You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


Mexico Campus
Kolehiyo ng Edukasyon

ANG APO NI LOLA SOLEDAD


Ni Edgardo B. Maranan

GROUP 9
Evangelista, April Ann G.
Fring, Ashly M.
Hernandez, Karen S.
Torres, Shayne D.
Si Edgardo B. Maranan (1946-2019) ay isang
makata, mananaysay, manunulat ng dula at kwentong
pambata, at tagasalin. Nagsusulat siya sa Ingles at Filipino,
nakapag lathala ng apat na aklat ng tula at dalawampung
aklat ng mga kwentong pambata. Sa edad na 18, siya ay
naging aktibista at nakulong ng dalawang taon. Siya ay
nagpatuloy sa pagsusulat at nanalo ng mga parangal sa
panitikan habang siya ay nasa bilangguan.

Si Maranan ay nanalo ng pinakamaraming parangal —


tatlumpu’t tatlo sa kabuuan — para sa kanyang mga gawa
sa Ingles at Filipino, sa pinaka prestihiyoso na patimpalak sa
panitikan sa Pilipinas, ang Carlos Palanca Memorial Awards
for Literature, at itinaas sa Hall of Fame nito noong 2000, na nanalo ng limang unang
premyo.

Ilan sa mga isinulat ni Edgardo Maranan:


● Ang Panahon ni Cristy (1978)
● Voyage:Poem (1984)
● Pamana ng Bundok (1989)
● Island and Hinterland (1992)
● Tabon and Other Poems (2000)

TAUHAN

● Lola Soledad ● Orang, Pining, Turing


● Boy ● Pilong
● Ligaya ● Regina Chua
● Lolo Inocencio ● Pepe
● Narding ● Dyunyor
● Pluting

ANG APO NI LOLA SOLEDAD (BUOD)

Sa isang kulong na silid, sa isang sulihiyang kama sa isang malaki’t magarang bahay
sa isang subdibisyon, may isang matandang babae na nagngangalang Lola Soledad. Wala
siyang ibang hinangad kundi makita ang pinakamamahal niyang apo na si Boy. Nakailang
yaya na si Lola Soledad dahil nahihirapan silang alagaan ang matanda.

Nalalapit na ang pasko pero hindi ito maramdaman ng matanda. Wala man lang bakas
ng kalampag, kasiyahan, at iba pa. Sabik siya lagi sa balita, nakaupo man siya o nakahiga,
pakiramdam man niya ay wala siyang silbi sa mundo maliban kung ano ang nangyayari sa
mundo. Masaklap para sa kanya na wala na siyang panlasa at ang natitirang ngitngit sa
kanyang umiimpis na buhay ay dito nabubuhos. Sa pagkakataong ganito, maaalala niyang
muli ang lumang Malabon samu’t sari ang mga isda.
Masakit para sa kanya na sa huling yugto ng buhay, inunahan pa siyang mamatay ng
kanyang panlasa. Tuwing mag-uumaga masasal lagi ang kaba sa kanyang dibdib. Isang
masamang panaginip na naman ang nangyari….Taunan kung umuwi ang apo niyang si Boy
mula sa pangingibang-bayan. Madalas magkwento ang kanyang Lola Soledad sa mga
naging karanasan nito sa buhay. Mahigit na limampung taon na ngayon si Boy at Boy pa rin
ang tawag. Sa isang pagkakataon, umuwi si Boy na may dala-dalang teyp rekorder upang
dalawin ang kanyang Lola. Sa mga oras na iyon, kinukwento ng kanyang lola ang mga
panahon ng giyera, ang karanasan nila sa kamay ng mga dayuhan.

Naikwento rin niya kung paano niya nakilala ang kanyang asawa na isang tabakero. Si
Lolo Inocencio, na may dugong Kastila. Sinabi niya sa apo kung ano ang nagustuhan niya
kay Lolo Inocencio. Isinalaysay din niya kung ano ang nangyari sa kanyang mga anak.
Matapos ang pagkukwento, nagpaalam na si Boy at nangakong muli siyang magbabalik.

Pagkagising niya ng umagang iyon, wala siyang matandaang nagpaalam si Boy. Dahil
sa kanyang katandaan, marami na siyang hindi maalala. Ilang buwan ang lumipas wala pa
rin siyang natatanggap na tawag mula sa kanyang apo. Bigla niyang naalala ang kanyang
matalik na kaibigan na si Regina Chua. Ang mga panahong kasama niya ito sa bawat
lakaran.

Isang gabi, mga ilang buwan pagkaalis ni Boy, pilit bumangon si Lola Soledad.
Nanaginip na naman siya ng napakasamang panaginip. Naupo siya sa gilid ng kama
habang pinahiran niya ang kanyang luha. Parang binibiyak ang kanyang dibdib. Madalas
ang masamang panaginip niya tungkol kay Boy.

Hating gabi ng biglang magkagulo sa buong kabahayan. Una nito ay ang nakatututlig
na kiringring ng telepono. Sinundan ng impit na sigaw at mahabang iyak ni Ligaya.
Napabangon si Lola Soledad dahil sa ingay na kanyang narinig. Nabalitaan nilang namatay
si Boy. Inuwi ang kanyang abo mula sa Isteyts. Hiniling niya ito na nasa sulat na sunugin
ang lahat ng mga bagay na kanyang pag-aari upang hindi na siya makaabala sa pamilya.

You might also like