You are on page 1of 4

Suring Basa

sa Filipino 10

Submitted to:
Ms. Soraya Salong

Submitted by:
Name: Pasandalan, Alyssa Ashley L.
Section: Grade 10 – Decisiveness
I. Pagkilala
Ang nobelang Noli Me Tangere ay isa sa mga naging pinakamalaking impluwensiya sa
bansang pilipinas. Ang Nasabing nobela ay isinulat ni Dr. Jose Rizal, isa sa mga kinikilalang
bayani sa bansa natin, isinulat niya ito noong taong 1887, panahon ng pananakop ng mga
Espanyol, sa Europa. Ang nobelang ito ay naglalaman ng pagkilala sa bansang Pilipinas. Ang
genre nito ay Nobela.
II. Buod
Noli Me Tangere
Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay isang Pilipino ngunit siya ay pinag-aral ng
ama na si Don Rafael sa ibang bansa. Mahigit pitong taon itong tumira sa Europa bago ito
muling bumalik ng Pilipinas.
Naghanda ng malaking salu-salo sa bahay ni Kapitan Tiago upang salubungin ang binata.
Inimbitahan din ang ilang panauhin katulad nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente
Guevarra, Donya Victorina, at ilang may impluwensya sa lipunan.
Ipinahiya ni Padre Damaso, ang dating kura ng San Diego, si Ibarra ngunit wala itong
ginawa bagkus pinagpasensyahan lang niya ang pari. Magalang itong nagpaalam at nagdahilang
may ibang pupuntahan. Si Maria Clara ang magandang kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Siya
ang anak-anakan ni Kapitan Tiago, mayamang taga-Tondo.
Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinabukasan pagkatapos dumalo sa pagtitipon.
Nagkaroon ng pagkakataon ang magkasintahan na muling balikan ang kanilang mga ala-ala.
Muling binasa ng dalaga ang liham na binigay ng binata bago pa ito tumungo sa Europa.
Pinuntahan naman ni Ibarra si Tinyente Guevarra bago ito umalis upang ipagtapat ang
pagkamatay ng ama. Isinalaysay ng tinyente na naakusahan ang ama na erehe at pilibustero dahil
sa hindi nito pagsisimba at pangungumpisal. Ipinakulong si Don Rafael dahil sa pagkamatay ng
isang Kastila sa kasalanang di naman siya ang may gawa. Malapit na sanang malutas ang
paglilitis nang magkasakit at kalauna’y namatay ang ama ni Ibarra.
Ipinag-utos ni Padre Damaso sa isang sepulturero na hukayin ang bangkay nito at ilipat sa
libingan ng mga Intsik. Dahil sa lakas ng ulan ay hindi kinaya na buhatin ang bangkay kung
kaya’t itinapon nalang ito sa lawa.
Sa kabila ng nangyari ay hindi hinangad ni Ibarra na makapaghiganti, sa halip
ipinagpatuloy niya ang adhikain ng ama na makapagtayo ng paaralan. Naghanda ng isang
pananghalian si Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas. Muli na namang tinira ni Padre Damaso ang
binata.
Sa pagkakataong ito ay hindi na nakapagpigil si Ibarra. Kamuntikan na niyang saksakin
ang pari kung hindi lang siya napigilan ni Maria Clara. Dahil sa nagawa ni Ibarra ay naging
ekskumunikado siya.
Sinamantala ni Padre Damaso ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra at inutusan si
Kapitan Tiago na itigil ang pagpapakasal ni Maria Clara kay Ibarra. Nagpasya si Padre Damaso
na ipakasal si Maria Clara kay Alfonso Linares.
Sa labis na pagdaramdam ng dalaga ay nagkasakit ito. Sa tulong ng Kapitan Heneral ay
napawalang bisa ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra. Subalit may mga taong sumalakay sa
kwartel at si Ibarra ang pinagbintangan. Kahit walang kasalanan ay dinakip at binilanggo ang
binata. Nakatakas si Ibarra sa tulong ni Elias.
Nabigyan naman ng pagkakataon ang magkasintahan na makapag-usap bago gawin ang
planong pagtakas. Doon nalaman ni Ibarra na si Padre Damaso ang totoong ama ni Maria Clara
kung kaya’t tutol ito sa pagmamahalan at planong pagpapakasal ng dalawa.
Gamit ang bangka ay tinakas ni Elias si Ibarra. Nakalagpas man sila sa ilang gwardiya
sibil nasundan pa din ang kanilang bangkang sinasakyan. Inisip ni Elias na iligaw ang mga
humahabol sa pamamagitan ng paglusong nito sa tubig.
Sa pag-aakalang si Ibarra ang tumalon ay hinabol at pinaputukan ng mga sibil hanggang
sa magkulay dugo ang tubig. Nawalan ng pag-asa si Maria Clara dahil pag-aakalang patay na si
Ibarra.
Napagdesisyunan nitong pumasok sa kumbento upang maging isang madre. Napilitang
pumayag si Padre Damaso sa dalaga dahil magpapakamatay daw ito pag hindi ito pumayag.
Noche Buena na nang makarating si Elias sa gubat ng makita niya si Ibarra na sugatan at
nanghihina. Doon ay natagpuan niya si Basilio at malamig na bangkay ni Sisa.
Bago tuluyang bawian ng buhay ay nanalangin si Elias. Mamamatay siyang hindi
nakikita ang maningning na pagbukang liwayway. Ngunit para sa mga makakakita, bilin niya na
batiin ito at huwag ding makakalimot sa mga nabulid sa dilim ng gabi.

III. Paksa
Isa sa mga pinaka paksa ng nobela ay ang hindi makatarungang pagpapahirap ng nga
kastila sa mga mamanayang pilipino noong panahon ng kanilang pananakop, nabibilang na rito
ang pag di trato ng tama ng pamahalaan o gobyerno, at ang pagmamalabis ng nanunungkulan sa
simbahan. Isinilawat ni Rizal ang lahat ng pinag gagawa ng mga kastila, kung kaya't mas
nahikayat ang lipunan na makamit ang kalayaan at mamulat sa katotohanan.

IV. Bisa
Ang naging epekto o bisa saatin ng nobelang noli me tangere ay mas naging mautak at
mas naghangad ng pagkakaisa ang bawat Pilipino upang makamit ang kalayaan. Habang
binabasa ko ang nobelang ito, mas nakilala ko ng maigi ang bansa at nalaman ko ang
kabayanihan ng mga aking ninuno o Sinaunang nga pilipino. Ang nobelang ito ang nagbigay ng
daan upang magising ang mga Pilipino sa katotohanan at mabigyan ng lakas upang lumaban at
ipaglaban ang ating bayan. Dahil rin sa noli me tangere, mas maraming natutong gumalang sa
mga babae dahil sa ipinakitang pagmamahal at paggalang ni Crisostomo kay Maria.

V. Mensahe
Ayon sa aking nasuri na nobela, ang mensahe nito ay ang pagtigil sa mga kastila sa
pagmamalabis o pagpapahirap sa mga pilipino. Inilahad sa nobelang ito na nais makamit ang
kalayaan para sa bansang Pilipinas. Hinikayat din ni Rizal ang mga kalalakihan na kung paano
respetuhin at dapat marunong mag antay sa binibini at dapat loyal o iisa lamang ang iniibig.
Nakuha ko rin ang mensahe na dapat matuto kang ipaglaban na alam mong dapat sayo. Ika nga
nila, pag may karapatan ka, ipaglaban mo! Nasabi rin sa nobela na hindi sapat na dahilan ang
paggamit ng dahas sa pagpaparusa kahit gaano pa man kalaki o kabigat ang nagawang mali. Isa
sa nga mensaheng kumatawan o bumoo sa nobela ay ang katagang "hindi paglalagay ng batas sa
ating kamay" na nagmula kay rizak na ang ibig sabihin ay, pagpapahaba ng pasensya kung sa
islam ay "sabr".

Vi. Teoryang Nagamit


Base sa aking pagsusuri, ang teoryang ginamit sa nobelang noli me tangere ay ang
Realismo. Realismo ay tungkol sa totoong buhay o nga pangyayari sa totoong buhay. Inilahad
dito kung paano namuhay ang mga Pilipino sa ilalim ng pamamalakad ng mga kastila o
kolonyalismo. Hindi lamang Realismo ang nagamit rito, pati narin ang Romantisismo, naisaad sa
nobela ang wagas na pagmamahalan ni Crisostomo at Maria, handang gawin ang lahat makamit
lamang ang inaasam na pag-ibig at makasama ang isa't isa. Ipinakita rin ni Dr. Jose Rizal ang
kanyang pagmamalasakit at pagmamahal para sa ating bansang Pilipinas, na simbolo ng
Romantisismo.

You might also like