You are on page 1of 2

KABANATA 62

Padre Damaso: Natakot ka ano? Hindi mo inaasahan ang aking pagdating. Nandito ako para
masaksihan ang kasal mo. May sakit ka na naman ba, anak? Bakit namumutla ka?
Padre Damaso: Wala ka na bang tiwala sa akin na inaama mo? Sabihin mo sa akin kung ano ang
nangyayari sa’yo.
Maria Clara: Mahal pa ba ninyo ako? (lumuhod sa harap ni Padre Damaso) Tulungan ninyo ang
aking ama para di matuloy ang aking kasal! Noong buhay si Ibarra, gusto kung lumaban, umasa
at manalig. Ibig kong mabuhay para marining kahit paano ang mga bagay tungkol sa kanya pero
ngayon patay na siya. Bakit pa ako mabubuhay at magtitiis?
Padre Damaso: Hindi hamak na nakahihigit si Linares kay…
Maria clara: Maaari akong magpakasal kaninumang noong nabubuhay pa si Crisostomo. Wala
namang gusto ang ama ko kundi malalaking ugnayan sa mga nasa poder. Pero ngayong patay na
siya, walang sinumang tatawag sakin ng asawa. Kumbento o sementeryo lamang ang aking
pagpipilian.
Padre Samaso: Anak ko patawad. Hindi ko sinasadya ang kalungkutan mong ito. Ibig ko lang
mabigyan ka ng mabuting kinabukasan, ng kaligayahan. Ito’y dahil mahal kita.
Maria Clara: Mahal mo palay ako’y wag mong hayaang ako’y malungkot habambuhay. Patay na
siya. IbIg ko na ring mamatay o maging madre.
Padre Damaso: Isang madre! Isang Madre! Hindi mo lamang alam, anak ko, ang buhay na
misteryong nakakubli sa mga pader ng kumbento. Matanda na ako, Maria. Hindi na kita
mapangangalagaan, pati ng kaligayahan mo. Humiling ka ng iba pa. Mahalin ang binata kahit
sino man sya.. wag lang ang kumbento..
Maria Clara: Ang kumbento o ang kamatayan!
Padre Damaso: Diyos ko! Diyos ko! Pinarurusahan mo ako. Pagpalain mo ang anak ko! (sigaw
ni Padre Damaso) Ayokong mamatay ka… magmamadre ka! Diyos ko! Talagang narito ka nga
nagpaparusa ka.
KABANATA 63

Basilio: Gantihan po sana kayo ng Diyos sa inyong kabutihang loob. Ngayong Pasko po ay gusto
ko sanang umuwi para makita ang aking ina at kapatid.
Matanda: Hindi ka pa lubusang magaling at lubhang may kalayuan ang inyong bayan.
Mahihirapan ka pang makauwi sa inyo.
Basilio: Tiyak na naghihintay ang kalooban ng aking ina sa paghahanap sa akin. Kayo po ay
maraming anak subalit kami’y dadalawa lamang na magkapatid. Babalik po ako dito at
ipagsasama ko ang aking kapatid.
Narrator: Samantala ay nakauwi na sa bahay si Basilio at dinatnan iyong sira-sira at wala ang
Ina. Paika-ikang pinuntahan nito ang bahay ng alperes. Inutusan ng babaing nasa bintana ang
guardia civil na papanikin si Sisa subalit kumaripas ito ng takbo nang makita ang mga bantay.
Hinabol ni Basilio ang ina pero binato siya ng isang babae sa daan. Tinamaan ng bato si Basilio
pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa ina.
Basilio: Inang! Ako po si Basilio Inang!
Narrator: Nagsuot sa gubat si Sisa at sumunod pa rin si Basilio hanggang doon. Makailang ulit
na nadapa at bumangon si Basilio pero hindi pa rin siya tumigil sa pagsunod sa ina. Narating nila
ang libingan na nasa tabi ng puno ng balite. May pintuan ito na pilit binubuksan ni Basilio.
Anyong tatakas muli si Sisa subalit nagpatihulog na si Basilio. Nagawa pang yakapin at halikan
ni Basilio si Sisa. Tigmak ng dugo ang noo ni Basilio at nawalan ng malay tao. Pinagmasdan ni
Sisa ang mukha ng bata at natigilan siya nang makilala ito. Napasigaw si Sisa at nagbalik ang
alaala. Hinagkan at niyakap nang mahigpit ni Sisa ang anak hanggang sa napalugmok na rin ito.
Nagbalik ang ulirat ni Basilio at nakita ang inang pinanawan ng malay. Kumuha ng tubig si
Basilio at winisikan sa mukha ang ina. Idinikit niya ang tainga sa dibdib nito hanggang sa
sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na si Sisa. Niyakap ni Basilio ang malamig
na bangkay ng ina. Pag-angat ng ulo ni Basilio nakita niya si Elias.
Elias: Sino ang babaing iyan?
Basilio: Siya po ang aking ina.
Elias: Nasugatan ako at may dalawang araw na akong hindi kumakain o umiinom man lang.
Hindi magtatagal at mamamatay rin ako. Sunugin mo ang aming bangkay ng iyong ina. Kung
walang darating na sinuman, hukayin mo ang mga gintong ibinaon ko. Ariin mo iyon at gamitin
mo sa pag-aaral. Mamatay akong hindi ko man lamang nasilayan ang ningning ng bukang
liwayway ng aking Inang bayan. Kayong mapapalad na makakakita, batiin ninyo siya at huwag
kalimutan ang mga nalugmok at nasawi sa dilim ng gabi.
Narrator: Pagkatingala sa langit ay kumibot pa ang mga labi na tila nananalangin hanggang sa
unti-unting nabuwal sa lupa si Elias.

You might also like