You are on page 1of 8

KABANATA 59 : Pagmamahal sa Bayan

N: Sa isang bahay naman sa Tondo, hindi


mapakali si Kapitan Tinong dahil minsan
ito ay nagpakita ito ng kagandahang loob
kay Crisostomo Ibarra. Kaya panay ang
sisi sa kanya ng asawang si kapitana
Tinchang sa harap ng kanilang dalawang
anak.

Kapitana Tinchang: "Ay, Virgen sa


Antipolo! Ay, Virgen del Rosario at de la
Correa! ay!, ay! Nuestra Señora de
Novaliches!"

Bunsong anak: "Nanay! "

Kapitana Tinchang: "Sinasabi ko na sa


iyo!sinasabi co na sa iyo! ay Virgen del
Carmen, ay!"
Kapitan Tinong: (napapaiyak) Nguni't
hindi ka naman nagsasabi sa akin ng ano
man!baligtad, sinasabi mo sa aking
mabuti ang aking giinagawa sa
pagmamalimit ko sa bahay na iyon at
manatili sa pakikipag-ibigan kay kpitang
Tiyago, sa pagka't ... sa pagka't mayaman
... at sinabi mo sa aking...."

Kapitana. Tinchang: "Ano? ano ang sinabi


co sa iyo? Hindi ko sinasabi sa iyo iyan,
wala akong sinasabing ano man sa iyo!
Ay! Kung pinakinggan mo sana ako!"

Kapitan Tinong: "Ngayo'y ako ang


bibigyan mong kasalanan! hindi mo ba
sinabi sa aking magaling ang aking
ginawa na siya'y aking inanyayahang
kumain dito sa atin, sa pagka't
palibhasa'y mayaman ... Aba!"

Kapitana Tinchang: "Tunay ngang sinabi


ko iyan sa iyo, sapagkat ... sapagkat wala
ng magagawa; wala kang ginagawa kung
hindi purihin siya; don Ibarra dito, don
Ibarra doon, don Ibarra sa lahat ng panig,
aba!"

Kapitana Tinchang: "Aba, dapat mong


malaman"

N: Walang maalamang itutol si kapitan

Kapitan Tinong: "Nalalaman ko bang


paparoon siya roon?"

Tinong. Hindi pa nasiyahan si kapitana

Kapitana Tinchang: "Ay, kung lalaki


lamang ako! Kung lalaki lamang ako,
ngayon di'y haharap ako sa kapitan
heneral, upang ako'y humandog sa
pakikihamok laban sa mga
nanghihimagsik, ngayon din!"
Kapitan Tinong: "Hindi mo ba nabasa ang
diyaryo? Basahin mo!" (tinignan ni
kapitana yung diyaryo) Kapitan Tinong:
"nakita mo na? Walang himagsikan!"

Kapitana Tinchang: “Hindi kailangan,


dapat kang humarap na gaya ng ginawa
ng madla ng taong 72, at nangakaligtas
nga naaán.”

Kapitan Tinong: “Siya ng̃a! humaráp din si


parì Burg....”
(bago pa matapos yung salita ni kapitan
tinong, tinakpan ni kapitana tinchang
yung bibig niya)

Kapitana Tinchang: “Ano! ¡sabihin mo ang


pangalang iyan at ng bukas di'y bitayin ka
sa Bagumbayan. Hindi mo ba nalalamang
sukat na ang saysayin ang pangalang iyan
upang parusahan k? Ano! sabihin mo!”
Primitivo: “Quid video, ano ang
nangyayari? Quare?”

Kapitana Tinchang: “ay, pinsan! (sabay


takbo palapit sa kanya habang naiyak)
ipinatawag kita, sapagkát hindi ko
maalaman kung ano ang mangyayari sa
aming mg̃a babae ... ano ba ang hatol mo
sa amin?”

Primitivo: “Nguni't bago ako


magsalit, Quid quaeritis? Nihil est in
intellectu quod prius non fuerit in sensu;
nihil volitum quin praecognitum”
(at marahang naupo)

Primitivo: “Bakit kayo naiyak?”


Kapitana Tinchang: “nalalaman mo na
ang balità tungkol sa panghihimagsik.”

Primitivo: May utang ba sa inyo si don


Crisostomo?”
Kapitana Tinchang: “Wala, nguni't
talastasin mong inanyayahan siya ni
Tinong na kumain dito, bumati sa kanya
sa tulay ng̃ España. Wiwikain niláng si don
Crisóstomo'y kanyang kaibigan!”

Primitivo: “kaibigan? Sabihin mo sa akin


kung sino ang kinakasama mo at
sasabihin ko sa iyo kung sino ikaw!”

Kapitana Tinchang: “Bigyan mo nga ng


isang argumento si Tinong at ng̃ huwag
siyang bitayin!”

Primitivo: “Masama ang giinawa mo,


totoong kasamasamaan ang ginawa mo,
pinsan, sa iyong giinawang
pakikipagkaibigan sa binatang iyan.”
(napailing sa sama ng loob)
(hinimatay si kapitan tinong)

Kapitana Tinchang: “Saturnino, ano ang


nangyayari sa iyo! ay, Diyos ko! Namatay!
Isáng manggagamot! Tinong, Tinonggoy!”
(dumating yung dalawang babaeng anak
nila para alalayan si kapitan tinong)
Primitivo: itó'y isang panghihimatay
lamang, pinsan, isang panghihimatay!
Lalo pa sanang ikatutuwa ko kung ... kung
... datapwat hindi labang panghihimatay,”
(umiiyak)

Kapitana Tinchang: “huwag kang


mamatay….”
(winalingan ni primitivo ng tubig ang
muka ni kapitan tinong)

Primitivo: “Hala, huwag kayong


umiyak! Inveni remedium, nasumpungaan
ko na ang gamot. Ilipat natin siyá sa
kanyang hihigan hala tapanggan ninyó
ang inyong loob! 
Samantala'y susunuguin ko ang lahat ng
mga sulat, mgga papel at mga libro at ng
huwag silang makakita ng̃ ano man, gaya
ng guinawâ don Crisóstomo.”

Kapitana Tinchang: “Oo, tanggapin mo


pinsan, narito ang susi, suni mong lahat!”
Primitivo: “Pumaroon ka na sa Kapitan
Heneral, pabayaan mo na ako rito

You might also like