You are on page 1of 12

MGA URI NG PANG-ABAY

Pang-abay
BAHAGI NG PANANALITA NA NAGBIBIGAY
TURING SA PANDIWA, PANG-URI, AT KAPWA
PANG-ABAY.
Pang-abay na pamaraan
PARIRALANG NAGSASABI NG
PARAAN O KUNG PAANO GINAWA
ANG ISANG KILOS O PANGYAYARI

HAL: DAHAN-DAHAN UNTI-UNTI


PAUTAL-UTAL PASILIP-SILIP
Pang-abay na panlunan

SALITANG NAGSASABI KUNG SAAN


NAGANAP ANG KILOS

HAL: DOON DITO SA BAHAY


Pang-abay na pamanahon

SALITANG NAGSASABI KUNG SAAN


NAGANAP ANG KILOS.

HAL: BUKASARAW-ARAW
KINABUKASAN MAMAYA
Makabagong Kabataan
Ni Alfonzo Santiago
Ako’y kabataan na naghihimagsik
Naghuhumiyaw na sa aking
Pagtutol ay di pa marinig;
Kabataan ako na inip na inip
Sa nakakabagot
Na takbo ng buhay sa ating daigdig!

Isinilang ako sa isang tahanang


Ang nangakatira’y parating abala’t wala araw-araw;
Bininyagan ako sa isang isang simbahang
Salapi and doo’y
Nakapangyayari’t siyang panuntunan;
Pinag-aral ako, ako’y tinuruan
Niyong mga gurong
Robot kung ituring ang tinuturuan;
Iminulat ako sa isang lipunang
Mapagbalatkayo at napauulol sa mga dayuhan!

Ako’y kabataang sibol sa panahon,


Pagkat matalino –
Sa pinanggalinga’y di dapat lumingon;
Kabataan akong walang panginoon
Kundi ang sarili
Na tanging pag-asa ng daigdig ngayon!
Sa mga pangaral, ako’y suyang-suya,
Ang lahat ay bawal
Ag lahat ay mali, lahat ay masama;
Kung aking susundin yaong matatanda,
Gusto yatang ako’y
Maging tulad nila’t lumalaking mulala.

Pati ang suot ko, anila’y masagwa,


Ayaw sa pakipot,
Ayaw sa maikli, gusto’y hanggang lupa;
Lahat ng kilos ko ay minamasama
Gusto yatang ako’y
Magparang tulala’t magbalik sa mula!
Ako’y kabataang marahas, mapusok,
Bawat maibigin –
Ano mang paraan ay gusting maabot;
Kabataan akong walang hari’t diyos,
Kahit na baluktot
Ang iniisip ko’y dapat na masunod!

Naduduwal ako sa samang nagkalat,


Sa katiwaliang
Mga matatanda ang puno at utak;
Ang dangal at puri’y nagdurugong sugat
Sa aking lipunang
Pinaghaharian ng mga mapilak.
Sa lipunang ito, ako raw ay lamat,
Ako raw ay batik
Sa magandang ngalan ng aming kaanak;
Aking tinatanggap, oo, ako’y hamak
Sa lipunang ito
Kung pagmalasin ko’y parang isdang kapak.

Ako’y kabataan na naghihimagsik


Pagkat matalino
Ang lahat sa aki’y ayaw making
Kabataan akong kapag di dininig
Dudulog sa iyon
Isusumbong maling takbo sa mundo.
Ibigay ang kahulugan ng pangungusap.

1. Ang kalooban ko’y naghihimagsik sa mga makalumang


pananaw.
2. Sa mayayaman, salapi ang panuntunan.
3, nais ng matatanda na ako ay lumaking mulala.
4. Ang katiwalian sa bansa ay hindi masugpo-sugpo.
5. Naduduwal ako sa samang nagkalat at natutunghayan ko.

You might also like