You are on page 1of 9

Kultura at Tradisyon ng

mga Kalinga sa
Kabila ng Modernisasyon
Saturnina C. Uyad

Capital:

 Tabuk

Kabuuang Lawak:

 3,231.25 km2(1,247.59 sq mi)

Populasyon:

 212,680 katao
I.INTRODUKSYON

Kalinga ay isang walang baybayin na lalawigan ng Pilipinas sa Rehiyong


Pampangasiwaan ng Cordillera sa Luzon. Tabuk ang kapital nito at
napapaligiran ng Lalawigang Bulubundukin sa timog, Abra sa kanluran, Isabela
sa silangan, Cagayan sa hilagang-silangan, at Apayao sa hilaga. Bago ang
1995, dating isang lalawigan ang Kalinga at Apayao na pinangalang Kalinga-
Apayao, hanggang naghiwalay ang dalawa upang mapabuti ang serbisyo at
pangangailangan ng indibiduwal na mga katutubong tribo sa mga lalawigan.
Matatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig
sila sa makukulay na pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng
mga pampalamuting alahas sa buong katawan. Ang ibinibigay na dote para
sa ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon.

Isa sa mga pangunahing kabuhayan ng mga katutubong Kalinga ay ang


pagsasaka, at dahil na rin sa magubat at bulubunduking lugar dito, isa na rin sa
nagging kabuhayan nila ay ang pangangaso.

Ang mundong ating ginagalawan ay binubuo ng iba’t-ibang nasyon na


binubuo ng iba’t-ibang lahi na sya namang pinagbubuklod-buklod ng mga
aspetong tulad ng lengguwahe, kulay, itsura at higit sa lahat ay ang kultura.
Ang mundong ito ay biniyayaan ng makulay at mayabong na kultura mapa-
kanluranin man o sa asya. Bawat lugar sa bawat bansa ay may iba’t-ibang
kaugalian at tradisyon na kanilang ipinamamana sa bawat henerasyon na
dumarating. Lalong-lalo na dito sa ating sariling bansa. Ang kapuluan ng
Pilipinas ay binubuo ng 7,107 na pulo at sa kabila nito ang kapuluan na ito ay
pinangkat sa tatlong (3) pangunahing pulo; Luzon, Visayas at Mindanao. Dahil
sa napakaraming pulo dito sa Pilipinas ang mga sinaunang Pilipino ay
nagkaroon ng pagbubuklod at bumuo ng kanya-kanyang tribo na tinatawag
natin ngayon na mga pangkat etniko. Bawat pangkat etniko ay may kanya-
kanyang uri ng pananamit, pananalita at pati na rin ang kanilang kultura na
binubuo ng iba’t-bang kaugalian. Na naisalin sa bawat henerasyon hanggang
sa kasalukuyang panahon.
Isa sa mga tanyag na pangkat etniko dito sa bansang Pilipinas ay ang
pangkat ng mga Kalinga, na nagmula pa sa rehiyon ng Cordillera. Kabilang din
ang Kalinga sa mga pangkat etnikong may mayaman na kultura na patuloy
paring ginagawa sa kasalukuyang panahon. Kahit ang mga bagong
henerasyon ng pangkat ng kalinga ay patuloy pa ring isinasagawa ang mga
kultura at tradisyon na nakagisnan ng kanilang mga ninuno sa kabila ng
modernisasyon at sa kabila ng mga pananakop na nangyari sa ating bansa
noong unang panahon patuloy pa rin na nabubuhay ang kanilang mga
kaugalian. Kabilang sa mga tradisyon ng Kalinga na tatalakayin sa proyektong
ito ay ang kanilang mga kaugalian pagdating sa pagdadalang-tao,
pananampalataya, pag-aasawa,
pagbibinyag at ibang pang mga
kaugalian at pamahiin.

II. TRADISYON NG MGA KALINGA

A. PAGDADALANG-TAO

Ayon sa kanila kapag nagdadalang-tao ang isang babae, iniiwasan


nilang tumanggap ng panauhing mula sa ibang pook. Kung sakali namang
hindi maiiwasang magkaroon sila ng panauhin na taga- ibang bayan, ito'y
tinatanggapp nila sa ibang bahay. Ang tinatanggap lamang nilang mga
panauhin sa kanilang bahay ay ang kanilang mga kapitbahay. Hindi pwedeng
magtungo sa malalayong lugar ang asawa ng babae at kung maaari ay
mamalagi na lamang siya sa bahay. Ang dahilan ay naniniwala sila na kapag
nilabag nila ang mga ito, ang sanggol ay maaaring malaglag mula sa
sinapupunan ng ina. Kung sakali namang magtuloy ang pagdalang tao ng
babae, ang sanggol ay magiging masasakitin kung maisilang na: mahina ang
katawan, payat at maaaring tubuan ng mga sakit sa balat. Kapag ang isang
babae'y nagdadalang tao, kailangang iwasan niyang makipagusap sa isang
taong dayuhan sa kanilang lugar. Kung ang kanilang bahay ay malapit sa
lansangan, kailangan pansamantalang ilipat ito sa ibang lugar. kapag nilabag
nila ito, ang masasamang espiritu ay magdadala ng masamang kapalaran sa
kanya at sa janyang sanggol.
B. PAGAASAWA

Nagkakasundo na ang mga


magulang kahit na ang mga anak ay
bata pa. Lahat halos ng mga batang
Kalinga, kahit mga sanggol pa, ay may nakatakda nang mapapangasawa
pagdating ng araw. Dapat mas matanda nang kunti ang lalaki kesa sa babae
ng isa o dalawang araw. Maaari ring maganap ang pagkasundo ng mga
magulang habang nasa sinapupunan pa lamang ang mga anak. Ang
pagkakasundo ay tuluyan nang pinagtitibay kapag ang isinilang ng mga ina y
isang lalaki at isang babae. May mga pangyayari namang tinatanggihan ng
mga magulang ng babae ang pakikipagsundo ng mga magulang ng lalaki at
ang ibinibigay na dahilan ay baka hindi mabutihin ng kanilang anak ang
kanilang pakikipagsundo kung ang bata ay lumaki na.

C. PANANAMPALATAYA

Ang kinikilalang kataas-taasang diyos ay si


"Kabunyan", na minsan ay tinatawag na " Kadaklan" o "
pinakamakapangyarihan". Ang Kabunyan ay
nangangahulugan ng " Ang mga pag-aalay ay
ginagawa para sa kanya." Malaki ang kanilang
paniniwala sa mga gumagalang na espiritu kaya't si
Kabunyan ang hinihingan nila ng tulong sa lahat ng kanilang mga
pangangailangan. Sila'y nag-iiwan ng mga pagkaing katulad ng bigas, karne,
at saging sa kanilang mga taniman bilang handog sa kanilang diyos sa mga
espiritu.
D. PAGBIBINYAG

Ang mga kakanin ( palitaw sa Tagalog) ay iaayos na isa-isa sa dahon na


anyong hugis-dila. Ang mga puto ay ipamimigay sa mga kapitbahay at sa
malalapit na kamag-anak ng bata. Pagkaraan nito ay pag-
uusapan ang takdang araw ng seremonya. Sa nasabing
seremonya, ang apat na haligi ng tahanan ay tatalian ng
yantok upang makabuo ng titik "E" nangangahulugan ito ng
pagnanais ng naghahandog ng gabbok na magkaroon ng
maraming anak na pupuno sa apat na sulok ng bayan-
bayanan. Maglalagay rin sila ng mga putong patopat
(suman sa tagalog) sa mga basket at isasabit ang mga iyon
sa apat na haligi ng tahanan. Ang paglagay nito ay
nangangahulugan ng maraming pagkain sa isang banig sa
gitna ng kabahayan at ilalagay ang sanggol sa harap nila. sama sama silang
tatalukbungan ng isang magandang kumot.Ang mga magulang ay
pahaharapin sa dakong pintuan. nangangahulugan ang ganoon ng
pagnanais nilang laging susundan ang tuwid na landas. Apat na bigkis ng
palay ang ilalagay sa dakong likuran ng mag-anak. Maglalagay rin ng mga
baging ng halamang gumagapang at ng isang babasaging mangkok na
malapit sa tatlo. Magtatali rin sila ng isang baboy na buhay. sa gabbok may
isang matandang babae na papasok na siyang magsasagawa ng seremonya.
ang kanyang pagpasok ay sasabayan ng tugtog ng " Tongatong" isang
instrumentong ri sa kawayan na ginagamit ng mga Kalinga.

IBA PANG MGA KAUGALIAN AT PAMAHIIN NG MGA KALINGA

ANG PAGTANGGAP SA PANAUHIN

Ang kasunduan sa pag-aasawa


ay mayaman sa mayaman at mahirap
sa mahirap. Bihira lang ang mayaman
sa mahirap. Pagsapit ng mga lalaki at
babae sa gulang na sampung taon,
sila'y nahihiya nang matulog sa
tahanan ng kanilang mga magulang.
Isang bahay ang nagsisilbing
dormitoryo nila. Ang bahay ay tinatawag na "Obog", isang malaking
kaabalahan sa may-ari ng bahay ang pagtulog doon ng mga batang babae
ngunit hindi siya tumututol sapagkat kaugalian. dinadalaw ng mga lalaki ang
mga babae dito. inaawitan at kinukuwentuhan nila ang mga iyon. Ang may-ari
ng bahay ay siyang nangangalaga sa kapurihan ng mga babae. hindi sila
maaaring lumabag sa kagandahang asal. kapag naagaw ang pag-ibig ng
dalaga ng ibang lalaki, ang taong nagkasala ay hindi ang umagaw kundi ang
ipinagkasundong lalaki ng mga magulang nito, sapagkat wala siyang
kakayahang mapanatili ang pag-ibig ng babae sa kanya. Para sakanila,
magwagi ang tunay na lalaki at magbayad ang natalo. ang babayaran ng
natalong lalaki sa mga magulang ng babae ay ang halagang nagugol nila sa
handa nang tanggapin nila ang pamamanhik ng mga magulang ng lalaki.

MGA UGA-UGALI AT MGA PAMAHIIN NG KALINGA

Mataas ang
pagpapahalaga nila sa
kanilang karangalan
kaya't ayaw nilang sila'y
mapahiya. Iniiwasan
nilang makasugat ng
damdamin o sila'y
magdamdam kung ang
bagay na pag-uusapan
ay ang pagpili ng mapapangasawa ng kanilang anak. Kapag nagkasundo na
ang dalawang pamilya sa pagpapakasal sa kanilang mga anak, sila'y
nagpapadalahan ng mga regalong katulad ng karne, mga gulay mga
minatamis at diket (kalamay). Ang Diket ay nangangahulugan sa kanila ng
pagtitiyaga at katapatan. tuwing may handaan, sila'y laging nagpapadalahan
ng karne. Isang hitang kalabaw ang laging ipinadadala. Ang pagbibigay ng
karne ay isang matibay na bigkis na bumubuklod sa pagsasamahan ng mga
Kalinga. May mga magulang namang pinipilit ang kaniang anak na pakasalan
kahit walang pag-ibig sa isa't isa, inaasahan nilang maiibig din ng mga iyon ang
isa't isa sa pagkalipas ng panahon. Isang batas nila na kapag ang mag-
asawa'y hindi makasupling, sila'y dapat na maghiwalay. maaaring maging
dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa ay ang pagpapakita ng masamang
ugali ng babae sa mga kaanak ng lalaki at pagpapakita ng kagaspangang
ugali sa mga panauhin. Kapag naghiwalay ang mag-asawa, ang mga anak ay
sa piling ng ina maninirahan habang sila'y maliliit pa ngunit kung sumapit na sa
walo o siyam na taong gulang ang mga batang lalaki, sila'y paminsan-minsang
naninirahan sa piling ng ama. Mga uga-ugali mga pamahiin
III. KONKLUSYON

A. Pagbubuod

Maraming parte ang bumubuo sa pagkakailanlan ng mga Pilipino kasama na


rito ang daang libong tribo na kinakanlong ng ating bansa. Ang bawat isa ay
may sariling tradisyon at pangkat ng pamumuhay at bawat isa ay salamin ng
kaluluwang Pilipino. Ang mga kulturang nabanggit sa itaas gaya ng
pamamanhikan, pagkakasal, pagbubuntis, pagbibinyag at iba pa ay isa sa
kayamanang maituturing ng mga taga kalinga. Ang pangkat ng Kalinga ay isa
sa mga may pinakamayamang kultura sa lahat ng pangkat etniko sa ating
bansa na sya namang patuloy pa rin nilang pinapatunayan sa kasalukuyang
panahon.

B. Konklusyon

Kahanga-hanaga ang mga taga kalinga dahil sa kanilang pagsisikap na


mapanatili ang kanilang kulturang minana pa sa kanilang mga ninuno. Marahil
ay magpapatuloy pa ang pagyabong at pagpapaunlad nila sa kanilang
kultura sa paglipas ng panahon. Isa sa mga ito ay ang pagbibigay respeto sa
kalikasan na pinagkunan nila ng kanilang ikinabubuhay tulad ng pagkain at iba
pa. Isa pang pagkakakilanlan ng kalinga ay ang paghahain nila ng masarap na
kape bilang pagpapahiwatig na malugod ang kanilang pagtanggap sa
kanilang bisita. Sinasabing hango sa hayop na “peacock” ang kanilang
tradisyonal na kasuotan dahil sa makukulay nitong disenyo. Ang kasuotan ng
mga taga kalinga ay hango ang disensyo sa kagubatan. Karaniwang ang
naghahabi dito ay mga kabataan bilang paraan ng pagtratrabaho o
pagtulong sa kanilang magulang. Kilala sa pagtugtog ng instrumentong
“Gong” ang mga Kalinga na sumisimbolo naman ng kanilang pagkakaisa.
Maihahalintulad din ang iba sa kanilang mga tradisyon ang tulad ng Ifugao at
Aeta.

C. Rekomendasyon

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral iminumungkahi ang mga sumusunod


A. Magandang tangkilikin ang tradisyon ng mga kalinga kung ikaw ay open minded sa tradisyon
ng mga kalinga.

B. Kung nais mong maging dayuhan o maniharahan sa kalinga gumawa ng pananaliksik ukol sa
kanilang tradisyon para hindi maging mangmang o walang alam sa lugar na iyong pupuntahan
at para magkaroon ng malawak na kaalaman ukol sa lugar at tradisyon ng mga taga Kalinga.

You might also like