You are on page 1of 3

Ako si Sisa, isang simpleng maybahay.

Palagi akong minamaltrato ng aking asawa ngunit wala


akong magawa. Mahal ko siya hindi ko siya kayag iwanan… ngunit natatakot din ako sa kanya. Pero
nandiyan naman ang mga anghel ko, sina Crispin at Basilio. Mababait sila at mapagmahal. Bilang isang
ina, maipagmamalaki ko sila!

Oo nga pala, uuwi na sila galing simbahan. Naku! Siguradong gutom na gutom na ang mga iyon.
Ipagluluto ko sila ng isang handaan. Isang linggo ko na ring hindi sila nakikita. Kamusta na kaya sila?
Kumakain ba kaya sila ng sapat? Nakababasa na ba sila?

Pagkatapos kong maihanda ang hapunan, dumating ang aking asawa. Kinain niya ang mga ipinagluto ko
at wala akong nagawa para pigilan siya. Kaawa-awa naman ang aking dalawang anghel. Nang itinanong
niya kung ano ang kalagayan ng aming mga anak, natuwa ako. Binalita ko kung ano ang aking nalalaman
ngunit… pera lang ang iniisip niya. Umalis siya agad para magsabong. Anong gagawain ko? Walang
madadatnang pagkain sina Crispin at Basilio.

Iyon ang aking iniisip nang may kumatok sa pintuan. Isang tinig na puno ng takot at pangamba ang
tumatawag sa akin. Boses iyon ni Basilio! Pagbukas ko, ang aking panganay ay puno ng sugat sa
katawan. Agad ko siyang pinunasan at ginamutan. Marami akong gustong itanong sa kanya. Nasaan si
Crispin? Bakit ganyan ang ayos niya? Nasaktan ba siya? Anong nangyari sa dalawang anghel ko? Ngunit
kailangan niyang magpahinga. Alam kong may itinatago sa akin si Basilio, ngunit hindi ko iyon binigyang
pansin. Batid ko ang sama ng loob niya sa kanyang ama ngunit sinubukan niyang hindi makapahalata.
Maalahaning anak si Basilio at isa siyang modelong kuya ni Crispin.

Uminom lang ng tubig si Basilio at tsaka natulog. Kawawa naman ang anak ko. Bata pa siya nguit
sandamakmak na paghihirap ang kanyang dinaranas. Nang marinig ko ang pag-ungol niya, ginising ko
siya. Ano ba talaga ang nagyari sa dalawa kong mga anghel kung binabangungot si Basilio?

Bumisita ako sa kumbento at doon ako nagtanong tungkol kay Crispin. Ngunit ano ba ag pinagsasabi nila?
Ang aking Crispin,isang kawatan? Ang aking Basilio, isang kriminal? Hindi iyon totoo! Mahirap man kami
ngunit marangal ang pamumuhay namin! Gusto kong ipagtanggol ang aking mga anak ngunit.. wala
akong magawa. Isa lamang akong babae… mangmang at walang pinag-aralan.Kailangan kong puntahan si
Basilio. Baka dinakip siya ng mga guardiya sibil. Nasaan na kaya ang aking Crispin? Kung nakatakas siya-
saan na siya napadpad?

Nang dumating ako sa bahay, nandoon ang dalawang guardiya sibil. Tinatanong ako tungkol sa aking mga
anak. Pinipilit nila akong sumagot ngunit wala naman akong masasagot. Hindi ko pa nakikita si Crispin.
Hindi ko na alam kung nasaan si Basilio. Pinapunta ako sa isang lugar kung saan may itatanong pa sila sa
akin. Isa iyong kahihiyan! Para akong kriminal! Pinahintay ako ng ilang oras bago ako pinauwi.

Crispin? Basilio? Mga anak nasaan na kayo? Ah! Alam ko, ipagluluto ko kayo ng handaan at kakantahan ko
kayo ng kundiman. Crispin? Basilio? Umuwi na kayo? Crispin? Basilio? Nasaan na kayo? Umuwi na kayo
mga anak, gusto niyo bang mag-alala ang iyong ina? Crispin! Basilio!

Kailangan kong hanapin ang aking mga anak ngunit bakit nila ako dinakip? May sinasabi sila. Baliw. Hindi,
hindi ako baliw. Kailangan ko pang hanapin ang dalawa kong mga anghel. Ngunit kailan naman sila
makikinig sa akin? Huwag kayong mag-alala, hahanapin kayo ng inay niyo. Maghintay lang kayo.

Sa pamamalagi ko dito… kung saan man to, palagi akong minamaltrato ng babae na mukhang Kastila
ngunit parang hindi din eh. May sinasabi siya ng hindi ko maintindihan. Kapag hindi ko siya sinunod(hindi
ko naman siya maintindihan) hinahampas niya ako ng latigo.

Hindi ko na alam kung ilang araw akong nandito. O baka oras lang? Kailangan ko pang hanapin sina
Crispin at Baslio. Baka napano na sila! Kaya laking tuwa ko nang makalabas ako. Mahahanap ko na muli
ang mga anghel ko.

Crispin? Basilio? Umuwi na kayo! Nandito na ako!


Hindi ko maintindihan ang mga tao. Bakit ba itinataboy nila ako? Wala naman akong ginagawang mali.
Hinahanap ko lang ang mga anak ko. At sa paghahanap ko. May batang lalake na tumatawag sa akin.
Nanay daw niya ako at siya si Basilio. Hindi, hindi siya ang anak ko. Kilala ko ang Basilio ko. Kailangan ko
siyang hanapin- pati na si Crispin. Kaya tumakbo ako papalayo sa bata. Hindi ko na pinansin kung nasaan
ako. Nasa bahay na ba ako? Ngunit bakit may puntod? Hinang hina na ako. Gusto ko nang matulog.
Ngunit hindi! Kailangan ko pang hanapin sina Crispin at Basilio! Ang mga anak ko! Crispin! Basilio!

Ngunit pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga. May yumakap sa akin. Ang bata ito ay ang batang
kanina. Malamang. Para siyang si Basilio. Umiiyak siya… Mabuti nga kung siya si Basilio. Pero wala akong
magagawa. Hindi ko kayang protektahan ang aking sarili, maging sina Crispin at Basilio. Sana… sana kung
nasaan man sila, mabuti lang sana ang kalagayan nila.
*pasok si Sisa, na para bang nagdarasal*
Ah, *tingin sa audience*, magdasal na kayong lahat! Hindi niyo ba alam na Araw ng Patay ngayon? Tignan
niyo, kita niyo ba yung ilaw na iyon sa kampanaryo? Anak ko iyon, si Basilio! Si Crispin naman yung nasa
simbahan.
*manginginig kaunti, tila nalulungkot* Hindi ko nga lang sila mabisita sa kumbento. May sakit kasi yung kura
eh, at baka raw mawala ang onsang ginto. *tatawa bigla at ngingiti* Binibigyan ko ng gulay ang kura; marami
ring bulaklak sa aking bakuran at dalawa ang aking anak.
*tatakbo palayo* Basilio! Crispin! Mga anak ko, nasaan na kayo! *tuturo sa audience* Ikaw, nakita mo ba ang
anak ko? *hahagulgol at tatakbo ulit sa ibang pwesto*
*titigil at titingin sa isang tao sa audience* Basilio, ikaw ba iyan? H-hindi, hindi ikaw…*hihikbi* Hindi ikaw ang
anak ko!
*tatakpan ang mukha tapos tatawa* Ahh, kilala niyo ba ang asawa ko? Mahal na mahal ko siya, si Pedro.
*tutungo* Dapat talagang mahalin ang isang tao, kahit ano man ang kanyang pagkukulang. *tatawa bigla*
Kaya nga naman tinatawag na pag-ibig!
*aawit ng pabulong* Hmm, ayaw ni Doña Consolacion ang aking mga awitin. *kikibit ang balikat kakaunti,
tapos tatawa* Ang galing niyang sumayaw *titingin sa audience* alam niyo ba iyon? *tatawa lalo*
*hihikbi bigla* Masakit yung latigo, masakit. *manginginig* Paano na kaya ang aking mga anak? *iiyak*
Basilio! Crispin!

You might also like