You are on page 1of 11

PAGISLAM: ANG

PAGBIBINYAG NG MGA
MUSLIM
N I : E LV I R A B . E S T R A B O
• Naniniwala ang mga muslim na ang isang
sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan
kaya di kailangang binyagan upang ito ay pa
maalis. Ganoon pa man, mayroon silang ilang
seremonya na kahalintulad ng binyag na
tinatawag na PAGISLAM o pagbibinyag ng
mga muslim.
• Nahahati sa tatlong seremonyang
panrelihiyon na napapaloob sa
PAGISLAM na ginagawa sa tatlong
magkakaibang araw sa buhay ng sanggol.
UNANG SEREMONYA

• Ginagawa ilang oras pagkakapanganak


ng sanggol. Isang PANDITA ang babasa
ng ADZAN sa kanang tainga ng sanggol.
Ito’y ginagawa upang ikintal na ang
sanggol ay ipinanganak na Muslim at
unang salitang maririnig at pangalan ni
Allah.
PANGALAWANG SEREMONYA

• Kilala ito na PENGGUNTING o PEGUBAD.


Ginagawa ito pitong araw pagkatapos
ipinanganak ang sanggol. Naghahandog ang
mga magulang ng KANDULI, isang salusalo
bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak.
Dito’y inaanyayahan ang mga kaibigan,
kamag-anak, at pandita.
• Ang paghahanda ay ayon sa antas ng
kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan.
Nagpapatay ng AQIQA, o karaniwang hayop
na kambing o baka na ang ibig sabihin ay
paghahandog at pagsasalamat.
• Ayon pa sa paniniwala ng Maguindanao sa
pagbibinyag, dapat putulin ang ilang hibla ng
buhok ng sanggol at ilalagay sa mangkok.
Pagkatapos, lalagyan ng tubig ang mangkok at
kapag ang buhok ay lumutang, magiging
maginhawa at matagumpay ang tatahaking
buhay ng sanggol.
• Subalit kapag lumubog ang buhok ng sanggol
sa tubig ito ay sumisimbolo na ang sanggol ay
daranas ng paghihikahos at paghihirap sa
kanyang buhay. Ang bahaging ito
napaniniwala ng Maguindanao ay hindi lahat
kinikilala subalit dahil sa tradisyon ito,
sumusunod nila sa paniniwala.
• Isa pang bahagi ng seremonya sa pagbibinyag
ay ang paghahanda ng BUAYA. Ito ay
kakaning korteng buwaya na gawa sa kanin,
dalawang nilagang itlog ang pinakamata at
laman ng niyog ang ginagawang ngipin.
Nilalagyan din ang BUAYA ng manok na
niluto sa gating kinulayan ng dilaw.
• Inihahanda ng WALIAN o matandang
babaeng muslim ang BUAYA. At
ipapakain sa mga batang dumadalo sa
seremonya.
IKATLONG SEREMONYA

• Ginagawa ito sa mga bata sa pagitan ng pito


hanggang sampung taong gulang. Tampok sa
seremonyang ito ang PAGTUTULI. Tinatawag na
PAGISLAM para sa mga batang lalaki at
SUNNAH sa mga batang babae. Ang PAGISLAM
ay ginagawa ng WALIAN. Ang seremonya ay
isinasagawa sa araw ng MAULIDIN NABI o
mahalagang banal na araw sa mga muslim.

You might also like