You are on page 1of 6

Mga Estudyante: Magandang umaga Padre!! Padre Millon: Bakit kayo sumisigaw hindi pa naman ako bingi!!

Mga Estudyante: (nagtawanan dahil gayang gaya ni Juanito kanina si Padre Millon) Hahahahahaha Padre Millon: Hala! Humanda sa isang talakayan! Ang leksyon natin ngayon ay tungkol sa elementong bumubuo sa salamin. Sinong maaring makapagsabi ng komposisyon nito? (nakitaang natutulog na si Tadeo) Hoy antukin!! Masyado kang tamad! Alam mo ba ang leksyon atikay natutulog na??!! Tadeo: (biglang nahulog sa kinauupuan) Ah eh... Ano po ba ang sinasabi niyo?? Padre Millon: Tonto!! Bakit ako ang tatanungin mo?? (nagtawanan ang lahat) Tadeo: (tumuro sa isang dako) Ah!! Padre!!! Hinahanap po kayo ni Padre Fernandez!! Padre Millon: Huh?? Saan?? (umalis) Macaraig: (tumayo at pumunta sa unahan) Sasamantalahin ko na ang pag-kakataong itoupang tayoy makapag-usap. Kaninang umaga ay nakipagkita ako kay Padre Irene, atnabanggit niya sa akin na sa Los Banos daw pinag-usapan ang lahat. Ang lahat daw ay tutol.Ngunit hinayaan na nila na ang Kataas-taasang Lupon ng Paaralang Primarya ang mag-desisyon. Pecson: Ngunit hindi naman kumikilos ang lupong iyan! Macaraig: Yan din ang aking sinabi kay Padre Irene. Ang sabi niyay si Don Custodio, isangsangguni ng lupon ang magdedesisyon. Pecson: Papaano kung laban sa atin ang desisyon? Macaraig: Sinabi ko rin iyan kay Padre Irene at ang sabi niya sa akin ay ganito, Malaki naang atin tinamo, nagawa na natin na ang ating kahilingan ay maiumang sa isang kapasyahan.Sinabi ni Padre Irene na kung tayoy makikipagkilala kay Don Custodio ay magagawa natinghilingin ang kanyang pagsang-ayon. Sandoval: Sa papaanong paraan naman tayo makikipagkilala sa kanya? Macaraig: Dalawang paraan ang sinabi sa akin ni Parde Irene. Pecson: (hihilain ang gilid ng mata) Ang intsik na siQuiroga! Sandoval: (gigiling) Ang mananayaw na si (sabay sabay sasabihin ang pangalan)Pepay! Isagani: Tignan pa natin ang isang paraan. Maaari namang si Ginoong Pasta ang atinglapitan.

Sandoval: Ang abugadong hinihingian ng payo ni Don Custodio? Isagani: Oo, siya nga. Isa siyang kamag-aral ng aking amain. Ang problema lang ay kungpapaano natin siya lalapitan upang pakiusapan si Don Custodio na paburan tayo. Macaraig: Hindi bat si Ginoong Pasta ay may kalaguyong isang mananahi. Isagani: Wala na bang ibang paraan bukod sa paghahandog ng kanilang mga kalaguyo? Juanito: Huwag ka na ngang maarte! Isipin mo na lang ang kaginhawaang magagawa noon.Kilala ko ang babae, si Matea. Isagani: Hindi naman siguro masama kung atin munang susubukan ang mga paraang hindimahalay tignan. Kakausapin ko si Ginoong Pasta. Kung akoy hindi magtatagumpay, tsakanatin gawin ang ibang paraan. Macaraig: Marahil ay tama si Isagani. Kung gayoon, hintayin natin ang resulta ng pakikipagusap niya kay Ginoong Pasta. Tadeo: (ituturo ang ngipin) Ginoong Pasta? Pasta!!! Mga Estudyante: Hahahahahahahaha (close curtain) Scene: (open curtain) (pumasok si Isagani sa opisina ni Ginoong Pasta)(nagsusulat si Ginoong Pasta at lihim na tinignan si Isagani mula ulo hanggang paa) Ginoong Pasta: Ikaw pala Isagani! Maupo ka. Kumusta na si Florentino? May kailangan kaba? Isagani: Maraming salamat po. Maayos po ang lagay ng aking amain. (natigil sandali) Ginoong Pasta: Sige, magpatuloy ka... Isagani: Marahil ay narinig niyo na ang tungkol sa balak naming mga estudyante namagpatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Ginoong Pasta: Ito ay isang bayan ng mga plano at panukala! Isagani: Nais naming humingi ng tulong sa inyo upang mapakiling si Don Custodio sa amin. Ginoong Pasta: Oo! (napakamot sa ulo) Walang makakahigit sa akin pagdating sa pag-ibigsa tinubuang lupa at paghahangad ng pagsulong, ngunit hindi maaaring sumulong ng ganun-ganon na lamang. Hindi ko alam kung batid ninyo ang aking kalagayan, isang kalagayangmaselan; marami akong pag-aari, kailangang kumilos na may lubos na pag-iingat,,,

Isagani: Hindi po maaaring hangarin naming ilagay kayo sa kagipitan. Ngunit kahit napakakaunti ang nababatid ko tungkol sa batas, mga kautusang hari, mga lathala at mgakapasyahang umiiral sa ating bayan, ay inakala kong hindi magkakaroon ng kaamaan angmakitulong sa mga adhikain ng pamahalaan. Iisa lamang ang aming layunin at sa paraanlamang kami nagkakaiba. Ginoong Pasta: Diyan nga nariyan and suliranin, sa karaniwang sabi. Ang gumawa ng isangbagay na laban sa kanyang mga panukala ay makasusugat. Isagani: Inakala ko na ang pamahalaan ay dapat humanap ng matibay na saligan. Ginoong Pasta: (itinaas ang nakayukong ulo) Binata, nararapat na iwanan sa isang tabi angmga hakbang na iyan, sapagkat mapanganib. Dapat pagkatiwalaan ang pamahalaan. Isagani: Paumanhin! Naintindihan ko na ang nais ninyong sabihin... (may kung anong hinahanap si Ginoong Pasta) Isagani: Kung gayon... (tumindig na) Mauuna na po ako! Ginoong Pasta: Tsk tsk tsk (natigilan) Kaawa-awang binata! Ako man ay nagkaroon ngganoong kaisipan. Ang tagumpay ay hindi nagbibigay ng kapanatagan sa kaisipan. Ang bawatbansa ay may sariling pagpapahalaga gaya ng pagkakaroon ng sariling klima at mga sakit.Kaawa-awang binata! Kung lahat ay nag-iisip na gaya niya, ay hindi ko sasabihing hindi...Kaawa-awang binata! Kaawa-awang Florentino! (close curtain) Scene: (open curtain) (nakaupo si Don Custodio at naghihintay)(sound effects: gabi) Don Custodio: (tingin ng tingin sa paligid at sa relo) Napaka tagal naman... may meeting paako... (sasayaw si Pepay sa gilid) (mapapalingon si Don Custodio at pinag-papawisan) Pepay: (seductive na lalapit kay Don Custodio) Custodoni..... Custodoni...!!!(ihihipan ang tenga ni Don Custodio) Don Custodio: Pumunta lamang ako dito upang sabihing huwag muna tayo magkita...nagkakagulo ang mga estudyante ngayon at baka akoy paman-manan. Pepay: Custodoni my labsss.... ikaw naman eh... (naka upo sila: lalayo si Custodio, lalapit si Pepay hanggang sa tumayo si Custodio at mahulog si Pepay sa upuan)

Pepay: (tatayo agad) Custodoni naman eh... pa kiss nga... sige na.....!!! (hinila si Don Custodio at kumandong) Don Custodio: Ano ka ba baka naman may makakita sa atin (kunwari pa pero yayapusin din si Pepay) Pepay: Custodoni... alam mo kasi namatay ang aking tiyahin at kailangan namin ngpampalibing.... Don Custodio:Tiyahin? Hindi bat tatlong taon nang patay ang tiyahin mo? Pepay: Ayyy!! Yung kapatid pala nang tiyahin ko.... Sige na kahit 500 lang... Don Custodio: Oh heto! Sanlibo wala akong barya eh... Pepay: Salamat Custodio (hahalik kahit beso beso lang at biglang aalis) Don Custodio: Pepay!!! Tignan mo iyon pera lang yata ang ipinunta sa akin... tsk tsk tskpaano na ako ngayon?(yuyuko at kukunin ang cellphone) Haha may reserba pa nga palaako... si Matea! Ma-text nga iyon (close curtain) Scene: (open curtain) SA TAHANAN NG HENERAL Padre Camorra: Heneral! Ang anak na dalaga ni Kabesang Tales ay bumalik dito at hinilingang paglaya ng kanyang nunong may sakit! Ikatlong araw na siyang naparirito, siyay isangkahabag habag na dalaga! Heneral: Hala! Sulatan mo ang tenyente ng guwardiya sibil upang palayain ang nuno ng dalaga! Hindi na nila masasabing tayoy walang habag! (close curtain) Scene: (open curtain) PATUNGONG UNIBERSIDAD Juanito Pelaez: Kamusta ang bakasyon, Placcido? Paano ka nag-aliw? Placido Penitente: Ganoon, Ganito! Heheh at Ikaw?Napakabuti! Inanyayahan ako ni Padre Camorra ang kura ng Tianni ng siang hapunan. Angdaming magagandang dalaga roon! Nakilala ko roon ang katipan ng estudyanteng si Basilio! Ang pangalan niya ay Juli at napakaganda! Ngunit masungit din naman. Juanito Pelaez: Oh kamusta ang bakasyon Isagani! Isagani: Mabuti! Mabuti!

( Bababa sa karuwahe si Donya Victorina at Paulita) (Ngingitian ni Paulita si Isagani) (close curtain) Scene: (open curtain) NAGHANDOG NG HAPUNAN SI QUIROGA Simoun: Ano Quiroga? Kamusta ang iyong negosyo? Quiroga: Ah, Sinyo Simoun, mahilap! Mahilap na an akien negosyo! Simoun: Sukat na ang daing, Quiroga, iniligtas kita sa maraming opisyal na humihingi sa iyong pero! Pinautang ko sila upang ikaw ay hina bagabagin! Quiroga: Pelo, Sinyo Simoun, malami ang may utang sa akien na di ko na masingil. Wala dinmigay sa akien lisibo kaya hiende niyo sila masisingil din. Simoun: Kung gayoy ilapit mo na lang sila sa akin. Halikat sa silid tayo magusap. Kailangankong maipasok ang ilang kahon ng mga baril at itago sa kamalig! Quiroga: Mapanganib iyon sinyo simoun! Simoun:Hindi ka manganganib bahagyaman! Ang mga baril na iyon ay unti-unting itatago samga bahay-bahay, pagkatapos ay gagawin ang paghahalughog at marami ang makukulong sabilangguan! Ngayon ikaw at ako ang makikinabang ng malaki sa pagsisikap na mapalaya angmga bilanggo- nauunawaan mo ba ko Quiroga? Quiroga: Siya siya.. Basta Juli malami tao, hah, sinyo Simoun..Utos Lekisa; hah? (close curtain) Scene: (open curtain) (Inaya ni Simoun sina Ben Zayb, Padre Camorra, Padre Salvi, Quiroga, DOnya Victorina, DonCustodio at Paulita na pumunta sa piyesta ng Quiapo) Placido Penitente: Pelaez, Sino ang magandang dalagang iyon na kasama ni DonyaVictorina? Juanito Pelaez:Iyon si Paulita Gomez na kanyang pamangkin. (Magkasama si Isagani at Paulita sa likod si Victorina) Padre Camorra: Napakagandang dalaga! At kasintahan pala niyay aking estudyante! Mr. Leeds: Ako si Mr. Leeds mga ginoo! Nais ba ninyong Makita ang espinghe? Kung gayoyhalina kayo sa loob! Ang kahong ito ay galling sa piramide ni khufu! Noong una ko itong

nakita ay may lamang aboat isang putol na papel, at doon sa papel na iyon ay natuklasan ko ang katagang lubos namakapangyarihan! Sa isang kataga ay bubuhayin ko ngayon ang alabok na laman ng kahon....DEMEROF! Imuthis: Ako si Imuthis! Isinilang ako nuong panahon ng Ameses at namatay noongpananakop ng mga Persia ng panahon ng Cambyses! Sa paglalakbay ko sa Babylonia aynatuklasan ko ang lihim ng mapagpanggap na haring si SMerdis Sa takot niyang ipamalita koang kanyang lihaim. Ipinanganyay niya ako sa sa pamamagitan ng tulong ng mga paringehipsiyo! Noong panahong iyon, ang mga pariy makapangyarihan at siyang namamahala!Umibig ako noonsa isang dalagang anak ng pari! Siyay minimithi rin ng pari ng Abydos at angginaway lumalang ng kaguluhan at sinangkalan ang pangalan ko! Akoy nasakdal sa salangpaghihimagsik! Sa pagtakas ko akoy hinabol at pinaguusig hanggang akoy mapatay ssalawa! Buhat sa kabilang buhay ay nakita ko ang tagumpay ng pagparayat panlilinlang! Nakitakong pinaguusig gabit araw ang dalaga kong iniibig sa templo ni isis, SI Philae! Tinutugis siyang pari ng Abydos na walang tigil(Tititig kay Padre Salvi) Ang tumutugis ay parang malakingbayakang humahabol sa isang munting kalapati! Baliw sa takot at pagtitiis ang kaawa-awangdalaga! Ah, Pari ng Abydos, nabuhay akong muli upang isiwalat ang iyong kabuktutan! PARING ABYDOS! MAMAMATAY! KAPASTANGAN SA KABANALAN! MAPANIRANG PURI!HAHAHA!! MAMAMATAY!!! MAPANIRANG PURI! ISINASAKDAL KITA LAPASTANGAN SAKABANALAN!! HAHAHAH!!! (Mahihimatay si Padre Salvi) (close curtain) Scene: (open curtain) Simoun: Kamusta na si Kapitan Tiago? Basilio: Mahina ang pulso, walng ganang kumain. Kumalat na ng tuluyan ang lason sakanyang katawan. Simoun: Parang Pilipinas, habang tumatagal, lalong humihina. Napansin kong hindi mobinabasa ang librong ibinigay ko sa iyo. Wala kang pagmamahal a bayan.Sa loob lamang ngisang oras, magsismula na ang himagsikan, at bukas ay wala nang mga unibersidad, wala ngmga mag-aaral at magpapahirap. Naparito ako dahil sa dalawang bagay: ang kamatayan mo o ang iyong kinabukasan. Sa panig ng umaapi sa iyo o sa panig ng iyong bayan? Basilio: Sa panig ng umaapi o sa panig ng inaapi? Hindi ko alam. Simoun: Magpasya ka! Kailangan mo nag mag-desisyon, dahil ako ang namumuno sapagkakagulo. Ipakikiusap ko sayo na samantalahin mo ang pagkakataon. Pamahalaan mo angisang hukbo at lubusin ninyo ang Sta. Clara.Kukunin mo ang isang taong tanging ikaw lamangang nakakakilala bukod kay Kapitan Tiago, si Maria Clara. Basilio: Julina kayo! Simoun: Anong ibig mong sabihin?

You might also like