You are on page 1of 4

Kabanata 34“ Ang Kasal”

Alas syete palamang ng gabi ay nasa lansangan na ang binatang si Basilio , pinag-iisipan iya kung ano ang mga gagawin
niya bago sumapit ang oras na itinakda. Mula pa kaninang umaga ay pagala gala na siya sa maalikabok na kalsada ngunit
wala siyang Makita ni isang kaibigan niya. Napag alaman niya na ang lahat pala ay nag siuwi na sa kanilang mga
probinsya at tanging si Isagani na lamang ang inaasahan niyang Makita, wala na rin siyang kahit isang pera sa bulsa.
Tanging isang nakabalot na rebolber lamang ang kanyang dala dala.Ang tanging paalala lamang ni Simoun sa kanya ay
ang magpakalayo layo siya sa kalye Anloague doon siya dati nakatira at alam niya na doon ikakasal sina Pelaez at Paulita,
si Paulita na isang taksil sapagkat namangka siya sa dalawang ilog, kawawang Isagani labis na dinamdam ang
nagyari.Kapag naiisip ni Basilio ang posibleng malagim na mangyayari at marami ang madadamay ay nahihintakutan siya,
ngunit kung naiisip naman niya na mabibigyan nang kasamaan na nangyari sa kanya lalo na sa kasintahang si Juli saw
akas ay mabibigyan nan g katarungan ang lahat ng iyon. Natanaw ni Basilio si Simoun na palabas ng bahay at nakita niya
ang bitbit nitong lampara na napapalamutian ng isang lasong kulay pula. Hindi siya pinansin ni Simoun kahit pa nakita
siya nito, at nakita ni Basilio ang sinakyan ni simoun na karwahe at si Sinong ang nagpapakbo nito, isa na pala iyon sa
tagasunod ni Senior Simoun.Napakadami ng dumalo sa kasal nina Paulita at Pelaez, mga kilalang tao ang mga bisita nila,
ipinag paumanhin ni simoun kay Don Timotea ang hindi pagdalo ng kaibigan ko at ipinabot ni Don custudio ang kanyang
regalo, sabay abot ng magandang lampara na tanging handog daw niya sa kinasal.Nagpasalamat ng husto si Don
Timoteo kay Simoun sapagkat Malaki ang utang na loob nit okay simoun siya ang nagpaluwag ng pera sa kanyan kaya
nabili niya ang napakagandang bahay ni kapitan tiyago, sa kanya din utang ni Don Timoteo ang kapangyarihan at
kayaman na tinatamasa niya ngayon. Nagpapasalmay din ang Don dahil natupad niya ang magandang kasal ng kanyang
anak at magandang manugang na si Paulita.

Kabanata 33"Ang huling Matuwid"

Isang hapon ay nagkulong si Simoun sa kaniyang kuwarto at ayaw magpaabala. Tanging si Basilio lamang daw ang
papapasukin kapag dumating ito. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang binata.Laking gulat ni Simoun sa hitusra ni
Basilio. Payat na payat ito, magulo ang pananamit, at tila isang patay na nabigyan lamang muli ng buhay.Agad na
ipinarating ni Basilio ang kagustuhan nitong umanib kay Simoun at sumama sa mga plano nito na dati ay tinanggihan
niya. Naisip daw kasi niya na hindi pa niya naigaganti ang kaniyang magulang at kapatid na yumao.Natuwa naman si
Simoun at nagpunta sila sa laboratoryo at doon ay ipinakita ang isang pampasabog. Sabi ni Simoun ay gagamitin daw ito
sa Kapistahan.Tila isang ilawan o lampara ang anyo ng pampasabog na gagamitin nila. Nagbilin si Simoun na magkita sila
ni Basilip sa tapat ng parokya ng San Sebastian para sa huling pagpaplano
Kabanata 31

"Ang Mataas na Kawani"

Hindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay Huli. Nangakalaya ang mga estudyanye. Una’y si
Makaraig. Pinakahuli si Isagani. Nabalita sa tulong ni Ben Zayb, ang pagiging mahabagin ng Heneral. Ang tanging di
nakalaya ay si Basilio. Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw at matatapos na ng
panggagamot. Lalong napahamak si Basilio dahil lahat ng sabihin ng Kawani ay tinututulan ng Heneral. At kailangan daw
magkaroon ng halimbawang di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago. Si Basilio ay pinagbintangan ng Heneral na
gumamit ng bawal na aklat sa medisina. Sinabi ng Kawani na dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa ang Heneral
wala raw siyang pakialam sa bayan dahil ang naghalan sa kanya ay ang bayang Espanya hindi ang bansang
Pilipinas.Kapag itinanggi sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan ituturing ng bayan na
magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito.Nang nasa kanyang sasakyan na ang Mataas na Kawani ay nasabi niya sa
kanyang kutserong katutubo: “Kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili ay alalahanin mong sa Espanya’y hindi
nawalan ng mga pusong tumitibok dahil sa inyo”.Makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw sa tungkulin ang Kawani at
nagsabing siya’y uuwi sa Espanya lulan ng kasunod na koreo (bapor).

Kabanata 26: PASQUINADAS

Patungo si Basilio sa ospital upang dalawin ang kanyang mga pasyente, ayusin ang kanyang lisensyatura sa Unibersidad
at puntahan si Makaraig. Pagsapit niya sa San Juan de Dios, nalaman niya ang tungkol sa pagkakadiskubre ng mga paskin
sa Unibersidad at sinasabing ang Asosasyon ang may kagagawan nito. Natakot si Basilio dahil akala niyang si Simoun ay
kasangkot rin. Nang kanyang makita si Sandoval ay tinawag niya ito ngunit parang walang itong narinig, si Tadeo naman
nang kanyang makausap ay masayang masaya dahil walang klase, si Isagani ay nagsabi na wala siyang alam at walang
pakialam, tila naghugas kamay. Narinig rin niya si Isagani na nagtatalumpati sa kanyang mga kaklase hinggil sa
pangyayari. Pinupuri niya ang sinuman gumawa ng mga iyon na siya naming ikinatakot ni Basilio para sa kanyang
kaibigan. Pagdating niya sa bahay ni Makaraig ay may guwardiya sibil na nakabantay, hinuli siya ng mga ito kasama na si
Makaraig na tila hindi nag-aalala sa pagkakadakip sa kanya.
Kabanata 23"Isang Bangkay"

Naging palasispan kay Basilio ang dahan-dahan na pagkalat ng lason sa buong katawan ni Kapitan Tiyago.Tahimik na nag-
aaral si Basilio nang biglang dumating ang mag-aalahas sa tahanan ni Tiyago. Kinumusta muna ni Simoun ang kalagayan
ng maysakit pagkatapos ay sinabi niya agad ang kanyang pakay sa binataSa kabila ng matigas na pagtanggi ng binata ay
muli niya itong pinakiusapan. Humingi siya ng pabor na kung puwede ay pamunuan ni Basilio ang isang pulutong upang
maghasik ng kaguluhan sa kalathang Maynila.Ito ang naisip na paraan ni Simoun upang maitakas niya sa kumbento si
Maria Clara. Nagulat si Basilio sa tinuran ni Simoun kaya sinabi niya sa mag-aalahas na si Maria Clara ay pumanaw
na.Nagulat at nayanig ang mundo ni Simoun sa narinig na balita. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Basilio ngunit
ipinakita ng binata ang sulat ni Padre Salvi na labis na tinangisan ng amang si Tiyago.Hindi maiwasan ni Basilio ang
maawa sa noo’y nanlumumo na si Simoun.

Kabanata 7 "Simoun"

Malapit sa puntod na pinanggalingan ni Basilio may nakita siyang di kakilalang lalaki sa malayo at yun ay si Simoun.
Naghuhukay ang alahero, walang suot na salaming asul kaya naman nagbago ang anyo nito. Kinilabutan si Basilio dahil
alam niyang ito rin ang di kilalang lalaki na humukay ng paglilibingan ng kanyang ina labintatlong taon na ang nakalipas,
higit na matanda nga lamang ngayon, may puti na ang buhok, maybigote at balbas ngunit iyon parin ang mga mata nito
at ang mapanglaw na mukha.Naisip niya na samakatuwid na ang namatay o naglaho na tagapagmana ng lupaing ito ay
walang iba kundi ang alaherong si Simoun napagtagpi-tagpi na ni Basilio na si Simoun nga si Crisostomo Ibarra.Nilapitan
niya ito at tinanong kung may matutulong siya. Sa pagkagitla ni Simoun, tinanong niya si basilio kung alam ba niya kung
sino siya at sumagot si Basilio na isa raw siya sa mga taong itinuturing niyang banal sapagkat 13 years ago tumulong ito
sa kanya sa paglilibing ng kanyang ina. Sumagot si Simoun na taglay ni Basilio ang lihim na maaaring makasira sa kanyang
mga balak.Siya nga ang may sakit at kalunos-lunos na nagtungo rito 13 years ang nakalipas upang mag-ukol ng huling
pagpapahalaga sa isang dakilang kaluluwa na maringal na yumakap sa kamatayan alang-alang sa kanya. Sinawi ng isang
pusakal na sistema, naglagalag si Simoun sa iba’t ibang part eng mundo upang magpayaman at maisakatuparan ang
kanyang mga balak. Nagbalik siya upang wakasan ang sistemang ito sa pamamagitan ng lalong pagpapadali sa
pagkabulok nito.
Kabanata 6 “Si Basilio”

Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat. Paliit na ang buwan
kaya’t paaninaw niyang tumungo sa libingan ni Sisa, ang kanyang ina. Ipinagdasal niya ang kaluluwa ng kanyang ina ng
nakaraang may 13 taon at may dumating na lalaking sugatan. Pinahakot siya ng kahoy na ipinasusunog sa bangkay ng ina
at ng sugatang lalaki. May dumating pang isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at paglilibing sa kanyang
ina.Umalis siya sa gubat at lumuwas ng Maynila na maysakit at gulanit na damit. Nais niyang pasagasa sa mga karuwahe
dahil sa hirap at gutom.Natagpuan niya sina Kapitan Tiyago na katatapos dalhin sa beateryo si Maria Clara. Kinuha siyang
katulong o utusan. Pinag-aral sa Letran.Unang taon: wala siyang nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang salitang
“adsum” o “narito po”.Minaliit si Basilio dahil sa luma at gulanit na suot ngunit lagi siyang nagsasaulo ng mga leksyon.
Nang matuos niyang sa tatlo o apat na paraan sa kanyang klase ay may 40 lamang ang nagtatanong di na sumama ang
loob niya.Nang magsulit, natugon niya ang tanong sa kanya at ang marka niya para sa unang taon ay aprovado. Ang
siyam niyang kasamahan sa pagsusulit ay nangag-ulit na lahat.Sa ikatlong taon niya, naisipan ng professor na Dominiko
ang pagtanong kay Basilio na akala niya’y tanga upang magpatawa sa klase. Natugon ni Basilio ang tanong na parang loro
sa pagsagot. Noo’y di na tinanong si Basilio Nawalan siya ng sigla sa pag-aaral ngunit isang professor niya ang nasiyahang
tumanggap ng hamon ng mga kadete sa isang pasyalan at nagyakag ng mga estudyante niya na inilaban niya sa mga
kadete sable laban sa baston.Namayani siya sa labanan. Nakilala ng propesor, Nang matapos ay sobresaliente na siya,
may mga medalya pa.Muhi si Kapitan Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara. Pinalipat si Basilio sa
Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan ni Basilio at nagsulit siya sa pagkabatsilyer.

You might also like