You are on page 1of 14

POSAKA AGO RAWATEN: BAOR NG LITERATURA AT KULTURANG

MERANAW
Monaimah Gubat-Manabilang
manabilangmonaimah@yahoo.com
Iligan Institute of Technology

Abstrak

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagkilala sa materyal at di-materyal na kultura ng


mga Meranaw sa bayan ng Tugaya na siyang kilala bilang“Home of the Arts and Craft of the
Maranao Tribe”.Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang materyal na kultura
ng mga Meranaw sa pamamagitan ng pag-alam sa mga katawagan nito at tuklasin ang mga
literatura sa likod ng bawat obra,at alamin ang mga rawaten o katumbas na objek nito sa
kasalukuyang panahon.Ang pamaraang ginamit sa pag-aaral na ito ay indehinus o
pangkatutubo at purposive sampling sa pangangalap ng datos kasabay ang pag-iinterbyu
kasama ng mga talatanungan upang matiyak ang kasiguraduhan ng nakalap na datos,at
palarawan o deskriptibo naman sa pagtalakay ng mga datos.Sa mas maraming pagkakataon,
kukuhanan ng mga larawan ang aktuwal na materyal na kultura na pokus ng pag-aaral.
Natuklasan ng mananaliksik na napakayaman ng mga Meranaw sa materyal at di-materyal na
kultura sa bayan ng Tugaya.Nariyan ang mga obrang gawa sa kahoy,metal at telang
representasyon ng kanilang iniingatang kultura.Mayroong (18) gawa sa kahoy,(15) gawa sa
metal, at (12) gawa sa tela ang nabigyan ng katawagan at pagpapaliwanag.Mayroong (7) na
kwentong nakalap at mayroong rawaten o katumbas ang mga ito sa kasalukuyang panahon.
Pagpapatunay na ito’y nagpapakita ng kanilang pagmamahal at pagpreserba para mapanatili
ang kanilang kultura na siyang pagkakilanlan bilang isang Meranaw,Hindi maipagkakaila na
sa paglipas ng panahon ay iniaangkop din ng mga tagalikha ng obra ang kanilang gawa sa
hinihingi ng kasalukuyang panahon.

Mga susing salita: Meranaw, Posaka, Rawaten, Baor


1. Introduksyon

Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang tribo na naninirahan sa alinmang sulok ng


Luzon, Visayas at Mindanao. Ilan sa mga etnikong grupong ito ay ang mga Cebuano,
Tagalog, Ilokano, Ilonggo, Samar, Pampango, Pangasinan, Maguindanao, Tausug, at
Meranaw. Ang bawat tribong ito ay may kanya-kanyang mga kaugalian at paniniwala na
namana pa nila sa kanilang mga ninuno na bahagi na ng kanilang mga kultura. Isa na rito ang
tribong Meranaw na mula’t sapul ay kakikitaan ng pagpapahalaga sa kanilang kultura maging
ito man ay materyal o di-materyal.
Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at
sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa mga paniniwala, tradisyon, uri ng
pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-uugnay sa kanila at nagpapatibay sa bigkis ng
pagkakaisa na siyang nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian,
at adhikain. Ang bawat tao ay may kinabibilangang kultura na siyang kinalakhan niya at
nagtuturo sa kanya sa mga papel na dapat niyang gampanan sa lipunan at kung paano niya ito
maisasagawa sa pamamaraang maituring na kanais-nais. Higit sa lahat ang kulturang ito ang
kanyang sandigan at gabay sa kanyang paglalakbay tungo sa makabuluhang buhay(Martir,
2001). Malawak ang sinasaklaw ng pag-aaral tungkol sa kultura— kabilang dito ang
kaalaman, saloobin, paniniwala, sining, at kaugalian ng taong kabilang sa isang
grupo.Bahagi na ng kulturang Meranaw ang pagpapahalaga sa alinmang materyal na
kagamitang may simbolong itinatangi sa kanilang pangkat . Ang pagpapahalagang ito ang
nagsisilbi nilang pananggalang upang hindi maitakwil kung anuman ang nakasanayang
kaugalian, paniniwala kahit pa ang tribong ito ay nakikisabay din sa pagbabago ng
kapaligiran.
Ang mga materyal na kulturang Meranaw ay mababakas pa rin sa kasalukuyan bilang
simbolo ng kanilang sariling pagkakakilanlan. Ang mga materyal na kulturang ito ay
kinabibilangan ng torogan, kampilan, baor, landap, balod, ampas, mamandiyang, langkit,
gador, monara, tabak, lutuan at iba pang materyal na kagamitan na siyang nagpapakita ng
kanilang tunay na pagkakakilanlan. Ang mga kagamitang ito ay ginagamit nila sa iba’t ibang
okasyon.
Sa kapuluan ng Mindanao, sa lalawigan ng Lanao del Sur ay naninirahan ang
maraming Meranaw na masasabing nagpapahalaga sa kanilang sining. Sa lalawigang ito
matatagpuan ang Munisipalidad ng Tugaya na kabilang sa ikaapat na antas ng Munisipalidad
na lalawigan ng Lanao del Sur na nasa ilalim ng Autonomous Region in Muslim Mindanao
(ARMM). Ang munisipalidad ng Tugaya ay binansagang “ Home of the Arts and Craft of
the Maranao Tribe” at “ Industrial Capital of Lanao del Sur”. Naging nominado rin ang
bayang ito ng National Commission for Culture and the Arts sa “World Heritage Site” dahil
sa mga gawa nilang sining. Karamihan sa mga gamit o tradisyunal na gamit ng mga
Meranaw ay dito nanggagaling.
Bilang isang kilalang lugar ng mga Meranaw ay tinagurian din itong kaban ng mga
antigong kagamitan ng mga Meranaw, na kakikitaan hanggang sa kasalukuyan ng
pagpapahalaga sa mga materyal na kagamitang Meranaw. Ito’y makikita sa kanilang mga
materyal na kultura na gawa sa ibat’t ibang uri ng kahoy, metal at tela. Ang patuloy na
paggawa ng mga materyal na kulturang ito ng mga taga-Tugaya ay nangangahulugan ng
patuloy na pagtangkilik sa mga nakaraang materyal na kagamitan ng mga ninunong Meranaw
bilang simbolo ng kanilang kultural na pagpapahalaga. Nariyan ang halimbawang materyal
na kultura na gawa sa kahoy— sarimanok, baor, Meranao padao, torogan, gador, debakan,
tabo, tidora at sekir. Halimbawa naman na gawa sa metal ay ang lutuan, kolintang, layla,
agong, kampilan, at ang halimbawa ng materyal na kultura na gawa sa tela ay ang balod,
landap, ampas, mamandiyang, payong a dadakatan, at langkit. Isa sa pagkakilanlan ng mga
Meranaw ay ang kanilang mga materyal na kultura na makikita ngayon sa iba’t ibang lugar
sa Pilipinas at maging sa ibang bansa dahil sa taglay nitong kagandahan at kakaibang
disenyo. Makikita sa mga ilang mananayaw sa ibang bansa na suot suot nila ang mga
malong-landap at siko-siko na nagsisilbing pagkakakilanlan na sila ay mula sa Mindanao at
nabibilang sa tribong Meranaw.

1.1 Paglalahad ng Suliranin


Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ang alamin ang tungkol sa kultura ng mga
Meranaw sa Munisipalidad ng Tugaya sa pagkilala ng kanilang mga materyal na kultura at
ang literatura sa likod ng mga objek na sumasalamin sa kanilang identidad bilang isang
Meranaw. Ang mga tiyak na katanungan sa ibaba ang magiging basehan ng mananaliksik sa
pagkuha ng mga datos upang matugunan ang kahingian ng pag-aaral.
1.2.1 Ano-ano ang iba’t ibang katawagan sa mga materyal na kultura ng mga
Meranaw sa Tugaya batay sa sumusunod na kategorya:
1.2.1.1 materyal na kultura na gawa sa kahoy
1.2.1.2 materyal na kultura na gawa sa metal
1.2.1.3 materyal na kultura na gawa sa tela
1.2.2 Ano-ano ang literaturang nakapaloob sa mga materyal na kultura?
1.2.3 Ano ang Rawaten nito sa kasalukuyang panahon ?

1.2 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Gabay ng kasalukuyang pag-aaral ay ang suliranin at layunin ng pag-aaral, saklaw
nito ang Posaka o mga materyal na kultura tulad ng gawa sa tela, metal at kahoy na
matatagpuan sa munisipalidad ng Tugaya , Lanao del Sur,
Ang mga materyal na kultural na matatagpuan sa Munisipalidad ng Tugaya ang
pinagkunan ng mga datos, sa tulong ng mga Meranaw na kasalukuyang naninirahan sa
nasabing lugar ay magiging madali sa mananaliksik ang pag-alam sa mga natatanging
impormasyong may kaugnayan sa mga nasabing materyal na kultura. Ang munisipalidad ng
Tugaya Lanao del Sur ang siyang sentro ng gagawing pag-aaral ng mananaliksik. Ang
Posaka ng Tugaya bilang simbolo na materyal na kultura na siyang representasyon ng mga
rawaten ng makabagong materyal na kultura.
1.3 Batayang Teoretikal
Inilalahad sa bahaging ito ang mga teoryang gagamitin na batayan sa pag-aaral.
Ibinatay sa mga sumusunod na teorya ang gagawing pagsusuri at pag-alam sa kultura ng mga
Meranaw mula sa kanilang materyal na kultura.
Ang cultural studies ay isang inobatibong interdisiplinaryong larangan ng
pananaliksik at pagtuturo na nagsisiyasat sa mga paraan kung paanong nililikha at binabago
ng kultura ang karanasang pang indibidwal, pang-araw-araw na pamumuhay at panlipunang
ugnayan at kapangyarihan.
Malinaw na ipinahayag ng teoryang cultural studies na may malaking kaugnayan
ang kultura sa panag-araw-araw na pamumuhay ng isang tao. Mula sa pag-aaral sa mga
materyal na kultura ng munisipalidad ng Tugaya, masasabing nagiging bahagi na ng kanilang
pang-araw-araw na pamumuhay ang paggawa ng mga materyal na kultura na siyang
nagpapakita ng pagpapahalaga sa kanilang kultura.
Malaki din ang kaugnayan ng pag-aaral ng kultura ang teoryang cultural relativism,
ito ay tumutukoy sa pag-unawa at pag-iintindi sa kultura ng ibang grupo. Ito rin ang pag-iisip
na ang lahat ng kultura ay pare-pareho, walang imperyor at walang superyor, maging ang sa
mga kagamitan nito at sa bawat kultural na gawain. Ang cultural relativism ay isang
pananaw na binibigyang pansin ang pagtanaw sa sariling kultura bilang isang natatangi na
kung saan nagpapalagay na walang isang unibersal na pamantayang maaaring gamitin upang
husgahan ang pamamaraan at paniniwala ng sinuman o ibang kultura. Ayon sa isang
antropolohistang si Frans Boast (1896) cultural relativism is the principle that an
individual human beliefs and activities should be understood by others in terms of that
individual’s own culture. Ayon sa kanya ang bawat indibidwal ay kailangang igalang, at
bigyang importansiya ang bawat isa na may kanya-kanyang paniniwala na sinusunod bilang
tugon sa kanilang pinaniniwalaang kultura.
Sa pag-aaral ng lipunan at kultura, hindi ito magiging kumpleto kung hindi isasama
ang materyal at di-materyal na kultura ng bawat tribo. Bawat lahi ay nagpapahalaga sa
kanyang kulturang sinusunod, kasa-kasama sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa ibang
tao.. Ang mga nabanggit na pagdulog at pananaw ang siyang pagbabatayan ng pag-aaral.
May sariling kulturang pinaniniwalaan ang mga Meranaw na siyang pagkakakilanlan ng
kanilang lahi. Upang lubos na maunawaan ang kanilang kultura ay binigyang-pansin ang isa
sa mga pinahahalagahan nila, ang kanilang materyal na kultura. Mula sa pahayag na ito ay
nilalayong intindihin ang kulturang Meranaw.
Sandigan ng pag-aaral na ito ang mahigpit na relasyon ng kultura at materyal na
kultural at/o mga bagay na may malaking kaugnayan dito. Pinaniniwalaan ng mga Meranaw
na umiikot ang kanilang buhay sa paglikha ng kanilang mga materyal na kultura. Sa lahat ng
mga okasyon na kanilang idinaraos ay mayroong makikitang produkto nila na nakapalamuti
sa pinagdarausan ng okasyon, o kaya ay suot-suot ng mga taong dumalo sa nasabing
okasyon, at kaakibat nito ang kanilang nasabing kultura.
Dahil dito, ay lubos na pinaniniwalaang malaki ang maitutulong ng pagsusuri ng
kanilang materyal na kultura sa pag-unawa ng kulturang Meranaw.
1.4 Batayang Konseptuwal
Sinasabing kaakibat na ng bawat indibiduwal ang kulturang kanyang nakagisnan o
nakasanayan. Sa bawat pag-aaral sa kultura ng bawat pamayanan ay hindi maiiwasang hindi
kilatisin ang mga materyal na kulturang napapaloob sa kanilang pamayanan. Tulad ng pag-
aaral sa pamayanan ng Tugaya, ang mga materyal na kulturang napapaloob dito ay patuloy na
tinatangkilik at pinahahalagahan ng mga mamamayan nito.

MATERYAL NA KULTURA SA TUGAYA

Gawa sa Kahoy
Gawa sa Metal
Gawa sa Tela

Materyal na Literaturang Rawaten nito


Katawagan Napapaloob sa sa
Bawat materyal Kasalukuyang
na Kultura Panahon

Figyur 1. Eskima ng Paradaym ng Pananaliksik

Makikita sa iskima ng paradaym ng pag-aaral ang isang buong kahon na


nagrerepresenta ng lipunang Meranaw sa Tugaya. Ito’y nangangahulugang ang pag-aaral ay
umiikot lamang sa pamayanang Meranaw. Makikita sa loob ng kahon ang isa pang kahon na
kinapapalooban naman ng mga kategorya ng mga materyal na kulturang matatagpuan sa
munisipalidad ng Tugaya. Mula sa kategoryang ito ay titingnan isa-isa ang mga katawagan
sa mga materyal na kulturang ito upang maiugnay ito sa kanilang kulturang nakagawian.

Mula sa katawagnag ito ay titingnan at aalamin din ng mananaliksik ang mga


kuwentong napapaloob sa bawat posakang kanilang pinapapahalagahan. Naniniwala ang
mananaliksik na sa pagtukoy sa bawat kuwentong napapaloob sa mga materyal na kulturang
ito ay malaki ang kaugnayan sa mga kilos at gawi ng mga mamamayan ng nasabing lugar
sapagkat ito ay nagpapahayg ng kanilang mga paniniwala at tradisyon.

Dala ng pagbabagong nagaganap sa kasalukuyan at sa lipunang ginagalawan


ng mga tao partikular ng mga mamamayan sa Tugaya ay aalamin din ng mananaliksik kung
ano ang naging rawaten ng mga posakang ito sa kasalukuyang panahon. Ang paggawa ng
mga materyal na kultura bilang rawaten ng mga posakang Meranaw sa Tugaya ay kinakitaan
ng malaking kaunlaran sa buhay ng mga mamamayan ng nasabing lugar.

Sa kabuuang paglalahad ng paradaym ng pag-aaral ay masasabing ang


lipunang Meranaw sa Tugaya ay hitik sa mga posakang materyal na kulturang namana pa sa
kanilang mga ninuno. Dala ng pagbabagong nagaganap sa lipunan ay kanila itong ginaya at
tinawag na rawaten mula sa orihinal na anyo nito.

2. Metodolohiya ng Pag-aaral
Ang pamaraang ginamit sa pag-aaral na ito ay indehinus o pangkatutubo at purposive
sampling sa pangangalap ng datos kasabay ang pag-interbyu kasama ng mga inihandang
talatanungan upang matiyak ang kasiguraduhan ng nakalap na datos, at palarawan o
deskriptibo naman sa pagtalakay ng mga datos. Ginamit din ng mananaliksik ang tseklist para
malaman at matukoy ang mga materyal na kultura nila at ang rawaten nito sa kasalukuyan.
Kinalap din ang mga kinailangang impormasyon sa pamamagitan ng personal na
pakikipanayam sa mga mismong gumagawa ng mga materyal na kultura at ang mga
mamamayan sa lugar ng Tugaya , Lanao del Sur. Sa mas maraming pagkakataon, kinuhanan
ng mga larawan ang aktuwal na materyang kultural na pokus ng pag-aaral, kasama na ang
tagalikha nito.

2.1 Demograpikong Katayuan ng Lugar


Ang gagawing pag-aaral ay isasagawa sa bayan ng Tugaya, lalawigan ng Lanao del
Sur sa kapuluan ng Mindanao. Dito naninirahan ang maraming Meranaw na masasabing
nagpapahalaga sa kanilang sining. Sa lalawigang ito matatagpuan ang Munisipalidad ng
Tugaya na kabilang sa ikaapat na antas ng Munisipalidad na lalawigan ng Lanao del Sur na
nasa ilalim ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Mas kilala sa tawag na “
Gurain” at pinalitan ito ng Tugaya. Ang salitang Tugaya ay mula sa salitang Maranao na “tu”
na ang ibig sabihin ay “paglaki” at ang “gaya” ay nangangahulugang “maunlad”. Ayon sa
sensus, ang bayan na ito ay may populasyong 20,139 katao sa 2,391 na mga kabahayan. May
lawak itong 4,028 na ektarya 0 40.08 kilometro kwadrado. Nahahati ito sa dalawamput-
tatlong (23) mga barangay. Ito ay ang Bago a Ingud, Bubong, Buadi Alawang, Buadi Dico,
Gurain, Ingud a Poblacion, Lumbac, Maidan, Mapantao, Pagalamatan, Pandi a Ranao,
Pindolonan I, Pindolonan II, Putad, Raya, Sugod I, Sugod Mawatan, Sumbaga a Rogong at
Tangcal. Ang mga barangay Sugod I, Ingud Poblacion, Dilimbayan at Tangcal ay magagaling
sa paglililok, samantalanag ang barangay ng Lumbac, Bubong, at Pandi a Ranao ay sila ang
gumagawa ng mga obrang gawa sa metal, at ang barangay Lumbac ay magaling sa
paghahabi ng tela.
Ang Munisipalidad ng Tugaya ay binansagang “ Home of the Arts and Craft of the
Maranao Tribe” at “ Industrial Capital of Lanao del Sur”. Naging nominado rin ang bayang
ito ng National Commission for Culture and Arts sa “World Heritage Site” dahil sa mga gawa
nilang sining. Karamihan sa mga gamit o tradisyunal na gamit ng mga Meranaw ay dito
nanggagaling.
Figyur 2. Mapa ng Tugaya
3. Resulta ng Pag-aaral
Batay sa masusing pag-aanalisa sa mga datos ay natuklasan ng mananaliksik ang mga
sumusunod na resulta ng kasalukuyang pag-aaral.
3.1 May materyal at di-materyal na kultura ang mga Meranaw sa Tugaya na binubuo sa
tatlong kategorya, gawa sa kahoy, metal at tela.
3.2.1 Natuklasan ng mananaliksik na mayroong (18) labing walong materyal na kultura na
gawa sa kahoy ang siyang nabigyan ng katawagan at gamit, ito ay ang mga sumusunod:
1. Baor
2. Tabo
3. Gador
4. Apag
5. Kantir
6. Layla
7. Sikir
8. Pay-raan
9. Debakan
10. Sarimanok
11. Kabo
12. Niyaga
13. Gantang
14. Lamisa-an
15. Padaw
16. Lesong
17. Ndo
18. Langkongan

3.2.2 Sa kategoryang gawa sa metal ay mayroong nakalap na (15) labinlimang materyal na


kultura na siyang nabigyan ng katawagan at gamit, ito ay ang mga sumusunod:
1. Lotowan
2. Agong
3. Gador
4. Layla
5. Kolintang
6. Kampilan
7. Diyokit
8. Bintang
9. Panalagadan
10. Pophoga
11. Towanga
12. Talam
13. Tabak
14. Doda-e
15. Koden a galang

3.2.3 Sa kategoryang gawa sa tela ay mayroon (12) labindalawang materyal na kultura ang
siyang nabigyan ng katawagan at gamit, ito ay ang mga sumusunod:
1.Landap
2.Siko-siko
3.Riyal
4.Mamandiyang
5.Ampas
6.Payong a dadaketan
7.Balod
8.Lankit
9.Likhot
10.Dempas
11.Bermoda
12.Tobaw

3.3 Sa kabuuang (45) apatnapu’t limang mga materyal na kultura na gawa sa kahoy, metal at
tela ay mayroong (7) pitong kwentong bayan nakapaloob ang kasalukuyang nakalap ng
mananaliksik .
3.4 Ang mga kwentong bayang nakalap ay ang mga sumusunod:

(1) Si Pilandok at ang Baor


(2) Ang higaan ng Sultan na tinatawag na kantir
(3) Si Bago a Raga at ang Palaka
(4) Ang nakabibinging tunog ng tabo
(5) Si Bago a Raga at si Kokok
(6) Ang mag-asawang si Mama at Babay
(7) Ang maliit na barko ng Sultan na tinatawag na Niyaga.

3.5 Ang mga posaka na mayroong rawaten sa kasalukuyan ay binubuo ng (25) dalawampu’t
lima, ito ay ang mga sumusunod:
1.Tabo
2. Baor
3.Gador
4.Apag
5. Layla
6. Sarimanok
7. Gantang
8. Lesong
9. Ndo
10. Lotowan
11. Kolintang
12. Agong
13. Kampilan
14. Diyokit
15. Panalagadan
16. Pophoga
17. Talam
18. Tabak
19. Doda-e
20. Mamandiyang
21. Malong a landap
22. Balod
23. Ampas
24. Payong a dadaketan
25. Lankit,

4. Konklusyon at Rekomendasyon

Batay sa natuklasang mga impormasyon, narito ang mga naging konlusyon ng pag-
aaral:
4.1 Mayaman sa materyal at di-materyal na kultura ang mga mamamayang Meranaw sa
bayan ng Tugaya kaugnay sa kanilang mga obra.
4.2 Ang paggawa ng rawaten sa kanilang mga posaka ay isang natatanging
paraan ng pagpapanatili ng kanilang materyal na kultura na minana pa mula sa
kanailang mga ninuno.
4.3 Patuloy pa rin nilang pinahahalagahan ang kanilang mga materyal na kultura dahil
maging ang kabataan ay marunong at magaling maglilok ng okir na siya nilang
identidad bilang isang Meranaw.
4.4 At dahil sa nakita nilang mayroong kabuhayan sa mga materyal na kultura na
kanilang ginagawa ay kanila itong dinibelop at ipinagpatuloy ang paggawa at
pagpapaganda sa mga disenyo nito.
4.5 Kahit may mga mamamayan ng Tugaya ang hindi nakapag-aral ay hindi ito hadlang
para hindi sila mabuhay dahil magaling sila lumilok at gumawa ng mga obra.
4.6 Hindi maipagkakaila na sa paglipas ng panahon ay iniaangkop din ng mga tagalikha
ng obra ang kanilang gawa sa hinihingi ng kasalukuyang panahon, kaya nakikita natin
ang mga disenyo ng kanilang mga gawa ay may impluwensya ng makabagong
disenyo na siyang nilang ipinagmamalaki.
4.7 Sa dahilang mahirap makahanap ng kahoy na Narra na siyang pinakamagandang
kahoy na gagamitin sa mga materyal na kultura ay gumamit sila ng ibang kahoy
katulad ng Basodan, Mangga, Nangka na siyang madali nilang nakikita sa kanilang
lugar at sa kalapit na bayan.
4.8 sapagkat hanggang sa kasalukuyan ay bahagi pa rin ng kanilang kabuhayan ang
produksyon ng kanilang mga materyal na kultura, nagsisilbi itong patunay ng
kanilang pagpapahalaga at pagpepreserba sa natatanging kulturang ito na nagsisilbing
identidad ng lahing Meranaw
4.9 Makikila at mauuunawaan natin ang kulturang Meranaw sa pamamagitan ng pag-
alam sa kanilang mga materyal na kultura.

Rekomendasyon
Batay naman sa naging konklusyon ng pag-aaral, inirerekomenda ng mananaliksik
ang mga sumusunod:
1. Alamin ang mga materyal na kultura na kaakibat ng mga ritwal na isinasagawa ng
mga mamamayan ng Tugaya.
2. Bigyang pansin din at pag-aralan ang tungkol sa proseso ng paggawa ng mga
obrang sining ng Tugaya lanao del Sur.
3. Maraming kwentong nakabalot sa munisipalidad ng Tugaya kaya kailangan itong
dalumatin upang mapag-aralan.
4. Maraming lugar ang nakapalibot sa munisipalidad ng Tugaya, Gumawa ng isa pang
pag-aaral na katulad nito para malaman natin kung mayroon din gumagawa ng mga
materyal na kultura gaya ng ginagawa sa Tugaya.
5. Laliman pa at palawigin pa ang pagpapahalaga sa mga materyal na kultura ng mga
Meranaw upang malaman ng ibang kultura na mayroong natatangi at kakaibang
materyal na kulturang mayroon ang mga Meranaw.

Mga Reperensya
Boast, F.C. (1896). The Shiping of American Anthropology.University of Chicago Press.
Cayongcat, A.T. (1986). Knowing the Maranao: A research on Maranao ways of Life and
Cultural Heritage (2nd Edition) Manila: Scorpion Printing Corporation.
Macarambon, M.S.(1979). Maranao Women on Artscraft and Malong. Mind
anao Arts and Culture. University Research Center. MSU-Marawi City.
Madale, M.T. (1974). Mindanao Journal. University Research Center.Mindanao State
University.Marawi City.
Madale, M.T. (1976). The FolkLiiterature of the Maranao.University Research Center:
Mindanao State University, Marawi City.
Mangorangca, A.D. Dicol, J.P. et. al.(2014) Olawla a Meranaw: Kaban ng Tradisyunal at
Nagbabagong Materyal na Kultura ng mga Meranao.( Di-nailathalang
Andergradweyt). Departamento ng filipino. MSU-IIT, Iligan City.
Martir, C.D.F (2011).Imahen ng kababaihang Maranao Maguindanaon, at Tausug sa ilang
Piling Kwentong Bayan.MSU-IIT.Iligan City.
Palipis, E.S. (2007). Introduction to Sociology & Anthropology. Manila: National Bookstore.
Pandi, T.G. (2001). Sempad a Maradika a Paninggalan sa Ranao. Marawi City: Abdul
Rashid Balt.
Panopio, I.S. & Felicidad, C.V. et.al.(1994) General Sociology Focus on the Philippines (3rd
Edition). Quezon City: Ken, Incorporated.
_____________________________. (1988).Sociology and Anthropology: An Introduction.
Manila: Good Will Trading Co., Inc.
_____________________________(1980).Sociology Focus in The Philippines. Quezon City.
Ken,Incorporated.
Pangcoga, L.M.(2015) Paghahanda ng Pagkain ng mga Meranaw sa Masui:Pagalongan ng
Kanilang Kultura. (Isang Disertasyon). Departamento ng Filipino.MSU-IIT, Iligan
City.
Semorlan, T. & Hufana, N, (2010). Kaalamang-bayan ng mga Pilipino.MSU-IIT.Iligan City.
Si Monaimah Gubat-Manabilang ay nagtuturo sa Mindanao State University, Marawi
City, mula noong Nobyembre 2005 hanggang sa kasalukuyan. PO3 Jamiel Dalig Manabilang
ang pangalan ng kanyang asawa at mayroon silang anim na anak. Natapos niya ang kanyang
AB Filipino at Master of Arts in Filipino sa Mindanao State University, Lungsod ng Marawi.
Kasalukuyan siyang Kumukuha ng Digring Ph.D sa Filipino sa Mindanao State University -
Iligan Institute of Technology, Lungsod ng Iligan.

You might also like