You are on page 1of 2

CHAPTER 15

Narrator: Parang may namatayan ang tunog ng kampanang pinapatugtog ng magkapatid na sacristan na
sina Crispin at Basilio. Kausap sila kanina ni Pilosopo Tasyo at sinabihan sila na hinihintay sila ng kanilang
ina na si Sisa.

Crispin: Bas, kung kasama natin ngayon si nanay Sisa hindi sana ako mapagbibintangan na magnanakaw.
At pag nalaman pa niya na pinalo ako ditto, sigurado ako maghahamon ng away yun.

Narrator: Nakikita sa mukha ni Crispin ang matinding pangamba.

Crispin: Bas, sana magkasakit na lang tayo ang liit lang naman ng kita natin ditto.
Basilio: Pin, huwag mo ngang ipagdasal na magkasakit tayo, dahil kapag nagkatotoo yun walang kakainin
si nanay. In short be careful what you wish for,because you might just get it.
Crispin: Bas, bayaran na lang kaya natin ang binibintang sa akin. Keri ba nating bayaran?
Basilio: Pin, hindi mo talaga gets? Kulang pa nga kita natin dito, hindi natin mababayaran yun.
Crispin: Sana nagnakaw na lang talaga ako. At kung papatayin man nila ako sa palo, may pang shopping
na man kayo ni nanay.

Narrator: Na shookt si Basilio sa sinabi ng kapatid niya na si Crispin.


Basilio: Pin, nag wo-worry ako pag nalaman ni Mama na napagbintangan kang magnanakaw, tiyak na ma
be-beastmode yun.
Crispin: Hay naku, Bas hindi maniniwala si nanay sa chismis. At may ebidensya ako, itong mga pasa at
butas butas kong bulsa.

Narrator: Gulo ang isip ni Crispin dahil mahirap na gusot ang napasukan nilang magkapatid.

Crispin: Bas, gusto ko na talagang umuwi, gutom na gutom na ako.

Narrator: Magmula ng pagbintangan si Crispin na nagnakaw, hinatulan siya na hindi bibigyan ng pagkain
hangga’t hindi nababalik ang pera.

Crispin: Kaya lang naman ako napagbintangan na magnanakaw kasi si tatay ay mabisyo, lasinggero at
sabungero. Anong kinalaman ko doon? Di ko talaga gets, anong connect?

Narrator: Habang nag-uusap ang magkapatid biglang pumasok sa eksena si Sakristan Mayor at galit na
galit ito.

SM: Basilio, di ko bet ang tunog ng kampana kanina kaya bibigyan kita ng multa.
Ikaw naman Crispin, hindi ka makakuwi hangga’t hindi mo nailalabas ang pera.
Basilio: Maawa po kayo sa amin. Hindi po talaga totoo ang ibinibintang mo sa kapatid ko.
SM: Wala akong pakialam. At sino ka para sabihin na mali ako? Basilio, hindi ka rin makakauwi hangga’t
hindi pa sumasapit ang ika-10 ng gabi.

Narrator: Natakot si Basilio sa sinabi ng Sakristan Mayor sapagkat ika-9 pa lang ng gabi ay wala ng
pwedeng gumala sa daan.

Basilio: Teka po , (hindi natapos)


SM: (kinaladkad si Crispin papalayo)

Narrator: Hindi na natapos ni Basilio ang kanyang sasabihin dahil biglang hinablot ni sacristan mayor si
Crispin at kinaladkad hanggang makarating na sila sa madilim na lugar.

Crispin: (shouts) BAS ,SEND HELP

Narrator: Dinig ni Basilio ang pagsigaw ni Crispin pero wala na itong nagawa, naiwan na lang itong tulala.

Basilio: Kailangan ko nang kumilos. Kailangan na ako ng kapatid ko. Humanda ka Sakristan Mayor,
matitikman mo ang batas ng isang api.

You might also like