You are on page 1of 6

Kabanata 25/Eksena 25: Tawanan at iyakan

Sandoval: Luwalhati nawa kay Custodio dahil sa kanyang katalinuhan at pansit sa lupa para sa
mga binatang may mabubuting kalooban!
Lalake1: NArito si Isagani.
Tadeo: Si Basilio n asana ang inanyayahan natin sa halip na si Juanito. Sana’y nalasing natin
upang magsabi sa ilang lihim, mahahalagang lihim. Mga lihin na pangyayari ukol sa nawawalang
mongha.
Macaraig: (sisigaw) Mga ginoo! Ihandog natin kay Don Custodio ang mga buto ng manok sa
pansit-lanlang; ang lumpiyang Intsik sa lama’y baboy ay patungkol kay Padre Irene. Ang tortang
alimango’y ipatungkol sa prayle at ang ika-apat na ulam na pansit gisado ay ipatungkol sa
pamahalaan at bayan.
Lahat: Ipatungkol!
Isagani: Tutol ako.
Macaraig: Magtalumpati ka Tadeo.
Tadeo: Talumpati na lamang na natutunan ko sa klase.
Sandoval: Hindi maari, manggagaya ng pagiging ganun.

(Tatayo si Pecson)
Pecson: Kung walang prayle at walang indio sa Pilipinas, Ano ang nangyayari sa kahabag-habag
na pamahalaang mapapasakamay ng mga Intsik?
Isagani: Kakain ng tortang alimango! (tila naiinip)
Mag-aaral: (sisilip sa bintana) Minamanmanan tayo!

(tatayo si Isagani at sisilip sa bintana)


Macaraig: Ah! Ang alipin ng bise-sektor ay pinaglilingkuran ng panginoon ng heneral.
Kabanata 26/ Eksena 26: MGA PASKIN
Basilio: Mawalang galang lamang po. Ngunit ano ang tungkol sa paghihimagsik?
Lalaki 1: Natuklasan! Tila marami ang nasangkot!
Basilio: Sino-sino ang mga nasangkot?
Lalake 1: Mauuna na po kami at kami ay may pupuntahan pa.
Narrator: Naiwan si Basilio na nakatayo. Darating ang isang guro.
Guro: Mabuti ka pumunta roon. Ngunit kasapi ka ba sa hapunan ng nagdaraang gabi?
Basilio: Masama ang lagay ni Kapitan Tiyago kaya kaya hindi ako nakarating sa piging.
Guro: Mabuti ka pumunta roon. Ngunit kasapi ka bas a samahan ng mga mag-aaral?
Basilio: Ako po ay nag-ambag!
Guro: Umuwi ka at sunugin ang mga kasulatang nasa iyo.
Basilio: Si Ginoong Simoun po kaya ay?
Guro: Walang alam si Simoun sa nangyari. Sinugatan siya ng isang taong di kilala at ngayon ay
nakahiga.
(Darating ang Gurong Patolohiya)
Gurong Patolohiya: Batid kung nag-aamoy bangkay na si Kapitan Tiyago, dinadalaw na siya ng
mga buwitre.
(Pupunta si Basilio sa Pamantasan)
Basilio: Tayong mga kasapi ay mabibilanggo.
Lalaki 1: Hindi kapani-paniwalang ngayon lang nangyaring ang kabataan ay nabilanggo sa
ngalang ng Kalayaan. Ngunit sino bang hangal ang sumulat ng mga paskin?
Isagani: Wala tayong pakielam don. Hindi natin tungkulin ang magsiyasat kung saan may
panganib. Dapat tayo pumaroon dahil andoon ang karangalan.
(pumunta si Basilio sa kanila)
Macaraig: Pati ba ikaw?
Basilio: Narito ako para kayo’y kausapin.
Macaraig: (halakhak) Noon lang pag payapa ka at iniwasan mo kami.
Sundalo (Kabo): Mabuti at kayo ay naparito kayo ay aming dinarakip.
Basilio: Pati baa ko?
Macaraig: (tatawa) Maasahan moa ko at sa ating pagtatapos ay aanyahan natin ang mga
ginoong ito. (sabay turo kila Kabo)

KABANATA 27/ EKSENA 27: ANG PRAYLE AT ANG PILIPINO


Padre Fernandez: (tatayo) Ginoong Isagani, mula sa binatan ay natinig ko ang iyong mga sinabi.
Hinangad ko na kayo ay makausap. Natutuwa ako sa mga kabataang may sariling kuro-kuro
kahit taliwas ito kung minsan sa aking kuro-kuro. Ayon sa sinabi mo’y nagdaos kayo ng isang
hapunan. Huwag sana kayo magkaila.
Isagani: Hindi po ako nagkakaila.
Padre Fernandez: Mabuti nagpapakilala ng pananagutan ninyo ang magiging bunga ng inyong
ginawa, hindi ko kayo sinisisi. Malaya mong masasabi kung ano ang palagay mo sa mga
Dominiko ngayong tuong lamang kayo nakapag-aral sa amin ay marahil ay hindi na kayo
tatanggap muli. Ipinatawag kita upang makipaglinawan sayo. Biruin mo libo-libong tinuruan ko
sa Pilipinas ay maraming binatang tumutuligsa sa mga prayle kung ito’y nakatalikod ngunit sa
harapan ay humahalik ng kamay. Sabihin mo nga sa akin, hindi ko ba kayo binigyan ng
pagkakataong makapag-salita sa aking klase? Sabagay, natatangi ka sa iba. Ngunit kung totoo
ang iyong sinasabi dapat ay pinatigil na kita.
Isagani: (ngingiti) Nagpapasalamat ako sa inyo, hindi ako makikipagtalo kung natatangi ako o
hindi tinatanggap ko ang iyong palagay sana’y ganun din kayo sa akin. Hinihiling ko sa aking
guro ibahin ang paksa ng usapan.
Padre Fernandez: Huwag ninyong ipalagay na ako ay inyong guro. Ako’y isang prayle at kayo’y
isang Pilipino. Ngayon, ano ang hangad sa amin ng mga mag-aaral na Pilipino?
Isagani: Tuparin ninyo ang inyong mga tungkulin!
Padre Fernandez: Hindi ba naming tinutupad ang aming tungkulin? Ano-anong tungkulin ang
iniaatang ninyo sa amin?
Isagani: Tungkulin ninyong pagbutihin ang mga batang binhi. Akayin ang mga ito sa landas ng
kaligayahan at lumilikha ang isang baying marangal, malusog, matalino, mabait at matapat at
ngayon, ako naman ang magtatanong, tumutupad ba ang mga prayle sa kanilang tungkulin?
Padre Fernandez: Tinutupad naming.
Isagani: Sigurado ka? Eh sa halip mga na isakatuparan ng mga prayleng mamamahala ang dapat
nilang gawin sa pagpapa-aral sa mga kabataan ay hinahadlangan pa nila ito at sinusupil ang
magrubdob na harangin ng mga ito na matuto. Ang itinuturo ninyo ay luma at lipas na sa
karunungan.
Padre Fernandez: Iya’y masyadong mabibigat na paratong.
Isagani: Hindi po! Ang tinatalakay ko pa rin ay ang suliranin ng mga mag-aaral, ang mga prayle.
Kayo’y hindi ko ibinibilang sa mga prayleng kaanib sa lahat ng orden na hindi kami dapat
matuto sapagkat, balang araw ay maghahangad kaming lumaya. Ang pagtatangi ng mga
prayleng kami’y mangatuto ay isang sanhi ng hindi naming kasiyahang-loob.
Padre Fernandez: Ang karunungan ay ibinibigay lamang sa mga dapat magtamo nito at di sa
mga taong walang mabuting puso at mabuting asal.
Isagani: Bakit po mayroong mga masama at di-mabubuting ugali?
Padre Fernandez: Maaaring nakuha sa lipi o kaya’y mahinang uri ang sangkap na ginamit.
Isagani: Kung gayo’y hangad ng pamahalaan ang aming ikakasama?
Padre Fernandez: Hindi ang kasiraang binanggit ng binata’y di dapat ibinatang sa mga prayle o
sa pamahalaan. Iyo’y nasa di wastong pagkakatag ng kapisanang kastila.
Isagani: Kung gayo’y bakit di unahing isaayos ang sarili!
Padre Fernandez: Hindi ak ang pamahalaan kaya di ko masasagutan ang ganyang mga kilos ano
ang ibig ng mga mag-aaral na gawin naming para sa kanila?
Isagani: tumulonh at huwag humadlang sa kalagayan ng pag-aaral na kami’y paraanin upang ‘di
ko kayo masagasaan at madurog.
Padre Fernandez: Bagamat tila walang kahihinatnan ang mga pag-uusap natin. May kabutihan
pa rin tayong napulot. Sasabihin ko sa aking kapatid ang siyang tinuruan. Ang pinangangamba
ko lang ay baka hindi maniwala ang aking mga kaibigang may isang katulad niyo.
Isagani: Mauna na po ako.

KABANATA 28/ EKSENA 28: MGA PAGKATAKOT


(Sa bahay ni Kapitan Tiyago)
Padre Irene: Kung hindi ako dumating at nagsabing magpa-kahinahon ay dumanak na sana ang
dugo ngayon. Ang mapupusok na pangkat ay walang napala sa Heneral. Nanghihinayang sila at
wala roon si Simoun, kung hindi sana nagkasakit si Simoun.
Kapitan Tiyago: (kakapit kay Padre Irene uoang bumangon) Hindi ko na kaya lalo pa’t ng dakpin
nila si Basilio at halughugin ang mahalagang aklat at aking papel. Hindi ko na kaya. (Bigla itong
malalagutan ng hininga.)
Padre Irene: Kapitan Tiyago gumising ka! (biglang tatagpo sa takot)
(Sa Pamantasan)
Tauhan 1: Nagsimula na ang himagsikan, ang dami ng napipinsala at nasasaktan.
Tauhan 2: Pati si Ermita, nag-uumpisa ng sumiklab ang himagsikan. Nagkaron din ng putukan sa
Dulumbayan.
Tauhan 3: Nahuli ba si Tadeo?
Tauhan 2: Aba, binaril na siya.
Tauhan 1: Huwag kayo magsalita nang malakas baka isiping tayo ay kasabwat, kaya sinunog ko
ang aklat na pinahiram nya sakin.
Tauhan 3: Nabilanggo daw si ISagani?
Tauhan 2: Eh kasi luko-luko yang si Isagani, hindi naman san mahuli kung di nagprisinta, Mabuti
nga sa kanya!
Tauhan 1: Ngunit paano si Paulita>
Tauhan 2: Hindi siya mawawalan ng kasintahan. Marahil ay iiyak lang sandal, hindi magtatagal
ay papakasal din siya sa isang kastila.
Tauhan 3: Kagfagawan ni Padre Salvi ang kaguluhan.
Tauhan 1: Ngunit sa palaga’y ko’y kagagawan ng instik na si Quiroga.
Biglang darating si Placido
Placido: Hindi ko makausapang mga bilanggo. Magahgnda na lamang tayo, maraming pwedeng
mangyari.

Kabanata 29/Eksena 29: Ang Huling Salita Kay Kapitan Tiago


Padre Irene: SA akin inihabilin ni Kapitan Tiyago ang mga paghahati-hati ng kanyang ari-arian.
Sa Santa Clara, sa papa, sa Arsobispo, sa mga korporasyon ng mga prayle at ang dalawampung
piso ayti niwan niya sa matricula ng mahihirap na mag-aaral. Ipinawalang bias nya ang
dalawampu’t-limang piso para kay Basilio dahil sa masamang inasal nito.
Kapitan Tiago: HGanda akong ialay sa kanyta ang lumang damit pransiskano. Mahalaga sa akin
iyon ngunit alang-alang sa aking kaibigan na hindi ko man lamang nasilip hanggang sa
maghingalo ay handa akong ibigay.
Mananahi: Prak na lamang ang paleot dahil nakaprak ito ng magpakita ang kaluluwa.
Padre Irene: Lumang damit ang ipasoot sa kanya dahil hindi naman timitingin sa damit ang
diyos.
Donya Victorina: Parang nais ko din sumakabilang buhay, hihiyitan ko ang karingkan ng libing
na yaon.
Padre Irene: Ito ay tunay nalibing! Ito ang kaalaman kung paano mamatay!
KABANATA 30/EKSENA 30: SI JULI
Hermana Penchang: Sinabi ko na sakanya! Ganyan talaga ang kasasapitan nya kapag pumasok
sa simbahan at nakitang marumi ang bendita ay hindi na ito magkukuus. Mabuti nga sakanya,
parusa iyan ng Diyos, Tila ba nanghahawa ng sakit ang agua bendita. Mabuti na lamang at napa-
alis ako na dito si Juli. Ayokong maka-away ako ng mga prayle. Kaya pinilit ko syang humanap ng
perang sa akin. Sapilitan pambayad utang niya sakin.

-Sa bahay nina Juli-

Juli: Ano ho? Kaawa-awang Basilio! Wala akong magawa sa kahihinatnyan nya ngayun. Isama ng
namatay na pala si Kapitan Tiago(iiyak).
Hermana Bali: Walang mangyayaring himala kung iiyak ka lamang Juli.
Juli: Ngunit iisang paraan lang ang alam ko. Kahit kanino na tayo humingi ng tulong, kay Padre
Camorra parin akong itinuturong lumapit.
Hermana Bali: Edi subukan na natin. Hindi ka naman siguro pagnanasaan nun dahil sasamahan
kita.
Juli: Ngunit na tatakot po ako. Hindi kaya ng aking budhi ang kapalit na hinihingi ni Padre
Camorra.
Hermana Bali: Edi hahayaan mon na lamang na mamatay ng tuluyan si Basilio? Nasa huli ang
pagsisisi Juli.
Juli: Halika nap o.

Pagpasok sa kumbento. Magtatakbo palabas si Hermana Bali na sumisigaw na tila bang parang
baliw. Si Juli ay tumalon sa lupa at namatay.

You might also like