You are on page 1of 1

“Pagsusuri ng mga Paniniwala at Kaugalian ng mga Maranao sa Mindanao”

Maraming mga paniniwala at mga kaugalian na makikita sa Mindanao. Isa na rito ang tribong Maranao,
ang tribong ito ay isa sa pinakasikat at pinakamalaking tribo ng mga Muslim na makikita sa pilipinas. Ang mga
Maranao ay unang naninirahan sa kabundukan, pero ang impluwensya nito ngayon ay kumalat na hanggang sa
mga tao sa baybaying lugar. Madami silang mga kaugalian at mga paniniwala na kanilang sinusunod mababasa
sa mga artikulo na nasa baba ang mga ito, at kung bakit ito ay mahalaga sa kanila.
Ayon sa artikulo na isinulat ng Bangsamuro Information Office isang website na nag lalaman ng
impormasyon ukol sa mga Maranao, isa sa mga paniniwala ng mga maranao ay ang sarimanok. Ang sarimanok
ay simbolo ng mga maranao na nag pepresenta ng magandang kapalaran at kasaganahan, ito rin ay isang
mahalagang trademark sa kanilang anyo ng sining. Ang tradisyonal na kasuotan ng mga Muslim na kilala bilang
"Malong" ay isang malaking, makulay na telang pinagdikit-dikit na ginagamit na pangbalot sa katawan.
Karaniwan itong sinusuot ng mga kababaihan sa baywang na may nakalapit na itaas na dulo sa kaliwang braso.
Samantala, ang mga kalalakihan ay ginagamit itong palda na nakapaligid sa baywang. Ang Malong ay maaari
ring magamit sa iba't ibang paraan depende sa pangangailangan ng tagasuot, tulad ng paggamit nito bilang
amerikana, kappa, kumot, o payong. Ang mga Maranao at Maguindanao ay naglalagay din ng "arbita" o blusa
sa ibabaw ng Malong. Naging kaugalian na din ng mga maranao sa kanilang mga pagdidiriwang ang
pagsasayaw, ang sayaw ng mga maranao ay ginagawa ng mga Darangen, isang sinaunang epiko ng pamayanan
ng Maranao na mahusay na naitanghal sa mga pagdiriwang at okasyon para sa libangan. Nabibilang ang mga
sayaw na Kapmalo-malong, singkil, at kapagapir-apir.
Base namn sa artikulong inilagay sa website na Slideshare na isinulat ni KNNN Cybercafe, mayroong
malalim na paniniwala at kaugalian na tumutukoy sa kanilang relihiyon, pamilya, kasaysayan at tradisyon,
edukasyon, paggalang sa nakatatanda, pagpapahalaga sa kalikasan, at Maratabat. Ang pagpapahalaga sa mga
ito ay nagbibigay ng kahalagahan sa pagpapakita ng dangal at pagkamaginoo ng bawat miyembro ng
komunidad upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa sa kanilang lipunan. Ang pagpapahalaga sa
edukasyon ay isa sa mga mahahalagang tunguhin ng mga Maranao upang magkaroon ng magandang
kinabukasan at magamit ang kanilang kagalingan sa iba't ibang larangan. Ang Maratabat ay nagpapakita ng
kahalagahan ng pagiging matapat, mapagmahal, at mapagpakumbaba upang mapanatili ang dangal at
integridad ng bawat miyembro ng komunidad.
Sa kabuuan, mahalaga na igalang at bigyang halaga ang mga kultura at paniniwala ng bawat pangkat ng
tao, kabilang ang mga Maaranao sa Mindanao. Sa kabila ng mga pagbabago sa mundo at pagkakaroon ng
modernong teknolohiya, patuloy pa rin ang pagpapahalaga ng mga Maranao sa kanilang kultura at paniniwala.
Ito ay nagpapakita ng kanilang pagkakaisa bilang isang pangkat-etniko at ng kanilang kagustuhang mapanatili
ang kanilang kulturang mayaman sa tradisyon, maliban din sa mapanatiling mayaman ang kanilang kultura,
mahalaga din ang pagkakaisa at pagkakaintindihan upang magkaroon ng kapayapaan at maunlad na
pamayanan sa Mindanao.

Mga referensya:
https://www.scribd.com/473786512/Ang-mundo-ng-maranao#
https://www.scribd.com/document/429109425/
fbclid=IwAR3AKsN19UVtjckQORtSSqYNuNBlcy3oRlOquF3UOl-3Oms-A6ixNChubmQ
https://www.livinginthephilippines.com/culture-and-people/philippine-culture/culture-and-traditions/
1287-maranaos-culture-customs-and-traditions?
fbclid=IwAR0amJrqL2G874avUEbXf4B0LULfxPRuIUGRnaL4LBxh6nr6Zb2q12g1zoE
https://bangsamoro.gov.ph/news/latest-news/sarimanok-rising-the-colorful-culture-of-maranaos/?
fbclid=IwAR155QX7BHZX5Ch7F_ldZlohb2OUBANzwxhB0sKubhH--c3_deZ1fWoNj_4

Mga Meyembro
Rhyl Chardjen Rendon
Ashley Shannete Nuer
Dainy Rose Fuerte
Shielle Ann Dejongoy
Alexa Amery Sequina
Conrado Crisostomo

You might also like