You are on page 1of 2

33: Malayang Pag-iisip

Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala
sa kaniya. Isapa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kaniya. Ipinaliwanag din niya
na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapaglkat sa lahat ng dako ito ay mayruong kaaway.” Batas ng
buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayo’y may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang
sa tao; mula sa pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan,” pagdidiin pa ni
Elias.
Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipana sa halos lahat ng lugar, dahil sa kaniyang mga ninuno at
ama na nagkaroon don ng mga kagalit, dahil na rin sa kaniyang balak na pagpapatayo ng paaralan.
Isa sa mga kaaway ni Ibarra ay ang taong madilaw. Umano’y narinig ni Elias ang taong madilaw ng
sinundang gabi nakikipag-usap sa di kilalang tao at sinabing “hindi kakanin ng isda ang isang ito
(Ibarra) tulad ng kaniyang ama, makikita ninyo.”
Ang ganitong natuklasan ni Elias ay kaniyang ikinabahala sapagkat kahit na ipinagmamalaki ng
taong madilaw ang kaalaman sa trabaho. Hindi ito humingi ng mataas na sahod ng magprisinta kay
Nor Juan. Binanggit ni Ibarra na nanghihinayang sa pagkamatay ng taong dilaw sapagkat marami
pa sanang mababatid ‘buhat sa kaniya. Pero, ikinatwiran ni Elias na maski na mabuhay ang taong
madilaw inakala niyang matatakasan ang pag-uusig ng bulag na hukuman ng tao. Subalit sa
kamatayan ng Diyos ang humatol at naging hukom.
Sinikap ni Ibarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias, kung ito ay nakapag-aral o hindi. Ang
sagot ni Elias ay: Napilitan akong maniwalang lubos sa Diyos sapagkat nawalan na ako ng tiwala sa
Diyos. Alam ni Elias na marami pa ang mga taong gustong kumausap kay Ibarra kaya nagpaalam
na ito. Pero, nangako siyang anumang oras na kailangan siya ay babalik siya sapagkat mayroon pa
siyang tinatanaw na utang na loob kay Ibarra.

34: Ang Tanghalian


Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag.
Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra
si Maria at nasa kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina
Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria. Ganadong
kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siya’y kaagad na umalis.
Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kaniyang bahay.
Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay
mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang
hindi pag-imik ni Padre Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga
magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak.
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kaniya, maliban kay
Ibarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa.
Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Padre Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang
usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang
ungkatin ni Padre Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-
aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Padre Damaso at sasaksakin nito sa
dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa
pananghalian.

35: Usap-Usapan
Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San
Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Nagkakaisa ang lahat
na kung naging matinpi si Ibarra, hindi sana nangyari ang gayon. Pero, ikinatwiran ni Kapitan Martin
na walang makapigil kay Ibarra sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad. Handa ang binata na
dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kaniyang ama. Dahil sa maagap na
pagsansala ng kaniyang itinanggi at minamahal na si Maria. Kaya, hindi niya itiniloy ang balak na
kitlan hininga si Padre Damaso.
Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay daw ni Ibarra na tulungan siya sa taumbayan bilang
pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng kaniyang ama. Nanindigan naman ang
kapitan ng bayan na wala silang magagawa sapagkat laging nasa katwiran ang mga prayle. Ang
ganito, anang Don Filipo ay nangyayari sapagkat hindi nagkakaisa at watak-watak ang mga
taumbayan samantalang ang mga prayle at mayayaman ay nagkakabuklod-buklod.
Sa kabilang dako, karamihan naman sa mga babae ay takot na mawalay sa grasya ng simbahan.
Tanging si Kapitana Maria lamang at pumili kay Ibarra at sinabing karangalan niya ang magkaroon
ng anak na magtatangol at mangangalaga sa sagradong alaala ng yumaong ama. Sakmal naman
ng matinding pagkatakot ang mga magsasaka na hindi matuloy ang pagpapatayo ng paaralan
sapagkat bawa’t isa sa kanila ay naghahangad ng anak na makatapos ng pag-aaral. May nagsabing
hindi na matutuloy ang pagpapatayo ng simbahan sapagkat tinawag na pilibustero ng prayle si
Ibarra. Hindi naman maintindihan ng mga magsasaka ang kahulugan ng Pilibustero.

You might also like