You are on page 1of 45

PANITIKAN SA

PANAHON NG
AMERIKANO
INIHANDA NI:

JULIE ANN J. BENITEZ

BSF 103 PANITIKAN NG


REHIYON
KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
 Nagsimula noong 1898, nang sakupin ang
Pilipinas ni George Dewey hanggang sa
mapagkasunduan ang kasunduan sa Paris sa
Pransya

 Naiwagayway ang bandila ng Pilipinas noong


ika-12 ng Hunyo 1898 tanda ng kalayaan ng
Pilipinas.
KATANGIAN NG
PANITIKAN
Hangaring makamit ang kalayaan

Marubdob na pagmamahal sa bayan

Pagtutol sa kolonyalismo at
imperyalismo
IMPLUWENSYA NG
MGA AMERIKANO
 Pagpapatayo ng mga paaralan
 Binago ang sistema ng edukasyon
 Pinaunlad ang kalinisan at kalusugan
 Ipinagamit ang salitang Ingles
 Pagpapalahok sa sistema ng kanilang
pamahalaan
 Kalayaan sa pagpapahayag ngunit may
hangganan
Panitikan
Sa Tagalog
Lope K. Santos
Ama ng Balarila ng Wikang
Pambansa na ang panulat ay
mahimig, maharaya at malaman
sa wikang Tagalog

 Banaag at Sikat, Balarila ng


Wikang Pambansa, Salawahang
Pag-ibig at Kundangan
 Tinaguriang Bibliya ng manggagawang
Pilipino, umiinog ang dahon ng mga
nobelang ito sa buhay ni Delfin, sa
kanyang pag-ibig sa isang dalagang anak
ng mayamang nagmamay-ari ng lupa.

 Ipinakita dito ang mga isyung


panlipunan katulad ng sosyalismo,
kapitalismo, at ang mga gawain ng
nagkakaisang asosasyon ng mga
manggagawa. Binigyang-diin dito ang
karapatan ng mga manggagawa sa
pakikitungo nila sa mga namumuhunan o
sa mga kapitalista.
Ang Pagigera
Oy kung sino ka man
Pagkaumaga nay gulo ang diwa
Di mapakali’t mainit ang ulo
Di aanhin na lamang
Ang iyong asawa ay papasok sa
trabaho
Ay ikaw sa bahay
Walang pangilagan na kahima’t sino
Oh, ang baraha
Oh, barahang sumpa sa palad ng tao
Aklat na arala ng maraming bisyo
Sa iyong gayuma
Ay mag-a-mag-anak ay sinasawi mo
Ikaw ang may sala
Ng maraming sakit ng Baya’t Lahi ko!
Jose Corazon De Jesus
Kilala sa sagisag na Huseng
Batute dahil sa kanyang
galing sa Balagtasan. Siya
ang gumawa ng bantog na
awiting “Bayan Ko”.
Isang Punongkahoy, Ang
Bato, Honorable Absent at
Tuturuan ng Tagalog ang
mga Tagalog
Isang Punongkahoy
Kung tatanawin mo sa malayong pook
Ako’y tila isang nakadipang krus
Sa napakatagal na pagkakaluhod
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos

At iyong isiping nang nagdaang araw,


Isang kahoy akong malago’t malabay
Ngayon ang sanga ko’y krus sa libingan
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay.
Honorable Absent
Mga kababayan, kung ako’y mahalal
Ay sisikpain kong matubos ang bayan
Ma-araw, ma-gabi’y paglulunggatiang
Matamo ang ating mithing kasarinlan

Sasahod ng kuwalta’y, wala mang


proyekto
Ni hindi kilala tanang diputado
Ni kapwa senador ay walang amigo
Paano ay absent ang anak ng diyablo
Florentino Collantes
Siya ay may sagisag na
Kuntil Butil at unang
gumamit ng tula upang
tuligsain ang pampulitika ng
mga Amerikano.

Ang Magsasaka, Pangaral


sa Bagong Kasal, Ang
Tulisan, Lumang Simbahan
Lumang Simbahan
Ngunit isang gabing kadilima’y sakdal
Ang simbahang luma’y ano’t nagkailaw
May isang binata’t isang paraluman
Na nangakaluhod sa harap ng altar

Ang dalawang ito ay magkasintahang


Sa galit ng ama ay ayaw ipakasal
Kaya’t ang dalawa’y dito nagtipanang
Sa harap ng Birhen ay nagpatiwakal
Amado V. Hernandez
 Kinilala bilang makata ng
manggagawa, isang realista
at nagpapahayag ng mga
pangyayari batay sa
katotohanan
 Pilipinas, Aklasan, Ang
Panday at Ang
Kayumanggi
AKLASAN

Nangatigil Nanlupaypay
ang gawain ang daunga’t
sa bukirin pamilihan

Nagpahinga At sa madla
ang makina ay nagbanta
sa pabrika ang dalita
ILDEFONSO SANTOS
Kilala sa kanyang
pamamaraan sa pagsulat ng
tula bilang payak, ngunit
tapat sa diwa

Ang Guryon, Sa Tabi ng


Dagat, ang Ulap, Ang
Mangingisda
ANG GURYON
Tanggapin mo anak, itong munting guryon
Na yari sa patpat at “papel de Hapon”
Magandang laruan pula, puti, asul
Na may pangalan mong sa gitna naroroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin,


Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Ang solo’t paulo’y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka, pag umihip ang hangin, ilabas
At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.

At kung ang guryon mo’y sakaling madaig


Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling dina mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok,
malikot
Dagiti’y dumagit saan man sumuot…
O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
Bago tuluyang sa lupa’y sumubsob!
IÑIGO ED. REGALADO
 anak ng isang tanyag na
manunulat noong panahon
ng Kastila
 tanyag na kuwentista,
nobelista at peryodista
 Ang kalipunan ng kanyang
tula ay pinamagatang
Damdamin.
Sampaguitang Walang Bango
Iñigo Ed. Regalado
Ang pangunahing tauhan dito ay si Nenita. Siya ay may buong
pangalan na Ana Maria del Prado Deala. Siya ay ang masunuring
asawa ni Don Bandino na kakatawan sa salungatang pagtitimpi,
pagmamahal at pagtataksil. Si Nenita ay isa sa mga
pinakatampok na babae sa mataas na antas ng lipunan. Hindi
lamang dahil siya ay maganda ngunit siya rin ang tunay na asawa
ni Mang Bandino. Ngunit gaano man siya kaganda, nagagawa pa
rin ng kanyang asawa na pagtaksilan siya at hindi iyon lingid sa
kanyang kaalaman. Sa halip na manibugho at magalit sa asawa,
pinabayaan niya ito kung saan siya masaya.
MGA
DULANG
TAGALOG
SEVERINO REYES
 Kilala sa tawag na Lola Basyang
at sa kanyang kauna-unahang
dulang sinulat na Walang Sugat
na hangarin ang repormang
sosyal at patriotismo.

 Ang Kalupi, RIP, Cablegrama


Fatal, Puso ng Isang Pilipina
BUOD NG WALANG SUGAT
 
Nagbuburda si Julia habang magkaharap kay Tenyong. Pagkatapos,
biglang dumating ang kaibigan nitong si Lucas. Nagbalita siya na
nadakip ang kanyang ama.
Sabi niya napagkamalan itong isang tulisan. Napatay ang kanyang ama
na si Kapitan Inggo at nais ni Tenyong na maghiganti kahit hindi ito
gusto ng kasintahan na si Julia at kanyang ina na si Kapitana Puten.
Ngunit, ang dalawa ay walang nagawa. Nagkalayo sina Julia at Tenyong.
At dahil dito, may dumating namang manliligaw si Julia, isang
mayamang nagngangalang Miguel.
Sa paglaon ay itinakda ang kanilang kasal kaya si Julia ay nagpadala ng
liham kay Lucas para ipaalam na siya ay ikakasal na. Ngunit, ang liham
ay hindi nasagot ni Tenyong dahil biglang nagkaroon ng labanan.
Ibinilin na lang ni Tenyong na dadalo siya sa araw ng kasal ni
Julia. Inakala ni Julia na patay na si Tenyong kaya labag man sa
kanyang kalooban ay kailangan niyang magpakasal kay Miguel.
Sa araw na mismo ng kasal, dumating si Tenyong sa simbahan na
duguan na anyong mamamatay na. Pagkatapos nito, pinatawag ang
kura upang makapangumpisal si Tenyong.
Ang huling kahilingan nito ay ikasal siya kay Julia. Pumayag naman
si Tadeo ang ama ni Miguel at Juana, ang ina ni Julia dahil
mamamatay rin naman si Tenyong at makakasal rin ang kanyang
anak.
Subalit, biglang bumangon si Tenyong at nagsigawan ang lahat ng
Walang Sugat! Walang Sugat! Nilinlang lang pala ni Tenyong ang
lahat upang siya ay makasal kay Julia.
HERMOGENES ILAGAN
Tanyag sa kanyang
sarswelang, Dalagang Bukid
na tungkol kay Angelita.

Lucha Electoral, Despues


de Dios, Dalawang Hangal
at Biyaya ng Pag-ibig
AURELIO TOLENTINO
 Tanyag sa pagsulat ng diwang
makabayan at panunuligsang
panlipunan at paghingi ng
pagbabago para sa bayan. Ang
kanyang obra ay Kahapon, Ngayon
at Bukas.
 Sumpaan, Filipinas at Espanya,
Rizal y los Dioses at Sinukuan
KAHAPON, NGAYON AT
BUKAS
 Ito ay nagpapakita ng di pagsang-ayon ng pagpapalawak ng kapangyarihan na
pinamumunuan ng isang bansa sa loob at labas ng kanyang teritoryo at
nakapokus ang tagumpay ni Inangbayan sa mga nangliliit sa kanya. Kasama na
dito si Asalhayop na nakipagsabwatan kay Haringbata upang ipagbigay-alam na
sila Tagailog ay may balak babakahin si Haringbata. Ngunit nang siya ay
pawang paalis na ay napigilan siya ni Inang Bayan at sinabing dakpin siya dahil
ipinagbili ni Asalhayop ang kanilang kalayaan. Sa kanilang narinig ay hinatulan
nila si Asalhayop nang kamatayan at nagpatuloy na sumalakay kay Haringbata.
Nang sila’y magsilusob ay muntikang mapatay ni Haringbata si Inangbayan
kundi dumating si Tagailog at sinaksak siya. Nabuwal at namatay
Si Haringbata. Nang namatay si Haringbata ay dumating sina Dilat na Bulag at
Matanglawin na nagnanais na sila’y iligtas sapagkat mayroong sakuna.
Di lumaon, sila’y napapayag at nagsumpaan gamit ang kanilang dugo at sabay
nila itong ininom.
PAGPAPAKAHULUGAN
 Kalayaan-Ama ni Walangtutol
 Inangbayan-ang sumimbolo sa bayang Pilipinas
 Dilat na Bulag-ang sumimbolo sa Espanya
 Bagong Sibol-ang sumimbolo sa Amerika
 Masunurin-ang babaeng Pilipina
 Tagalog-bidang tauhan na kumakatawan sa Pilipinong rebolusyunaryo
(rebeldeng tauhan)
 Matanglawin-ang gobyerno ng Espanya
 Malaynatin-ang gobyerno ng Amerika
 Asalhayop-ang mapaglilong Tagalog
 HaringBata-ang haring Intsik
 Walangtutol-Ang Pilipinong pasibo at anak ni Inangbayan
 Halimaw-ang Kastilang pari
Panitikang
Filipino sa
Ingles
JOSE GARCIA VILLA
 makata, kritiko, manunulat ng
maikling kuwento at pintor
 Pambansang Alagad ng Sining sa
Panitikan
 may sagisag panulat na Doveglion
na mula sa Dove, Eagle at Lion
 isa sa pinakamagaling na magsulat
sa Ingles
 kilala sa paggamit ng mga
matatalim na salita, parirala at
pangungusap
ZULUETA DE COSTA
 Isang makata
 Ginagamit niya ang pangalan na
R. Zulueta Da Costa bilang manunulat
 Nagsimula siyang sumulat ng tula sa
Espanyol at Ingles naman pagkatapos
 Ang sikat nitong gawa ay ang Like The
Molave at Other Poems na nagpanalo
ng Commonwealth Literary Award for
Poetry sa taong 1940.
Like The Molave
Let the words fly and boom and crash.
Let the centuries spin and calculate.
The mathematical certainly endures:
Philippines minus (Spain plus America)
equals
MOLAVE
Who will decipher the Philippine
hieroglyph?
Who, unravel the intricate formula?
Who, enter the jungle, mount the steep,
And find molave proud, knowing no death?
They say the molave is extinct
But they are blind or will not see.
Stand on the span of any river, and lo!
Relentlessly to and fro, cross and recross,
molave!
Yes, molave strike roads into the darkest core!
Yes, molave builds seven thousand bridges in
blood!
Bagumbayan planted the final seed.
Balintawak nurtured the primal green.
Molave, uprooted and choked, will not succumb.
Molave presses on and will not be detained.
Let Spain speak.
Let America speak.
NESTOR VICENTE MADALI GONZALES
 kilala bilang NVM Gonzales
 makata, guro at Pambansang Alagad
ng Sining sa Panitikan
 makikita sa kanyang mga akda ang
buhay ng mga Pilipino, hindi lamang
sa bansa, ngunit maging sa buong
mundo
 May akda ng My Islands at
 Children of the Ash Covered Loom
(isinalin sa iba’t ibang wika sa India)
ZOILO GALANG

sumulat ng kauna-unahang
nobelang Pilipino sa wikang
Ingles na pinamagatang
“A Child of Sorrow”
A Child of Sorrow
Summary:
The story revolves around two lovers, Rosa and Lucio, who had
undergone a lot of tribulations in their relationship. They were
torn between fighting for their love or complying their
responsibilities to their parents. Besides, there was Oscar who
gave several quakes to their strong ties. Until one night, Oscar
raped the beautiful Rosa. She was helpless that time like a gazelle
in the teeth of a lion. The two--Rosa and Lucio--said goodbye to
each other with Rosa couldn't move on and wept almost every day
and Lucio who drowned himself in paperwork, books, and all. At the
end, Rosa died.
JORGE BOCOBO

 Nakasulat ng maraming talumpati,


artikulo at mga aklat sa Batas

 Mahusay sumulat ng sanaysay-


A Vision of Beauty, Filipino Contact
with America at College Uneducation
COLLEGE UNEDUCATION
I wish to speak on “College Uneducation.”  Is it possible that our college
education may “uneducate” rather than educate?  I answer “Yes.”  It is a
paradox but nonetheless the truth—the grim, unmerciful truth.  We all
believe in higher education; else we should not be in the University.  At the
same time, college education—like all other human devices for human
betterment—may build or destroy, lead, or mislead.

In conclusion, I shall say that I have observed among many of our students
certain alarming signs of college uneducation, and some of these are: (1) lack
of independent judgment as well as love of pedantry, because of the worship
of the printed page and the feverish accumulation of undigested data;
(2) the deadening of the delicate sense of the beautiful and the sublime, on
account of overspecialization; and (3) neglect of the formulation of a sound
philosophy of life as a result of excessive emphasis on professional training.
ANGELA MANALANG GLORIA

Umakda ng April Morning

Nakilala sa pagsulat ng
mga tulang liriko noong
panahon ng Komonwelt.
ESTRELLA ALFON

 Pinakapangunahing manunulat
na babae sa Ingles bago
magkadigma

 Sinulat niya ang Magnificence


at Gray Confetti
ARTURO ROTOR

May-akda ng The Wound


And The Scar- kauna-
unahang aklat na nalimbag sa
Philippine Book Guild
Salamat sa
inyong
pakikinig!

You might also like