hango sa
mitolohiya, epiko, o maging sa bibliya tulad ng kalapati, tanikala, timbangan, kandila, sulo, at iba
pa.
D. Mga Paraan ng Pagtalakay sa mga Akdang Pampanitikan
Bawat akdang nakasulat ay magkakaroon lamang ng halaga kung ito' y binabasa at
pagkatapos ay pinag-uukulan ng matamang pagsusuri ng bumabasa. Nadaragdagan ang
pagpapahalagang ito sa pamamagitan ng pagtalakay sa nilalaman nito, gayundin sa iba't ibang
mga aspeto ng akda. Ang pagtalakay sa mga akdang pampanitikan ay nakatutulong nang malaki
sa lalong ikauunawa sanilalaman, mensaheng ibig iparating, mga talinghaga o tayutay na
ginagamit at, sa lalim ngkaisipang nais na ipinahihiwatig ng may-akda.
Maaaring matalakay ang mga akdang pampanitikan ayon sa limang dimensyon base
kayArrogante, Jose A. (1991).1. Panlipunan2. Pangkaisipan3. Pangmoral4. Pang-anyo5. Pang-
arketipo
1. Panlipunan
Dito'y matamang sinusuri ng mambabasa lalo na ng mga mag-aaral ng panitikan
anginteraksyon ng tao sa tao, ng tao sa lipunan, sinusuri rin ang interaksyon ng tao sa
kaniyangkapaligiran. Susuriin din dito ang mga suliraning panlipunang may malaking kaugnayan
sakanyang tagumpay o pagkabigo.
Isang magandang halimbawa ng akdang panlipunan ay ang mga lbong Mandaragit
niAmado V. Hernandez. Sa akdang lto ay natalakay ang mga suliranin ng mga tauhan sakapwa
tauhan at kung paano kumilos si Mando, ang pangunahing tauhan sa kanyangkapaligiran at sa
kabuuan ng kaniyang mundo.
2. Pangkaisipan
Dito'y binibigyang-din ang pakikipaglaban ng tauhan sa sariling isipan. Iniisip niyakung tama ba
o mali ang kanyang desisyon, ang kanyang gagawin o ginagawa. Kungminsan, pag di naging
matagumpay ang kanyang ginawa, pinipilit niyang sabihin sa sarilingtama naman ang kanyang ginawa.

SAQ #1 (5 Puntos)

A. Pumili ng isa sa maikling kwentong nasa ibaba at basahin upang masuri.


1. Bangkang Papel ni Genoveva Edroza Matute
2. Luwad ni Gloria Villaraza-Guzman
3. Bulaklak sa Ibabaw ng Bulkan ni Florencio N.Garcia
B. Suriin ang napiling maikling kwento ayon sa unang dalawang dimensyong mungkahi niJose
Arrogante.
1. Dimensyong Panlipunan
2. Dimensyong Pangkaisipan

3. Pangmoral
Nabanggit na sa nakaraang aralin na may limang paraan ng pagtalakay na pampanitikanat
nabatid na natin kung kailan panlipunan at kung kailan pangkaisipan ang pagtalakay. Ngayon naman ay
alamin natin ang isa pang pamamaraan ng pagtalakay, ito y ang pangmoral.
Ito ay ang pagtalakay na pampanitikan na an isinasaalang-alang ay ang aral, ugali, kilosat
panahon, ikinapangyari. Subalit di lahat ng inaasal ng nakararami ay sasabihin na natingwasto.
Halimbawa kung noon ay di natin tinatanggap na nasa moral natin ang pre-maritalseks, o live-in bago
kasal, kahit na karaniwan na lamang ang mga ito sa ngayon, di pa rin yaon katanggap-tanggap sa batas-
moral. Para sa atin, lalo na sa batas ng Diyos yaon ay mali at kasalanan.
Subalit may mga pagbabago rin namang di lumilinang sa bata ng moralidad kaya nga't
masasabing may kinalaman ang panahon sa pagtalakay na pampanitikang ito, ang pangmoral.
Halimbawa: Noon bago makuha ang pag-ibig ng isang dalaga, dumaraan samaraming pagsubok ang
kalalakihan. Naroong siya y magkumpuni ng mga sirang bakod, bubong at iba pa; naroong siya y
magsibak ng kahoy, sumalok ng tubig sa balon o sa batis at iba pa. Bumibilang siya ng mga taon bago
niya makamit ang matamis na oo ng dalagang pinipintuho.
Ngayon ay iba na. wala na ang mga panunuyo at di na rin nahihirapan ang binatang pasagutin ng
oo ang karamihan sa mga kadalagahan. Hindi na sila nagbibilang ng mga taon. Pag gusto ng bawat isa,
Sinasabi nila nang hayagan, Wala nang patumpik - tumpik kungkaya’t wala rin kung minsang
panghihinayang kung sila y magkaniwalay. Iba noon,iba ngayon.
SAQ #2 (5 Puntos)

1. Bukod sa mga binanggit na kalakaran, anu-ano pa ang alam ninyong mga kaugalian o kagawiang
nagbago na. Pag-usapan ang mga pagbabagong ibinigay at suriin kung ang mga ito’y naaayon pa
rin sa batas-pangmoral.

2. Magsaliksik ng isang akdang tumatalakay sa mga kaugaliang Pilipino. At ibigay ang mga
pagbabago sa mga kaugaliang ito.

3. Basahin ang “Mr. Congressman” ni Clodualdo del Mundo at suriin ang akdang ito sa dimesyong
pangmoral.

a. Anong ugali mayroon si Dinasto? Ang kanyang boss?

b. Kung kayo ang nasa katayuan ni Dinasto, gagawin ba ninyo ang pagbibitiw sa tungkulin?

c. Paano pinatunayan ni Mr. Congressman ang kanyang katapatan sa bayan?

4. Pang anyo
Isa sa mga pagtalakay ay ang pang-anyo. Malimit na ginagamit ito ng mga guro ng panitikan
bilang paraan nila ng pagpapahalaga sa anomang akdang kanilang nais natalakayin. Maaaring ito’y tula,
kwento, nobela at iba pa. Kalimitan, sa pagtalakay ng tula, pagkabasa ng tula ay itinatanong agad ng guro
ang anyo ng tulang kanyang binasa. Ito ba'ytradisyunal o makabago? Kung makaluma o tradisyunal,
pinag-uusapan nila ang sukat,tugma, talinghaga at sining o kariktan. At kung ang tula naman ay
makabago, ito y nasusulatnang may malayang taludturan at karaniwan ay wala ring tugma.Kakaunti ang
mga tayutaysapagkat karaniwang salita ang kadalasang gamit. Kung maikling kuwento naman
onobela,mapapansing ang mga pangyayari ay sunud sunod kung ang anyo'y tradisyunal.Kung makabago
ang pamamaraan, sinisimulan kaagad sa malapit ng kasukdulang at pagkatapos ay gumagamit ng mga
pagbabalik o flashback

5.Pang-arketipo
Ang ikalima sa pamamaraan ng pagtalakay sa panitikan ay ang tinatawag na pang-arketipo. lto
ang paraan ng pagtalakay sa anumang akdang pampanitikan na kasisinagan ngmga tauhan sa Bibliya o
banal na Kasulatan, gayundin sa mga tauhan ng mga klasikongakda ng mga Griyego at Romano at sa mga
akdang popular tulad ng Florante at Laura naakda ni Francisco Balagtas: ng Sisa, Salome at Elias, Basilio
at Crispin sa akda ni Rizal sa Noli Me Tangere at iba pa. Kung ang pagtalakay ay kasisinagan ng mga
tauhang buhat saBanal na Kasulatan tulad nina Pedro o Simon, Maria at Jose, ng Mabuting Samaritano,
ngAlibughang Anak at iba pa: masasabi nating pang-arketipo ang pamamaraang ginamit.Pang-arketipo
ERMITA
ni CC Marquez
Ito ang Ermita, Isang kagubatan ng lasing na nota
At sala-salabat
Ang baging na bisig ng mga turista
Na namumulupot
Sa murang petalo ng mga orkidya…
Kumunoy ang gabi’t
Isang kadawagan ng hungkag na tawa
Ito ang Ermita.

Ermita ay gubat,
Isang kasukalan ng langong liwanag
Na gumagahasa
Sa dilim na sulok ng disco at beerhouse
Narito ang bangis
Ng nagpapakahayop na mulat na utak
Na ang nilalapa
Ay sisiw na bagong kabababang-pugad
Ermita ay gubat

Ermita ay Eden
May bawal na bungang malayang kainin,
Isang kadawagan
Ng teknolohiya, realismo’t sining…
Arenang sukatan
Ng pagka-Bathala at pagkaalipin,
Gubat ng liwanag
Na dilim ng lungsod ang limit silawin,
Ermita ay EDEN!

E. Pagpapahalaga sa Pelikula
1. Mga BAhaging Susuriin sa Isang Pelikula
I. Panimula .
Ito ba ay komersyal o isang art film? Ano ang sinaryo sa isang bansang pinanggalingan ng
pelikula nang isinagawa ito? Ano sa iyong hinuha ang mga layunin ng pelikula? Sa panimula,
kinakailangang banggitin ang pamagat n g pelikula, produksyong gumawa ng pelikula, ang mga artistang
nagsipagganap, sumulat ng pelikula, production designer, director ng photogtapiya, producers, executive
producers, at director. Maaring idagdag sa panimula kung ito ay halaw sa isang nobela, kung saan
nakabase ang pelikula.
II. Pamagat
Ano ang ipinahihiwatig ng pamagat ng pelikula? May mensahe bang ipinahihiwatig ang
pamagat? ang font na ginamit? Ang kulay na ginamit sa pamagat? Ipaliwanag ang ipnahihiwatig nito.
III. Karakterisasyon at Pagganap
A. Pangunahing Tauhan Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa pelikula? Ilarawan ang
karakter ng pangunahing tauhan. Ano ang karakter ng pangunahing tauhan sa pelikula? Sino ang artistang
gumanap sa mga karakter sa pelikula? Mahusay ba niyang nagampanan ang karakter sa pelikula? Saang
bahagi ng pelikula nagpakita ang artista ng kahusayan sa pagganap o kahinaan sa pagganap?
B. Katuwang na Tauhan Sino-sino ang mga katuwang na tauhan sa pelikula? Ilarawan ang
karakter ng mga katuwang na tauhan. Ano-anong mga karakter ng katuwang na tauhan sa pelikula? Sino-
sino ang mga artistang gumanap sa mga karakter sa pelikula? Mahusay ba niyang nagampanan ang
karakter sa pelikula? Saang bahagi ng pelikula nagpakita ang artista ng kahusayan sa pagganap o
kahinaan sa pagganap?
IV. Uri ng Genre ng Pelikula Ipaliwanag ang genre ng pelikula.
V. Tema o Paksa ng Akda
Ipaliwanag ang tema ng pelikula. Ibigay ang mensaheng nais iparating ng pelikula sa mga
manunood.
VI. Sinematograpiya
Mahusay ba ang mga shots na ginamit sa pelikula. Paano nagbigay daan ang mga shots na
ginamit sa daloy ng pagsasalaysay ng pangyayari sa pelikula. Ipaliwanag ang mga shots kung anong
ipinahihiwatig ng mga ito sa kabuoan ng kuwento ng pelikula? Nakatulong ba ang mga shots, ilaw sa
pagsasalaysay ng kuwento ng pelikula?
VII. Paglalapat ng Tunog at Musika
Malinaw at maayos bang nailapat ang mga tunog sa mga bahagi ng pelikula na nagbigay daan
upang bigyang linaw ang mga pangyayari at maramdaman ng manunood ang sitwasyon, tagpuan at
kalagayan ng pangyayari sa pelikula.
Maganda at may kaugnayan ba ang paglalapat ng musika sa bahagi ng pelikula? Nagbigay daan
ba ito sa damdamin upang mapadama s amga manunood ang sitwasyon sa pelikula?
Ang mga boses ba ng mga tauhan sa pelikula ay nakapekto ba sa mga pangyayari, sitwasyon,
kalagayan at estetika ng pelikula? Ipaliwanag ang esensya ng paglalapat ng musika, tunog at boses sa mga
bahagi ng pelikula.
VIII. Editing
Mahusay ba ang pagkakatagni-tagni ng mga pangyayari ng pelikula? May mga bahagi bang
tumalon o di magkakaugnay o di maunawaang pangyayari dahil sa editing?
IX.. Production Design
A. Ang lokasyon ang mga props na ginamit sa mga eksena ng pelikula ay makatotohanan at
nagpadama sa mga manunood ng totoong kalagayan ng buhay ng mga tauhan sa pelikula?
B. Ang kasuotan ng mga artista, maging ang make-up ay mahusay na naipamalas sa mga bahagi
ng pelikula upang maipadama ang totoong kalagayan ng pangyayari ng mga tauhan sa pelikula?
C. Ang mga tagpuan o lokasyong ginamit sa pelikula ay akmang-akma sa sitwasyong hinihingi sa
kuwento ng pelikulas?
X. Direksyon
Mahusay bang nagampanan ng direktor ang kanyang tungkulin upang maiparating ang tunay na
mensahe ng pelikula batay sa pagkakasulat ng iskrip? Matagumpay bang naisakatuparan ng direktor ang
paglalapat ng lahat ng elemento ng pelikula upang maipakita ang kagandahan at kahusayan ng kalidad ng
isang tunay na pelikula? Patunayan kung bakit mahusay o hindi ang direktor sa pelikulang pinanood.
XI. Buod o Synopsis
Ibigay ang buod ng pelikula. Ilahad ang daloy ng mga pangyayari mulsa sa simula, mga
mahahalagang pangyayari, kasukdulan hanggang wakas.Bigyan ng masusing pagsusuri ang storyline.
XII. Kuwento
Paano pinaunlad ng manunulat ang kasaysayan ng pelikula. Akma ba ang mga tagpuan? Anu-ano
ang mga tagpuan? Anu-ano ang mga suliraning umusbong sa pelikula? ang mga sub-plots? Ito ba ay
kinakailangan? Lahat ba ng mga tagpo ay kinakailangan upang mapaunlad ang kasaysayan ng pelikula?
Ano ang suliranin? Paano ito nilutas? Ano ang nais iparating ng pelikula sa kabuoan? Ano ang aral na
makikita sa pelikula? Ano ang istilo ng manunulat upang ipakita at inilapat sa pelikula? Paano ito
nakatulong sa kabuoan ng pelikula? Paano ipinamalas ang kasukdulan ng pelikula? Paano nagwakas ang
pelikula? Nakamit ba ng gumawa ng pelikula ang kanilang layunin nang gawin ang pelikula?
XIII. Mga Kasipan o Aral ng Pelikula
Ano ang kaisipan o aral na matatagpuan sa pelikula? Ipaliwanag ang kaisipang iyong ibinigay.
XIV. Konklusyon at Rekomendasyon
Sa bahaging ito, maaaring ilagay ang iyong pagbubuod o paglalagom sa mga key points na
tinukoy sa iyong ginawang pagsusuri. Balikan ang mga elemnto ng pelikula na binigyang suri at mula rito
ay maaaring magbigay ng sariling rekomendasyon kung paano pa mapagbubuti ang isang pelikula mula
sa iyong saring paghuhusga.

Panunuring Pampelikula

PANUNURING PAMPELIKULA

Ang PELIKULA

Ang isang pelikulang ay malaking kabuuan. Ito ay binubuo ng iba’t-ibang salik o elemento bago maging
gumagalaw na mga litrato o larawan. Sa panonood ng pelikula, mahalagang pagtuunan ng pansin ang
mga sumusunod:

 TEMA T-Ang tema ay maituturing na pinakapundasyon sa pagsusuri ng isang pelikula. Ito ang
nagsasaad ng pinapaksa, layunin o mensahe ng pelikula.
 MGA TAUHAN at PAGGANAP Ang mga tauhan ay ang mga taong gumaganap ng iba’t ibang
katauhan o karakter sa isang pelikula.
Ang pagganap ay may mahalagang bahaging ginagampanan sa ikagaganda ng isang pelikula.
Binibigyang lalim at bisa ng pagsasabuhay sa mga karakter ang mga emosyon, diwa, saloobin sa
dimension ng pag-arte.
 SHOT- ang shot ay ang mga kilos o aksyong nakunan ng kamera mula sa pag-andar hanggang sa
paghinto nito. Ang sumusunod ay ang pangkaraniwang shot na ginagamit sa mga pe. likula
ngayon.
a. LONG SHOT ipinakikita ng kuhang ito ang pangunahing lugar o tauhan na malayong
agwat mula sa kamera. Ipinakikita rin ang shot na ito ang relasyon ng bagay o tauhan sa
kanyang kapaligiran.

b. MEDIUM SHOT ang kuha ng pangunahing bagay o tauhan ay pantay sa taas nito o
mula sa baywang pataas.

c. CLOSE - UP SHOT ang kuha kung saan ang distansya sa pagitan ng tauhan at ng
kamera ay maliit lamang. Ito ang paraan ng director para ipakita sa mga manonood ang mga
detalyeng nais niyang pagtuunan ng pansin.

 EDITING masasabing maayos ang pagkakaedit ng pelikula kung angkop ang pagkasunod-sunod
ng mga eksena o kuha kapag pinagsama-sama na ang mga ito. Sa isang mahusay na editing, ang
mga eksenang kailangn mahalag ang tinitimbang nang hindi isinasakripisyo ang kabuluhang
estetiko.
 SINEMATOGRAPIYA ang pokus ng elementong ito sa paggawa ng isang pelikula ay tunay na
nagbibigay-pakinabang sa karanasang hatid ng mga mata. Kailangang maging tiyak at masining
ang bawat anggulo ng kamera, ang bawat mahalagang galaw ay dapat na magagawang
ikwadrado, dapat na maabot ang layo at lapit na nais marating, maipinta ang mga hugis, anino
at kulay.
 MUSIKA O SOUND EFFECT ito ang musikang maririnig habang may eksena; ang musika ay
maaaring nagmumula sa mismong eksena o labas sa eksena. Ito rin ang mahahalagang tunog na
nagbibigay ng higit na kabuluhan sa bawat eksena.
 DIREKSYON ito ay tumutukoy sa paraan kung paano ipahahatid ng direktor ang mensahe ng
kwento sa pamamagitan ng lenggwahe ng pelikula. Ang direktor ay itinuturing na kapitan ng
bapor na responsible sa pagtatamo ng kaisahan ng bawat tagpo o eksena sa sisitemang awdyo-
biswal. Pananagutan ng direktor na tumugon sa hamon ng sining.
 ISTORYANG PAMPELIKULA Sinusubaybayang mabuti ng mga manonood ang daloy ng mga
pangyayari sa isang pelikula. Ang mga pangyayari sa istorya ay binibigyang-linaw sa
pamamagitan ng mga salaysay, dayalog ng usapan upang palutangin ang tema, madudulang
bahagi, suliranin, mga pagbabago sa takbo ng mga pangyayari, kasukdulan, kalakasan at wakas
ng isang istorya.

F. Praktikum: PAgsusuri ng IBa’t ibang Akdang Pampanitikan


1. May Daigdig sa KAragatan (Clemente Bautista)
2. Ang Kumare Kong T.N.T(Teresita C. Sayo)
3. Isang Dipang LAngit ( Amado V. Hernandez)
4. Aloha( DEogracias A. Rosario)
5. Sayaw s Kalipay (Ambrosio T. Suico)
6. Ang Buhay ng Tao sa Paghabol ng Dyip (Elynia S. Mabanglo)

Pangangailangan ng Kurso:
1. Pagsasagawa ng panunuri
2. Pumasa sa mga pagsusulit
3. Pagsusuring Pelikula
SISTEMA NG PAGMAMARKA

Class Standing -20%


Term exam -30%
Major Output -50%
100%
SANGGUNIAN:
Almario, Virgilio S. (2006). Pag-unawa sa Ating Pagtula. Pasig City: ANVIL Publishing Inc.
Bendalan, Nilda M. (2018). Retorika. Manila: Wisemen’s Book Trading, Inc.
Bernales, Rolando A. et.al. (2002). Mabisang Retorika sa Wikang Filipino. Valenzuela:
MegaJesta Prints Inc.
San Juan, Gloria P. et.al. (2005). Panunuring Pampanitikan. Manila: Booklore Publishing
Corp.

You might also like