Professional Documents
Culture Documents
1. Panimula
Papaksain ko sa panayam na ito ang maka-layong katangian ng mga wika sa Pilipinas. Ang pagiging
maka-layon ay isa sa tampok na katangian ng ating mga wika. Hindi po tayo maka-simuno, gaya ng Ingles,
kung kayat ang kategorya ng subject ay hindi makabuluhan para sa ating mga Pilipino. Higit na
importante sa atin ay ang entidad na dumaranas ng epekto ng isang aksyonang layon. Patutunayan ko ito
sa pamamagitan ng ebidensyang nagmumula sa morposintaktika o gramatika. Sa proseso ng aking
pagpapatunay, inaasahan ko na mabibigyan ko kayo ng ilang bagong kaalaman tungkol sa kung paano mag-
isip ang mga Pilipino, at kung paano sinasalamin ang gayong pag-iisip sa wika.
Sa simula, gusto kong sabihin na ang wika ay nabubuhay sa dalawang klase ng daigdig: ang daigdig
ng mga konsepto at ang daigdig ng mensahe. Bago magpadala ng isang mensahe, iniisip muna ng isang
tagapagsalita kung ano ang gusto niyang ipahatid na ideya. Habang iniisip niya kung ano ang sasabihin,
maaari nating sabihin na nasa daigdig pa siya ng konsepto. Pero sa sandaling isinalin niya ang naturang mga
ideya sa isang partikular na anyo, sa oras na binigyan na ng tagapagsalita ng anyong oral o nakasulat ang
kanyang gustong sabihin, nasa daigdig na siya ng mensahe. Alam ko na medyo may pagka-idealisado ang
ganitong paliwanag, sapagkat mahirap mag-isip ng isang mensahe nang hindi iniisip ang kongkretong mga
salita o wika, hindi po ba? Pero ang gusto ko pong bigyang-diin dito ay ang sumusunod: ang daigdig ng
mensahe ay ang kakintalan ng pinakaimportanteng konsepto ng isang partikular na kultura, at ang mga
konseptong ito ay nakaimbak hindi lamang sa leksikon o bokabularyo kung hindi pati sa gramatika ng
nasabing kultura. Sa ibang pananalita, kapag pinag-usapan natin ang gramatika ng mga wika sa Pilipinas,
hindi lamang natin pinag-uusapan dito ang mga tuntunin sa pagsasama ng mga salita upang magbuo ng mga
parirala at pangungusap. Ang gramatika ng mga wika sa Pilipinas ay kakintalan sa kung paano mag-isip ang
mga Pilipino.
3. Panaguri at panagurian
Kapag nag-uusap ang mga tao, nag-uusap sila sa pamamagitan ng serye ng mga pangungusap at
proposisyon. Ang pangungusap, kung gayon, ay isang importanteng construct o yaring-isip na kailangan
natin upang ilarawan ang morposintaktika ng natural na pagsasalita ng tao.
1
-
Sa (1) at (2), ang panaguri ay ang lumapit at nilapitan. Pinapanagurian ng mga ito ang entidad na si Pedro
at si Maria. Sa teknikal na salita, ang si Pedro at si Maria ay ang mga argumento ng nasabing mga panaguri.
Sa madaling sabi, ang argumento ay tumutukoy sa isa o mahigit pang kalahok na nasasangkot sa kahulugang
isinasaad ng panaguri.
Ano naman ang panaguri? Ang panaguri ay nagpapakita ng relasyon na namamagitan sa dalawa o
mahigit pang mga argumento, o maaaring tumukoy sa isang katangian na maaaring maging angkop sa isa o
mahigit pang argumento. Halimbawa, sa (1) at (2), ang panaguri na lumapit at nilapitan ay nagpapakita ng
relasyon na namamagitan kay Pedro at kay Maria, kung saan si Pedro ay tagaganap at si Maria ay ang
tagatanggap. Ang mga halimbawa ng panaguring pangkatangian ay ang sumusunod:
Sa (3), ang katangian na maganda ay inilalapat sa argumentong si Maria. Sa (4) ang katangian na maganda
ay inilalapat sa ang damit ni Maria.
Sa bahaging ito, gusto kong sabihin na ang mga panaguri at mga argumento ay naka-encode sa ilang
klase ng mga pananalita, na kung tawagiy mga salitang pangnilalaman. Pamilyar tayo sa mga salitang
pangnilalaman, laluna sa mga pandiwa at pangngalan. Sa ganang akin, ang prototopikal o karaniwang
tungkulin ng mga pandiwa ay magsilbing panaguri, samantalang ang prototipikal na tungkulin ng mga
pangngalan ay gumanap bilang argumento.
Ngunit, may ilang klase ng mga pananalita na hindi masyadong nabibigyang-pansin pero gumaganap
ng importanteng papel sa pagpapakahulugan. Ito ang mga salitang pangkayarian, na kilala natin sa
pangalang pantukoy.
Sarado (o sosyl o elitista ang grupong ito) sapagkat halos hindi nagbabago ang kasapian nito.
Ang mga pantukoy sa Tagalog/Filipino, halimbawa, ay kinabibilangan lamang ng ang, ng at sa (na
nagmamarka sa mga reperenteng pambalana,) at si/sina, ni/nina at kay/kina (sa mga ngalang-tao.)
Walang gaanong leksikal na kahulugan sapagkat tinatanggap ng mga pantukoy ang kanilang
kahulugan alinsunod sa gamit ng mga ito sa pangungusap at sa diskurso.
Ang ibig sabihin naman ng tungkuling pansemantika ay ang kakayahan ng pantukoy na kilalanin
ang ugnayang pansemantika (i.e. ahente, pasyente, benepisyaryo, lokasyon, panahon, atbp.) ng mga
argumento. Halimbawa, sa (1), dahil sa si at kay, nalalaman natin kung sino ang lumapit at kung sino ang
nilapitan sa pangungusap. Gayundin ang papel na ginagampanan ng ni at si sa (2).
Ang ibig sabihin ng tungkuling pampragmatika ay ang kakayahan ng pantukoy na kilalanin kung
ang argumento ay kumakatawan sa luma o bagong impormasyon, tiyak o hindi tiyak, generiko o ispesipiko
atbp. Halimbawa, ang pagsambit sa (1) at (2) sa karaniwang pag-uusap ay naghuhudyat na si Pedro at si
Maria ay mga lumang impormasyon: may kakayahan ang kausap na kilalanin kung sino ang mga ito.
2
-
Ang ibig sabihin ng tungkuling panggramatika ay ang kakayahan ng mga pantukoy na kilalanin
kung alin sa mga argumento ang gumaganap bilang simuno (A), layon (O), simunong-layon (S) o obliko
(OBL). Mas marami tayong sasabihin tungkol dito sa takbo ng diskusyon.
Gayundin, ang damit, kapag ginamit na walang pantukoy ay madalas na gamitin para sa tungkuling
pangkatangian o pampanaguri, hindi para sa tungkuling pangreperensyal.1 Halimbawa:
(8) A: `Ano iyan?
B. `Damit ito.
Sa (8) ay ginagamit ang damit bilang panaguring nominal at dahil dito ay hindi reperensyal. Ang paggamit
sa damit bilang panaguri ay nagkakaloob sa bagay na hawak ni B ng katangiang pandamit. Ibig sabihin,
isinasaad nito na ang hawak ni B ay kabilang sa isang klase ng mga entidad na may katangiang pandamit.
Subalit, sa istriktong pakahulugan ay walang kongkreto o reperensyal na damit na pinag-uusapan sa
pangungusap na ito. Pansinin na higit na reperensyal ang damit sa (4), kaysa (8). Bakit? Nang dahil sa
pantukoy.
Ang tungkuling pangreperensya ng pantukoy ay ang dahilan kung bakit sa ilang espesyal na
pagkakataon ay ikinakabit ng mga tagapagsalita ang mga ito sa mga hindi-pangngalan. Magkagayunmay
nakakabuo pa rin ng mga ekspresyong reperensyal, gaya ng makikita sa sumusunod na halimbawa.
Tagalog
(9) at ang pare at siya ay naghihintay ng sasabihin ng sundalo.
(10) nakatanaw siya ng bahay na mailaw sa pinatutunguhan ng kalabaw.
(11) Nakausap ko ang magandang nakaupo dito kanina.
(12) Ibigay mo kay Cesar ang kay Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos.
Pansinin na ang pantukoy na ng sa (9) ay idinudugtong sa isang pandiwa; ang sa sa (10) sa isa ring
pandiwa; ang ang sa (11), sa isang pang-uri; at ang ang sa (12), sa isang parirala na pinangungunahan ng
isa ring pantukoy.
Ang kasasaad pa lamang ang batayan kung bakit may ilang lingguwistang nagsasabi na pre-
categorial ang mga salita sa mga wika sa Pilipinas at wala raw gramatikal na pagkakaiba ang mga
pangngalan at mga pandiwa (Gil, 1993; Himmelman, 1991). Anila, kung ang mga tinatawag na pandiwa at
pang-uri ay maaaring umokupa sa parehong pusisyon na katatagpuan ng pangngalan (i.e. pagkatapos ng
pantukoy), e di walang pagkakaiba nga naman ang mga pangngalan sa pandiwa. Ang ganitong palagay ay
nasagot na ni De Guzman (1996) sa kasiyasiyang paraan. Ipinaalala ni De Guzman, halimbawa, na ang mga
pandiwa ay may voice (pokus) at aspekto, samantalang ang mga hindi pandiwa ay wala nito. Ang mga
3
-
pangngalan ay maaaring maging pambalana o pantangi, samantalang walang ganitong katangian ang mga
pandiwa at pang-uri. Ang mga pang-uri ay may mga superlatibo at komparatibong anyo, samantalang ang
mga pangngalan at pandiwa ay wala nito.
Subalit sa aking palagay, ang mas matimbang na ebidensya para sa pagkakaibang pangngalan-
pandiwa ay ang aktwal na gamit ng mga tagapagsalita. Kumuha ako ng 12ng teksto buhat sa Bikol (5),
Ilokano (3) at Sebwano (4) at siniyasat ko kung anong mga sangkap ng pangungusap ang umookupa sa
pusisyong pang-argumento. Sa kabuuang 3,156 na argumentong nabilang ko, may 221 o 7% lamang ang
hindi pangngalan o nominal.
Itoy nangangahulugan na ang paggamit ng mga hindi-pangngalan (mga pandiwa at pang-uri) bilang
katuwang ng mga pantukoy ay hindi pangkaraniwan. Sa teknikal na salita, ang mga konstruksyong ito ay
mga markadong konstruksyon at hindi prototipikal na halimbawa. May mga espesyal na dahilan kung bakit
pinahihintulutan ang ganitong mga konstruksyon, bagay na hindi ko kayang talakayin sa artikulong ito.2
Gayunman, malaking ambag ang mga hakahaka nina Gil at Himmelman sa ating pagkakaunawa sa
tungkuling pang-reperensiya ng mga pantukoy. Kung kikilalanin ang ganitong kapangyarihan ng pantukoy,
baka kailangan nating baguhin ang pagsusuri sa kung alin ang pang-ulo sa isang nominal na prase o NP. Sa
isang konstruksyon gaya ng si Pedro, ipinapalagay kalimitan na ang Pedro ay siyang pang-ulo ng prase. Sa
alternatibong pagsusuri, pwedeng sabihin na ang pang-ulo ay ang pantukoy. Sa ganitong analisis, ang
pantukoyhindi ang katuwang na salitang pangnilalamanay siyang nagtatakda ng pagiging NP ng isang
konstruksyon. Ang salitang pangnilalaman (i.e. Pedro) ay may punsyong pangkatangian. Sa ibang
pananalita, ang pantukoy ay siyang nagkakaloob ng pagka-NP ng isang konstruksyon, samantalang ang
salitang pangnilalaman ay siyang nagpapalaman o nagbibigay-sustansiya sa pagka-NP nito. Ang puntong ito
ay nangangailangan ng ibayong pagsisiyasat.
Bukod sa punsyong pangreperensya ng pantukoy ay mayroon itong isa pang katangian na malaon na
nating alam pero hindi gaanong napag-iisipan. Ito ay: ang pagka-panghalip ng mga pantukoy.
Ang may pagka-panghalip ng mga pantukoy ay makikita sa pagkakapareho ng set ng mga anyo nito
sa set ng mga panghalip na panao o pamatlig (demonstratibo). Ang mga pantukoy at mga panghalip ay may
hindi kukulangin sa tatlong kaukulan: palagyo, paari at obliko. Halimbawa sa pangungusap (1) at (2),
sinasabi na ang pariralang si Pedro at si Maria ay nasa kaukulang palagyo. Hindi aksidente na may anyong
palagyo din ang panghalip sa ikatlong panauhan (siya). Pansinin na nasa relasyong paradigmatiko ang siya,
sa isang dako, at ang si Pedro at si Maria. Ang ni Pedro sa (2) ay maaari ding halinhan ng panghalip na niya
na parehong nasa kaukulang paari. Gayundin, maaaring ihalili ang obliko na panghalip na kaniya sa kang
Maria sa (1).
Malinaw kung gayon na may pagkakahawig ang ugaling pansintaktika ng mga panghalip at ng mga
konstruksyong may pantukoy. Ito ay nagpapatibay sa isang realisasyon. Ang mga konstruksyong ito ay
nabibilang sa espesyal na klase ng mga salitang may kaukulan at may tungkuling pangreperensya. Ang
kaukulan ng mga panghalip at ng mga pariralang minamarkahan ng pantukoy ay gumaganap ng malaking
papel sa gramatikal na relasyon.
4
-
7. Ang S, A, O, at OBL
Nabanggit na sa itaas na ang pantukoy at panghalip ay may tatlong kaukulan: palagyo, paari at
obliko. Gusto kong ipakita na ang mga pantukoy (at lahat ng mga anyong may kaukulan) at ang panlaping
pampandiwa ay nakatutulong upang ipagbukod ang mga tinatawag kong mga pang-ubod (core) na
argumento doon sa mga wala-sa-ubod (mga non-core o obliko).
Ang isang batayang palagay sa aking pagkokonsepto sa morposintaktikang Pilipino ay ang paghahati
ng mga sugnay sa mga palipat at mga katawaning konstruksyon. Para sa akin, ang isang palipat na
konstruksyon ay isang konstruksyon na may dalawang pang-ubod na argumento: A at O. Ang A ay
kumakatawan sa pinagmumulan ng aksyon, ang tagakontrol ng aksyon na siyang nagtatakda ng resulta
nito. Ang O ay kumakatawan sa pinakaapektadong entidad, ang elemento na dumadanas ng epekto ng
aksyon ng isang A. Tingnan ang mga halimbawang nasa ibaba:
Pansinin na ang mga argumentong aso, mga legionnaire, Pedro at fans ay gumaganap ng
magkakaibang tungkuling pansemantika. Pero ang mga itoy pawang minamarkahan ng mga pantukoy na sa
o ni. Samantala, iyong bata, mga patay, ang iyong pag-alis, at ang iyong pelikula ay gumaganap din ng
magkakaibang tungkuling pansemantika pero minamarkahan ng ang (o si). Ang pagmamarka ng mga
ahente, taga-ekspiryensya at tagatanaw sa pamamagitan ng isang uri ng pantukoy (ng/ni) at ang
pagmamarka ng mga pasyente, benepisyaryo, sanhi, dahilan at persepto ng magkaibang pantukoy (ang/si) ay
naghuhudyat na may nagaganap na neutralisasyon ng mga tungkuling pansemantika. Ito ay nagbibigay-
matwid sa pagklasipika sa unang grupo bilang mga A, at ang ikalawang grupo bilang mga O. Sa lahat
ng mga halimbawang ito, ang mga A na tumatanggap ng ng/ni na pantukoy ay siyang pinagmumulan ng
aksyon na nagkokontrol sa aksyon at nagtatakda ng resulta nito. Samantala, ang lahat ng O na
tumatanggap ng ang/si na pantukoy ay siyang pinakaapektadong entidad, ang elementong dumadanas o
sumasailalim sa epekto ng nasabing mga aksyon.
Bukod sa mga pantukoy, may isa pang pormal na paraan para makilala ang isang palipat na
konstruksyon: ang panlaping pampandiwa o kung tawagin ng maramiy ang pokus na panlapi. Sa ganang
akin, palipat ang konstruksyon kung ang panlapi ng pandiwa ay alinman sa in, -an at i-. Batay sa
pamantayang ito, ang lahat ng mga konstruksyon sa (13)-(16) ay pawang mga palipat na konstruksyon.
5
-
pinakaapektadong entidad sa pangungusap. Ang pormal na patunay dito ay ang pagkaka-coindex dito ng
panlaping pampandiwa at ang pagtanggap nito ng pantukoy na palagyo, ang ang o si/sila.
Pansinin na mahirap tukuyin ang tungkuling pansemantika ng nominal na minamarkahan ng ang. Pero ang
ganitong kahirapan ay hindi naman malaking hadlang upang tanggapin na ang (17) ay katawanin. Sa
tradisyunal na gramatika, ang (17) ay katawanin sapagkat walang itong layon. Subalit hindi lang ganito ang
pagkokonsepto ko sa isang katawanin.
Para sa akin, ang isang konstruksyong katawanin ay isang konstruksyon kung saan ang
pinagmumulan ng aksyon ay siya ring pinakaapektadong entidad. Sa (17), ang palaka ay siyang
pinagmumulan ng aksyon ng pagtalon, pero ito rin ang sumasailalim sa proseso ng pagtalon. Sa madaling
sabi, ang palaka ay gumaganap sa dalawang konseptwal na katayuan. Ang entidad na ito ay tumatanggap ng
markang ang at tinatawag dito na S. Kakaiba ang katawanin sa palipat sapagkat sa ikalawang
konstruksyon ay distintibo o magkahiwalay ang A at O. Ang pagkadistintibo ng A at O ay
inihuhudyat ng magkakaibang mga pantukoy, ng o ni para sa A at ang o si para sa O. Sa katawanin, ang
mga katayuang itoy nakasanib sa iisang entidad, ang S, na tumatanggap ng markang ang/si na kapareho
ng O ng isang palipat.
Pansinin na ang palaka na siyang S sa (17) ay siya ring kino-coindex ng pandiwang tumalon.
Hindi ito aksidente, manapay dagdag na ebidensya sa aking kontensyon na ang kino-coindex ng panlaping
pampandiwa at ang tumatanggap ng pantukoy na palagyo (ang o si) ay ang pinakaapektadong entidad sa
pangungusap. Ito ay ang S ng katawaning konstruksyon, at ang O ng palipat na konstruksyon.
Sa puntong ito, hayaan ninyong magbigay ako ng iba pang mga pangungusap upang mapalawig at
mapalalim ang ating diskusyon.
Ang mga pangungusap na (13a) (16a) ay kilala ninyo bilang tukuyan (active) o mga Actor Focus
na alternatibo ng (13) (16). Sa pag-aaral na ito, ang mga konstruksyong ito na nasa (13a)- (16a) ay pawang
mga konstruksyong katawanin.
Tututol ang marami sa inyo. Paano nangyari ito? Ang turo sa amin ay sa sandaling ang isang
pangungusap ay may layon, ito ay transitibo. Marami rin sa inyo ang mangangatwiran na ang (13a) at (16a)
ay may mga layong pansemantika, at nang dahil dito ay nararapat na ituring na palipat.
Hindi po ganito ang pagsusuring sinusunod sa pag-aaral na ito. Ang (13a) at (16a) ay tinatawag na
palipat-sa-semantika (dahil may layong pansemantika) pero itinuturing na katawanin-sa-gramatika. (Sa
Ingles, ang mga ito ay semantically transitive pero grammatically intransitive). Sinusuri ko ang mga
6
-
konstruksyong ito na binubuo lamang ng iisang core o pang-ubod na argumento, ang S. Ang layong
pansemantika ng mga ito ay itinuturing na mga obliko (OBL) at hindi ganap na apektadong layon. Upang
ang bata ng (13a) at ng pelikula mo ng (16a) ay maituring na tunay na O, kailangan ng mga ito ng
dalawang bagay: una, kailangan nitong tumanggap ng pantukoy na palagyong ang o si; at ikalawa, kailangan
nitong ma-coindex ng panlaping pampandiwa. Hindi pumapasa ang nasabing mga layon sa dalawang
pamantayang ito. Bukod sa hindi kino-coindex ng panlaping pampandiwa ay nakakoda pa ang mga ito sa
pamamagitan ng pantukoy na obliko na sa. Kung gayon, hindi rin sila ang pinakaapektadong entidad sa mga
pangungusap na ito. Uulitin. Ang pinakaapektadong entidad ng isang pangungusap ay kinakailangang naka-
coindex sa panlaping pampandiwa at markahan ng pantukoy na palagyong ang/si.
Magkakaiba kung gayon ang pagkokonsepto dito ng isang katawaning konstruksyon. Sa pag-aaral na
ito, ang isang katawaning konstruksyon ay may iisang gramatikal na argumento, ang S. Ang S ay kino-
coindex ng panlaping intransitibong um- at tumatanggap ng panandang palagyo (i.e. ang o si). Ang
pandiwang may um-/m- ay maaaring magkaroon ng layong pansemantika, gaya ng makikita sa (13a) at
(16a).3 Subalit dahil ang layong ito ay tumatanggap ng pantukoy na obliko at hindi naka-coindex ng
panlaping pampandiwa, hindi ito maaaring ituring na isang O o isang tunay na layon. Hindi rin ito
maituturing na pinakaapektadong entidad sa pangungusap. Sa katawaning konstruksyon, ang S ang
itinuturing na pinakaapektadong entidad.
Sa madaling sabi, kung ano ang pagtutulungan ng pantukoy at ng salitang pangnilalaman sa antas ng
parirala upang gampanan ang tungkuling pangreperensya ay gayon naman ang pagtutulungan ng panlaping
pampandiwa at ng pantukoy upang makilala ang pinaka-apektadong entidad sa antas ng pangungusap.
Para sa akin, ang pagkatransitibong Pilipino ay binubuo ng mga sangkap o katangianang ilay
pansemantika-pragmatika at ang ilay pansintaktikakung saan ang pagkakaroon ng layon ay maaaring
isa lamang sa mga sangkap na ito. Gusto kong isipin na ang mga sangkap na ito ay siyang isinasaalang-alang
ng mga tagapagsalita bago pumili ng pandiwa (o panlaping pampandiwa) at lagyan ng mga pantukoy ang
mga argumento.
TRANSITIBO INTRANSITIBO
(1) Pagkadistintibo ng mga Distintibong A at O Distintibong S
argumento
(2) Kinetika Kilos Estado
(3) Partikularidad ng Partikular Panlahat
Aksyon
(4) Pagiging Tapos Tapos Di-Tapos
(5) Aspekto Maiklian Matagalan
(6) Direksyon Paiba Pasarili
(7) Pagkamasikap Masikap Hindi masikap
(8) Pagkasadya Sadya Kusa
(9) Pagkatuky ng Layon Nakatukoy sa isang layon Hindi nakatukoy sa isang
layon
(10) Pagkaapekto ng Ganap na apektadong Hindi ganap na apektadong
layon layon layon
7
-
Mapapansin na magkapares ang mga katangian. Ang unang miyembro ng pares ay kumakatawan sa
mataas na pagkatransitibo, samantalang ang ikalawang miyembro ay kumakatawan sa mababang
pagkatransitibo o pagkaintransitibo. Ang kolumna o hanay para sa transitibo ay tumutukoy sa prototipikal na
katangian ng isang palipat na konstruksyon. Ang kolumna sa intransitibo ay tumutukoy doon sa prototipikal
na katawanin. Subalit, hindi tulad sa tradisyunal na gramatika, ang pagkatransitibo ay tinitingnan dito na
isang continuum. May gradasyon ang pagka-palipat at pagka-katawanin at maaaring sabay na magpakita ang
isang pandiwa ng mga katangiang palipat at katawanin.4
Tingnan natin kung paano nagiging mapagpasya ang mga sangkap na nasa itaas sa desisyon ng
tagapagsalita sa kung paano ieenkoda ang magkatulad na proposisyon. Ang mga halimbawang nasa itaas ay
binigyan ko rito ng bagong mga numero:
May ilan tayong mga pagkakatulad o komonalidad na maoobserbahan sa mga pangungusap na ito.
8
-
Ang mga halimbawa ay nagpapakita rin ng pagkakaiba sa antas ng pagsisikap na ibinubuhos ng mga
tagaganap sa kanilang mga aksyon. Ang paglalarawan sa mga aktibidad sa (b) ay parang walang kahirap-
hirap at walang kasikap-sikap nilang naipapatupad ang aksyon o kilos na nakasaad sa pandiwa. Pansinin na
kahit na ang nalungkot ay isang pandiwa, mas malapit ang kahulugan nito sa isang estado kaysa kilos. Higit
na may aktibidad sa ikinalungkot kaysa nalungkot. Gayundin ang masasabi sa kontrast ng nagnobena vs.
ipinagnobena at nanood vs. pinanood. Madalas kong iharap ang mga pares na ito sa mga impormante at
hingan sila ng interpretasyon sa kaibhan ng mga ito. Ang karaniwang komentaryo sa nagnobena at nanood
ay: Wala lang. Nagdasal at nanood lang sila. Ang depiksyon sa aktibidad ay tungkulin. Itoy kabaligtaran
ng mga (a), kung saan ang mga tagaganap ng aksyon ay inilalarawan na kumikilos sa isang mulat at
pursigidong paraan. Ang karaniwan at hindi markadong proposisyon ay: Nanood ang mga fans ng pelikula
mo. Pero kung may ibang mga sirkumstansya: walang pera ang mga fans, pero gumawa sila ng paraan para
mapanood ang pelikula mo; at gusto kong patampukin ang pagsisikap na ito, baka higit na angkop na
ipahayag ang pangyayari sa pamamagitan ng Pinanood ng mga fans ang pelikula mo!
Ang ikatlong obserbasyon ay may kinalaman sa modalidad ng aksyon, gaya ng kinetika [2],
direksyon [6], aspekto [5], pagiging tapos [4], at partikularidad ng aksyon [3]. Kapag ikinumpara natin ang
mga konstruksyon batay sa pamantayang ito, lalabas na ang mga transitibong konstruksyon (a) ay higit na
aktibo; nakatuon sa isang panlabas na layon; mas maikli; tapos; at nagpapahayag ng partikular na mga
aksyon o aktibidad. Sa kabilang dako, ang mga intransitibong konstruksyon (b) ay nagpapahayag ng
kahulugang pang-estado; pasariling direksyon ng pagkilos; pangmatagalan; hindi tapos o hindi malinaw ang
tapos; at nagsasaad ng panlahatang aksyon.
Sa madaling sabi, malinaw na ang isang semantikong layon na minamarkahan ng pantukoy na sa/kay
ay hindi tunay na layon at hindi tunay na O; itinuturing itong simpleng obliko lamang. Ang pantukoy na
obliko ay siyang nagtatatag ng distansyang pansemantika sa pagitan ng pandiwa at ng layong pansemantika.
Ito ang dahilan kung bakit hindi natatanggap ng nasabing layon ang buong epekto ng aksyon. Samantala,
ang isang tunay na layon ay iyong elementong naka-coindex sa panlaping pampandiwa at minamarkahan ng
pantukoy na palagyo (ang o si/sila). Ang pantukoy na palagyo ay siyang tumitiyak na ito ay isang tunay na
layon na dumadanas at sumasailalim sa buong epekto ng aksyon.
9
-
Kung gayon, ang pantukoy na palagyo ay tagapagpakilala sa tunay na pinakaapektadong entidad,
hindi lamang sa palipat kundi maging sa katawaning konstruksyon.
Sa pag-aaral na ito, ang mga konstruksyon na minamarkahan ng panlaping pampandiwang in, -an at
i- ay itinuturing na palipat, samantalang iyong minamarkahan ng panlaping um-/m- ay katawanin. Ito ay
sumasalungat sa tradisyunal na pagsusuri kung saan ang aking palipat ay kinaklasipikang pasiba, at ang
aking katawanin ay aktiba.
Ang mga karaniwang katangian na matatagpuan sa pasiba sa ibang wika ay: (a) ang pagkakasupil sa
ahente; (b) ang higit na kumplikadong morpolohiya ng pasiba kumpara sa aktiba; at (c) ang kahulugang
pang-estado o stative ng pandiwa ng pasiba. Halimbawa:
Ganito ang ibig sabihin sa pagkakasupil ng ahente sa isang tunay na pasiba. Pansinin na sa (22),
hindi tukoy at walang banggit kung sino ang responsible sa pagkakapaslang ng pasyente. Sa (23), ang
pagkakasupil sa ahente ay bunga ng konteksto kung saan ang eroplano ay pinalilipad ng mga nilalang na
kung tawagiy piloto. Sa parehong kaso, hindi na kailangang kilalanin ang ahente sapagkat malamang ay
hindi ito importante sa istorya.
Gaya ng natuklasan ng mga lingguwista tulad ni Shibatani (1988), hindi ganito ang nangyayari sa
mga umanoy pasiba sa mga wika ng Pilipinas. Makikita sa (18a), (19a), (20a) at (21a) na patuloy na
umiiral ang simuno sa pangungusap. Kung nasusupil man ito sa aktwal na diskurso ay madaling hanapin
ang indibidwal na reperente para dito. Madalas ding matagpuan na kasama ng pasyente ang isang ahente sa
mga pasiba sa mga wika sa Pilipinas. Kung gayon, hindi kwalipikado ang (18a), (19a), (20a) at (21a) sa
pagiging pasiba batay sa unang pamantayan.
Tungkol sa kahulugang pang-estado ng tunay na pasiba, walang ganitong kahulugan ang mga
halimbawang (a) sa (18) (21). Gaya ng natalakay na, ang mga sinasabing pasiba ay siya pa ngang
nagpapamalas ng mas maraming katangian ng isang aktiba. Sa kabilang dako, iyon naming sinasabing
aktiba ay nagpapamalas ng mas maraming katangian ng mga pasiba sa ibang mga wika.
10
-
B. Tungkol sa pagiging subject o paksa ng naka-coindex na nominal
Sumasang-ayon ang pag-aaral na ito na ang isang importanteng tungkulin ng panlaping pampandiwa
ay ang kilalanin ang tungkuling pansemantika ng nominal na kino-coindex nito sa pangungusap. Subalit
hindi ako sumasang-ayon na ito ay isang uri ng subject o paksa. May dalawang kahulugan ang subject
sa tradisyunal na gramatika. Ito ay ang pinag-uusapan at ang pasimuno ng aksyon. Gaya ng ipakikita sa
ibaba, hindi matatawag na paksa ang nakapokus na nominal sapagkat walang ebidensya na ito ang pinaka-
topical na elemento sa isang pangungusap. Hindi rin matatawag na subject ang nakapokus na nominal
sapagkat hindi sa lahat ng pagkakataon ay naka-coindex ng panlaping pampandiwa ang pasimuno ng
aksyon.
Ang kontra-ebidensya laban sa katawagang subject at paksa sa nakapokus na nominal ay
matatagpuan sa sumusunod na bahagi ng isang istoryang Sebwano, na isinalin ko sa Tagalog. Dito sa
parteng ito ng kuwentong pinamagatang Blue Dahlia ni Dodds Gagelonia, minsan lang binanggit ang
pangalan ng pangunahing tauhan na si Dading. Hindi na siya kailangang banggitin pa kahit bilang panghalip
sa sumunod na pangungusap. Itoy dahilan sa napakataas na pagkapaksa nito. Ibig sabihin, walang pag-
aalinlangan na si Dading ang siyang pinag-uusapan sa bahaging ito kung kayat maaari na siyang maisakoda
bilang anaporikong zero.
Sebwano
(24) (a) Napalong ang panan-aw ni Dading ug (b) gilunopan ang mga mata sa wala kapugnging luha. (c)
Mitawag sa taxi balik sa Maritima. (d) Nakalimtan na ang brown envelope. (e) Giusab ang iskedyul ug (f)
kay diha may bapor nga lumalarga sa sunod buntag, (g) nagpabok. (h) Ug unya milibot sa piyer nga
masulub-on. (i) Sa hapit na ang paniudto, misulod saShamrock ug (j) sa radiola gipatugtog ang Ill Be
Seeing You.
Obserbahan ang katumbas nito sa Tagalog, na minarapat kong isama ang nawawalang mga salita sa
pamamagitan ng nakapanaklong na panghalip.
Tagalog
(9) (a) `Nandilim ang paningin ni Dading at (b) napuno ang (kanyang) mga mata sa hindi mapigil na luha.
(c) Tumawag (siya) ng taxi pabalik sa Maritima. (d) Nakalimutan na (niya) ang brown envelop. (e) Binago
(niya) ang iskedyul (f) at dahil may bapor na paalis kinabukasan, (g) nagpa-book (siya). (h) At mayamaya,
lumibot (siya) sa piyer na lipos ng lungkot. (i.) Magtatanghali, pumasok (siya) sa Shamrock at (j) sa radio ay
pinatugtog (niya) ang `Ill be Seeing You..
Ang tekstong ito ay nagpapakita ng hindi kukulangin sa sampung pangungusap, kung saan ang paksa
ay ipinakikilala sa unang pangungusap sa pamamagitan ng isang buong NP. Sa susunod na siyam na sugnay,
ang reperente para kay Dading ay pawang naka-encode sa pamamagitan ng zero. Mapapansin na sa
katumbas sa Tagalog na magkakaiba ang nasabing mga zero sapagkat hindi lahat ng mga itoy naka-coindex
sa panlaping pampandiwa bilang nakapokus na nominal. Halimbawa, ang zero sa (b) ay isang possessor ng
mata; sa (c) at (d), ito ay nakapokus na NP; sa (e), ito ay isang di-nakapokus na NP; sa (f), (g), (h) at (i),
ito ay nakapokus uli na NP; at sa (h), isang di-nakapokus na NP. Ang pagsasalit-salitan ng zero bilang
nakapokus at di nakapokus na elemento ng pangungusap ay nagpapatunay na hindi sa lahat ng oras ay naka-
coindex sa panlaping pampandiwa ang paksa. Samakatwid, ito ay ebidensya laban sa pagtawag sa naka-
coindex na nominal bilang paksa. Samantala, ang pasimuno ng aksyon ay hindi nako-coindex ng
panlaping pampandiwa sa (b), (e) at (h). Ito ay ebidensya na ang motibasyon sa pagko-co-index ng isang
panlaping pampandiwa ay hindi ang pagiging paksa at hindi rin ang pagka-pasimuno ng aksyon.
11
-
C. Ang Kakulangan ng Definiteness Hypothesis
Tagalog
(25) a. Pumatay siya ng tao.
b. Pinatay niya si Galman.
c. *Pumatay siya kay Galman.
Sa (25a), ang pasyente ay hindi tiyak, samantalang sa (b), si Galman ay isang partikular na entidad. Ang di-
gramatikal na (c) ay nagpapatotoo sa naturang haypotesis. Ngunit, ang bisa ng haypotesis ay mabilis na
naglalaho sa harap ng ibang datos sa parehong wika at sa iba pang WP:
Tagalog
(26) a. Humalik ako sa kanya.
b. Hinalikan ko siya.
Bikol
(28) a. Nagpaluwas ako kan ayam.
`Nagpalabas ako ng aso (tiyak ang aso).
Sebwano
(29) a. Nangita kog regalo para sa iya.
`Naghahanap ako ng regalo para sa kanya. (di tiyak ang regalo)
b. Nangita ko sa iya.
`Walang katumbas sa Tagalog pero ang pinakamalapit ay: Kailangang ko siyang makita, pero hindi
ako pursigido sa paghahanap sa kanya.
Sa (26), ang biktima (o tagapakinabang) ng paghalik ay parehong tiyak. Gayundin ang entidad na dinalaw
sa (27). Sa (28), pinahihintulutan ng pandiwang nagpaluwas ang tiyak o di-tiyak na aso bilang `layon.
Gayundin, ang pasyente ng nangita sa Sebwano (29) ay maaaring maging tiyak at di-tiyak. Sa madaling
sabi, hindi mabuting haypotesis ang definiteness sapagkat hindi nito kayang ipaliwanag ang nabanggit na
mga kaso. Sa palagay ko, ang bersyon ng pagkatransitibong Pilipino na tinalakay sa nakaraang seksyon ay
higit na nakapaglilinaw sa mga dahilan at motibasyon ng isang tagapagsalita na piliin ang isang partikular na
panlaping pampandiwa at kung paano mamarkahan ang mga argumento ng kani-kanilang pantukoy.
12
-
8. Pangwakas na pananalita
Ang nakaraang diskusyon ay nagtuturo sa atin na ang pagkatransitibo ay mapagpasyang salik sa pag-
oorganisa ng mga pangungusap sa mga wika sa Pilipinas. Ang gramatisasyon ng pagkatransitibo ay makikita
sa tungkuling pang-coindex ng panlaping pampandiwa at sa sistema ng pagmamarka ng mga argumento sa
pamamagitan ng mga pantukoy. Sa kaibuturan, ang gayong paglalapi at pagmamarka ay gramatisasyon ng
pinakaapektadong entidad o sa madaling salita, ng gramatikal na layon. Itoy dilit iba kundi ibayong
kumpirmasyon sa pahayag ni Cena noong 1977, na ang mga wika sa Pilipinas ay makalayon, kumpara sa
maka-simunong katangian ng Ingles.
______________________
Mga Tala
1
May mga konstruksyon na tinatawag na cleft, focus o identificational na binubuo ng dalawang
reperensyal na ekspresyon, gaya ng makikita sa: (a) Isang bata ang namatay at tatlo ang nasugatan. at sa
(b) Si Juan ang kumain sa mangga. Sinusuri ko ang ganitong mga pangungusap na mga pragmatiko-
markadong konstruksyon. Ang ganitong mga konstruksyon ay may tungkuling kontrastibo, kung saan ang
unang reperensyal na parirala ay kumakatawan sa focus o focal na elemento, at ang ikalawang
reperensyal na parirala ay kumakatawan sa presupposed na impormasyon. Mangangailangan ito ng hiwalay
na pagtatalakay.
2
Malamang na pragmatiko ang motibasyon para sa ganitong mga konstruksyon. Halimbawa, nakuha ko ang
sumusunod na tagpo na kinasasangkutan nina Andy at Fe sa isang nobela ni Edgar Reyes na may pamagat na
Puto at Dinuguan.
Nagkataong tumila ang ulan, mahinang ambon lang, nang lumabas ng orphanage si Fe. Nakapayong
ito. Sa pagliko, nakita man nito ang nakaparadang pick-up ay hindi pinansin, hindi alam na siya ang
may dala. Ibinaba niya ang salamin ng bintana, dinungaw siya, kinawayan at tinawag. Fe!
Napatigil. Hinanap nito ang tumawag at nakita siya.
Sa tekstong ito, makikita na hindi totoo ang hinala ng ilang mga lingguwista na anything can go
anywhere. May mga espesyal na dahilan sa paggamit ng mga konstruksyon gaya ng ang may dala at ang
tumawag. Sa huling token, hindi maaaring ipalit dito ang si Andy sapagkat hindi naman alam ni Fe na siya
ang tumawag.
3
Tingnan ang pahina 17 ng papel na ito para sa morpolohikal na pagsusuri ng mga pandiwang ito. Kaya
tinatawag na palitlapi ang m-/n- ay sapagkat pinapalitan nito ang unang tunog na tangkay. Halimbawa,
kapag pinalitan mo ng m-/n- ang unang tunog na p- ng pamaak, malilikha ang pandiwa na
mamaak/namaakt. Ang m-/n- na palitlapi ay alomorpo ng um- na intransitibong gitlapi.
4
Matatagpuan ang ebidensya nito sa mga sadya at di-sadyang mga pandiwa, gaya ng hinawakan ng pulis
ang kamay niya. vs. nahawakan ng pulis ang kamay niya. Ang ikalawang halimbawa ay sinusuri dito na
sabay na kinakabitan ng panlaping transitibo na an at panlaping intransitibo na m-/n-. Ang tangkay nitong
huli (nahawakan) ay kahawakan. Pinapalitan ng n- ang unang tunog ng tangkay para mabuo ang
nahawakan. Ang dalawang pandiwa ay transitibo sapagkat parehong nagtataglay ng A na nasa kaukulang
paari (i.e. may pantukoy na ng) at O na nasa kaukulang palagyo (i.e. may pantukoy na ang). Gayunpaman,
ang nahawakan ay higit na intransitibo kaysa hinawakan, sa mga kadahilanang pormal at pansemantika.
___________________________
Mga Reperensya:
Blake, Barry. 2001. Case. Cambridge: Cambridge University Press. 2nd Edition.
Cena, Resty. 1977. Patient primacy in Tagalog. Paper read at the Winter Meeting of the Linguistic Society of
America.
13
-
Cooreman, Ann. 1994. A functional typology of antipassives. In Barbara A. Fox and Paul J. Hopper, eds.,
Voice: form and function, 49-88. Amsterdam: John Benjamins.
Croft, William. 1991. Syntactic categories and grammatical relations. Chicago: University of Chicago Press..
De Guzman, Videa P. 1996. Lexical Categories in Tagalog. In Pan-asiatic Linguistics (Proceedings of the
Fourth International Symposium on Language and Linguistics) Vol. 1. Bangkok, Thailand: Mahidol
University, pp. 307-321.
Dixon, R. M. W. 1979. Ergativity. Lg. 55.59-74.
Foley, William A. and Robert D. Van Valin, Jr. 1984. Functional syntax and universal grammar. Cambridge
University Press.
Fox, Barbara and Paul J. Hopper, eds. 1994. Voice: form and function. Amsterdam: John Benjamins.
Gil, David. 1993. Syntactic Categories in Tagalog. In Pan-Asiatic Linguistics. Proceedings of the Third
International Symposium on Language and Linguistics. Vol. III. Bangkok: Chulalongkom University
Printing House, 1136-1150
Himmelmann, Nikolaus P. 1991. The Philippine Challenge to Universal Grammar. Arbeitspapier Nr. 15
Kln: Institut fr Sprachwissenschaft.
Hopper, Paul and Sandra Thompson. 1980. Transitivity in grammar and discourse. Language 56, 2:251-299.
Hopper, Paul J. and Sandra A. Thompson. 1984. The discourse basis for lexical categories in universal
grammar. Lg. 60.4: 703-752.
Kemmer, Suzanne. 1993. The middle voice. Amsterdam: John Benjamins.
Klaiman, Miriam H. Affectedness and control: A typological study of voice systems. In Shibatani 1988.
Li, Charles, ed. 1976. Subject and topic. New York: Academic Press.
Li, Charles N. and Sandra A. Thompson. 1976. Subject and topic: a new typology of language, In Charles N.
Li, ed., Subject and topic, 457-489.
McFarland, Curtis D. 1989. A frequency count of Filipino. Manila: Linguistic Society of the Philippines.
Mithun, Marianne 1991. The role and motivation in the emergence of grammatical categories: the
grammaticization of subjects. In Elizabeth Traugott and Bernd Heine (eds). Approaches to
grammaticalization, vol. II, 159-184. Amsterdam and Philadelphia: John Benjamins.
Mithun, Marianne. 1994. The implications of ergativity for a Philippine voice system. In Fox, Barbara and
Paul J. Hopper (eds.) Voice: form and function. Amsterdam/Philadelphia: John Benjamins, 247-277.
Mithun, Marianne and Wallace Chafe. 1999. What are S, A, and O? In Studies in Language 23.3:569-596.
John Benjamins Publishing Company
Naylor, Paz Buenaventura. 1980. Linking, relation-marking and Tagalog syntax. Ausronesian studies: Papers
from the second Eastern Conference on Austronesian Languages, ed. by Paz Buanevantura Naylor,
33-50. Ann Arbor: University of Michigan, Center for South and Southeast Asian Studies.
Nolasco, Ricardo Ma. 2003. Ang pagkaergatibo at pagkatransitibo ng mga wikang Pilipino: Isang Pagsusuri
sa Sistemang Bose. Ph.D Dissertation. Unibersidad ng Pilipinas Diliman Quezon City.
Nolasco, Ricardo Ma. 2006. Ano ang S, A, at O? Papel na binasa sa ika-9 ng Kongreso ng Linggwistika sa
Pilipinas. NISMED, UP Diliman, Quezon City.
Reid, Lawrence A. 2002. Determiners, nouns or what? Problems in the analysis of some commonly
occurring forms in Philippine languages. Oceanic Linguistics 41.2:295-309.
Reyes, Edgar, 1994. Puto at dinuguan. Hongkong: Books for Pleasure, Inc.
Schachter, Paul. 1976. The subject in Philippine languages: actor, topic, actor-topic, or none of the above. In
Li, ed. 491-518.
Schachter, Paul S. and Fe Otanes. 1972. Tagalog reference grammar. Berkeley: University of California.
Shibatani, Masayoshi, ed. 1988. Passive and voice. Amsterdam: John Benjamins.
Shopen, Timothy, ed. 1985. Language typology and syntactic description (3 volumes). Cambridge:
Cambridge University Press.
Surian ng Wikang Pambansa. 1940. Balarila ng Wikang Pambansa. Manila: Bureau of Printing.
Van Valin, Robert and Randy J. LaPolla. 1997. Syntax. Cambridge: Cambridge University Press.
14
-
15
-