You are on page 1of 2

Kabanata 34: Ang kasal nina Paulita at Juanito

Narrator: Ikapito na ng gabi ngunit nasa daan pa rin si Basilio at hindi niya alam kung saan pupunta
dahil wala siyang pera at walang dala kundi ang rebolber na bigay ni Simoun. Kaninang paglabas niya ng
bilangguan ay naisipan niyang puntahan si Isagani upang makituloy ngunit wala ito sa kanyang tirahan.

Basilio: Saan nga ba ako pupunta? Dalawang oras na lamang at magaganap na ang malaking pagsabog na
magiging simula ng himagsikan.

Narrator: Nakadama siya ng tuwa nang mabuo ang larawan sa kanyang isipan na nakatayo siya sa
bunton ng mga bangkay at naging kakila-kilabot sa gabing iyon.

Basilio: Oo nga pala nakalimutan ko palang itanong kay Simoun kung saan magsisimula ang himagsikan.

Narrator: Naisip niyang pinalalayo siya ni Simoun sa daang Anloague sa ganap na ikasiyam ng gabi.
Ang bahay ni Kapitan Tiago ay nasa daang Anloague. Sa araw na iyon ay idaraos ang kasal ni Juanito at
may nabanggit si Simoun ukol sa isang pista. Samakatwid, sa paghuhulo ni Basilio, sa bahay ni Kapitan
Tiago na nasa daang Anloague magsisimula ang himagsikan. Ilang sandali pa ay dumaraan sa harapan ni
Basilio ang hanay ng mga sasakyan.

Basilio: Hindi ba si Juanito at Paulita iyong nakasakay? Nalulungkot ako para kay Isagani. Siya dapat ang
nasa posisyon ni Juanito kung hindi lamang ito nakulong. Nakita ko ang paghihirap at pagtitiis niya
habang nasa kulungan. Tiyak na kapag sinama ko si Isagani sa himagsikang ito ay hindi siya papayag
dahil ayaw niyang masaktan si Paulita kahit na may iba na itong iniibig. Kung hindi kami nakulong
siguro pwedeng maging sila pa ni Paulita at panigurado tapos na kami ng medisina.

Narrator: Biglang naisip nya sa kanyang imahinasyon ang durog-durog na katawan ni Huli.

Basilio: Kung hindi kami nakulong paniguradong masaya tayo sa piling ng isa’t isa aking mahal. Para
sayo itong desisyon ko. Bibigyan kita ng katarungan.

Narrator: Napansin niya si Simoun na papalabas sa bahay nito at dala ang lampara. Sumakay ang mag-
aalahas sa isang sasakyang sumusunod sa iba pang mga sasakyan. Namangha si Basilio nang makilala
niyang si Sinong ang kutsero ni Simoun. Kaagad na nagpunta sa daang Anloague si Basilio. Siksikan sa
tao ang Tosupp dating bahay ni Kapitan Tiago at napapalibutan ito ng mga guwardiya sibil. Masaya ang
lahat lalo na si Don Timoteo Pelaez dahil bukod sa ikinasal ang kanyang anak sa heredera ng mga Gomez
ay pinautang pa siya ni Simoun upang magayakan nang marangya ang bahay ni Kapitan Tiago na nabili
niya nang murang-mura. Maliban pa rito, ninong sa kasal ng kanyang anak ang Kapitan Heneral.

(1) Babae 1: Don Timoteo nakakatuwa ang iyong pista.

Lalaki 1: Ang daming nagbago sa pamamahay ni Kapitan Tiago. Ang aliwalas sa paningin.
Don Timoteo: Maliit na bagay. Nilagyan ko lamang ng mga magagarang papel at aranya ang dingding,
inilagay ang malaking salamin sa sala upang lalo itong magmukhang maluwang, nilatagan pa ito ng
alpombra na galing pa sa ibang bansa.

Babae 2: Halatang pinaghandaan ninyo ang araw na ito.

Don Timoteo: Kasal ito ng anak ko kaya dapat lang na ito’y paghandaan. Mauuna na muna ako
ipagpatuloy nyo lamang ang inyong kasiyahan.

Narrator: Madaming pagbabago sa bahay ni Kapitan Tiago ang nangyare simula ng ito’y mabili ni Don
Timoteo, maganda na sana ang pagkakaayos ng bahay ngunit pinalitan ng mga kromo ang mga inukit at
mga larawang santo ni Kapitan Tiago dahil iyon daw ay gawa lamang ng mga pintor na Pilipino. Sa gitna
ng mga mesa ay nakasalansan ang mga bulaklak at prutas. Ang plato ni Juanito ay may tandang isang
kumpol na rosas samantalang ang plato naman ni Paulita ay may tandang kumpol na bulaklak ng suha at
asusena. Samantala, ang mesa ng mga diyos-diyosan ay nasa asotea. Pito ang inaasahang uupo doon kaya
pitong kubyertos ang nakalagay at ihahain doon ang pinakamasarap at pinakamahal na alak.

You might also like