You are on page 1of 5

Jorvin O.

Eltagonde 11//28022
2nd Year BSED-FILIPINO Sir. Apiuli

Ang Pagsusuri ng Panooring Pantelebisyon na Maria Clara at Ibarra

📌Surin ang mga tauhan, Tagpuan at Banghay ng kwento bawat kabanata


Tauhan
● Klay
Si Barbie Forteza namay ay si Maria Clara "Klay" Infantes, ang Gen Z nursing student na papasok sa mundo
ng mga nobela ni Jose Rizal.
● Crisostomo Ibarra
Si Dennis Trillo ang gaganap bilang Crisostomo Ibarra, ang Filipino-mestizo na magbabalik sa Las Filipinas
matapos ang pitong taong pag-aaral sa Europa.
● Maria Clara
Gaganap naman si Julie Anne San Jose bilang Maria Clara, ang kasintahan ni Ibarra at anak ni Kapitan
Tiyago.
● Padre Damaso
Si Tirso Cruz III ang nagbibigay-buhay kay Padre Damaso, isang masamang prayle at ang tunay na ama ni
Maria Clara na tumututol sa relasyon nila ni Ibarra.
● Narsing Infantes
Si Manilyn Reynes ay si Narsing, ang ina ni Klay na isang battered wife.
● Kapitan Tiago
Si Juan Rodrigo ang gaganap bilang Kapitan Tiago, ama ni Maria Clara at isang mayaman na negosyante sa
Binondo.
● Elias
Si Rocco Nacino ay si Elias, isang rebelde na magiging katuwang ni Ibarra sa kanyang adhikain sa bayan.
● Fidel
Gaganap si David Licauco bilang Fidel, ang pilyong kaibigan ni Ibarra na nakapag-aral din sa Europa at
malimit na kaaway ni Klay.
● Padre Salvi
Si Juancho Trivino naman ay si Padre Salvi, isang prayle na may lihim na pagnanasa kay Maria Clara.
● Tiya Isabel
Binigyang-buhay ni Ces Quesada si Tiya Isabel, ang mahigpit na tiyahin ni Maria Clara at katulong ni Kapitan
Tiago sa pagpapalaki dito.
● Mang Adong
Si Dennis Padilla ay si Mang Adong, ang katiwala ng pamilya nina Ibarra.
● Professor Jose Torres
Si Lou Veloso naman ay si Professor Jose Torres, ang propesor ni Klay sa Rizal Studies.
● Doña Victorina
Si Gilleth Sandico ang gaganap bilang Doña Victorina, isang Filipina na nagpapanggap bilang mestiza.
● Victoria
Si Karenina Haniel ay si Victoria, isa sa mga kaibigan ni Maria Clara.
● Sisa
Si Andrea Torres ang magbibibigay-buhay kay Sisa sa isang natatanging pagganap.

Tagpuan
● Mga Tagpuan sa Noli Me Tangere.
● Sa bayan ng San Diego , pinaka sentro ng tagpuan ng nobela, kung saan nagmula ang pangunahing tauhan na
si Crisostomo Ibarra.
● Sa kubyerta mula sa unang kabanata ng nobela.
● Sa Maynila.
● Sa simbahan at kumbento sa bayan ng San Diego.
● Sa bahay ni Kapitan Tiyago kung saan naganap ang piging at pagkakagulo.
● Sa bahay ni Crisostomo Ibarra.
● Sa bahay at libingan ni Sisa.
● Sa Unibersidad ng San Juan de Letran, Ateneo at Santo Tomas kung saan nag-aaral sina Basilio, Placido
Penitente, Isagani at iba pa.
● Sa baybayin ng lawa sa bayan ng San Diego kung saan pinagbabaril si Elias ng mga guwardiya sibil dahil sa
pagliligtas nito kay Ibarra.
● Sa sabungan.
● Sa kagubatan kung saan nagpiknik ang grupo ni Ibarra

Banghay
● Simula
- Isang Gen Z na mula sa modernong panahon ang napadpad sa mga nobela ni Jose Rizal sa historical portal
fantasy series na 'Maria Clara at Ibarra.' Working student si Klay at ang tanging goal niya sa buhay ay
makapagtapos ng kursong nursing para makapagtrabaho na abroad. Sa pagmamadali niyang iahon ang
pamilya sa hirap, hindi niya maipasa ang Rizal Studies class niya dahil na rin sa kawalan ng interes dito. Ano
nga ba ang maitutulong ng pagbabasa ng 'Noli Me Tangere' at 'El Filibusterismo' sa pagsasanay niya bilang
isang medical professional? Para matutunan niyang bigyan ng halaga ang nakaraan, bibigyan siya ng
kanyang propesor ng libro na literal na magdadala sa kanya sa mundo ng mga nobela.

● Saglit na Kasiglahan
- Sa nangyaring hapunan, nilait ni Padre Damaso, ang dating kura ng San Diego ngunit hindi ito pinatulan ng
binata. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego. Ipinagtapat ng tenyente ang totoong nangyari sa kanyang ama.
Ayon sa kanya, na pinaratangan ang kanyang ama sa pagptay sa isang kubrador kaya nakulong ito sa
kasalanang hindi niya ginawa. Namatay ito sa bilangguan ngunit ang masaklap pa ay pinahukay ni Padre
Damaso ang kanyang libing at ipinatapon sa lawa ang bangkay. Hindi binalak ni Ibarra na maghiganti kundi
ginugol nalang niya ang kanyang oras sa pagtupad sa habilin ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan. Sa
paglalagay ng unang bato ng paaralan ay muntik ng mamatay si Ibarra buti na lang ay iligtas siya ni Elias.

● Tunggalian
- Tao laban sa tao ( Pilipino Espanyol )

● Kasukdulan
- Sa pananghalian inihandog ni Ibarra matapos ang pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang
binata kaya hindi na ito nakapagtimpi at inakmang sasaksakin ang pari ngunit napigil naman io ni Maria
Clara. Dahil sa nangyari, itiniwalag siya ng simbahang Katoliko Romano. Sa tulong ng kapitan Heneral
mapawalang bisa ang pagkakaeskomulgado ng binata ngunit nagkataon nagkataon naman na sinalakay ng
mga taong pinag-uusig ang kwartel ng gwardya sibil at napagbintangan si Ibarra na siya ang nagpasimuno
ng gulo. Mabilis namang nalutas ang kaso dahil walang makapagsasabi na sangkot si Ibarra dito. Subalit ang
sulat niya para kay Maria Clara ay napasakamay ng hukuman at ito ang naging kasangkapan upang siya ay
mapahamak. Nagkaroon naman ng pagdiriwang sa bahay ni Kapitan Tiyago dahil sa pag-anunsyo nito sa
kasunduan na ipapakasal si Maria Clara kay Linares ngunit habang nangyari ito ay tumakas sa bilangguan.

Saglit na Kakalasan
● Bago tuluyang tumakas si Ibarra ay nagkaroon pa ng pagkakataon na makausap niya si Maria Clara ng
sarilhanan. Anya’y ipinagkaloob niya na rito ang kalayaan. Ipinaliwanag din ni Maria ang dahilan ng
pagpapakasal niya kay Linares. Ito ay parang lamang maipagtanggol niya ang karangalan ng ina ngunit ang
tunay na pag-ibig niya ay mananatili parin sa binata. Samantala tumakas na agd si Ibarra sa tulong ni Elias
sa pamamagitan ng paglundag sa tubig. Sa pag-akalang si Ibarra ang lumulundag sa tubig, pinaputukan nito
at kumalat ang dugo sa tubig.

Wakas
● Matapos mabasa ni Maria Clara na patay na ang kanyang pinakamamahal na si Ibarra agad siyang nawalan
ng pag-asa at nagpasyang pumasok sa kumbento. Napilitang pumayag si Padre Damaso dahil nagbanta ito
na magpapakamatay kung hindi ito papayagan ngunit ang nabasa ng dalaga ay pawang walang katotohonan
dahil buhay pa si Ibarra dahil siya ay nakatakas sa tulong si Elias nakarating si Elias sa maalamat na gubat
ng mga Ibarra at doon niya natagpuan ang mag inang si Sisa at Basillo. Bago nalagutan ng hininga si Sisa ay
sinabi niyang mamatay siyang hindi makikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at ang makikita
ay huwag sanang kalimutan ang mga namatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.

📌Ano ang iyong opinyon, at pananaw sa paglalahad ng nobela


● Ang aking opinyon tungkol dito may iilan na parang nagbago sa kwento kung saan ang mga manonood
napapaniwala dahil akala nila ang lahat ng yun ay pareho lamang sa libro na kung saan maaaring
maapektuhan ang mga batang manonood na kung saan tatak sa kanilang isipan na isa mga tauhan ay si
klay alam ko naman isa ito sa paraan ng nagpalabas ng teleserye kaya gabayan natin ang ating mga
nakababatang kapatid pamangkin at iba pa. Hikayatin din natin silang magbasa ng aklat para alam nila ang
pagkakaiba ng dalawa.

📌Nakatulong ba sa iyo ang panoorin upang higit mo na maunawaan ang nobela ni Dr. Jose Rizal?
● Sa panahon na ating ginagalawan ngayon ay halos lahat ng kabataan ay mas tutok na sa teknolohiya halos
nalilimutan na ang pagbabasa ng libro tila ba parang biglang nawala ito dahil dito ang mga kapwa natin
Pilipino ay nakaisip ng magandang paraan upang kahit tutok ang lahat at bilang na lang ang nagbabasa ng
aklat ipinalabas na lang ito gamit ang mga teknolohiya na kung saan yung mga di mahilig magbasa ay
maaari na lang nila ito panoorin sa pamamaraan ng teknolohiya isa ako sa mga kabataan na ito malaking
tulong ito sa akin dahil dito ay mas lalo kung naunawaan ang nobela ni Dr. Jose Rizal na lalong nag patatak
sa aking utak dahil dun ay marami din akong nakuhang aral na kung saan magagamit ko sa aking mga
mag-aaral kapag naging isa na akong guro alam kung mas okay pa rin ang pagbabasa ng libro kaya kahit
papaano ay unti unti ko ng binabago na kung saan pantay ko silang ginagamit.

You might also like