You are on page 1of 2

ANG TRADISYONAL NA SISTEMA NG KASAL AT LIGAW NG TRIBONG BLAAN

Kilala ang Tribong Bilaan sa kanilang poligamyang pamamaraan sa kasal, kung saan
pinapayagan ang isang lalake na mag-asawa ng higit pa sa isa. Ito ay katanggap tanggap at
kinikilalang tradisyon ng mga Bilaan. Sa kultura ng Bilaan, lamang sa panlipunang kalagayan
ang isang lalake kapag marami itong asawa. Pinapayagan lamang na mag-asawa muli ang isang
lalake sa kultura ng Bilaan kapag kaya niyang buhaying ang unang asawa at bagong
papangasawahin. Tinuturing na supeyor ang unang asawa kaysa sa ibang asawa.
Ang pamilya ng lalake ang siyang mismong humahanap ng inaasahang mapapangasawa
ng lalakeng anak. Hindi basehan ang edad sa paghahanap, maaring ipagkasundo ang isang lalake
o babae kahit sanggol pa lamang o hindi pa sila ipinapanganak ngunit maaaring kanselahin ang
kasalan kapag pareho ang kasarian ng mga inaasahang ikakasal. Ang kasunduang kasal ng mga
Bilaan ay dumadaan sa seryosong usapan ng dalawang pamilya. Hanggang sa pumayag ang
pamilya ng babae. Ededeklara naman ng Pinuno ng tribo na nag wagi ang lalake sa pagkamit sa
kamay ng babae. At sa tamang edad sila ay ipapakasal. Ang “Slolol-aban” o pagpapalitan ng
kumot ang sumisimbolo sa kasunduang kasal na magaganap. Matapos ma-edeklara, ang mga
hinahangad na “sunggod” o “dowry” ay dahan dahan na itong ibibgay ng pamilya ng lalaki.
Sa mga Bilaan, ang kasal ay maaring maging isang “Sadyandi”. Ang Sadyandi ang tawag
sa pag-aayos ng mga pagsasalungat sa dalawang partikular na pamilya o pag-bubuo ng matibay
na relasyon sa dalawang pangkat. Ang “Sadyandi” ay isang matibay na kasunduan ng dalawang
pamilya kung saan binibigyan nila ito ng malalim na kahulugan.
Pamilya ang pangunahing yunit ng isang lipunan na binubuo ng mga Bilaan. Mas mababa
ang panlipunang kalagayan ng mga babae kaysa lalake sa tribo. Halos alipin ng lalake ang babae
pag ikinasal na. Nangigibabaw ang lalake sa kultura ng mga Bilaan kung saan mag hihintay lang
ng utos ang mga kababaihan sa mga kalalakihan. Inaasahang ang mga kababaihan ang mamahala
sa mga gawaing bahay. Magsisikap namang suklian ng mga babae ang “dowry” na inihandog ng
mga lalake habang sila ay ipinagkakasundo pa lamang. Gayunpaman, patas pa rin ang babae at
lalake sa pag-aaruga ng kanilang anak.

SEREMONYA NG PAGPANAW
Pinaniniwalaan ng mga Blaan na tuwing may pumapanaw ay umaalis ang kaluluwa sa
katawang tao nito at pumupunta at nag tatagal sa mga paligid ligid. Tinawatawag nilang “kilot”
ang isang natural na pagpanaw. Tinatawag naman nilang “kayong” kapag sanhi ng tao ang
pagpanaw kasama na rito ang kulam o “barang”. Pag bata ang pumanaw, babalutin ito ng sariling
banig at ililibing sa isang duyan na ilalagay sa isang puno. Pag matanda naman ang tinatawag na
sufeng ang gagawin. Babalutin ang patay na katawan ng sarili nitong banig at ililibing sa gitna ng
isang malaking puno. At kung isang importanteng personalidad ng tribo ang pumanaw ito ay
ililibing sa bobung ng kaniyang bahay at babantayan ng mga gwardiya upang hindi manakaw ng
samkot mati isang nilalang na nag nanakaw ng patay na katawan.
Tufa Lam Eel ang tawag nila sa seremonyang gagawin para sa mga pumanaw. Ang
seremonya ay pinaghahandaan nila ng mga pagkain ang aktibidad. Ang lahat ng dadalo sa
seremonya ay aatasang kumuha at komolekta ng mga dahon ng Nama, Dahon ng puno ng Niyog
at Naben upang gamitin sa para sa pagkuha ng tubig. Ang layunin din ng seremonyang ito ay
upang tiyakin na hindi makakalimutan at patuloy na magkakaroon ng magandang pamumuhay
ang maiiwanang pamilya ng pumanaw. Ang seremonya rin ay pinaniniwalaang pantanggal ng
kamalasan dala ng kamatayan ng isang membro ng pamilya.
Bago ang pinal na pagpapahinga sa pumanaw, magbibilang ng siyam (9) na araw ang
pamilya upang ipagdiriwang ito at magbibilang ulit ng apatnapung araw upang ipagdiriwang ulit.
Ginagawa nila ito upang iwasan na mahulog ang pamilya sa sakit at malas na dala ng pagpanaw.

You might also like