You are on page 1of 2

Yunit 3

Panahon ng Pakamulat

Nagising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino noong 1872. Naunawaan nila ang aping kalagayan sa ilalim ng mga kastila.
Lumaganap ang damdaming makabayan dahil sa pang-aalipin at paniniil ng mga dayuhan, labis na paghamak sa mga Pilipino na
tinawag nilang Indiyo,ni suliranin sa sekularisasyon at pagmamalabis ng mga taong umuugit sa pamahalaan. Nadagdag pa sa
mga ito ang mga sumusunod na pangyayari; ang pagbubukas ng Suez Kanal, pagpasok ng diwang liberal dahil sa panunungkulan
ng liberal ng Gobernador Heneral Ma. De la Torre, pag-aalsa sa arsenal ng Cavite, ang pagakkabuo ng gitnang uri (middle class)
at ang pagkakagarote sa tatlong paring martir na si GOMBURZA.

Ang Kilusang Propaganda


Ang mga sumusunod ang mga hangarin ng kilusang Propaganda na ang tanging layunin ay mga pagbabago sa mga batas
at reporma. Hindi nilayon ng kilusan na humiwalay sa Espanya ni lumaban sa mga makapangyarihan.
1.Pagiging pantay ng mga Kastila at Pilipino sa harap ng batas.
2.Papanumbalik ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya.
3.Maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
4.Maging mga Pilipino ang mga kura paroko.
5.Kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pagtitipon at pagpupulong at pagpapahayag ng kanilang mga karaingan.

Dr. Jose Rizal


Pagsilang ng Pambansang Bayani
(Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda )

Si Dr. Jose Rizal ay katangi-tanging halimbawa ng isang henyo ng maraming larangan na naging pinakadakilang bayani
ng isang nasyon. Biniyayaan ng Diyos ng maraming talino, maihahanay siya sa ibang henyo sa buong daigdig. Siya ay isang
doctor, makata mandudula, mananalaysay, manunulat, arkitekto, pintor, eskultor, edukador, linggwista, musiko, naturalista,
etnolohista, argremensor, inhinyero, magsasakang negosyante, ekonomista, heograpo, kartrograpo, pilohista, folkorista, pilosopo,
tagasalin, imbentor, mahihero, humorista, satirista, polemista, manlalaro, manlalakbay at propeta. Higit sa lahat siya ay isang
bayani at pulitikong martir na naglaan ng kanyang buhay para sa katubusan ng mga inaaping kababayan. Hindi katak-takang siya
ay itinanghal na Pambansang Bayani.

Si Jose Rizal ay isinilang sa gabing maliwanag ang buwan,, Miyerkules, Hunyo 1861, sa baybaying bayanng Calamba,
Laguna, Pilipinas. Muntik nang mamatay ang kanyang ina sa panganganak dahil malaki ang kanyang ulo. Gaya ng isinalaysay
niya kinalaunan: “Isinilang ako sa Calamba noong Hunyo 18, 1861, sa pagitan ng ika 11 at hatinggabi, ilang araw bago ang
kabilugan ng buwan. Miyeurkules noon at ang pagdating ko sa lambak na ito ng luha ay muntik nang ikamatay ng aking ina,
mabuti na lamang at namanata siya sa Birhen ng Antipoli, sinabi niyang isasama ako sa peregrinasyon”.

Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko ng kanyang bayan noong Hunyo 22, edad tatlong araw, ng kura paroko, Si Padre
Rufino Collantes, na isang Batangueňo. Ang kanyang ninong ay si Padre Pedro Casanas, taga-Calamba at kaibigang matalik ng
mag-anak na Rizal. Ang ngalang “JOSE” ay pinili ng kanyang ina sa deboto kay San Jose.

Nang bininyagan siya, pinuna ni padre Collantes ang malaking ulo ng sanggol, at sinabi sa mga miyembro ng pamilyang
narooon: “Alagaan ninyo ang batang ito, balang araw ay magiging dakila siya. “ Nagkatotoo ang sinabi niya, gaya ng
matutunghayang pangyayari sa hinaharap.

Mga Magulang ni Rizal


Isinilang si Jose Rizal noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Isinilang siya sa Calamba. Ang Calamba ay nasa lalawigan ng
Laguna. Si Jose Rizal ang ikapito sa labing-isang anak nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda. Ang Ama ng
bayani, si Francisco (1818-1898) ay isinilang sa Biñan, Laguna, noong Mayo 11, 1818. Nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya sa
Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Noong bata pa, pagkaraan mamatay ng mga magulang, lumipat siya sa Calamba at naging
kasamang magsasaka sa asyendang pag-aari ng mga Dominiko. Masipag siya, bihirang magsalita, ngunit mas maraming
nagagawa, malakas ang pangangatawan, at maayos ang pag-iisip. Namatay siya sa Maynila noong Enero 5, 1898 sa edad na 80.
Sa tala ng kanyang buhay, tinawag ni Rizal ang kanyang ama na “Huwarang Ama.

Si Donya Teodora (1826-1911), ang ina ng bayani, ay isinilang sa Maynila noong Nobyembre 8,1826, at nakapag-aral sa
Koliheyo ng Santa Rosa, isang kilalang kolehiyo para sa kababaihan sa lungsod, Kahanga-hanga iyang babae, mabini kung
kumilos, may talino sa panitikan at mahusay mag espanyol kaysa akin. Siya ang nagwawasto ng aking mga tula at binibigyan niya
ako ng magagandang payo nang nag-aaral ako ng retorika. Siya ay mahusay sa matematika at maraming aklat na nabasa. Namatay
si Dona Teodora sa Maynila noong Agosto 16, 1911 sa edad na 85.
Ang Ilan sa mga Akda ni Dr. Jose Rizal
NOLI ME TANGERE (Berlin, 1887)
Ang nobelang ito’y nangangahulugang “Huwag Mo Akong Salangin”. Inihandog ito sa inang bayan. Tinalakay rito ang
mga kabulukan sa lipunan. Ang orihinal na manuskripto nito ay ipinagkaloob niya kay Maximo Viola na tumulong sa kanya sa
pagtutustos ng salapi upang maipalimbag ang nobela. Mahirap malimot ang mga tauhang sina Crissotomo Ibarra, Maria Clara,
Elias, Pilosopo Tasio at Sisa sa kanyang dakilang nobela.

Si Juan Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino ng matapos mag-aral ng pitong taon sa Europa ay nagbalik sa Pilipinas. Siya
ay katipan ni Maria Clara na anak sa turing ni kapitan Tiyago, isa sa pinakamayayaman sa Binondo at isang makaprayle.

Isang hapunan ang inihanda ni kapitan Tiyago alang-alang sa kanyang pagdating. Sa hapunang yaon, hinamak ni Padre
Damaso si Ibarra at siya ay nagdahilan na may mahalagang bagay na lalakarin.

Pauwi sa San Diego si Ibarra nang makasalubong niya sa daan si Tinyente Guevarra. Dito niya napag-alaman kung paano
namatay ang kanyang amang si Don Rafael isang taon na halos ang nakaraan. Ayon dito, pinaratangan at hinamak ni Padre
Damaso ang kanyang ama at tinawag pang pilibustero. Gayon ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng kanyang ama ay ang
pagtatanggol nito sa isang batang lalaki na pinagmalupitan ng maniningil ng buwis. Sinaway umano ni Don Rafael ang ginagawa
ng maniningil sa bata hanggang sa sila ang magpambuno at makabig at mabuwal sa pagkakatayo ang maniningil ng buwis.
Bumagsak ang ulo nito sa semento na dagli nitong ikinamatay. Ibinintang kay Don Rafael ang pagkamatay ng maniningil at siya
ay inusig ng maykapangyarihan. Tumulong din ang mga lihim niyang kaaway sa pagharap ng sakdal laban sa kanya. Si Don
Rafael ay nagkasakit at namatay sa bilangguan.

Hindi pa nasiyahan si Padre Damaso sa ginawa niya. Ipinahukay pa niya ang bangkay ni Don Rafael at ipinalipat sa
libingan ng mga intsik. At dahil umuulan nang panahong iyon kaya nabigatan sa bangkay ang inutusan at ito ay itinapon na
lamang sa lawa.

Sa kabila ng ganitong pangyayari, ay ipinasiya ni Ibarrang ipagpatuloy ang layunin ng kanyang ama tungkol sa
pagpapaunlad ng pagtuturo bagkus na maghiganti. Nagpatayo si Ibarra ng isang paaralan sa sarili niyang gugol. Sa pagbabasbas
ng bahay-paaralan, muntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya iniligtas ni Elias. Ang nasawi ay ang taong nasuhulan ng mga
lihim na kaaway ni Ibarra.

Sa inihandang salusalo ni Ibarra ay hinamon na naman siya ni Padre Damaso, mabuti na lamang at naawat sila ni Maria
Clara. Ngunit dahil sa gangyari, Si Ibarra ay nagging ekskomulgado. Inutusan pa ni Padre Damaso si Kapitan Tiyago na sirain ang
planong pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara at ninais pang ipalit ang binatang si Linares na kararating lamang sa Pilipinas.

Sa mga pangyayaring naganap, si Maria Clara ay nagkasakit nang malubha. Ngunit gumaling siya sa mga gamut na
ipinadala ni Ibarra. Si Ibarra ay nagpunta sa Maynila para lakarin na mapawalang halaga ang pagkaka-ekskomulgado sa kanya. Sa
tulong ng kapitan-hereral ay napatawad si Ibarra. Nagkataon namang sinalakay ang kuwartel ng mga pinag-uusig at
napagbintangang si Ibarra. Ang nanggulo kaya’t siya ay hinuli at ibinilanggo.

Kinausap ni Elias si Ibarra na mamuno sa mga pinag-uusig, ngunit tumaggi si Ibarra. Nagkaroon ng paglilitis at sinabi ng
mga nahuli na hindi siya kasangkot. Sa kabila nito, napahamak rin siya dahil sa sulat niya kay Maria Clara bago siya nagtungo sa
Europa at ito ay kinasangkapan ng mga maykapangyarihan.

Ngunit habang naghahanda si Kapitan Tiyago ng hapunan para sa pag-iisang dibdib nina Maria Clara at Linares, si Ibarra
ay nakatakas sa tulong ni Elias. Inibig ni Ibarra bago siya makatakas ay kailangang makausap niya si Maria Clara at nagkataon na
nakapag-usap ang dalawa. Isinumbat ni Ibarra kay Maria Clara na siya ay pinahamak nito, ngunit ganoon na lamang ang
pagtanggi ni Maria Clara na ito ay hindi totoo.

Sinabi ni Maria Clara kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang dangal ng ina, ngunit
hindi magbabago ang pag-ibig niya kay Ibarra. Si Elias ang tumulong kay Ibarra para makatakas. Sumakay sila sa bangka na kung
saan ay tinabunan ng damo si Ibarra hanggang sa sila’y makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit sila ay naabutan ng sibil. Para
makaligtas, lumundag si Elias na kung saan ay pinaputukan siya. Kinabukasan, nabasa ni Maria Clara sa pahayagan na si Ibarra ay
napatay sa habulan sa lawa.

Dahil dito, hiningi ni Maria Clara kay Padre Damaso na siya ay ipasok sa Kumbento ng Sta. Clara upang magmongha.
Pinayagan siya ni Padre Damaso, dahil kung hindi ito payagan ay magpapakamatay.
Narating ni Elias ang gubat ng mga Ibarra na sugatan at hirap na hirap. Bago siya namatay ay humarap siya sa Silangan
at sinabi niyang:

“Ako’y mamamatay na di nasilayan ang pagbubukang liwayway ng aking bayan. Kayong makakamalas ay huwag
kalilimutan ang mgataong nangabulid sa dilim ng gabi.”

You might also like