You are on page 1of 1

PAGTALUNTON SA KAUGALIANG MERANAW SA MGA KWENTONG BAYANG MERANAW

Almayrah A. Tiburon, mayanne82@yahoo.com


Mindanao State University, Marawi City

Abstrak

Napakahalaga ng pangangalap o pangongolekta ng literatura ng bawat tribo sapagkat sa


pamamagitan nito’y nagpapayaman ng literaturang Filipino at napapanatili ang kaugalian na
maipapasa nila sa mga susunod pang henerasyon. Ang pangangalap na ito ay isang gawaing
kailangang gampanan bago ito mabaon sa limot. Nararapat na malaman ang mga kaugalian noon
lalo na sa kasalukuyang kalagayan na ang lahat ay nasa makabagong pamamaraan. Masasalamin
ang mga kaugaliang ito sa mga kwentong-bayang Meranaw na mabisang pagpapalipas ng
panahon at kinagigiliwan nilang magsalaysay ng mga ganitong uri ng kwento upang mapanatili
ang kultura at tradisyon. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay: Una, makakalap ng mga kwentong
bayang Meranaw ng Lanao del Sur na hindi pa nalilimbag. Pangalawa, malaman ang mabubuti at
di-mabubuting ugali ng mga tauhan sa mga kwentong bayan. Pangatlo, matukoy ang repleksyon
ng mga ugaling Meranaw na nasa kwentong-bayang sinuri. At pang-apat, mabatid ang
kahalagahan ng mga kwentong bayang Meranaw sa literaturang Pilipino. Ginamit ang
pamaraang palarawan o deskriptib sa pag-aaral na ito na nilapatan ng pagsusuring moralistiko.
Natuklasan ng mananalik ang mga mabuting ugali na masasalamin sa mga kwentong-bayan gaya
ng pagdidisiplina sa anak, pagiging magiliw sa bisita, pag-akyat ng ligaw sa bahay, pagtitiwala,
kasipagan, paghahanap sa magulang na matagal na nawalay, katapatan ng pag-ibig, pagkakaisa,
at pag-aalala sa anak. Samantala, ang mga di-mabuting ugali naman na masasalamin sa mga
kwentong-bayang sinuri ng mananaliksik ay katakawan, manloloko, kayabangan, katangahan,
katamaran, rido, sobrang maprinsipyo, at magagalitin. Ang mga kwentong-bayang sinuri ng
mananaliksik ay may malaking maitutulong sa lipunan ng mga Meranaw. Ito ang naging
lunsaran ng kanilang mga ninuno sa paghubog ng mga ugaling dapat panatilihin kung mabuti na
tunay ring makatutulong sa pamumuhay at huwag naman tularan kung ito ay hindi mabuti dahil
paniguradong magdudulot ito ng kapahamakan sa buhay ng tao.

Mga susing salita: kwentong bayan, Meranaw, kaugalian, mabuti, di-mabuti

You might also like