You are on page 1of 10

“KASAYSAYAN AT KULTURA NG TRIBONG MARANAO:

TRADISYON NG KANILANG KASALAN”

Bilang Bahaging Katuparan sa mga Pangangailangan ng Asignaturang

FIL 101 – Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan

Ipinasa kay:

Dr. Cheryl P. Barredo

Guro sa Filipino

Ipinasa ng:

GROUP 3

Dinsuat, Asheh Al-Amiyr Gonzales, Pia

Eslao, Owen Josh Gonzales, Shayana Mae

Garcia, Lowela-Paz Hamja, Alfadzra

German, Enzo Icayan, Larry

Gerunda, Kristine Jean


TALAAN NG MGA NILALAMAN

CHAPTER I

1.1 Panimula -------------------------------------------------------------------- 1

1.2 Paglalahad ng Suliranin --------------------------------------------------- 2

1.3 Layunin at Kahalagahan -------------------------------------------------- 3

1.4 Batayang Konseptwal ----------------------------------------------------- 4

1.5 Saklaw at Limitasyon -----------------------------------------------------

1.6 Kahulugan ng mga Katawagan -------------------------------------------

CHAPTER II

2.1 Mga Kaugnayan na Literatura --------------------------------------------

2.2 Mga Kaugnayan na Pag-aaral ---------------------------------------------

CHAPTER III

3.1 Metodolohiya ----------------------------------------------------------------

3.2 Pagsusuri, Paglalahad, at Interpretasyon ---------------------------------

3.3 Paglalagom, Konklusyon, at Rekomendasyon ---------------------------

MGA SANGGUNIAN --------------------------------------------------------------


CHAPTER I

KALIGIRAN NG PANANALIKSIK

1.1 PANIMULA

Ang bansang Pilipinas ay isa sa mga malayang estado sa Silangang

Asya na binubuo ng 7,107 na mga isla. Ito ay may teritoryo na tinatatayang

higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado (sq. km) ang laki. Ang bansang ito ay

nahahati sa tatlong grupo ng mga pulo, ito ang Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ang bansang ito ay ipinangalan kay Prinsipe Philip (nang maglaon ay naging

Haring Philip II) ng España ayon sa pinasimulan ni Ruy Lopez de Villalobos.

Binubuo ang bansang Pilipinas ng mahigit sa isang daang pangakat etniko na

matatagpuan sa ibat-ibang bahagi nito.

Kabilang at iilan sa mga pangakat etniko na matatagpuan sa bahaging


Luzon ay ang mga Tagalog, Ilokano, Kapampangan, Bikolano, Aeta, Igorot,
Ivatan at Mangyan. Sa bahaging Visayas naman ay matatagpuan ang ilan sa
mga pangkat etniko tulad ng Cebuano, Waray, Ilonggo, Ati at Suludnon.
Matatagpuan din sa bahagi ng Mindanao ang iilan sa mga pangakat etniko
tulad ng Badjao, Yakan, B’laan, T’boli, Tausug, Bagobo at ang mga Maranao.
Ang mga Maranao o nangagahulugang “People of the Lake” sa wikang

Ingles ay isa sa mga malalaking grupo o pangkat etniko sa bansa na

nagpapakilala ng relihiyong Islam. Karamihan sa kanila ay matatagpuan sa

bahagi ng Lanao del Sur partikular na sa mga lugar ng Marawi City, Lumba-a-

1
bayabao, at Bayang. Matatagpuan din ang pangkat na ito sa bahagi ng Lanao

del Norte, sa ilang bahagi ng Pilipinas at maging sa ibang panig ng mundo.

Karaniwan sa kanila ay mga magsasaka at isa sa mga produkto nila ay palay,

mais at marami pang iba. Kilala din sila kanilang pagiging sopistikado sa

paghabi, paglilok sa kahoy, tanso, pilak at iba pa.

Ang Western Mindanao State University (WMSU) ay isa sa mga

pamantasan na kung saan ay maraming mag-aaral na magkaiba ang relihiyon,

paniniwala, kultura at pangkat etnikong kinabibilangan at isa na dito ang mga

Maranao. Kaugnay nito, nais at ikinagagalak ng mga mananaliksik na mapag-

aralan pa lalo ang kasaykaayan at kultura ng mga maranao. Kabilang na rito

ang kanilang bukod-tangi at sadyang kakaibang tradisyon ng kasalan o ang

pag-iisang dibdib o pag-aasawa.

1.2 PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Kasaysayan at Kultura ng


Tribong Maranao: Tradisyon ng Kanilang Kasalan” ay naglalayong linawin
ang maling perspektibo ng iba tungkol sa kanilang isinasagawang tradisyon at
sagutin ang sumusunod na mga suliranin:

Ang konseptong papel na ito ay particular na sumasagot sa mga tanong na


nasa ibaba:

1. Ano ang Tribong Maranao?

2
2. Paano nagsimula ang tradisyon ng kanilang kasalan?

3. Paano nila isinasagawa ang kanilang tradisyonal na kasalan?

4. Ano ang kahalagahan ng tradisyon na ito sa kanilang tribo?

5. Ano ang mga diskriminasyong kanilang natanggap ukol sa tradisyong

ito? Paano ito nakaka-apekto sa kanila?

1.3 LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng mga mananaliksik sa pagsasagawa ng nasabing


konseptong papel ay:

1. Tuklasin at ating alamin kung bakit nagkakaroon ng ganitong resulta o


epekto ng pagkakaroon ng ganitong klaseng kasalan sa mga Maranao

2. Tuklasin ang mga bagay na maaaring makaimpluwensiya sa mga


ganiong usapin

3. Maghatid ng sapat na kaalaman at impormasyon tungkol sa paraan ng


pagpapakasal ng mga Maranao

4. Alamin ang iba’t ibang salik at mga pangunahing kondisyon patungkol


rito.

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang pukawin ang


natutulog na isipan ng mga tao ukol sa paraan ng pagpapakasal ng mga
Maranao. Pangalawa, ay upang malaman din ang mga iba’t ibang kultura at
tradisyon na kanilang isinasagawa sa panahon ng pagdiriwang na ito. At
panghuli, ay upang maintindihan ng mga kung bakit ganito ang paraan ng
kanilang pag-iisang dibdib at maiba ang pananaw ng mambabasa ukol sa
kanilang mga tradisyon at kultura.

3
1.4 BATAYANG KONSEPTWAL

1.5 SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay nakatutok sa Kultura at Kasaysayan ng Tribong


Maranao sa partikular ang tradisyon ng kanilang kasal. Ang pangangalap ng
datos at impormasyon sa papel na ito ay kukunin namin sa mga RRL sa loob
ng internet. Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay hanggang lamang sa tradisyon
ng Tribong Maranao sa kanilang kasalan at hindi na isasama ang ilang
impormasyon na hindi nakahanay sa kanilang tradisyon. Sa ganitong
pamaraan ay malalaman ng kapwang maniniliksik ang mga tradisyon ng mga
Tribong Maranao sa kanilang kasalan.

1.6 KAHULUGAN NG MGA KATAWAGAN


CHAPTER II

MGA KAUGNAYAN NA LITERATURA AT PAG-AARAL

2.1 MGA KAUGNAYAN NA LITERATURA

MGA KONDISYON SA KASAL NG MGA MUSLIM: ANG


PAGKAKAIBA NG MUSLIM NA KASAL SA KATOLIKO

Ang relihiyon ng mga Muslim na tinatawag na Islam, ay ang sanhi ng


pagkakaiba ng mga kondisyon sa kasal ng mga katoliko. Una sa lahat,
nakasulat sa Qur’an na ang bata na hindi pa nagbibinata o ang bata na binata
na ay maari na pakasalan. Ito ay isang halimbawa na malayo na ang
pagkakatulad ng kasal ng Muslim sa kasal ng mga Katoliko. Gayon pa man,
may pagkakataon naman gawing sibil ang kanilang kasal katulad ng mga
Katoliko. Ayon sa terminolohiya ng Islam, tinatawag nilang nikah ang
kanilang pagkakasal. Ang nikah ay pwede gawing sibil lamang kung
mayroong silang patunay na nakasulat. Itong patunay na ito ay ang kanilang
kontrata sa kanilang nikah. Talagang nakakatulong ang kontrata sa sibil na
nikah dahil ito ay humahadlang sa mga sagabal na kumokontra sa nikah ng
mag-asawa.

ANG PAG-AASAWA SA ISLAM

May mga kondisyon sa kasalan ng mga muslim. Una na dito ang


pagiging dalisay ng isang babae. Ang mga babae ay hindi pa dapat nagagalaw
bago matuloy ang seremonya ng kasalan. Higit pa rito, ang babaeng
mawawalan ng kanilang kalinisan ay malabo nang mag-asawang muli.
Pangalawa ay dapat ay may abiso o permiso ng mga magulang ng ikakasal.
Pangatlo ay ang tinatawag nilang “Mahr”, o dote ng lalaki bilang isang regalo
sa babaeng ikakasal na magiging isang pag-aari ng babae para sa sekyuridad
ng kanilang kasal. Ito ay maaaring pera, ginto o lupa. Kapag hindi naman
nagbigay ang lalaki, ito ay magiging utang kahit na sila ay maghiwalay o
hindi. Pang-apat, ang magpapakasal o ikakasal ay maaring sumailalim sa
“Prenuptial Contract Conditions” kung saan ang ikakasal ay pwedeng maghati
sa kanilang mga ari-arian hanggat ang bawat isa ay nagkakasundo at
sumusunod sa mga batas ng Islam. Panghuli, dapat ay may dalawang
matatanda o nakakatanda na tetestigo at pagpapatunay na sila ay ikakasal
(wikacoolgroup, 2014).

2.2 MGA KAUGNAYAN NA PAG-AARAL

PAG-AASAWA NG MGA MUSLIM.

Ayon kay Arce A., et.al (2014) ang mga Muslim ay naniniwalang ang
tradisyonal na kultura ng pag-aasawa nila ay nakabubuti sa kanila sapagkat
nakasisiguro silang magkakaroon sila ng magandang kinabukasan sapagkat
ang pinipili ng kanilang mga magulang ay ang mga may pera at
makapangyarihan. Isa pang kabutihan pagdating sa pag-aasawa ng mga
muslim ay, ang lalaki at ang mga magulang ng kanyang magiging asawa ay
nagkakaroon ng magandang kasunduan na tutuparin niya ang kanyang
tungkulin sa kanyang asawa. Kahit na hindi sila mismo ang nakakapagpili sa
kanilang magiging asawa, hindi na sila nagrereklamo sapagkat tanggap na
nilang ganito ang kanilang tradisyon at dapat nila itong respetuhin.
CHAPTER III
PAMAMARAAN

3.1 METODOLOHIYA

3.2 PAGSUSURI, PAGLALAHAD, AT INTERPRETASYON

3.3 PAGLALAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON


MGA SANGGUNIAN

 https://www.officialgazette.gov.ph/about/ang-pilipinas/.

 https://www.zenrooms.com/blog/post/pangkat-etniko-sa-pilipinas/.

 https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-profile/glimpses-
peoples-of-the-philippines/maranao/.
 KAYAMANAN_AT_KALINANGAN_PAG_AARAL_NG_SIBILIS
ASYON_NG_MARANAO_NG_GRADE_11_ABM_SA_XAVIER_U
NIVERSITY_SENIOR_HIGH_SCHOOL_Isang_Papel_Pampanaliksi
k_Na_Iniharap_sa_Mga_Kaguruan&h=AT3GYfxzn-

You might also like