You are on page 1of 3

Kabanata 26: Ang Bisperas ng Pista

Tagapagsalaysay: Nooy ika-10 ng Nobyembre, bisperas ng piyesta. Ang taong-bayan


ng San Diego ay buong siglang nagsikilos sa kani kanilang tahanan, lansangan,
simbahan, sabungan at sa bukid. Sa kani kanilang bintanay nakalawit ang ibat ibang
palamuti. Napupuno ng katuwaan ang buong bayan dahil sa maiingay na tugtugan at
tunog ng kuwitis.
Abala naman ang mga katulong sa paghahanda ng mga pagkain para sa mga panauhin
na dayuhan, banyaga, kaibigan, Pilipino o di kaya ay kastila, my mayayaman at may
mahihirap. Para doon sa mayayaman o di kayay doon sa nakarating sa Maynila at
nakamalas ng maliit na bahagi ng daigdig, sila ay naghahanda ng serbesa,tsampan at
ibat ibang alak na buhat pa sa Europa. Sa gitna ng hapag kainan ay punong puno ito
ng ibat ibang palamuti na napapalibutan ng mga tupiuk na marikit na nakaayos nang
hugis abaniko. May mga ibat ibang uri ng bulaklak, prutas at dahon ng palma.
Sa ibang dako naman ay nililinis ang mga pamparang Kristal upang kumintab. Pati mga
tahanan ay nilinis narin na waring mapananalaminan sa kintab ang sahig. Sa liwasan
ng bayan, isang intablado ang itinayo upang magtanghal ang mananyawa at mga mang
await na binantugang magagaling na mang await at mananayaw na Pilipino. Limang
banda at tatlong orchestra ang kinasundang magpapasaya sa piyesta. Tumutugtog ng
martsa ang banda habang pumapasok sa bayan na siyang sinusundan naman ng mga
tao.
Mayat mayay nagdatingan sa bayan ang mga karitela, karwahe o karumata na lulan
ang mga kamag anak,kaibigan ant mga estranghero-mga mananabong na dala ang
kanilang mga sasabongingmanok at sako ng salapi na handing ipakipagsapalaran ang
kanilang kayamanan sa sabongan.
Matabang Lalaki: malalagyan ng limampong peso sa bawat gabi ng alperes
Bagong Dating: Darating si kapitan Tiago na siyang babangka sa larong monte.
Magbabaon si Kapitan Joaquin ng labinlimang libong peso. Maglalagay din ang Intsik
na si Carlos ng Liyampo at magbabangka sa halagang sampong libong piso. O,
Kumusta ang mag anak?
Matabang Lalaki: Mabuti naman, salamat
Bagong Dating: at si padre Damaso?
Matabang Lalaki: Si Padre Damaso ang magsesermon sa umaga at makikipag sugal
ng baraha sa amin sa gabi.

Bagong Dating: magaling, kung gayon, wala tayong huli


Matabang Lalaki: A, Ligtas tayo, ligtas na ligtas. Bukod dito ang intsik na si Carlos ay
magpapalampas, alam mo na.
Tagapagsalaysay: At ang matabang lalakiy waring nagbibilang ng pera. Salabas ng
bayan, isinusuot ng mga taganayon ang kanilang pinaka magarang kasuotan.
Datapwat ang pinaka malaking kasayahan ay nagaganap sa isang malawak na patag
na may kataasan at di kalayuan sa bahay ni Ibarra. Ang mga taoy sadyang abala sa
kani kanilang mga gawain. Ditoy mapapansin ang mga kalalakihang abalang
nagpapatayo ng tila gusali.
Maestro Juan: Iyay rito, at Iyay roon! Bilisan ninyo!
Tagapagsalaysay: Si Maestro Juan ang tagapamahala ng konstruksiyon, arkitekto,
maestro, karpentero, mason, pintor, kantero, magsususi at kung minsay eskultor.
Maestro Juan: kailangang matapos natin ito ngayon. Walang trabaho bukas, araw ng
pangingilin, at ang susunod na araw ay ang panimulang pagbubukas. Bilisan ninyo!
Tagapagsalaysay: pagkatapos ay humarap siya sa mga kantero na nooy gumagawa ng
isang malaki at malapad na tipak ng bato. At siyay nag utos.
Maestro Juan: Gawin ninyo an gang guwang na tamang tama lamang para sa silidrong
ito. Malalagay riyan an gating mga pangalan.
Tagapagsalaysay: AT itoy paulit ulit nyang binabanggit sa bawat estrangherong
dumaraan. At siyay nagsalita na telang nagtatalumpati.
Maestro Juan: Alam ba ninyo ang aming itatayo? Itoy isang paaralan at itoy magiging
isang huwaran, katulad ng matatagpuan sa Alemanya o kayay higit pa. isang bantog na
arkitekto ang yumari dito at ako ang tagapamahala ng proyektong ito. Oo, itoy magiging
isang tila palasyo!
Tagapagsalaysay: pinagkiskis ni maestro Juan ang kanyang mga kamay, na tila may
naglalaro sa kanyang isipan. Siyay mapapabantog at kikilalaning dakilang arketikto ng
mga banyagang makakakita sa paaralan.
Tumanggap ng pagkatig mula sa lahat ang balak ni Ibarra. Kusang humiling ang kura
paroko na siya ang maging padrino ng proyekto at siya rin ang mag babasbas. Ang mga
estudyanteng mula pa sa Maynila ay humahanga kay Ibarra.

Tila tuluyan nang naglaho ang nakakatakot na agam agam ni Tandang Tasyo. Nasabi ni
Ibarra sa matandang ang magandang kinalabasan ng kanyang binabalak ngunit ang
sagot ng matandang pesimistiko ay..
Matanada: Tandaan mo ang sinabi an gating dakilang makata na si balagtas: Kung
isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukhat may pakitang giliw, kaingatat
kaaway na lihim.

You might also like